Malalim na ang gabi malapit ng matapos ang kasiyahan sa plaza. Kaya sinulit ko ang mga natirang oras na kasama siya
Hindi siya ganon karami magsalita hindi katulad ko masyado na yatang kumapal ang mukha ko at panay ang kwento ko sa kanya.
Napansin kong nakakatitig lang siya sa akin habang nagkukuwento ako kaya natikom ko bigla ang bibig ko dahil sa kahihiyan.
"Sorry masyado akong madaldal." sabi ko sabay iwas ng tingin.
Bahagya siyang nagulat at natawa." It's okay I wish i had meet you earlier..." aniya.
Napabaling ulit ako sa kanya." Hmm.. why?." I asked.
"I really like talking to you." he said seriously.
Uminit ang pisngi ko at hinawi ko ang aking buhok at inilagay ko sa aking tenga. Ginawa ko iyung dahilan upang iwasan ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Natapos na ang maligayang gabi ko kasama siya. Kumakaway ako sa kanya habang naghihintay ang driver namin na makasakay ako.
"Sorry hindi kita palaging nahahatid.. mas magandang may driver ka kung ako ang maghahatid sayo baka sumakay lang tayo sa jeep." aniya.
Bigla akong na excite sa kaisipang ihahatid niya ako. Hindi bigdeal sa akin kung jeep pa 'yan or tricycle. Kahit pa maglakad lang kami ayos lang sa akin basta kasama ko siya.
"Joaquin.. it's okay."maligaya kong sambit."Nakasakay na ako dati ng jeep."
Tipid siyang ngumiti at iminuwestra sa akin ang pintuan ng sasakyan upang pumasok na ako.
Kumaway ako bago pumasok.
Nakasulyap parin ako sa kanya sa loob habang paalis ang sasakyan. Nang mawala siya sa paningin ko hindi ko na napigilan ang kilig.
Tamad kong hinihiga ang sarili sa aking kama ng makauwi. Medyo napagod ako buti na lang ay walang pasok bukas.
Nakatitig ako kisame habang inaalala ang mukha ni Joaquin. Hinawakan ko ang aking dibdib ang lakas parin ng t***k nito.
Simula ng makilala at makasama ko siya lagi ganito ang nararamdaman ko.
Hindi ko pa naranasan ito kahit noon pa 'man. Hindi ko rin naranasan magkagusto ng ganito sa iba kaya ang Pakiramdam na ito ay bago sa akin.
Sa pagod ko ay kaagad akong nakatulog..
Naglalakad ako habang may hawak na puting mga rosas. Sobrang lakas ng patak ng ulan hindi ko alam kung saan pupunta basta patuloy lang ako sa paglalakad.
Napadilat ako bigla at sariwa pa sa 'akin ang panaginip ko pinilig ko ang ulo ko at umupo sa kama. It's nine in the morning.
Habang nakaupo ako sa kama ay tulala parin ako at inaalala ang aking panaginip. Sabi sa 'akin ni mommy noon may mga ibig sabihin daw ang mga panaginip.
Ano kaya ibig sabihin ng panaginip ko?.
Habang nag toothbrush ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang sunod sunod na text.
Joseph flin:
How are you? hindi ako masyadong nagpapakita sayo this fast few days nahihiya ako.
Andrea :
Nakauwi kaba ng maayos kagabi?
Malcolm :
Can I hang out you today?
Naaalala ko bigla si Andrea hindi ako nakapag sabi na kasama ko si Joaquin ngunit hindi rin naman siya tumawag or nag-text sa akin kaya hindi ko rin napansin.
Nag-reply ako sa kanila. Ngayon ko lang na realize na hindi ko nakikita si Joseph nitong mga nakakaraan. Pero ngayon ko lang napansin.
Ako:
Andrea nakauwi ako ng maayos kagabi. By the way kasama ko si Joaquin kagabi. Ikaw ba? Nakapag usap ba kayo ni felix?
Ako:
I'm fine Joseph. How about you?
Ako:
Not sure malcolm..
Binaba ko na ang aking cellphone at naghilamos ng mukha. Pagkapatay ko ng gripo ay napabaling ulit ako sa aking cellphone dahil nag ring ulit ito.
Tamad kong binuksan dahil sila joseph or Malcolm ang inaasahan kong magrereply.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni Joaquin.
Joaquin :
Goodmorning.
Kinagat ko ang aking labi. Ito nanaman ako!..
Magrereply na sana ako ng tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag niya.
Kung kanina bumilis ang t***k ang puso ko dahil sa pag text niya ngayon ay naghuhumerentado na ito dahil sa pagtawag niya.
"Hello?...."
"Hi. Did you have breakfast? " Tanong niya.
Nakatakip ang aking bibig ng aking palad dahil sa pagpipigil ng kilig. "Hindi pa kakain pa lang...."
"Okay." aniya.
"I have nothing to do now. We can study together." he said.
Hindi ako nakasagot puro pagsinghap lang ang nagawa ko.
"If it's okay with you..."patuloy niyang sinabi.
"Okay lang sa 'akin. Saan?." agaran kong sinabi.
Is it obvious on the call how excited I am to be with him?..
"At your house if it's okay?.."
"Okay lang. Magpapaalam ako kay mommy."
Parang kamatis ang mukha ko sa sobrang pula.
"Alright. I'll just text you." he said.
Natapos na ang tawag lahat lahat pero ang utak ko parang nililipad kung saan. Para akong tanga nakangiti at feeling ko sobrang saya ng paligid.
Mas lalo akong sumaya ng pumayag si mommy na dito kami mag-aral ni Joaquin. Hanggang almusal at tanghalian akong parang baliw na nakangiti.
Nag text sya sa akin na bandang alas-tres siya pupunta kaya pinaghandaan ko na ang susuotin kong Backless ruffle hem dress.
Pinaghandaan ko ang pag punta niya kaya todo ayos ako ng sarili. Habang naghihintay sa kanya ay nakipag laro muna ako kay marcus sa veranda ng kanyang lego.
"Ate why don't I have a daddy?."Marcus suddenly asked.
Nabitawan ko ang hawak kong lego at napatingin sa bata kong kapatid. Kailanman hindi kami naging open sa kanya tungkol kay daddy kaya ang hirap ng tanong niya.
"Marcus you have a daddy we have a daddy."
He pouted." Why is he not here? Doesn't he love us?." He asked innocently.
I bit my lower lip."He loves us marcus.... The reason why he's not here is so that they and mommy won't get hurt anymore."
"Why?"
"When you get older you will understand."I said and caressed his hair.
Isang oras bago dumating si Joaquin kaya nung nang tumawag siya upang sabihin na malapit na siya ay hindi ako magkanda ugaga kakatingin sa salamin.
Pulang pula ang pisngi ko ng sunduin ko siya sa gate. Naka plain white t-shirt siya at bagong gupit ang buhok. Naamoy ko agad ang pabango niya.
Pinili namin sa veranda na lang din mag-aral. Hindi ako mapakali dahil miski mga kasambahay ay may kahulugan ang tingin sa akin. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil kailanman hindi ako nag-invite ng mga classmate sa bahay kundi si Andrea lang.
"Hmm.. wala ka ba talagang gagawin?." I asked.
"Yes.. I'm always at home every weekend."he said.
Tumango na lamang ako. Pinanood ko siyang buksan ang kanyang libro at notebook. Pinagtaasan niya ako ng kilay at nataranda kaagad ako kaya binuksan ko agad ang libro ko.
Nag focus ako sa pag-aaral namin ng ilang oras. Masaya ako dahil natuto talaga ako pag siya ang nagtuturo sa akin.
Ganon pala talaga kapag gusto mong matuto sa isang bagay ay pilit mo talagang iintindihin.
Ayoko masayang ang oras niya sa akin.
Ayun ang palagi kong iniisip tuwing magkasama kami.
"Thankyou pala sa pagtuturo mo sa akin kahit tapos na yung two weeks na deal natin."Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"It's okay ako naman ang nagsabi sayo nito. Hindi mo kailangan mag-alala." aniya.
Tipid siyang ngumiti sa akin at nag-iwas ng tingin. Malapit ko nang makabisado ang gestures niya.
Mahilig siyang magbasa ng libro kaya may dala siyang iilang libro at inoffer niya sa akin na basahin ko.
Mga ilang oras pa ang lumipas ay tinawag ako ni manang na may bisita pa ako sa baba.
Nagtaka ako kung sino ang bisita ko dahil si Joaquin lang naman ang inasahan kong pupunta. Nang biglang lumitaw si malcolm sa likuran.
"Hi pretty..." Bati niya ngunit natigilan siya ng makita si Joaquin.
"Malcolm why are you here?."
Nakatitig siya ng mariin kay Joaquin."Gusto kitang bisitahin." Sambit niya sabay tingin sa akin ng nakangiti.
Nakatayo na ako sa gulat sa pagdating ni malcolm. Bumaling ako kay Joaquin na nakasalubong na ang dalawang makapal na kilay.
Napalunok ako at biglang ayos ng gamit ganon din ang ginawa ni Joaquin. Naramdaman ko na lang ang paglapit ni malcolm at may inabot sa 'aking na isang box na ferrero.
Nahiya akong kunin at hindi makatingin sa kanilang dalawa. Kaya 'di ko rin nakita ang expression ni Joaquin.
Buti na lang ay tinawag ako ulit ni manang para sabihing nakauwi na rin si mommy.
"Handa na rin ang pagkain bumaba na kayo." Si manang.
Nakaupo na kami lahat sa hapag at handa na ang hapunan. Nasa gitna ako ni Joaquin at malcolm habang si mommy at marcus ay nasa harapan namin.
Iniiwasan ko ang mariing titig ni mommy sakin dahil sa dalawang lalaking katabi ko.
"Let's eat." Sambit ko.
Maglalagay na sana ako ng kanin sa aking pinggan ng si malcolm na ang nagsandok para akin.
Napangiwi ako dahil pati ang mga ulam ay sya na rin ang gumawa. Patigilid kong nilingon si Joaquin na kunot-noo ang titig kay malcolm ngunit wala lang kay malcolm iyun... Para bang nang-iinis pa siya.
"Okay na yan malcolm ang dami na." Sambit ko ng makita na ang dami niyang nilalagay sa plato ko.
"Kumain ka ng marami. Ayoko nangangayayat ka...." Malcolm said playfully.
Tumango ako at ngumiti. Kalaunan ay nagsimula na kaming kumain.
Napagkalahatian ko ang juice. Nang mailapag ko ito ay agad na sinalinan iyun ni Joaquin.
"Thanks..." nahihiya kong sinabi.
Tipid siyang ngumiti sa akin at ibinalik ang masamang tingin kay malcolm.
Napaubo si mommy sa harapan at napainom ng tubig. Kaya't umayos ang dalawa.
Kung hindi lang nasa harapan si mommy ay kanina pa siguro sila nagtalo.
Tumikhim si mommy."Nanliligaw ba kayo sa anak ko?." tanong ni mommy na ikinagulat ko.
"Yes po tita." mayabang na sambit ni malcolm. "Hindi ko lang po alam sa isa dyan." dugtong niya.
Siniko ko si malcolm upang matigil siya dahil may balak pa sana siyang sabihin.
Binalingan ko agad si Joaquin na nakasalubong na ang dalawang kilay.
Nakakahiya eto ang iniiwasan kong mga tanong ayaw kong marinig ang isasagot ni Joaquin.
"Ikaw iho?.." Tanong ni mommy kay Joaquin.
Napapikit ako sa kaba..
"Hindi po." Magalang niyang sagot.
Napangiwi ako dahil sa tama nga naman hindi siya nanliligaw. Masyado lang ako nag- eexpect na Oo. Pero alam ko namang hindi.
"Alright. I don't want to lead belle on that." Sabi ni mommy sabay ngiti sa kanila.
"Mommy....." saway ko.
Nakakahiya ayoko talaga ng mga ganitong usapin. Lalo ng nararamdaman kong panay sulyap sa akin Joaquin.
Nang matapos ang pagkain namin ay tumayo ako at inayos ang mga pinggan upang ligpitin. Hindi ko naman to gawain noon pero sa oras na ito upang makatakas sa akwardness.
Tumayo rin si Joaquin at tinulungan ako mag lipit ng pinggan. Mabilisang kinuha ni Malcolm ang hawak kong baso at ngumisi.
"Kami na...."Joaquin said coldly.
Halos mataranta ako dahil hindi talaga sila magkasundo at itong si malcolm ay nang-iinis pa.
"Ako na..." Putol ko sa mariing titignan nila.
Nakataas na isang kilay ni mommy sa akin at si marcus ay inosenteng nakatingin sa akin.
Umiwas na lamang ako ng tingin at dinala ang mga pinggan sa kitchen.
Nang makalayo na ako tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko kaya ang tensyon ng dalawa kanina pa.
Nang lumabas na ako ay nasa sala na silang dalawa. Wala na si mommy at marcus.
Naka-kunot parin ang noo ni Joaquin at si malcolm ay nakangisi parin at nang-iinis ang mukha.
Nang makita nila ako ay tumayo si malcolm at hinawakan ang siko ko. Napansin ko ang mabilis na pagtayo rin ni Joaquin.
"Belle. Thankyou for the dinner kailangan ko ng umuwi.." Sambit ni malcolm sabay lingon kay Joaquin.
"Pwede mo ba akong samahan sa gate may sasabihin din ako." ngumisi siya.
"Ah-huh...Okay.."
Hinigit niya agad ang braso ko. Lumingon ako kay Joaquin ng may galit na tingin sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.
"Malcolm braso ko!.." iritado kong sinabi.
"Sorry baby..."he said.
What ew! Hindi na ako nakipagtalo at binawi na lang ang braso ko. Nang huminto kami malapit sa gate ay hinarap niya ako.
"That bastard is your classmate right?"Malcolm asked while pointing at Joaquin.
"Yes he is my classmate. Don't call him a bastard.." I said and rolled my eyes.
Humalakhak siya at kinurot ang ilong ko. Hinawi ko kaagad ito at himpas siya.
"Why is he here?.." he asked playfully.
"I said he was my classmate....Of course nag-aaral lang." Pagdadahilan ko.
"Hmm... So kung ganon 'di siya nanliligaw?."
Umirap ako sa kawalan. Matagal na kaming magkaibigan ni malcolm kaya alam niyang hindi ako nagpapaligaw at kailanman hindi pa nagka boyfriend.
"Hindi sinabi naman niya kanina diba!.."pagalit kong sinabi.
"So ako ba pwede?." he asked.
Hinampas ko ang dibdib niya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Binawi ko ngunit hindi niya pinapakawalan.
Pinaglakihan ko siya ng mata ng may narinig akong tumikhim sa gilid ko. Lumingon ako at nakita si Joaquin na may mariin ang titig sa kamay kong hawak ni malcolm.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Nang makalapit siya ay kaagad niyang binawi ang kamay ko kay malcolm.
"Kung uuwi kana hindi mo na kailangan magpahatid..You are not a child and you have your own f*****g feet!." Mariing at pagalit na sinabi ni Joaquin kay malcolm.
Kumunot ang noo ni malcolm at tumawa ng bahagya sa sinabi ni Joaquin."Tsk..You act like her boyfriend." Sabi ni malcolm sabay ngisi.
"And you act like desperate suitors!."asik ni Joaquin.
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Joaquin. Aamba na sana si malcolm ng suntok kung hindi lang ako pumagitna.
"Tumigil na kayo!.." awat ko sa kanila.
Natigil sila kahit papaano at nag-iwas ng tingin sa akin. Mariin ang titig ko sa kanila.
"Malcolm umuwi kana lang please. Tatawagan na lang kita mamaya." Sabi ko.
"Tskk." Joaquin whispered.
Inirapan ko siya at binuksan ang gate para kay malcolm. Lumabas si malcolm at nakatingin sa akin ng galit ang mga mata.
"Bye. Call me like you said." aniya.
Tumango na lang ako at tumalikod na siya. Kaagad kong nilapitan si Joaquin sa aking likuran.
Nakahalukipkip at busangot parin ang mukha. Nang makalapit ako ay 'di parin nagbago ang expression niya.
I crossed my harms and glared at him.
He raised an eyebrow and looked at me arrogantly. "What?.." he asked me after everything.
"Sana hindi mo na pinatulan. He is my friend." I said.
"I know kaya nga tatawagan mo mamaya diba." he said sarcastically.
Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin.Nagseselos ba siya? Hindi ko maintindihan wala siyang gusto sa akin, hindi siya manliligaw kaya malabong nagseselos siya.
"Kaya para sa akin hindi rin maganda ang mayroong kaibigan. Dahil minsan hindi naman kaibigan ang gusto sayo." aniya.
Napaangat ako ng tingin." Kung ayan ang definition mo ng pagkakaibigan sa akin hindi..."pagalit kong sinabi.
I signed heavily."You can go now. By the way sorry sa tanong ni mommy kanina alam ko hindi ka komportable doon."
"It's okay belle. "Matigas at may diin niyang sinabi.
Tumango ako at itinuro ang gate ngunit nakatitig lang siya sa akin ng malamig hindi pa naglalakad upang makalabas.
"I'll search on google how is courtship and then I'll court you.... I hope you agree?." marahan niyang sambit.
Namilog ang mata ko at nalaglag ang panga."What?.." gulantang kong tanong.
"I don't know how courtship is. I had never done that before." he said.
"Hindi ka pa nagkaka girlfriend?."
I can't believe I can hear these words from him. Buong akala ko boring lang siya kaya kinakausap niya ako or sinasamahan mag-aral or di kaya naaawa lang siya sa akin kaya tinuturuan niya ako.
Paminsan minsan inaamin ko nag-aasume ako pero kaagad ko ring pinuputol iyun.
"I was not interested then. but when you came everything changed."