“Noelle, are you still awake?” Sunod-sunod na pagkatok ang narinig ko mula sa kwarto ko. Nanonood lang ako ngayon ng mga korean dramas sa phone ko dahil hindi pa rin naman ako inaantok. Tapos maririnig ko na kinakatok na naman ako ni Yuno dito sa kwarto ko. Sinubukan ko muna na manahimik para maisip niya na tulog na ako. Hindi ako nagsalita o bumangon para pagbuksan siya ng pinto. Bahala siya d’yan na maghintay sa labas. Hindi naman pwede na sirain niya ‘yon para makapasok dito sa loob. ‘Di naman niya siguro ‘yon maiisip na gawin. “I know that you’re still awake. Come out now,” sambit pa niya. Bahala ka d’yan. Hindi mo naman malalaman kung tulog ako o hindi! Napatingin pa tuloy ako sa paligid ko ngayon. Dahil baka mamaya ay may inilagay na siya rito na hidden cameras. Nang masigura

