CHAPTER 14
“BAKIT biglang kumulimlim?” nagtatakang tanong ni Tasya nang mapansin ang pangingitim ng kalangitan habang bumibiyahe sila.
“Baka may bagyo.” tugon naman ni Maverick.
“Hala, paano ang shoot namin?”
Hindi nagtagal ay bumuhos ang malalakas na ulan.
Hindi na gaanong binilisan ni Maverick ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil madulas na ang kalsada. Ilang oras pa ang lumipas, nakarating din sila sa Batangas port. Hindi na gaanong malakas pero tuloy parin ang buhos ng ulan. Habang naghihintay na umalis ang RORO ferry, kumain muna sila sa malapit na restaurant.
“Okay lang ba talaga sayo na ihatid ako sa Boracay?” tanong ni Tasya. “Baka nakakaabala ako sa’yo.”
“No, gusto talaga kitang ihatid para safe kang makarating dun.” sagot nito. “And besides, gusto ko ring mag-relax sa beach habang hindi pa ako busy.”
“Ganon ba, sige na nga. Babayaran na lang kita pagdating dun.”
“No, it’s fine. Hindi mo na kailangang magbayad.” tanggi nito.
“Ha? Hala, hindi naman pwedeng libre lang yun. Mahal ang gasolina oy.”
Ngumiti lang siya. “Kiss na lang ang ibayad mo sakin.” anitong kumindat pa kaya napangiwi siya at nag-iwas ng tingin.
Narinig niyang tumawa ito kaya napanguso siya.
Matapos ang ilang minuto ay nagtungo na sila sa sasakyan at pumasok sa RORO. In-adjust naman ni Maverick ang pareho nilang mga sandalan patagilid upang sila ay makahiga nang maayos habang nasa biyahe.
Isang oras at kalahati din ang itinagal ng biyahe patungo sa Calapan, Mindoro. Nang makarating sila doon ay nagtungo naman sila sa Bulalacao para sumakay muli ng RORO papunta sa Aklan. Wala nang ulan ngunit makulimlim parin ang kalangitan.
Mula doon, tatlong oras naman muli silang nagbiyahe kaya nakatulog si Tasya hanggang pagdating nila sa Caticlan Port. Iniwan nila doon ang sasakyan at sumakay ng bangka patungo sa Boracay.
Ilang sandali lang ay nakadaong na sila sa isla.
“Wow.” namangha si Tasya sa ganda ng isla. Balita niya ay ni-restore daw ang isla at muling pinalinis at pinaganda kaya naman mukhang bago ang lugar. Hindi ganon karami ang tao sa dalampasigan dahil narin siguro sa pagkulimlim.
Nang pumasok sila sa hotel ay naabutan nila ang kanilang mga staff na nakaupo sa lounge.
“Oh, may kasama ka pala?” tanong ng isa.
Agad niyang binalingan si Maverick. “Ah Liza, Loise, si Maverick nga pala. Sinamahan niya ako papunta dito.”
“Boyfriend mo?” nakangising tanong ni Loise.
Gulat naman siyang napailing. “H-hindi.” Napalingon siya kay Maverick. Lumabi itong nakatingin lang sa kanya, nakataas ang kilay. “K-kaibigan ko lang siya.” saka nag-iwas dito ng tingin.
“Saka nga pala. Hindi muna daw tayo magsho-shoot today dahil madilim ang kalangitan. Bukas natin sisimulan ang shoot kapag may araw.”
Tumango naman siya. “Nakapagcheck-in na ba kayo?”
“Oo, kaya lang may problema tayo. Dalawang room lang ang nakuha namin dahil nagkaubusan. Kaya hindi namin alam kung saan ka patutulugin.”
“Ayos lang naman kung sa sahig ako.” nakangiting aniya.
“Yun na nga, may nakahiga na nga rin sa sahig. Pati sa boys, mala-sardinas na sila dun. May cottage naman sana kaso hindi na natin afford yun.”
“Then I’ll take the cottage for us.” napalingon siya kay Maverick.
“Sure ka?” gulat na tanong niya at tumango naman ito. “Hala nakakahiya, ang mahal ng cottage dito.”
“It’s okay, as long as you are comfortable with your sleep.”
“Oyyy!” panunukso ni Loise. “Hindi daw boyfriend.”
Nahiya naman si Tasya at hindi makatingin sa kahit na sino.
“Hala, sige. Maiwan na namin kayo.”
“Salamat, Liza.”
At naglakad na ang mga ito palayo.
Sila naman ay nag-avail ng cottage na tutuluyan nila. Nagulat siya sa presyo pero hindi na nakatanggi dahil desidido nang kunin iyon ni Maverick.
“Hala, i-isang kama lang?” naibulalas ko nang makapasok kami sa cottage at makitang iisa lang ang kama. Malaki naman ang cottage na iyon pero sadyang iisa lang ang kama. May maliit na veranda, may maliit na sala na may sofa at tv. May maliit na ref at maliit na dining table.
“Yeah, this actually for couples, lalo for romantic occasions like honeymoon.”
Natigilan siya at napalunok sa narinig. Habang ito ay seryoso at walang bakas ng pang-aasar.
“U-uhm, sige, diyan ka sa kama, ako nalang dito sa sofa matulog.”
“No, I can’t let you do that. Hindi ka magkakasya diyan. Ikaw ang dito sa kama, ako na lang diyan sa sofa.”
“Hala, mas lalong hindi ka kasya diyan.” sabi niya at napabuntong hininga. “Ganto nalang,” lumapit siya sa kama at kinuha ang isang unan. “Malaki naman ‘tong kama eh, hati nalang tayo sa space.” saka inilagay ang unan sa gitna ng kama.
Umangat ang gilid ng labi ni Maverick. “Are you sure?”
“Oo naman. M-matutulog lang naman tayo diba?”
Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi nito. “Oo naman...” saka kinagat ang labi para pigilang matawa. Nahalata yata ang kaba niya.
Maya maya ay hinubad niya ang kanyang jacket at isinampay iyon sa upuan. Saka nagpasyang lumabas at tumambay sa veranda.
Papadilim na ng papadilim ang paligid at lumalamig na ang simoy nang hangin kaya napayakap siya sa kanyang sarili.
Natatanaw niya ang mga tao lalo na ang mga batang naglalaro at naghahabulan kaya napangiti siya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakatanggap siya ng text. Niyayaya sila ng mga kasamahan niyang magbeer at barbeque sa tabing dagat.
Kaya naman pumasok siya sa cottage at hinanap si Maverick. Wala ito sa sala kaya pumasok siya sa kwarto.
“Maver---”
Natigilan siya nang eksaktong pagpasok niya ay siyang paglabas naman ni Maverick sa banyo. Bahagyang nanlaki ang mata niyang makitang nakatapis lang ito ng tuwalya at halatang katatapos lang maligo.
“U-uhm, niyayaya tayo ng mga katrabaho kong magbarbeque at beer sa tabing dagat. Sama ka?”
“Sure, magbibihis lang ako.” aniya at naglakad sa gawi niya papunta sa bag nito.
“B-buti may dala kang damit.” aniyang ngayon lang naalala ang kung paano ang isusuot nito.
“Palagi akong may nakahandang damit, lalo na kapag biglaang golf kami or hiking.” anitong kinailangan pang humarap sa kanya para magpaliwanag. Tuloy ay lumantad sa kanya ang magandang katawan nito.
Tumango siya at iniwasang ibaba ang tingin para hindi makita ang umbok na natatakpan ng tuwalya nito.
“S-sige, hintayin mo ako ah. Maliligo lang din ako.” aniya at dere-deretso sa banyo.
NANG matapos sa pagligo ay dahan dahan siyang nagbukas ng pinto sa banyo at sumilip sa kwarto. mabuti na lang at wala na doon si Maverick. Dali dali siyang lumabas ng banyo at nagtungo sa kanyang bag para kumuha ng isusuot.
Nang makapagbihis at makapag-ayos ay lumabas na siya at hinagilap ang lalaki. Naabutan niya itong may kausap sa cellphone. Lumingon ito sa kanya at pinasadahan siya ng tingin saka ngumiti kaya nag-iwas siya ng tingin at napangiti.
“I’ll call you again, Mom. Bye.” anito sa telepono bago pinatay ang tawag at inilagay sa bulsa nito.
Saglit niyang pinasadahan ang kabuuan nito. T-shirt na white at itim na corduroy short pants na pinarisan ng leather sandals. Hindi man akma sa lugar pero pwede na.
“Let’s go?” aya nito at tumango naman siya.
Nauna siyang naglakad habang idi-nial ang numero ni Liza. Tinanong niya kung saan ang mga ito nakapwesto. Habang si Maverick naman ay nakasunod lang sa kanya.
Maya maya lang ay nakita nila ang kumpulan ng mga tao sa tabing dagat malapit sa isang open cottage na may mga taong nag-iihaw. Lumapit sila nang makilala ng dalaga ang mga ito.
“Oy Ann!” agad na tumayo ang mga babaeng modelo at niyakap siya.
“Oh my God, who’s this hot guy?” nanlalaking matang sabi ng isang modelo.
“Ah, Joan, guys, si Maverick nga pala. K-kaibigan ko.” pakilala niya kay Maverick.
“Sure ka, friend lang kayo ha?” paniniguro naman ng isa at lumapit kay Maverick. “Hi, I’m Joan, nice to meet you.” magiliw na sabi nito na inilahad pa ang kamay.
“Maverick.” kaswal na pakilala ng binata at tinanggap ang kamay nito.
Agad namang sumingit ang iba pang modelo para makipagkamay kay Maverick kaya napalayo siya sa binata at napabuntong hininga.
“Hi, my name is Cheska. Ang gwapo mo!”
“Ako si Lian.”
Naiilang na ngumiti si Maverick at napatingin sa kanya.
Pilit siyang ngumiti dito at bumaling sa mga staff. Kunwari ay nakikipag-usap kina Liza para hindi makita ang ginagawa ng mga babaeng modelo kay Maverick.
“Ann..” napalingon siya sa kanyang likuran at nakita ang paglapit ng katrabahong modelo.
“Oscar.” aniya. Nakabukas ang lahat ng butones ng polo nito kaya at lantad ang kahubdan ng pang-itaas na katawan.
May dala itong dalawang stick ng barbeque at dalawang canned beer.
“For you.” alok nito at agad naman niyang kinuha ang isang stick ng barbeque at isang beer.
Umupo siya sa buhanginan malapit kina Liza at Loise. Sumunod naman si Oscar at tumabi sa kanya.
“Who’s that?” tanong nito kaya tinanaw niya si Maverick na busy sa pakikipag-usap sa mga babaeng modelo.
Napabuntong hininga siya saka lumagok sa hawak na beer. “Si Maverick, sinamahan niya ako rito.”
“Bakit mo siya hinahayaang makipag-usap sa mga girls. Well, they look like having a nice conversation lalo na kay Joan.”
Napalingon muli siya sa kinaroroonan ni Maverick. Sumimangot siya nang makitang nagtatawanan ang mga ito.
“Hindi ko naman siya boyfriend.”
“Oh, I thought...” tumingin siya dito at umiling. “Okay, that’s interesting...” anitong nakataas ang kilay.