Matapos ang sagot niya na ‘yon ay hindi na ako nagsalita pa at nanahimik na lang. Gano’n din ang ginawa niya, kaya naman ay tahimik na lang kami sa buong biyahe. Medyo may kalayuan din ang naging biyahe namin mula sa mansyon nila. Siguro ay mga kalahating oras na biyahe bago kami nakarating sa hindi ko alam na lugar. Parking lot na kasi ang napasukan namin ngayon at mukhang nasa basement pa. Kaya ‘di ko alam kung nasaan na kaming lugar. Hindi ko rin naman siya matanong ngayon kung nasaan na kami. Bumaba na siya sa sasakyan, kaya ‘di ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya. Agad na rin ako na bumaba. “Follow me,” utos niya sa akin. Tahimik lang ako na sumunod sa kaniya. Sumakay kami sa elevator sa right side na may nakalagay na ‘FOR VIP USE ONLY’. Ibig sabihi

