CHAPTER 15
MAYA maya ay umupo na ang lahat ng mga kasamahan niya at gumawa sila ng pabilog. Nasa gitna ang nakalatag na tela na may nakapatong na container na may barbeque at isang cooler na may lamang mga canned beer.
Napalingon si Tasya sa kanyang kaliwan nang maramdaman ang pagbunggo ng siko nito sa kanya. Saka lang niya napagtantong si Maverick iyon. Napansin niyang may hawak na itong beer at barbeque. Umiwas na kaagad siya ng tingin dito nang mapansin niyang katabi nito si Joan at nakalingkis ang kamay sa braso nito.
Sa kanan naman niya ay naroon parin si Oscar na abala sa pakikipag-usap sa katabi nitong kapwa modelong si Warren.
“Are you okay?” napalingon siya kay Maverick.
“O-oo naman, bakit?”
“Wala naman...” aniya saka napatingin sa stick niyang wala ng laman. Dumukwang ito sa gitna upang kumuha ng barbeque. Iaabot na sana nito iyon sa kanya.
“Here.” napalingon siya kay Oscar. Kinuha nito ang kamay niya at kinuha ang stick at pinalitan ng bagong barbeque.
Nakita niyang napabuntong hininga si Maverick.
“For me ba yan?” narinig niyang tanong ni Joan. Agad nitong kinuha ang barbeque na hawak ni Maverick. “Thanks.”
Nagkatinginan sila ni Maverick pero mabilis niyang inalis ang paningin dito. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya sa mga oras na iyon.
“Ang boring naman, maglaro tayo?” biglang sabi ng isang lalaking modelo na si Ryle. “Never have I ever!”
“Oh, I like that!” pagsang-ayon ni Joan.
“Game.” sabi naman ng karamihan.
Kung bibilangin silang nakaupong pabilog, mula staff at crew, photographer, mga modelo, si Tasya at si Maverick, sila ay labing anim.
“Here’s the rule.” pagsisimula ni Ryle. “Bawal niyo munang inomin ang kanya kanya ninyong hawak na beer. Bibigyan kayo ng panibagong beer para sa laro. Sa bawat tanong, ang guilty dapat inumin ang kanyang beer, dapat bottoms up, okay ba?”
“Game!” sabi ng mga modelo maliban kay Tasya.
“Ann, game ka ba?” tanong ni Ryle.
“S-sige.” aniyang napilitan dahil hindi pa niya nalalaro ganoong laro.
Agad na pinangbigyan ng tag-iisang canned beer ni Ryle ang mga naroon. Napailing si Tasya dahil kahit nagtatrabaho siya sa bar ay hindi siya ganoon karami uminom.
“Let’s start! Ako ang mauunang magtanong, then sunod sunod paikot.” ani Ryle. “Never have I ever... been blackout drunk.”
Agad na nagtinginan ang mga tao doon kasama na si Tasya. Siyempre, hindi niya ininom ang beer dahil hindi pa naman niya naranasan ang mawalan ng huwesyo dahil sa pag-inom.
Nakita niyang nilagok ni Oscar ang beer nito kaya pinagtawanan ito ng mga kasamahan.
“Na-scam ako no’n, guys. Dinaya nila ako.” nakasimangot na katwiran ni Oscar bago tuluyang ubusin ang beer. Napangiwi pa ito pagkatapos.
Sunod niyang nakita si Liza na inilagok din ang sariling alak. Tumawa siya ng bahagya kasabay ni Loise lalo na nang hirap lagukin ni Liza ang alak. Kung tutuusin, mas close pa siya sa mga staff at crew nila kaysa kapwa niya babaeng modelo. Mas magaan kasing kausap ang mga ito.
Maya maya ay taka siyang napatingin kay Maverick.
“What?” kunot noong tanong nito sa kanya.
“Di ba nakatulog ka din noon sa bar?”
“No,” tanggi ni Maverick. “I just fell asleep waiting for you back then.”
“Weh!” tudyo ni Ryle. “Knock out ka daw, pare, sabi ni Ann.”
“Bottoms up!” sabi naman ng mga babae.
Nakasimangot na lumingon sa kanya si Maverick. Napa-kibit balikat na lang siya.
Napabuntong hininga si Maverick saka sinimulang lagukin ang beer. Itinuwad pa nito ang lata para ipakitang wala na iyong laman.
Lahat ng wala ng alak ay muling binibigyan para sa pagpapatuloy ng laro.
“Next,” anunsiyo ni Ryle. Sumenyas sa katabing si Warren.
Tumikhim si Warren at napangisi nang may maisip. “Never have I ever had s*x on a beach.”
Natatawang napaungol ang ilan sa mga naroon lalo na ang mga lalaki.
Nakagat naman niya ang kanyang labi para pigilang matawa.
“Freak! I will never do that!” bulalas ni Lian.
Pero napatingin ang lahat nang sabay na tinungga nina Joan at Oscar ang kani-kanilang beer.
“OMG!” bulalas ni Cheska na papalit-palit pang napaturo sa dalawa.
“It’s dark and no one saw us there, dude.” katwiran ni Oscar kay Warren na naningkit ang mga mata. “What’s with that look?”
“You two?” turo ni Warren kay Oscar at Joan na sa baba lang ang tingin. Hindi nakasagot si Oscar.
“Is it true?” tanong ni Lian kay Joan pero sinamaan lang ito ng tingin at napabuntong hininga.
“Okay, moving on. Ako naman...” singit ni Oscar. “Never have I ever had a crush on a teacher.”
Natawa sina Warren at Ryle. “That’s cheesy.”
Napakibit-balikat na lang si Oscar. Sa tanong na yun, marami ang guilty. Si Joan, Lian, Cheska, Loise, Ryle, yung photographer at si Tasya ang uminom.
“That teacher, is actually my wife now.” sabi ng photographer na agad na hiniyawan ng mga naroon.
Napatingin si Maverick sa kanya dahil nahihirapan siyang ubusin ang laman niyon.
“Gusto mo, ubusin ko para sayo?” alok nito.
“Opps,” pigil ni Ryle. “Bawal, pare.” nakangising turan nito.
“Kaya ko to.” sabi ni Tasya saka pilit na inubos ang beer. “Hoo!” bulalas niya nang maubos iyon. “Ako naman.” Aniya. “Never have I ever... kissed my best friend.”
“Oh...” ungol ni Ryle.
Unang uminom si Joan na, sumunod naman si Oscar. Doon ay napakunot ang noo ng dalaga dahil nakangisi sina Lian, Chesca at Warren.
“Best friend with benefits, haha.” tudyo naman ni Ryle.
Sumama ang mukha ni Joan. “Matagal na yun, it was just a mistake.”
Nagpatuloy ang laro, si Maverick naman ang nagsalita. “Never have I ever used a fake ID.”
Sa puntong iyon ay walang guilty kaya nagpatuloy ang laro.
“Never have I ever ghosted someone.” ani Joan.
Mabilis na kumilos ang ilan sa kanila kabilang si Loise at Ryle.
“Tol, sinong ginhost mo?” natatawang tanong ni Warren.
“It was an emergency, wala akong choice kundi ang hindi siya siputin. Besides, my parents just asked me for that date.” nakasimangot na sagot ni Warren.
“Eh ikaw, Loise?” tanong ni Liza.
“Wala lang, di ko siya type.”
“Awit.” natatawang turan ni Warren.
Umikot nang umikot ang laro at unti unti rin silang nalalasing sa naiinom nilang alak.
“Never have I ever fallen in love.” sabi ni Liza.
Doon ay natigilan si Tasya. Nakagat niya ang labi niya at napatingin sa hawak na alak. Nakita niyang uminom sina Loise, Lian at ang photographer. Nagulat din siya nang makitang uminom sina Oscar at Joan.
Huminga siya ng malalim at walang ano ano ay nilaguk ang beer nang nakapikit. Kahanga hangang nagawa niya iyong inumin ng isahang lagok.
Pero natigilan muli siya nang mapansing nakatitig sa kanya si Maverick. Ilang segundo siyang nakipaglaban sa titig nito bago nito tinungga ang beer kaya naman napaawang ang labi niya.
Nainlove narin siya? sabi niya sa isip.
Agad niyang pinigilan ang sariling mag-isip ng kung ano ano. Ayaw niyang mag-assume at ungkatin kung kanino ba inlove ang binata.