Nakatitig lang ako ngayon sa hawak ko na business card na ibinigay sa akin ni Drake. Paano ko kaya ‘to gagamitin? Tumatak sa akin ang mga salita ni Drake noong isang araw. Hindi man niya ipaliwanag sa akin kung ano ang ibig niyang sabihin, pero alam ko kung ano nag tinutukoy niya. Posible naman na alam niya kung ano ang gawain ng kaibigan niya. Sa tingin ko rin ay sila lang ang magkaibigan talaga na sobrang close. Kaya siguro ay kilalang-kilala niya si Yuno. Sa reaksyon niya habang sinasabi niya sa akin ‘yon ay mukhang ‘di naman niya gusto ang mga ginagawa ni Yuno sa mga babae. Pero ang tanong… Bakit hinahayaan niya lang? Kung talagang ayaw niya ng ginagawa ni Yuno sa mga babae at alam niya na mali, bakit hindi niya pinagsasabihan o pinipigilan ang kaibigan niya? Ang ginagawa niya ay a

