Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin doon? Napainom na lang ako sa kape na ibinigay niya sa akin. Kapag naman may nangyari sa akin ay siya lang ang sisisihin. Siya lang naman ang kasama ko rito sa mansiyon. Wala naman sigurong lason ‘to o ‘di kaya ay droga? Napapaisip na ako ng husto, eh. “Wala ka bang mga tanong sa akin?” tanong niya muli. Talagang ipipilit niya na makilala namin ang isa’t-isa ngayon, ah? Napabuntong-hininga naman ako at nag-isip na lang ng pwede kong itanong sa kaniya. “Tumira ka ba sa Pinas noon? Ang galing mo kasi na magsalita ng Tagalog. Very fluent.” “Doon ako pinanganak ni Mom. We migrated here in LA when I was in high school. Doon ako nag-aral ng elementary. But when I was in college, I studied there for a year. I think I already told you about that.” Oo

