CHAPTER 11
“BAKIT MO BINABAAN KUYA?” natatawang asar ng kapatid ni Maverick.
“Shut up, Vira!” asik ng binata. Naiinis siya dahil nahuli siya nitong nakangiti habang may katawagan.
Normal lang kasi na mag-react ng ganoon ang kanyang kapatid dahil iyon ang unang beses na ginawa niya iyon. At nahihiya siyang ipakita iyon sa iba lalo na sa kanyang kapatid na grabi kung mang-asar sa kanya.
Dahil doon ay hindi niya sinasadyang mababaan ng linya si Anastacia. Nataranta kasi siya sa biglang pagpasok ng kapatid sa kanyang kwarto.
“What do you want?” kamot kamot ang ulong tanong niya.
“Magpapatulong lang sana ako sa calculus, kuya.” nakangising aniya.
“I’m busy.” agad na sabi niya.
“Busy with whom?” nang-aasar na naman ang tanong nito na agad niyang sinamaan ng tingin.
“Tsk! Akin na nga!”
Natuwa naman agad ito at ibinigay ang notebook at ballpen. Wala pang dalampung segundo ay agad niyang natapos ang pinapagawa nito.
“Hala, pano mo nagawa iyon, kuya?”
“Just follow my solution. Sige na, get out.” masungit na utos niya na sinunod naman nito.
“Thank you, kuya. Sana sagutin kana niyang nililigawan---”
“Vira!” angil niya at agad na tumakbo ang kanyang kapatid palabas ng kanyang kwarto.
Napabuntong hininga siyang ibinalik ang atensyon sa kanyang cellphone. Nag-aalala siyang baka ma-mis-interpret ni Anastacia ang ginawa niya kanina.
Tatawagan na sana niya uli ito nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Ang akala niya ay si Anastacia ang tumatawag pero hindi.
“Kliev.” kaswal na sagot niya sa kabilang linya.
“Dude, Xav invites us to drink. Pupunta ka ba?”
Napaisip naman siya. “Anong bang meron?” tanong niya.
“Tsh! Kailangan bang may dahilan? Tagal na nating hindi umiinom. Soon, magiging busy na tayong lahat lalo kana, doktor kana ngayon.”
Napabuntong hininga siya. “Alright, sige, saan ba yun? Hinatayin niyo ako. Maliligo lang ako.”
Agad siyang nagpaalam pagkatapos nitong sabihin ang bar napupuntahan.
Dumeretso siya sa banyo at naligo.
Pagkatapos maligo at magbihis ay agad na siyang nagdrive papunta sa bar sa Malate.
Nang makarating siya doon ay nangunot ang noo niya sa dami ng mga tao doon. Halos puno ang bar ng mga customer.
“Ba’t ito ang napili nila?” inis na tanong niya. Ayaw kasi niya ng siksikan.
Napabuntong hininga na lang siya bago napilitang pumasok sa loob.
Kaagad sumalubong sa pandinig niya ang ingay ng mga tao doon at ang bandang kumakanta sa maliit na entablado. Naglakad siya at hinanap ang mga kaibigan.
“Hi.” napatingin siya sa babaeng nadaanan niya. Hindi lang ang boses nito ang nangangakit, kundi pati din ang suot nito.
Tipid siyang ngumiti at tinaponan lang ito ng tingin saka nilampasan na ito.
Maya maya ay nakita niya ang kaibigang si Xavier. Agad din siya nitong nakita at kinawayan.
“Where’s Kliev?” takang tanong niya nang mag-isa lang ito roon.
“On the way na daw.” sagot nito saka isinenyas ang upuan at tumayo. “Diyan ka muna, pre. Magbabanyo lang ako, um-order ka narin ng alak.”
Tumango siya saka umupo na. Nang makaalis ang kaibigan ay tumawag siya ng waitress at um-order ng mga alak.
“Excuse me...” napalingon siya sa babaeng lumapit sa kanya. Hindi nagkakalayo ang suot nito sa babae kanina, tanging kulay lang ang naiiba, kulay asul iyon.
“Yes?” kaswal na tanong niya saka tumayo at hinarap ito.
“You look familiar.” anito saka mukhang nag-iisip.
Ganoon din naman siya dahil parang pamilyar sa kanya ang babae.
“You’re Maverick, right?” anito. “Tama, classmate tayo noong high school.”
“Yeah, I remember now.” tipid ngiting aniya. “You’re Elona, right?”
“Glad you remember me. How are you?”
“I’m good, kaka-graduate ko lang and I’m taking my residency as a doctor.” aniya. “How about you?” tanong niya na isenenyas ang upuan na agad namang sinunod nito.
“Kaka-graduate ko lang din. I took corporate management. My dad pushed me to take that so I can take over our company.”
“That’s nice then. Atleast hindi ka naging suwail dahil sinusunod mo sila.”
Natawa naman ito. “Nakakatakot ang daddy ko kung alam mo lang.” anito. “By the way, nag-iisa ka lang ba ditong umiinom?”
“Ah no, kasama ko ang kaibigan ko. Nasa rest room. May paparating pa kaming isang kaibigan.”
“Ah.” tumango ito. “Can I join you?”
Saglit na natigilan ang binata pero hindi nagpahalata. “ah Yeah, sure.”
Hanggang sa maramdaman niyang may lumapit sa kanila. Ang akala niya ay si Xavier na iyon o kaya ay si Kliev pero...
“Excuse me. Mam, sir, here’s your---” natigil sa pagsasalita ang babae kaya napatingin siya dito.
Pareho silang nagulat nang makita ang isa’t isa.
“M-maverick...”
“Stacy?” hindi siya makapaniwalang naroon ito. “What are you doing here?” napatayo pa siya at hinarap ito.
Ngunit natigilan na lang siya nang sa halip na sagutin siya nito ay napatitig ito sa kanya at kunot ang noong naibaling iyon sa kasama niya.
Parang bigla siyang nakadama ng kakaiba nang makita ang reaksyon ni Anastacia. Para bang nakikitaan niya ito ng selos, ayaw man niyang mag-assume pero iyon ang nararamdaman niya. Tuloy ay sa isip niya ay hinihiling niyang wag sana itong mag-isip na may namamagitan sa kanila ni Elona.
Napatingin siya sa suot ni Anastacia. Naka-blouse lang ito at maikling short na natatakpan ng kanilang apron. Kaya naman alam na niya kung bakit ito naroon.
“Dito ka nagtatrabaho?” pangungumperma niya.
“Dati oo, tinulungan ko lang ang kaibigan ko ngayon dahil marami ang customer.” tipid ang ngiti nito na muling tinapunan ng tingin ang kasama niya.
Napabuntong hininga siya saka nilingon si Elona na nakataas ang kilay kay Anastacia.
“Ahm, this Elona. Elona, this is Anastacia.”
Tila nagpakiramdaman pa ang dalawa kung magkakamay ba ang mga ito. Sa huli ay si Anastacia ang nag-angat ng kamay. Atubili namang tumayo si Elona at tinanggap ang kamay ni Anastacia at agad ding binawi ang kamay.
Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Anastacia at inasikaso na lang ang mga alak na nakalagay pa sa tray na dala nito.
“Sige, enjoy your drinks nalang.” tipid muling ngiti nito na akma sanang tatalikod nang...
“Tacia, my love...”
Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang sinabi ng lalaking lumapit kay Anastacia at umakbay pa rito.
“Who’s that?” hindi niya alam kung gaano na ka-kunot ang kanyang noo sa inis sa na nararamdaman. Hindi rin kasi maipagkakailang may itsura rin ito.
Napabuntong hinga muli ito at sininghalan ng tingin ang kasama saka inalis ang kamay nito sa balikat.
“Ito nga pala si Jinggoy. Regular customer namin siya.” paliwanag nito. “Ah, Jinggoy, si Maverick.”
Nakangiti namang nakipagkamay si Jinggoy sa kanya. “Jinggoy, pare.”
Tipid siyang ngumiti. “Maverick.” saka saglit na nakipagkamay.
“And you, miss beautiful?” baling naman nito kay Elona. Halatang may interes din ito sa babae.
“I’m Elona.” matamis ang ngiti ni Elona at nakipagkamay sa lalaki.
Matagal din bago ng mga ito pinakawalan ang kamay ng isa’t isa.
Bumaling muli si Jinggoy kay Anastacia at bigla na lang nitong iniyakap ang kamay sa beywang nito na mas lalo niyang kinainis. Halata na sa itsura nito ang kalasingan.
“Mabuti naman at nakabalik kana, sweetheart.” malambing na usal ng lalaki. Nanggigitil ang bagang niya dahil tila wala lang kay Anastacia ang paghawak ng lalaki sa katawan nito.
Nababatid tuloy niyang may relasyon ang mga ito.
“Hindi pa ako nakabalik, Jinggoy. Pinagbigyan ko lang si Melody, ngayong gabi lang ito.” paliwanag naman ni Anastacia.
“Kung gayon ay samahan mo nalang ako. Miss na miss na kita, alam mo ba yon?”
Sumama ang mukha ni Anastacia. “Hindi ako pumunta dito para sa’yo, Jinggoy. Bumalik kana nga doon.”
Bumaling muli sa kanya si Anastacia. “Sige, diyan na muna kayo. Magtatrabaho na muna ako.”
“Okay.” tipid na sagot niya at umiwas ng tingin dito. Ewan ba niya. Para bang may namumuong sama ng loob sa katawan niya.
Nakaalis na si Anastacia at buntot naman ng buntot ang Jinggoy na iyon dito kaya nagtatagis ang bagang niya.
Ni hindi nga niya namalayang nagsidatingan na ang dalawang kaibigan niya at hindi niya rin alam kung nakipagkilala na ang mga ito sa isa’t isa.
Wala ang atensyon niya sa mga ito dahil nasa babae ang kanyang paningin na abala lang sa pagbibigay ng alak sa mga naroong customer.
Hanggang sa makaramdam na siya ng hilo sa kanyang ulo. Saka niya lang napagtantong ilang bote na ng alak ang naubos niya.