Hindi maintindihan ni Diana kung bakit parang may kirot sa puso siyang naramdaman nang makita ang larawan. Hindi niya din akalain na meron pa lang nawawalang girlfriend si Cassius.
Like, I knows na imposibleng walang karelasyon ito pero bakit hindi ko matandaan? Or baka naman isa 'yan sa nawala sa memories ko? Hay! Ewan!
"What?" biglang tanong ni Cassius sa kaniya. "May hindi ka ba gustong features niya na ilagay sa mukha mo?"
Muli niyang pinagmasdan ang larawan.
"She's beautiful, no doubt about it...but... You mean, i will change—"
"But of course, you will pose as my found-missing fiance once the plastic surgery is done. You will be a different person from your looks to your mannerisms and hobbies, obviously. And you will do everything that my fiancé does. Including in bed. That does answer all of your questions?"
Klaro at diretsong sagot ni Cassius sa katanungang hindi maisatinig ni Diana.
Though Diana shows how bold and desperate she was the first time she went here, may kaunting doubt pa ring sumisingit sa isip niya na pinipilit niyang iwaksi dahil walang lugar ang salitang 'yon ngayon sa isipan.
"Not yet." sagot niya.
"What else then?" tanong nito habang naghihiwa ng steak sa plato.
Bigla siyang nag alangan magtanong dahil wala iyong connection sa pinaguusapan nila.
"It's out of the topic—"
"Just say it." inip nitong sabi.
"W-where is... Don Cesar? What about Tita Lily?" tukoy niya sa ama nito at Tita.
Nakita niya kung pa'no tumigil sa paghiwa si Cassius bago tumingin sa kaniya. Malalim na para bang may hinahanap itong kung anong emosyon sa kaniya.
"He's dead. Cardiac arrest. Si Tita Lily nasa state na nakatira." tipid nitong sagot.
Nagulat siya. Hindi kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na alamin 'yon dahil wala naman siyang mapagtatanungan. Kaya nawawala na din sa isip niya.
"I-I'm so sorry to hear about Don...Cesar."
Tanging mga ingay ng kubyertos lang ang maririnig pagkatapos.
"Kailan ang schedule ng surgery?" pag iiba niya ng tanong kay Cassius na bumaling kaagad sa kaniya.
Hindi alam ni Diana kung bakit lumipas ang ilang segundong bago sumagot si Cassius.
Ano bang meron bakit ganiyan siya makatingin?
"Different tests will start tomorrow. We'll meet your neorologist first para sa lagay ng utak mo."
For sure, hindi maganda ang lagay kasi nandito ako ngayon nakikipag usap sa 'yong ang hirap basahin bukod sa wala ang ibang parte ng alaala ko.
Isip-isip ni Diana.
"That missing memories of yours is the key to all of this." pahabol pa ni Cassius.
"Alright." sagot niya saka ini-abot kay Seb ang tablet at nagpatuloy na siya sa pagkain.
Hindi matandaan ni Diana kung paanong natapos ang hapunan nang wala nang namagitang salita sa kanila ni Cassius.
Nasa isip pa din ni Diana ang napag usapan nila ni Cassius habang naglalakad sa mahabang pasilyo pabalik sa kwarto niya.
Sa dulo ng pasilyo bago lumiko papunta sa hallway kung saan nandoon ang kwarto niya ay nakasabit ang isang portait ni Don Cesar.
It was just a portrait, but his aura is so powerful and dignified that it brings chills to her spine.
Mas nakauha ni Cassius ang features ng Don kesa kay Chronos. Maging a strong aura nito ay naisalin lahat kay Cassius.
Never niyang nakita o nakilala ang Don dahil ayaw nito sa kaniya. Hindi din 'yon ipinilit sa kaniya ng asawa.
"Kelan pa nawawala ang Fiancé niya?" bigla niya na lang naitanong kay Seb habang naglalakad sila sa mahabang hallway.
"Nakita mo na ba sa personal ang Fiancé ni Cassius? Is he still looking for her?" sunod-sunod niyang tanong.
"I'm sorry, I can't disclose any personal info about my boss." Safe play nitong sagot. "Bakit hindi mo 'yan itinanong sa kaniya kanina?"
Diana hissed.
"Akala ko naman close na tayo." aniya sabay irap. "Saka parang taboo yung topic na 'yon sa kaniya. Alam mo yung feeling na parang ayaw niyang sagutin kahit anong tanong about sa fiance niya?"
Nagkibit balikat si Seb. "Mas Importante ang loyalty sa mansion na 'to kesa sa curiosity mo." tipid nitong sabi.
"Yeah, right." sarcastic niyang sabi. "Pa'no ko naman aaralin ang isang taong hindi ko kilala? Bibigyan ninyo ako ng autobiography niya, gano'n?"
"Boss will personally teach you all about his Fiancé."
Bigla siyang napabaling kay Seb na mabilis na huminto sa paglalakad.
"Personally." pahabol pa nito.
"What did you just say?" ulit niya sa sinabi nito. "Bakit?"
"Because he is the only person here who knows his fiancé from head to toe?"
"I know, but—" siya mismo ang tumigil sa pagsasalita niya.
"But?" naghihintay na tanong ni Seb.
Pero hindi ako kampante na makasama siya sa iisang kwarto pano pa kung siya pa ang magtuturo sa 'kin?
"Alam ko intimidating si Boss at para kang lalamunin ng buhay pero isipin mo na lang na 'yan kailangan ng sakripisyo para sa goal mo, Diana. Ika nga. no sacrifices, no glory." seryosong sabi sa kaniya ni Seb.
And just like that, ibinalik siya nito sa nag-iisang ruta papunta sa goal niya.
"Alam ba ng boss mo na bina backstab mo siya?" biro niya kay Seb.
"Pag sinabi mo, malalaman na niya." pakikisakay ni Seb.
"Maybe it's time to change your loyalty, Sebby?"
Tumawa ito hindi lang alam ni Diana kung sa sinabi niya o sa petname na tawag niya dito.
She just shook her head.
***
The next day for the 1st time after magdesisyon si Diana na humingi ng tulong kay Cassius ay lumabas siya ng mansyon para pumunta sa isang private hospital para sa appointment niya sa neorologist kasama si Seb. May mga gagawing test sa kaniya. Naka normal siya na damit at naka mask nang lumabas, lulan ng isang bulletproof car. Palihim naman na nakasunod at nakabantay sa kanila ang mga security ng mga De Leste.
Ilang araw lang ang lumipas ay muling ipinatawag si Diana ni Cassius sa opisina nito sa mansion. Nando'n ang neurologist niya dala ang mga result ng mga ginawang tests sa kaniya.
"Your MRIs and CT scan results are good." sabi ng doktor. "But base sa mga psychological test na ni take mo, you have a selective amnesia."
"A-Ano po yung selective amnesia, Doc?" tanong ni Diana.
"A type of memory loss in which a person forgets only certain things or parts of an event while remembering others, especially related with traumatic situations. It can be a way for the mind to protect itself from overwhelming or traumatic experiences."
Traumatic experience? What could it be?
Tanong ni diana sa sarili.
"Sad to say walang gamot para sa amnesia. Amnesia from a severe head injury like yours may last for months. It depends on you and may resolve on its own, but I will recommend you to a physchologist to help you with it."
"So we have to wait?" tanong ni Cassius sa doktor. Iritado ang reaksyon.
Naiintindihan naman ni Diana ang pinanggagalingan no'n.
"That's the only thing we can do for now." ani nito kay Cassius bago humarap sa kaniya. "Don't force yourself to remember kasi baka makaapekto sa pagbalik ng alaala mo. A theraphy will help." huling sabi ng doktor kay Diana bago tuluyan na itong umalis.
Naiwan silang dalawa ni Cassius sa silid parehong walang nagtatangkang magsalita. Nakatingin ito sa tanawin sa labas.
She felt frustrated all of a sudden. How can she wait sa isang bagay na hindi niya alam kung kelan babalik?
"We'll carry out your plastic surgery as planned. After that, saka ka magpapa therapy, as prescribed by your doctor." basag ni Cassius sa katahimikan.
"We must declare your death within the next few days." dugtong nito. "We can not push this off any longer."
All Diana did was nod. Hindi niya magawang kumontra.
Bigla namang sumagi sa isipan niya ang asawa. Nagpapasalamat siya na sa kabila ng mga nawawalang alaala ay naiwan ang mga alaala niya kay Chronos.
"Cassius...c-can I ask for another favour?"
Cassius turned to her once again. "Aren't you asking for too much? Marami ka ng babayaran."
"I am aware, okay, and I will pay it by whatever means. Pero last na 'to. Please..." pagmamakaawa niya.
"What is it?" Cassius asks.
"Can I... at least see Chronos? Do you have...his remains?"
Hinihiling ni Diana na sana kahit sa huling pagkakataon ay itinuring ni Cassius na pamilya ang kapatid nito.
Higit sa lahat ay gusto niyang makita sa huling sandali si Chronos bago tuluyang mabago ang mukha niya at mabura ang totoo niyang pagkatao. Umaasa siya na kahit ilang linggo na ang nakakalipas ay nakuha man lang ni Cassius ang labi ng kapatid.
"You can't. Hindi mo din naman siya makikilala."
I know... but...kahit for one last time...
Matinding kalungkutan at sakit ang bumalot kay Diana. She blinked a couple of times. Nilalabanan niya ang luhang nagbabadyang tumulo sa alaalang nakita niya sa balita.
Maya-maya ay may inilapag si Cassius sa kandungan ni Diana. Isang jewellery box. Pagkatapos ay walang sali-salita itong lumabas ng silid.
Dinampot iyon ni Diana at binuksan. Bumungad sa kaniya ang wedding ring ni Chronos and a necklace.
May pendant itong pabilog na gawa sa glass kung saan ang loob ay may abo.
She instantly knew what it was or who it was.
It was the love of her life. Right there. Inside that tiny fragile thing.
Lahat ng emosyong pinipigilan ni Diana kanina ay bigla na lang kumawala na parang bukas na dam.
She didn't get the chance to mourn dahil sa dami ng nangyari. God knows how she wanted to.
For the first time in a long time, nagluksa siya.
She hugs the only two things that Chronos left for her, and she wept her heart out for the last time.