CHAPTER 12
NAKARAMDAM na si Tasya ng pagod at antok kaya naman nagpaalam na siya kay Melody. Doon parin siya dumaan sa likod ng bar para hindi mapansin ni Jinggoy. Mas lalo kasi itong kumukulit kapag lasing na lasing na.
Hindi naman kasi ito ganoon ka tapang na sabihin ang lahat sa kanya katulad ng gusto siya nito at ang pagtawag nito ng sweetheart, baby o my love. Kapag hindi ito nakainom ay mabait ito at behave sa kanya pero di parin maikakailang may gusto ito sa kanya.
Nang makalabas ay muntikan na siyang matisod sa isang bagay na hindi niya alam dahil madilim na sa parting iyon.
“Ano ba to?” bulong niya at sinipat ang bagay na iyon. Ngunit natigilan siya nang mapagtantong paa iyon ng lalaki. Mas lalo niya pang inilapit ang kanyang mukha upang kilalanin ang taong iyon. Sa sobrang dilim ay hindi niya makita ang mukha nito kaya naman dali dali niyang kinuha ang cellphone at inilawan ang mukha nito. Ganoon nalang ang gulat niya nang makilala ito. “Maverick?” Nakaupo ito sa lumang monoblock doon.
Narinig niyang umungol ito kaya naman agad niyang niyugyog ang balikat nito. “Maverick, gumising ka.” At muli pa niya iyong niyugyog hanggang sa mag-angat ito ng mukha. Hindi nito masyadong maimulat ang mata dahil sa silaw.
“Stacy...” anito saka tumayo. “Uuwi ka na ba?”
“Oo, malalim na kasi ang gabi. Ikaw? Bakit nandito ka sa labas?”
“Hinihintay kita.” anito saka humikab.
“Ha?” gulat na usal niya. “Bakit mo ako hinihintay?”
“Ihahatid kita pauwi.”
“Nako, hindi na. Malapit lang naman ang bahay namin.”
“Gabing gabi na, Stacy. Sige na, pumayag kanang ihatid kita sa inyo.”
“Pero...”
“Please.” pakiusap nito kaya naman napabuntong hininga siya.
“Sige na nga.” pagpayag niya kaya naman nakita niyang ngumiti ito.
“Let’s go.” anito saka hinawakan bigla ang kamay niya na ikinagulat niya. Hindi na siya nakapag-react nang hilahin na siya nito papaunta sa kotse nito.
“T-teka...” aniya nang makarating sila sa tapat ng kotse nito. “Kaya mo pa bang mag-drive? Lasing ka na di ba?” pasimple niyang binawi ang kamay dito. Hindi na kasi niya makayanan ang kilabot sa katawan niya dulot ng kuryenteng nagmumula sa kamay nito.
Nakita niyang umangat ang gilid ng labi nito saka umayos ng tayo.
“Of course, I can drive you home safely. Don’t worry, I’ll drive slowly.”
Binuksan nito ang pinto ng front passenger seat at inalalayan siyang pumasok doon.
Mabilis itong umikot at sumakay sa pwesto nito at agad na pinaandar ang sasakyan.
Sa biyahe ay tahimik lang nilang tinahak ang daan. Panay naman ang sulyap ni Maverick sa kanya kaya hindi na naman niya maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.
Kanina pa niyang gustong itanong kung nasaan na ang babaeng kasama nito kanina. O kung naihatid na ba nito iyon sa kanila. Nag-aalala rin siyang baka magalit ang babaeng iyon at paratangan siyang malandi. Tuloy ay naguguluhan siya sa lalaki dahil hindi niya alam kung anong gusto nitong mangyari.
Hindi naglaon ay nakarating na sila sa tapat ng kaniyang bahay. Habang nagtatanggal ng seatbelt ay narinig niyang tumikhim si Maverick kaya saglit niyang itinigil iyon upang lingonin ito.
Napatingin ito sa kanya at saglit siyang tinitigan. Napakurap-kurap siya nang hindi niya makayanang tumitig dito dahil sa kakaiba nitong tingin sa kanya. Sa titig nito ay parang hinahalukay ang pagkatao niya at binabasa ang laman ng utak niya.
Nang hindi na talaga niya kaya ay umiwas siya ng tingin dito at ibinaling na lang sa seatbelt na inaalis niya.
“Is he your boyfriend?”
Mabilis niyang nilingon si Maverick at kunot noong tumingin dito. “Boyfriend? Sino?”
“That Jinggoy. Is he your boyfriend?” salubong ang kilay nito habang tinatanong sa kanya.
“Hindi.” agap naman niya. “Sabi ko nga kanina, di ba, regular customer namin siya. Matagal na kasi kaming magkakilala kaya siya ganoon.” aniyang sa huli ay nagtataka sa sarili kung bakit kailangan niya pang magpaliwanag. “Bakit mo naman naitanong?” curious na tanong niya.
“Nothing.” anito na umiwas ng tingin at napabuntong hininga.
“Ah,” nasabi niya nalang saka kinalikot ang sariling mga kuko. Huminga siya ng malalim saka lakas loob na tinanong ang kanina pang gumugulo sa isipan niya. “Eh yung girlfriend mo? Nasan na siya?” hindi siya nag-abalang tingnan ito dahil nahihiya siya sa tanong niya.
“Huh?” kunot ang noo nito, naguguluhan.
“Yung girlfriend mo, kako.” ulit niya. “Yung kasama mo kanina. Yung magandang babae.”
Akto itong nag-isip saka mahinang natawa na ikinataas ng kilay niya.
“She’s not my girlfriend. I don’t have one.” anito saka tumingin ng deretso sa kanya. “Yet.”
Natigilan siya at saka pa lang nag-sink in ang mga sinabi nito.
“H-hindi mo siya girlfriend?” kabadong tanong niya.
Umiling ito. “Classmate ko siya noon. Kanina lang kami nagkita at nagkamustahan.”
Naguguluhan parin siya at nahalata iyon ni Maverick. “Why?”
“Eh sino yung babaeng narinig ko kanina nung tumawag ka?”
Napabuntong hininga ito saka napangiti sa kanya. “That was sister, Vira. Nahuli niya akong may katawagang babae kaya inaasar niya ako. Sorry nga pala, dahil nababaan kita ng tawag.”
“Okay lang yun. Pero bakit ka inaasar ng kapatid mo? First time ka ba niyang makitang may katawagan babae?”
Napakamot ito sa ulo, nakangiting tumango. “Hindi ko hilig makipag-usap lalo na ng matagal sa cellphone. Wala naman kasi akong inisip kundi ang mag-aral.” dahil doon ay nagkatinginan sila. “Until I met you...” sumeryoso ang mukha nito at mas tumindi ang titig sa kanya kaya naman nagsimula nang tumulin ang takbo ng kanyang puso.
Lalo pang lumakas ang tahip ng dibdib niya nang maramdaman ang palad nito sa kanyang pisngi habang palapit ng palapit ang mukha sa kanya.
Napatingin siya sa magandang labi nito na unti unti ay gahibla lang ang lapit sa labi niya. Kasunod niyon ang pagpikit niya upang damhin ang pagdampi ng labi nito at simulan siyang halikan. Napahawak siya sa balikat nito nang maramdaman niya ang paggalaw ng labi nito upang ibuka at sakupin ang labi niya.
Napahigpit ang kapit niya sa balikat nito nang mas inilapit pa nito ang katawan upang idiin ang halik nito dahilan upang mapasandal siya sa kanyang kinauupuan at mapahawak sa dibdib nito ang isa niyang kamay.
Hindi parin naglalaho ang bilis ng t***k ng puso niya. Kaya naman parang kinakapos ang hininga niya upang huwag lamang matigil ang magandang pakiramdam dulot ng halik na iyon.
Ang sumunod na nangyari ay tuluyan na niyang ipinanghina. Lumalim ang halik nito at naging mapaghanap naman ang kamay nito na humahaplos mula sa pisngi niya, sa kanyang leeg, balikat, braso hanggang sa likuran niya.
Ang bawat pisil nito ay nagpapadagdag sa kilabot na nararamdaman niya. Kasunod niyon ang pagkagat nito ng paulit-ulit sa kanyang ibabang labi kaya naman kahit anong pigil niya ay lumalabas sa bibig niya ang mga mahihinang ungol lalo na kapag sinasabayan iyon ng pagpisil nito sa kanyang tagiliran.
Kaya naman nang kusa itong humiwalay, bagaman parehi silang habol ang hininga ay mas matindi ang pangangapos ng kanyang hininga na lumilikha pa ng paghangos niya.
Napatitig siya sa mga mata nito nang ilapat nito ang pareho nilang noo.
“I like your taste.” napakalambing ng tinig nito. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti. Tumingin ito sa labi niya at marahan iyong hinaplos gamit ang hinlalaki nito. “You taste like cherry.”
Kahit hindi niya alam kung nagbibiro lang ito ay napapangiti parin siya sa di maikakailang kilig na nararamdaman niya.
Nakangiti man ay napabuntong hininga siya. Sa isip niya ay ngayong gabi lang ito dahil lasing lang ito. Kinabukasan ay baka makalimutan na siya nito.
“Bolero.” hindi na talaga niya napigilang sabihin iyon.
“What?” natatawang tanong nito.
Napabuntong hininga muli siya. “Nakainom ka lang kaya nasasabi mo yan.”
Kumunot ang noo nito saka napatitig sa kanya.
Ito naman ang napabuntong hininga saka sinakop muli ang labi niya. Saglit nitong pinakawalan ang labi niya ngunit hindi ang mga pisngi niya na hawak ng mga palad nito saka siya mariing tinitigan.
“Hintayin mong mawala ang kalasingan ko, baby.”