19: Dance With You

1375 Words

Pinapanood ko lang si Yuno na gumawa at magtimpla ng iba’t-ibang mga klase ng inumin. Ang sabi niya sa akin kanina ay panoorin ko na lang muna siya dahil gagawin na niya ang lahat ng mga balak niya na ipatikim sa akin. Para hindi na ako maghihintay pa ng panibago kapag titikman ko. Dere-deretso na lang daw na maraming inumin sa harapan ko. “Bakit hindi bar ang naging negosyo mo? Pwede ka naman na magpatayo ng sarili mong negosyo. Magaling ka naman pala sa paggawa ng iba’t-ibang mga klase ng alak,” sambit ko. Para naman kahit papaano ay mapag-usapan kaming dalawa. Hindi ko pa rin nakakain ang sisig na inihanda ko. Mabuti na nga lang at sakto din ‘yon para sa dalawang tao. Natatakam din naman ako na tikman ang sarili kong luto. Wala naman talaga akong balak na magtagal dito at samahan siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD