Chapter 36: THE FOURTH VENGEANCE

1161 Words

"Sabel," tawag ni Antonio sa kababata habang papasok ng bahay nila. "Bakit ka humahangos?" Napaangat ang ulo ni Sabel mula sa paggagantsilyo ng balabal. Nakaupo ito sa tapat ng pasimano ng bahay, nagpapahangin habang ginagawa ang balabal. "Maraming gwardya sibil ang tutungo rito mamaya upang galugarin ang buong isla at hanapin ang salarin sa patayang nagaganap dito. Ang huling biktima ay si Manang Ising, iyong mayordoma nina Kuya Roberto." Tinungo ng binatilyo ang kusina saka kumuha ng isang basong tubig. Inubos nito ang laman ng baso bago nagbalik sa sala. Naupo ito sa mahabang upuang kawayan. "Magbabahay-bahay daw sila upang humanap ng ebidensya ng pagpaslang." "Ano naman ang mahahanap nila? Hindi naman napatay sa saksak ang mga biktima. Winawasak ang mukha nila, hindi ba?" "Si Els

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD