Something new

1646 Words
Mahigit isang linggo na ang lumipas magmula noong huli nakita ni Diana si Cassius. Sa laki ng mansyon, kahit anino nito ay hindi niya makasalubong. Ang madalas na makita ni Diana ay si Seb na oras-oras siyang chine- check kung ayos lang ba siya o kung may kailangan siya. Kapag tinatanong niya naman si Seb ay sinasabi nitong may importanteng inaasikaso daw ang boss niya. Wala tuloy siyang magawa kung hindi maghintay. Sa isang linggong pamamalagi ni Diana sa mansyon ng mga De Leste napansin niya na mabibilang lang sa daliri ang mga katiwala. Bihirang bihira siyang may makasalubong na tao sa tuwing lalabas siya sa garden—ang tanging lugar na napupuntahan niya maliban sa entertaining room. Pinagbawalan din siyang lumabas sa main gate ni Cassius para maiwasan ang mga taong makakakita sa kaniya. Noong una ay manghang-mangha siya sa mala modern palace na interior ng mansyon. Ngayon lang siya nakapunta sa De Leste Mansion dahil itinakwil si Chronos ng tatay nito na ang huling ala-ala niya ay na ospital. Lagi niya nalilimutan itanong kay Seb kung nasaan ang Don. Narealise ni Diana na kahit gaano karangya ang bahay at ka convenient ay hahanap-hanapin niya pa rin ang mundo sa labas. Ang kalayaan. Tatlong katok sa pinto ang gumambala sa pagmumuni-muni ni Diana. "Pasok." bigay permission niya. Iniluwa naman ng pinto si Seb. Wala pang dinner ah. Pansin ni Diana pagkatapos niyang tumingin sa orasan. Usually kasi ay kumakatok si Seb para sabihan siya tuwing oras ng pagkain. Mayroon pang 20 minutes bago ang dinner. "Did i disturb you or something? " Seb ask her with the smile on his face as usual. Masasabi ni Diana na medyo close na sila ngayon dahil ito lang naman ang taong madalas niyang kausap. He is so calm and always smiling that she wonders if he is capable of getting angry. "You bet. " pabiro niyang irap na ikinatawa ni Seb. Alam kasi nito kung gaano na siya kainip sa lugar na 'yon. "Good news! The wait is over! " deklara nito. "Boss wants to see you." Parang tumalon ang puso ni Diana sa tuwa pagkarinig sa sinabi ni Seb pero hindi niya ipinahalata. "It's about time." tipid niyang sabi. Sumunod siya kay Seb pagkatapos. Akala niya ay sa office ni Cassius sila didiretso bagkus ay dinning Hall ang tinatahak nila. "Boss, Miss Diana is here." imporma ni Seb kay Cassius. Umangat naman ang tingin ni Cassius mula sa pagkakayuko sa hawak nitong tablet at tumingin sa kaniya. Naramdaman na naman ni Diana ang kaba nang magtama ang kanilang paningin. God! It's just an eye contact! "Take a seat. " Walang tingin na utos nito sa kaniya dahil nasa tablet na naman ang atensyon nito. Naupo naman si Diana sa pwesto na sa tingin niya ay dapat niyang upuan. Sa kabilang dulo ng mahabang lamesa. Salungat kay Cassius. Kaagad siyang nilagyan ng plato at kubyertos ng mga kasambahay na nasa paligid. "You're so thin, do you even eat?" biglang puna sa kaniya ni Cassius. Hindi makapaniwala si Diana na sa mahigit isang linggo nilang hindi pagkikita ay insulto ang unang lalabas sa bibig nito. Well, what do I expect? This guy has a knock for ruining the mood, just like the first time we met. "How can I eat if my mind is busy thinking about something else than what's on my plate?" sarkastiko niyang sagot. Kahit totoo naman ang mga 'yon. Sobrang daming tumatakbo sa isip ni Diana na nawawalan na siya ng ganang kumain kahit anong sarap pa ng nakahaing pagkain. Hindi mawala sa isip niya kung paano niya maibabalik ang memorya niya. Iniabot ni Cassius kay Seb ang tablet bago tumingin sa kaniya. "I like my woman voluptuous and doesn't pass out easily in bed." straight forward nitong sabi na diniinan pa ang salitang 'my woman' habang naghihiwa ng steak. Alanganin ang expression ni Diana na kaagad tumingin kay Seb pati na sa mga taong nasa paligid nila na ngayon ay naglalagay ng iba't-ibang dish sa lamesa. Wala man lang reactions ang mga ito sa narinig at patuloy lang sa ginagawa like it's a normal thing. "You don't have to worry about them. They know how to shut their mouths. I don't raise rats here." "That's good to know then. And I don't pass out in bed... easily." sagot ni Diana. Pagkatapos ay naglaban sila ng tingin ni Cassius like they were in a battle field and not an ally. "Just wanted to make sure," he said. "Leave us alone." utos ni Cassius sa mga tao sa paligid. Mabilis namang nagkulasan ang mga nandoon at ang tanging naiwan lang ay si Seb, bagay na hindi na pinagtataka ni Diana dahil alam naman niyang kanang kamay ni Cassius si Seb. "You have to change your face." walang ano-anong sabi ni Cassius habang naghihiwa ng steak sa plato nito. "Change my face? What do you mean?" paglilinaw niya. "After you see a neurosurgeon about your memory loss, I want you to get plastic surgery. You don't have to completely change your face, but a small enhancement will suffice—" "Wait!" pigil ni Diana sa pagsasalita ni Cassius. "What for?" "We must give you a new identity. A new face." "Why? Kaya kong kumilos nang hindi na kailangan—" "If the people who are after you are also the people who killed Chronos and they can make it appear that it was an accident, then they are not an ordinary enemies. It was done by a professional. People who are used to killing and erasing the truth." Nawalan nang masasabi si Diana. Of course, Diana knows that what Cassius was saying is true. He knows that too well. "Tell me, how can you do what you have to do kung lalantad ka sa kanila?" casual na tanong nito sa kaniya. "It is you that they wanted to kill." "And that is exactly what we will give them. So you need to have a new identity and face." Tahimik na pino process ni Diana sa utak niya ang mga sinasabi ni Cassius. She looks at the man in front of her. Based on how he looks at her, there weren't enough options for Diana. Muntik niya na din makalimutan kung anong klaseng tao ang nasa harapan niya ngayon. Bigla naalala ni Diana ang mga sinabi ni Chronos sa kaniya isang araw habang nanonood sila ng isang movie. "I don't like my family. I mean whatever businesses they do." "Why? Mukhang okay naman sila Tita Lily and your brother." labas sa ilong ni Diana ang sinabi lalo na sa pangalan nung huli. "Tita Lily is nice. But Cassius? He's the most dangerous in the De Leste family. I can't even read him." Tumango lang si Diana. "Babe, listen, I'll tell you a secret. Because you are very important to me and because you should know." mahinang sabi nito sa kaniya na para bang wala dapat ibang makarinig. "Alright?" "We are a mafia." Tatawa sana si Diana pero di niya nagawa dahil sa kaseryosohan ng mukha ni Chronos. "That's not a prank right?" aniya dahil uso yon. "Unfortunately, No. The mafia? Really does exist." seryoso nitong sabi. "Our family does a lot of illegal business, especially the smuggling of firearms. I've seen people die. I've seen how they were killed. Call me hypocrite or anything but I don't want to kill anyone.I don't want to be part of it anymore. I want to save lives. So I decided to leave ang gave up everything." Shocked at the same time realization para kay Diana. She can see the pain in Chronos eyes "That's why itinakwil ka ng sarili mong ama...at si Tita Lily at Cassius lang ang pumunta sa kasal natin?" Naisip ni Diana. "Cassius was obliged to attend since Tita Lily wanted him there. Of course, I want it as well. He's my only sibling." nakangiti si Chronos pero nasa mata ang kalungkutan. She hugs him tight. Hoping it will lessen the pain in his heart. He gives up his own family for a greater deed. Lalong nakumbinsi si Diana na tama ang pinili niyang tao na makasama habang buhay. "And that is the best thing you did, babe." she said to console him. "I'm so proud of you." "No, the best thing I did is marrying you. You have no idea how glad my heart becomes every morning when I see your face." *** "Can I still think about it?" tanong ni Diana kay Cassius pagkatapos magbalik mula sa alaala ng nakaraan. Nagpapasalamat siya na hindi niya nakalimutan kung anong klaseng tao si Chronos. Cassius expressions become cold. "Nasa'n na yung 'I will do anything and everything' na Diana not too long ago?" "Or maybe hindi gano'n kabigat ang kagustuhan mong malaman mo ang katotohanan? " sunod-sunod nitong tanong na mas tunog hamon para kay Diana. Kumunot ang noo ni Diana sa narinig. "Kung meron mang taong gustong matapos ang lahat ng 'to, ako 'yon." "Then decide now." anito Hindi madali ang gusto nitong mangyari. Once na baguhin niya ang mukha ay hindi na niya 'yon maibabalik pa. But who cares about that, Diana?! Wala na yung taong gustong makita ang mukha mo! This is the only thing you can do for Chronos! Mariin na napapikit si Diana nang maisip ang paraan ng pagpatay kay Chronos. She let out a heavy sigh as if it was her answer. "I wanted to see kung anong magiging itsura ko after the surgery." pagsuko ni Diana. May pinagpipindot si Seb sa tablet na hawak bago ito iniabot sa kaniya. Talagang handa na ang mga ito. Bumungad sa kaniya ang napakagandang mukha ng isang babae. "We'll get some features from her na gagayahin sa ilang parts ng mukha mo." paliwanag ni Cassius. "Who...Who is this woman?" tanong niya habang titig na titig sa magandang larawan "Her name is Zara. My missing girlfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD