CHAPTER 3

1228 Words
“Alam ko na!” bulalas niya matapos maka-isip ng paraan. Dali dali siyang naglakad palapit sa gate kung saan naroon ang guard. Agad siya nitong napansin kaya isinagawa na agad niya ang plano. Kumimbot siya ng pagkaganda ganda saka ngumiti ng nakakaakit hanggang sa makaharap ito. “Ahm pogi...” Mas lalong nanlaki ang dati nang malaking mata nito nang ipatong niya ang isa niyang paa sa nakangat na semento kaya naman lumitaw ang maputi at makinis niyang hita sa harapan nito. Palihim siyang natawa nang matunghayan ang itsura nitong parang uminom ng isang galong suka sa sobrang kaputlaan. Kahit nandidiri man ay naisipan parin niyang hawakan ang baba nitong mabalbas. “Sige na pogi, papasukin mo na ako, saglit lang naman ako sa loob eh.” malambing niyang sabi dito na ikinanginig nang katawan nito. “E-eh mam, k-kasi...” nabubulol nitong sambit. Mas lalo pa itong nataranta nang ibaba niya ang kanyang kamay mula leeg hanggang sa dibdib nito kaya naman nakita niya ang paglunok nito. At ang tukmol, napapikit pa! “Hindi mo ba nakikita pogi oh, namumula pa ang leeg ko. Kakagaling ko lang kasing ospital dahil naaksidente ako. Maawa ka naman sakin, pleeeease.” “M-mam,...’di po tala---” “Hay naku, bahala ka. Type pa naman sana kita, hmp!” Akma na sana siyang tatalikod nang pinigilan siya nito. Muntik nang umusok ang ilong niya nang makita ang kamay nito sa pulsohan niya. Pero tiniis niya iyon para sa plano. “Ah miss, sige payag na ako. Pasok ka na, pero sandali lang ha.” nakangisi nitong turan saka siya pinagbuksan ng gate. “Talaga?!” tuwang bulalas niya. “Salamat pogi. Dahil diyan may kiss ka mamaya.” aniya saka kinindatan ito na ikinakagat ng labi nito. Nagmadali siyang pinasok ang gate at naglakad sa pasilyong hindi niya alam kung saan paroon. Asan na kaya yun?... Ni pangalan at kurso ay di niya alam dito kaya nahirapan at natagalan siyang hanapin ito. Nadaanan na niya ang admin room, conference at ang canteen pero wala ito sa mga iyon. Kakaunti lang din ang mga nakikita niyang estudyante kaya malamang ay nagka-klase na ang mga ito. Maya maya ay narinig niya ang mahinang boses ng lalaki sa di kalayuan ng pasilyo. Pamilyar ang boses na iyon kaya naman binilisan niya ang kanyang lakad palapit doon. Nakarating siya sa tapat ng Laboratory Room. Nakita niyang bahagyang bukas ang pinto niyon kaya dahan dahan siyang sumilip sa loob. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang matanaw ang lalaking may-ari ng boses na iyon. Ang taong may-ari ng boses na iyon na ngayon ay nakatayo sa maliit na stage at nagpi-present sa harap ng mga kaklase ay walang iba kundi si Mr. Gwapo! Na suplado... Agad siyang pumasok doon at umupo sa bakanteng upuan sa likuran ng mga estudyante. Hindi siya napapansin ng mga ito at si Mr. Pogi lang ang may posibilidad na makita siya kaya naman kumaway siya para mapansin nito. Hoy, andito ako! At iyon nga, nahagilap ng tingin nito ang pagkaway niya at agad nanlaki ang mata pagkakilala sa kanya. Natigil ito sa pagsasalita at nandilim ang mukha sa kanya. Nginitian niya lang ito kaya naman nagsalubong ang kilay ng binata at mabigat na napabuntong hininga saka ipinagpatuloy ang pagpresenta sa tabi ng projector. Lumubo ang pisngi niya at pinigilang matawa nang magkanda-bulol bulol ito sa pagsasalita. Alam niyang nawawala ang concentration nito nang dahil sa kanya. Baka, natulala sa ganda ko, charing! Nagpasya siyang hintayin na lang ito sa labas kaya akma siyang tatayo nang biglang tumunog ang cellphone niya. ‘You do note is da liar is my peyk, peyk, peyk, pe-pe-peyk, peyk, peyk...’ Napaigtad siya at awtomatik na napatayo nang agad siyang lingunin ng mga naroon at salubong ang mga kilay sa kanya. Nataranta siyang kinuha ang cellphone sa dala niyang shoulder bag at agad na pinindot ang answer button nito. “Hell---” Napangisi na lang siya nang mapansin ang kanina pang nandidilim na mukha ng lalaki sa stage. Nakatiim-bagang na ito at parang mananakit ng kapwa sa sama ng tingin sa kanya. “S-sorry...” Dali dali siyang tumakbo palabas ng kwartong iyon at nakonsyensya. Kung bakit ba naman kasi hindi niya naisipang i-silent ang kanyang cellphone. Yan tuloy, mukhang galit na galit sa kanya ang lalaki.   BREAK TIME na nang makalabas si Maverick sa Lab. Inayos muna kasi niya ang mga gamit niya sa presentation. Hindi parin naglalaho ang inis niya sa babaeng iyon na bigla nalang lumitaw sa room at nanggulo roon. Mabuti nalang at hindi nag-isip ang mga kaklase niya na kilala niya ang babaeng iyon Naglalakad siya patungo sa faculty para isumite ang folder niya sa kanyang prof. Muntik na siyang mapalpak sa presentation kanina dahil doon sa babae. Nadi-distract siya sa presensya nito kaya nabubulol siya sa pagsasalita kanina. Ang hindi niya maintindihan ay kung paano nakapunta doon ang babaeng iyon at paano siya nito natunton. Tsk! That’s stupid woman... Natigil sa paglalakad ang binata nang may humarang sa kanyang dinaraanan. At agad na kumulo ang dugo niya nang makilala ito. At nakangiti pa talaga ito na akala mo walang kasalanan sa kanya. “Ikaw na naman?!” galit na sigaw niya rito na ikinawala ng ngiti nito. Tuloy ay may mga lumitaw na mga estudyante doon. “What are you doing here?” “M-magti-thank you lang sana ako sayo...” anito na akala mo’y biglang nahiya sa kanya. “Thank you? After you almost ruined my presentation kanina?” angil niya rito. “You know what, tatanggapin ko sana yang thank you mo kung hindi mo lang dinagdagan ang atraso mo sakin! Muntik mo na akong ipahiya!” “S-sorry...” nasabi nalang nito saka napayuko para iwasan ang masama niyang titig. “S-sorry?” natawa na lang siya. “Pwes, sorry ka rin dahil di ko tatanggapin iyang sorry mo!” Naglakad na siya at nilampasan ito. “You better go out of here dahil bawal ang outsider dito.” seryosong dagdag niya. Napabuntong hininga nalang siya nang marami ang nakatingin at nagbubulungan. Siguradong ako ang headline ngayon sa campus.   NAPAKO sa kinatatayuan si Anastacia at natulala sa tinuran ng lalaki sa kanya. Agad niyang nilingon ang papalayong lalaki. Ang bwisit na toh! “Hoy!” sigaw niya na ikinalingon nito sa kanya at salubong ang kilay. “Akala mo kung sino ka! Pa-ingles ingles pang nalalaman, ang yabang mo!” Napatiimbagang ito. Pero agad ding tumalikod at naglakad palayo. “Hoy! Suplado! Akala mo sobrang gwapo mo, mukha ka namang butike!” dagdag pa niya na inis na inis dito. Padabog siyang naglakad patungo sa gate. “Kung ayaw mo ng thank you, e ‘di ‘wag! Kung ayaw mo ng sorry, mas lalong manigas ka, dahil huli kong salita iyon!” At di lang iyon. Tumili pa siya nang pagkalakas-lakas, walang pakialam kahit na may nakakakita at nakarinig sa kanya. Galit na galit siyang lumabas ng gate at hindi pinansin ang security guard. At ang kumag, nakangisi pa na akalain mo may malaking regalong hinihintay. “Miss, ‘yong kiss?” pahabol pa nito kahit nakalayo na siya. “Tse!!!” sigaw niya rito. Napaatras naman ito sa pagkagitla. Nang hindi pa talaga siya nakontento ay tumingala pa talaga siya at buong lakas na sumigaw. Animo’y lahat ng masasamang elemento ng ispiritu ang sumapi sa kanya.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD