CHAPTER 16

1687 Words
CHAPTER 16 NAGPATULOY ang laro hanggang sa wala na silang maisip na tanong. Unti unti naring bumabalot ang dilim at ang liwanag na lang ay nagmumula sa mga ilaw ng cottages at light post. Nagkaroon na lang sila ng pag-uusap tungkol sa kani-kanilang buhay lalo na sa trabaho. “How about you, Maverick?” baling ni Joan dito at napatingin naman si Tasya. “What’s your job?” “I’m a resident doctor. Kakatapos ko lang kasi sa pre-med. I’ll start my residency next month.” “Wow! That’s nice.” puri ni Joan saka takang napatingin kay Tasya. “But how did you meet Ann?” Nagkatinginan muna silang dalawa ni Maverick. “It’s a long story, but we actually met by an accident, literally accident.” “What do you mean accident?” tanong naman ni Cheska. Napatingin si Maverick kay Tasya kaya napabuntong hininga siya. “Nabunggo ko ang likuran ng kotse niya.” aniya. “OMG, what?” bulalas ni Cheska. “Were you two alright then?” Tumango siyang nakangiti. “W-wala namang nasaktan at nasugatan saming dalawa.” Nang tumingin siya kay Maverick ay napansin niyang nagpipigil ito ng ngiti. Marahil ay naalala nito ang itsura niya noong maaksidente sila. “Oh, ganun pala.” napatingin siya kay Joan. Halatang peke ang ngiti nito kaya napakunot-noo siya. “Akala ko kasi sa Bar mo siya nakilala.” hindi nga siya nagkamali. Hindi lingid sa kaalaman nito na nagtatrabaho siya noon sa Bar. Hindi niya sinabi pero narinig nito ang pag-uusap nila noon ni Mrs. Dela Cruz. At hindi siya na magtataka kung pinagkalat narin nito ang tungkol doon. Seryosong napalingon dito si Maverick. “Why?” “Didn’t you know? Nagtatrabaho si Ann sa Bar noon.” Nakita niyang nagsalubong ang kilay ni Maverick. “I know, so what?” Halata namang natigilan si Joan at napahiya kaya nag-iwas siya ng tingin at ininom ang kanyang alak. Sa inis niya ay unubos niya ang laman ng kanyang hawak na beer at naghanap pa ngunit mukhang ubos na lahat iyon. Kahit kanina pang ramdam niya ang epekto ng alak ay gusto niya paring uminom dahil hindi niya alam kung saan nanggagaling ang inis niya kay Joan. Habang ang ilan sa staff at modelo ay nakayuko na tanda nang kalasingan. “I’ll buy more beer.” paalam ni Maverick sa kanya saka tumayo. “Samahan na kita.” aniyang akmang tatayo. “No, it’s fine. Ako na lang. Just wait here, okay?” nakangiting anito kaya napangiti rin siya. “Okay.” Tumalikod na sa kanila si Maverick at naglakad palayo nang biglang tumayo si Joan at hinabol ang lalaki kaya nagsalubong ang kilay niya. “Maverick, wait!” anitong biglang lumingkis sa braso ng binata nang maabutan ito. “Sama ako.” “Hindi na Joan. Doon ka nalang.” tanggi ni Maverick na lumingon pa sa direksyon ni Tasya. Agad siyang umiwas ng tingin. “No, sasamahan kita. Let’s go.” sabi ng babae at hinila na ang binata. Umikot ang mata niya dahil doon. Hindi niya maitatangging nagseselos siya. “What’s that?” nagulat siya sa bulong sa kanya ni Oscar. “H-ha?” “Ang mukha mo.” “Anong meron sa mukha ko?” maang-maangan niyang tanong. Napalatak ito saka natawa. “You’re jealous.” mahinang sabi nito. Peke siyang natawa. “Haha, kung ano anong napapansin mo, Oscar.” “You are too obvious, lady.” Inikutan niya lang ito ng mata saka tumayo. “O saan ka pupunta?” tanong nito. “Iihi!” inis na singhal niya na ikinabungisngis nito. Padabog siyang naglakad palayo. Bigla itong tumayo at hinabol siya kaya tumigil siya sa paglalakad at inis na tiningnan ito. Nakangisi lang itong naglakad palapit sa kanya. “Ano?” tanong niya. “Bakit di natin alamin kung magseselos din ang isang yun pag nakita niya tayong magkasama?” Natigilan siya at nag-isip. Saka umiling. “Wala akong pake sa kanya!” aniya saka mabilis itong tinalikuran. Pero dahil marami na siyang nainom ay hindi niya kayang tumakbo at baka masubsob pa siya sa buhanginan. “Oy, hintayin mo ko!” patuloy parin sa paghabol sa kanya si Oscar. Hindi niya ito pinansin hanggang sa makarating siya sa palikuran. Sumisikip ang dibdib niya habang nakaupo sa toilet. Iniisip niya palang na magkasama sina Maverick at Joan ay hindi na niya maintindihan ang sarili. Nakikita niya sa kanyang isip na sinasambunutan niya si Joan dahil sa galit. Marahas siyang napailing. “Hindi mo siya boyfriend, Tasya, ano ka ba?” saway niya sa sarili at nagmadali nang maghilamos at mag-ayos ng sarili bago lumabas sa palikuran. “Ay puki!” gulat na bulalas niya nang maabutan sa labas si Oscar. Natakpan niya pa ang kanyang bibig dahil sa nasabi. “Ba’t nandito ka pa?” inis na singhal niya. Tumawa ito. “Umihi din ako, dun sa kabila. Hinintay kita.” “Tsk!” sumimangot siya saka ito tinalikuran. “Oy, sabay tayo.” humabol muli ito hanggang magpantay ang kanilang lakad pabalik sa kanilang pwesto. Mula sa malayo ay natanaw niya si Maverick na mukhang naghahanap dahil palinga-linga ito sa kung saan. Maya maya ay nagulat siya nang may umakbay sa kanya. “Oscar, ano ba!” pinilit niyang alisin ang braso nito pero napakabigat niyon. “I told you, malalaman natin ngayon kung magseselos si Maverick sa’tin.” Doon ay hindi niya alam kung bakit hinayaan nalang niya itong gawin. May parteng gusto niyang malaman kung magseselos ba si Maverick. Tuloy ay kinabahan siya nang malapit na sila sa gawi ni Maverick. Nakagat niya pa ang labi nang makita na sila nitong magkasama. Agad siyang napalunok nang makita niya sa tulong ng liwanag mula sa cottage na katapat ng kinatatayuan nito ang unti unting pagdilim ng mukha nito at pag-igting ng mga panga nito kasabay ang pagkuyom ng mga kamao nito. Pati si Joan ay nabitawan si Maverick dahil napansin din nito ang galit ng lalaki. Pagkaraay sumama ang mukha kay Oscar saka tumalikod. Nang ibalik niya ang tingin kay Maverick ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Matalim ang pagkakatingin nito sa kamay ni Oscar na nakaakbay parin sa kanya. Ang kaninang saya dahil nakikita niyang nagseselos ito ay napalitan ng takot at kaba. Napapalunok siyang kumawala kay Oscar at lumayo dito. “I-inaantok na ako, mauna na ako sa inyo.” paalam niya sa mga naroon na hindi niya alam kung tulog na ba dahil mga nakayuko na ang mga ito. Nagmadali siyang maglakad patungo sa kanilang cottage. Nang makarating doon ay dali dali siyang binuksan ang pinto at akmang isasarado iyon nang biglang may pumigil na isang kamay. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita kay Maverick na kahit hindi na madilim ang mukha ay seryoso parin ito at nagtatagis ang bagang na nakatitig sa kanya. “M-Maverick.” usal niya nang mapaatras dahil pumasok narin ito. Ito rin ang nagsarado ng pinto at mas lalo siyang kinabahan nang lumapit muli ito sa kanya. Umatras siya nang umatras hanggang sa maramdam niya ang pinto sa kanilang kwarto. Halos lumabas ang puso niya sa sobrang kaba nang pihitin nito ang siradura upang bumukas ang pintong iyon dahilan para sapilitang makapasok si Tasya. “M-Mav...” utal paring sabi niya na hindi parin nito tinutugon. Umaabante lang ito habang siya naman ay patuloy sa pag-atras hanggang sa mabunggo ang likuran ng tuhod niya sa kama at napilitang maupo roon. Hindi parin ito tumigil hanggang sa mapahiga siya at ma-corner sa mga braso nitong nakatukod sa kama. “A-anong gagawin mo?” napapalunok na tanong niya nang mataman siya nitong tinitigan. Maya maya ay sinunggaban siya nito ng halik. Hindi kaagad siya nakakilos dahil sa gulat. Ngunit nang maramdaman niya ang pagdagan nito sa kanya ay napayakap siya rito at tinugon ang halik nito. Naging mapusok ang halik nito na pilit naman niyang sinusundan sa pamamagitan ng pagsalubong sa pagpasok ng dila nito sa kanya bibig. Maya maya ay pinipilit kumawala ang impit niya nang nangahas nang maglakbay ang isang kamay nito mula sa dibdib niya hanggang sa hita niya na madali nitong nailalandas papunta sa ilalim ng kanyang palda. Ilang saglit pa ay kumawala ang labi nito at gumapang sa kanyang panga, sa kanyang tainga hanggang sa kanyang leeg kaya hindi na niya napigilang mapaungol. “Do you like him that much, ha?” sa wakas ay nagsalita ito sa pagitan ng paglasap sa kanyang balat. “H-ha?” aniyang mariin lang sa pagkakapikit. “Ganoon mo ba siya kagusto dahil hinahayaan mo siyang humawak sa’yo?” natigilan siya sa sinabi nito at napamulat. “H-hindi.” “Anong hindi?” tumigil ito at ngumisi ng peke sa kanya. “I told you to stay there. Pero pagbalik ko, wala kana, yun pala magkasama kayo.” Nakaramdam siya ng inis kaya sumama ang mukha niya rito. “Pero pag yung Joan ang dumikit sa’yo, okay lang? Ayos karin eh no?” mapaklang aniya na ikinatigil nito. “So, you are jealous now---” “Oo!” singhal niya. Saglit itong natahimik at napatitig lang sa kanya. Nilabanan niya iyon at hindi nagpahalatang kanina pa siyang nanghihina, kung hindi lang siya nakahiga ay baka bumagsak na siya sa sahig. “I’m also jealous...” pagkuway anito na lihim niyang ikinatuwa. “I wan’t to crush his arm for hugging you.” “H-hindi naman yakap yun.” katwiran niya. “Inakbayan niya lang ako.” “It’s almost a hug.” singhal nito. Napanguso na lang siya at napatitig naman doon si Maverick. “Ang totoo...” aniya para kunin ang pansin nito mula sa labi niya. “Sinadya lang naman ni Oscar iyon para pagselosin ka.” pag-amin niya. “Well, it worked. And don’t do it again.” banta nito. Hindi parin maalis ang inis niya. “Eh, wala namang tayo.” aniyang sa kisame lang nakatingin. “Dapat nga hindi natin to ginagawa.” Muli itong pumantay sa kanya at ngumiti. “Then I’ll make you mine, tonight.” bulong nito at siniil siya ng halik. “And I’m yours.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD