17: Truth or Lie

1897 Words

Wedding? Sino kaya ang babae na ‘yon? Nakukuryoso man ako, pero wala na ako sa lugar para makinig pa sa magiging usapan nila. Napagdesisyunan ko na lang na pumasok sa basement at magpahinga sa kwarto ko. Binuksan ko ang TV sa kwarto ko at sinubukan na manood para ‘di na muna mag-isip pa. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na ‘di mapaisip sa narinig at nakita ko kanina. Hindi kaya ay fiancee niya ang babae na ‘yon? Gano’n ang mga nababasa ko tungkol sa mga anak mayaman, eh. ‘Yong ikakasal sa iba dahil arrange marriage at dahil sa negosyo nila. Maganda pa naman ang babae. Baka nga may special relationship silang dalawa at ‘di ko lang alam. Tapos ikakasal na sila? Ay ewan ko ba. Kaya ba ako pinagmamadali ni Yuno kanina na makabalik sa loob ng bahay at ayaw niya na makita ako ng babae n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD