CHAPTER 13

1141 Words
CHAPTER 13 KINABUKASAN, hindi kaagad nakabangon ang dalagang si Tasya. Sa kisame lang ang paningin niya habang malalim ang iniisip. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Maging sa pagtulog ay napapanaginipan niya ang binata. Inalala niya ang sinabi nito. Hintayin mong mawala ang kalasingan ko, Baby. Awtomatiko siyang napangiti. Baby daw? Para tuloy siyang baliw na pagulong gulong sa kanyang kama. Babangon na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Ang unang naisip niyang tumatawag ay si Maverick kaya naman aligaga niyang kinuha ang kanyang cellphone. Pero napasimangot siya nang hindi ito ang tumatawag. Baka nga nakalimutan na niya ako. Napabuntong hininga muna siya bago sinagot ang tawag ng kanyang boss. “Hello, Ma’am Dela Cruz?” “Ana.” iyon ang tawag nito sa kanya. “We have photoshoot tomorrow, kaya maghanda kana. Sa Boracay ang venue. Mauuna na sa inyo ang photographer at mga staff. Sumunod na lamang kayo doon.” “Okay po, mam.” Binaba na nito ang tawag matapos magpaalam. Nagpasya na siyang bumangon saka nagtungo sa banyo upang maligo. MABILIS na lumipas ang araw, kinabukasan, agad na naghanda ang dalaga sa kanyang pag-alis papunta sa Boracay. “Alis na po ako, nay.” “Sige, anak. mag-iingat ka ha? Tumawag ka pagkarating mo doon.” “Oho, inay.” Nang makalabas siya sa village ay naghintay siya ng taxi. Pero ilang minuto na ay wala paring taxi na dumadaan. Maya maya lang ay may tumigil na sasakyan sa kanyang gilid. Noong una ay hindi niya iyon pinansin at luminga linga na lang sa kalsada. Pero muli niya iyong nilingon nang mapamilyaran ang itim na kotse. Sakto namang bumukas ang bintana nito. “Stacy?” “Maverick?” gulat na sabi niya. Agad itong bumaba sa sasakyan at lumapit sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito na sinulyapan ang traveling bag niya. “Ah, pupunta ako sa Boracay. May photoshoot kasi kami doon.” aniya. Saglit niyang pinagmasdan ang kabuuan nito. Naka-minimalist tshirt na kulay puti at faded maong pants at white sneakers. Simple lang pero mukha na itong artista. “Eh ikaw? A-anong ginagawa mo dito?” “Uhm...” napakamot ito sa batok at napangiti. “I came to see you.” “Ha? Bakit?” takang tanong niya. “I...just want to see you.” Natigilan siya at napatitig dito. Hindi niya alam ang sasabihin niya dahil sa gulat. Pumunta ito para lang makita siya? “Pero may lakad ka pala...” “Oo nga eh. Kanina pa nga akong naghihintay ng taxi pero wala paring dumadaan.” “I can take you there.” suhestyon nito na ikinagulat niya. “Hala ka, an’layo nun, Maverick.” “It’s fine, Stacy. Wala pa naman akong ginagawa ngayon.” “Pero nakakahiya naman. Matagal ang biyahe papunta dun. Mapapagod ka.” “Ayos lang, basta para sa’yo...” Saglit siyang natigilan saka nailapat ang mga labi para pigilan ang pagngiti. Ang sinabi nito ay nagpapakiliti sa tiyan niya. Para may mga paru-parong nagliliparan sa loob niyon dahil sa kilig. Hindi na siya nakatanggi lalo nang kumilos na ito at kinuha ang bag niya at inilagay iyon sa backseat. Sunod namang binuksan nito ang pinto ng front passenger seat at hinawakan siya sa braso para alalayang makasakay doon. Nang makaikot ito at makasakay ay lumapit ito sa kanya at iniakbay ang braso sa kanyang sandalan. Tumunghay ito sa kanya para sana ikabit ang seatbelt niya nang maalala niya ang nangyari kagabi. “A-ako na...” aniya’t dali daling nagseatbelt kaya naman napatitig sa kanya ang binata at saka mahinang natawa. Ngunit pati ba naman ang tawa nito ay kakaiba ang dulot sa pakiramdam niya. Napaka-sexy ng dating niyon at nagpapadagdag lalo ng kanyang kilig. Nilingon niya ito nang hindi parin lumalayo sa kanya at nakatitig lalang habang matamis na nakangiti. “B-bakit?” lakas loob na tanong niya. Bago ito magsalita ay hinawi nito ang ilang hibla ng bangs niya sa noo. Tuloy ay napigilan niya ang paghinga dahil sa biglang pagbilis ng t***k ng puso niya. “You’re so beautiful...” Nanigas siya sa pagkakaupo dahil sa narinig. Lalo na sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na pakiramdam niya ay matutunaw na siya anumang oras. Animo’y kinakabisadi nito ang kanyang mukha dahil lahat yata ng parte niyon ay nilibot ng paningin nito. “Do you wanna know why I came to see you?” Napatingin muli siya sa mga mata nito saka dahan dahang umiling. “Because I want to prove that all the words I said to you last night are true.” Nakagat niya ang ibabang labi niya para muling pigilan ang ngiti. Bumaba ang titig nito doon kaya naman napalunok siya nang mas ilapit nito ang mukha sa kanya. “Gusto mo bang malaman kung ano pang totoo?” mahinang sabi nito na tutok ang paningin sa mga mata niya. “A-ano?” kinakabahang tanong niya. “Na gusto na kita, Stacy.” sagot nito sa malambing na tono. Parang lalabas na ang puso niya sa sobrang lakas ng pagtambol niyon. Hindi pa man siya nakakarecover sa tindi ng pagkagulat ay natagpuan na lang niya ang labi niyang sakop na ng labi nito. Nanginginig ang kamay niyang hindi alam kung saan kakapit. Napansin naman iyon ng binata kaya kinuha nito ang mga iyon at isinabit sa batok nito. Marahan lang ang halik na iyon sa una pero habang tumatagal ay lumalalim. Pati ang mga galamay nito ay naglalakbay na at pinipisil pisil ang bawat madaan niyon. Napapasambunot pa siya sa buhok ni Maverick kapag kinakagat nito at pinanggigigilan ang ibabang labi niya. At mas tumitindi naman ang kakaibang pakiramdam niya kapag bumababa na ang kamay nito papunta sa kanyang hita at paulit ulit iyong hinahaplos. Hanggang sa pakawalan nito ang kanyang labi para landasin ang kanyang panga pababa sa kanyang leeg. Mas lalo niyang nahihigpitan ang paghawak sa ulo ni Maverick at hindi niya mapigilang pakawalan ang mahihinang ungol sa ginagawa nito. Lalo na nang bumaba iyon sa taas ng dibdib niya. Habang ang isang kamay naman nito ay tinatalunton ang ilalim ng damit niya at dahan dahang gumagapang papunta sa kanyang dibdib. Halos mabaliw siya nang pisilin nito iyon nang paulit ulit. Kahit natatakpan iyon ng kanyang bra ay tumatagos ang init mula sa palad ni Maverick. “M-Maverick...” anas niya. “Hmm.” tugon nito na hindi inaalis ang labi sa kanyang balat. “Baka ma-late ako...” Dahan dahan itong huminto at lumayo sa kanya. “Oo nga pala.” mahina itong tumawa. Inayos nito ang kanyang suot at umayos ng umupo at ganoon din ang ginawa niya. “Let’s go?” Nakangiti siyang tumango at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Sobra sobrang kilig ang nararamdaman niya sa oras na iyon at hiniling niya na sana’y palagi silang magkasama at ganoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD