“How did you know about my family— Wait… Nagsasalita ka ng tagalog?!” Imbis na unahin ko na magulat dahil sa sinabi niya na tungkol sa hospital bills ni Papa, mas nagulat pa ako na marunong siyang magsalita ng Tagalog! Ang tuwid pa at Pinoy na Pinoy ang pagkakasabi niya. Pero teka… “You just heard me talk in Tagalog yesterday. Did you forget already? May short term memory loss ka ba?” Halos masapo ko ang noo ko dahil sa sarili kong katangahan. Sa dami-dami kong iniisip, nakalimutan ko nang alam ko na nga pala na marunong siyang magsalita ng Tagalog. Bumagsak na ang balikat ko. Naisip ko na ulit ang mga dapat kong isipin. Hindi ko na dapat pang iniisip kung may lahi ba na Pilipino ang lalaki na ‘to o naturuan lang siya magsalita ng Tagalog. Hindi naman ‘yon importante. “Paano mo nalama

