“Ano ang dapat kong gawin para sa ‘yo?” Nginisian naman ako ni Yuno nang marinig ang tanong ko. “You don’t have to worry a thing. I will lead the way. I’ll teach you.” Hindi na ako sumagot pa at saka ko isinara ang pinto ng kwarto ko para ‘di na siya makapasok pa. Dumeretso ako sa kama ko at saka umiyak doon. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong isipin. Akala ko ay kukulitin pa ako ni Yuno, pero hindi na siya kumatok pang muli. Lord, ano na po ang dapat kong gawin ngayon? Nakatulog na ako sa sobrang pag-iyak ko. Nagising ako kinabukasan at nang tingnan ko ay oras ay wala akong pakialam. Hindi pa rin ako kumilos kahit na dapat nagsisimula na ako ngayon na magtrabaho. Wala sa wisyo ang katawan ko ngayon. Tsaka sinabihan naman ako ni Yuno na hindi niya kailangan ng katulong dit

