24: Jealous

2048 Words

“Bro, chill… I thought you said that she was just a friend of yours?” Binitawan naman ni Yuno ang kwelyo ni Drake. Nagulat ako nang marinig ang isinigaw ni Yuno kanina sa kaniyang kaibigan. Ngayon ko lang napagtanto na ipinakilala nga pala ako ni Yuno kay Drake bilang kaibigan niya sa mall noong nakaraan! Nawala na sa isip ko na nagkita pala kami roon. Tapos ‘di naman alam ni Yuno na nakita na ako ni Drake rito sa mansiyon noong nakaraan at alam niya na kasambahay ako rito. Nauna pa nga ako na nakita ni Drake kaysa kay Yuno na amo ko. Mabuti na lang at nasabi niya kay Yuno ‘yon ngayon! Ang baliw ko rin naman kasi dahil nagpakita pa ako kay Drake ngayon! Nawala na talaga sa isip ko na may pangyayaring gano’n. Pero bakit naman ako tinawag ni Yuno na babae niya? Nakalimutan na din ba ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD