Kasabay ng ihip ng hangin ang pagtigil ko ng paghinga dahil sa gulat. Nasa pagitan ako ng kaba at saya. Ang pinaghalong kong nararamdaman sa mga oras na ito.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mas kailangan kong maramdaman ang kaba o ang saya o pwede bang dalawa?
Dinig na dinig ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Wala akong ibang nakikita kundi ang pag pungay ng kanyang mga mata niya.
"O-kay.." Nangining ng konti ang boses ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin.
Nang makasagot ako ay tsaka ko pa lang siya nakitang bumuntong hininga. Tumingin ulit ako sa kanya at nakitaan siya ng saya sa mukha. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyun.
Nag-iwas ako ng tingin at pinipigilan ang sarili. Mariin ang hawak ko sa aking kamay dahil hindi ko na kaya ang kilig.
"Hmm..." Tumango siya at nakatitig parin sa akin."Gusto ko munang mag paalam sa mommy mo bago ako umuwi." aniya.
For some reason I realize na ang pag-ibig ay hindi talaga kayang piliin hindi kayang utusan, hindi kayang pasunurin. Kundi kusang mararamdaman.
At doon mas naintindihan ko nakakaubos pala talaga ang magmahal.
Nang matapos siyang magpaalam ay hinatid ko parin siya sa gate. Akward akong ngumiti sa kanya dahil diko parin makalimutan ang sinabi niya.
Nasa labas na siya at maingat na nakatingin sa akin.
"Bye. Seeyou on monday." he said.
"Bye. Ingat ka."
Nang masara ko ang gate ay dali dali akong pumasok sa loob. Nang masara ko ang pintuan tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag.
Hawak hawak ko ang dibdib at dinadama ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Nakahiga na ako sa kama at tulalang nakangiti hawak ko ang aking dibdib habang iniisip si Joaquin.
Nabalik lang ako sa aking ulirat ng tumunog ang cellphone ko. Bumalikwas ako at mabilisang kinuha ang aking cellphone.
Nag expect akong si Joaquin ang tumatawag ngunit ng pasadaan ko ay unknown number yun. Ngumuso ako at sinagot na lamang ang tawag.
"Hello...." the sounds of voice is very familiar.
"Who's this?."
Kinabahan ako dahil sa boses na aking narinig napaka familiar sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Your daddy.." napapaos niyang sambit.
"Dad-dy...." Nangining ang boses ko.
Sobrang tagal na nung huli kong nakita si daddy. Wala talaga kaming communication sa kanya. Noon ay nagbalak akong hanapin siya pero dahil sa sakit na naramdaman ni mommy ay hindi ko na lang ipinagpatuloy.
Kaya ng marinig ko ang boses ng aking ama ay naiyak ako sa saya. Kahit ano pa man ang masakit na nagawa niya sa amin 'kay mommy. He is still my dad.
"How are you my princess?.." nahimigan ko ang saya sa tinig ni daddy.
"I'm fine daddy. I miss you so much."
Bumuhos na ng tuluyan ang luha ko. Biglang pumasok sa akin ang mga memories namin ni dad. Kahit papaano ang mga memories namin nung bata pa ako ay 'di ko malilimutan.
He always buys me toys, He always treats me like a princess and he has been a good father to me but he has not been a good husband to mommy
"I missyou so much my princess. I'm really sorry for not being a good father to you."
I know we are not perfect at all. Mistake is a normal way of life. Pero para sa akin ang mga pagkakamaling nagawa ni dad noon ay hindi magiging normal para sa akin because cheating is a choice.
Salamat sa panginoon dahil marunong magpatawad.
Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni daddy. Hindi niya nakalimutan sabihin sa akin kung gaano niya kami kamahal ni marcus.
"I'm a lot things to do. Hindi na ako makapag hintay na makapag bakasyon tayo." Si mommy habang kumakain kami ng breakfast.
Nakatitig lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang masaya niyang mukha. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang pag tawag ni daddy kagabi.
Napansin niya ang titig ko. Napahinto siya pag-aayos ng pagkain namin sa hapag.
"What's wrong?." She asked.
"Nothing mommy.."
Sunday afternoon nagpasyang pumunta si Andrea sa bahay namin. Nasa kwarto kami habang nanonood ng movie at kumakain ng popcorn.
Habang nanonood kami ay naramdaman ko ang pag vibrated ng cellphone ko. Pinasadaan ko ito at nakita ang numero ni Joaquin.
Kinagat ko ang aking pang- ibabang labi habang binabasa ang text niya.
Joaquin:
What are you doing?
Namula ang pisngi ko at napangiti sa text niya. Kaagad akong nag-reply.
Ako:
Nanonood lang ng movie.
Binalik ko agad ang mata ko sa tv. Pero ang wisyo ko ay ang paghihintay ng reply niya. Ilang segundo lang ay nagreply agad siya.
Joaquin:
Okay. I'm studying now."
What study? Nag-isip ako kung meron ba kaming test or long quiz bukas pero ang alam ko ay wala.
Ako:
What subject?
Tumitili na si Andrea sa pinapanood naming movie ngunit wala sa pinapanood namin ang atensyon ko 'kundi sa aking cellphone. Dahil sa paghihintay ng reply ni Joaquin.
Joaquin:
Courtship subject.
Halos mahagis ko ang popcorn sa sobrang pagkataranta ko sa text niya. Napansin ni Andrea ang gulat ko.
"Anyare sayo?." Tanong ni andrea habang tumatawa.
"Huh?..."
"Anong nangyari sayo bakit namumula 'yang mukha mo." Sabi niya sabay hagis sa akin ng unan.
Hinagis ko pabalik sa kanya yung unan habang nagtatawanan kami. "Ano nga? Nililigawan ka na ba?." Tanong niya at nanliliit ang mata.
"Huh...hindi ah!." Protesta ko.
"Okay lang yan. Ako nga may boyfriend na eh." Sabi sabay tago ng mukha sa unan.
Natigilan ako dahil nagulat sa sinabi niya. Lumapit ako at tinanggal ang unan sa mukha niya.
"What? Are you kidding me." Tunog naiinis ako."Sino si felix." tanong ko habang tinatanggal ang unan sa mukha niya.
Nang kusa niya itong tinggal ay ngisi lang at namumulang pisngi ang nakita ko sa mukha niya. Kaya lalo akong nainis dahil 'di niya agad sinabi sa akin.
"Nakakainis ka bakit hindi mo agad sinabi! " I said, frustrated.
"Mas gusto kong sa personal sabihin sayo." aniya.
Napailing na lang ako at inirapan siya habang siya ay tawa ng tawa sa gilid ko. Napabaling na lang ulit ako sa cellphone kong tumunong ulit.
Joaquin:
Are you busy? You didn't reply.
Tsaka ko lang naalala naka-text ko pala si Joaquin. Si andrea kase eh!
Ako :
No. I'm not.
Mabilis ulit siyang nag-reply.
Joaquin:
Can I call then?
Tumingin muna ako kay andrea at naabutan siyang nakapalumbaba sa akin at makahulugang nakatingin.
"You love texting na huh."She said and laughing.
Inirapan ko na lang siya at bumaling na lang ulit sa aking cellphone.
Ako:
Nandito si andrea. I'm sorry.
Joaquin:
It's okay.
I smiled slowly. The thing is to look for love in any situation. Until someone comes along and gives it meaning.
Monday morning I'm already inside the classroom. Sinadya ko talagang magising ng maaga para mauna ako sa kanya pumasok.
Tingin ako ng tingin sa aking maliit na salamin. Dahil kaninang umaga naglaan talaga ako ng oras para sa pag-aayos ng aking buhok at paglalagay ng lipstick.
I couldn't stop staring at him when I saw him walk in. He used to be very intimidating, with a serious but attractive face.
But when he saw me his expression suddenly changed. Naging malambot at naninimbang.
Ngumiti ako sa kanya. Ituro niya ang likod na para bang sinasabi niyang uupo na siya.
Ngumuso ako at sinundan siya ng tingin.
he sat in the back because I knew there he was comfortable to sit.
Naramdaman ko na lang pagsiko ni andrea.
"Magkikita kami mamaya ni felix." She smiled sweetly. "Sama ka? Pwede mong isama si Joaquin. Like double date you know." Humalakhak siya.
"I don't think so." may lungkot sa boses ko.
"Why?." andrea asked.
Mapait akong ngumiti. Dahil alam ko naman na hindi gusto ni Joaquin sa maraming tao.
"Ayaw niya ng maraming tao......" Paliwanag ko.
Tumango si andrea at naintindihan naman ang paliwanag ko." Ganon ba."
"Pero susubukan ko parin sabihin...baka pumayag siya." Sambit ko.
Lumingon ako sa kanya sa likod. Naabutan ko siyang tahimik na nagbabasa ng libro.
Napanguso ako. Sabi niya liligawan niya ako. Kadalasan kase kapag may nagkakagusto sa akin masayadong vocal at clingy kaya palagi akong naiinis sa kanila.
Pero si Joaquin ay 'di ganon pero gusto kahit papaano ay maging ganon siya pero malabo.
Nang matapos na ang klase ay lumabas na kami ni andrea. Pagkalabas namin ay naabutan ko si Joseph na nakasandal at nakahalukipkip sa labas ng classroom.
Nang makita niya ako ay umayos siya ng pagkakatayo. Ngumiti siya ng makalapit ako.
"I have a competition tomorrow. I still hope you watch..."he said.
Natuwa ako para sa kanya. Napanood ko na siya nood lumaban kaya confident ako na mananalo siya.
"Really? I know you will win. Ang galing mo kaya.." I said, cheerfully.
"Thankyou." sambit niya sabay hawak sa batok."Makakapunta ka ba?." He asked.
Nawala ang saya sa mukha ko ng magtanong siya. Wala namang problema kung pupunta ako pero sa tingin ko 'di yun magandang idea dahil baka hindi magustuhuan ni Joaquin.
"I'm sorry hindi ako sigurado."
Biglang nalungkot ang mata niya ng sabihin ko iyun. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt.
"I won't bother you anymore. I already have a girlfriend." He hesitated.
Nag-iwas siya ng tingin."Who is your girlfriend?." I asked.
"Si.....yassi." sabi niya ngunit hindi parin siya tumitingin sa akin.
Namilog ang mata ko. Ang malanding si yassi totoo ba? Masisiyahan na sana ako dahil may girlfriend na siya ngunit bakit si yassi pa.
Hindi na ako nagtanong sa kanya kung bakit sa dinami-dami ng babae bakit yung babae pa na 'yun. Ayoko naman na offend siya kung talagang nagustuhan niya si yassi.
"By the way I will give you something." Sabi niya sabay abot sa akin ng pink na ribbon na hair clip.
Natuwa naman ako dahil maganda ang hair clip. Ngunit nagtaka ako dapat girlfriend niya na ang binibigyan niya ng ganito.
"Thank you." I said.
Kinuha niya sa kamay ko ang hair clip at siya na mismo ang naglagay sa buhok ko nito.
Ngumiti siya pabalik at 'di nagtagal nagpaalam na siyang umalis dahil may training pa siya. Dahil bukas na ang competition niya.
"Nasa labas na siya." Si Andre ng matapos ang buong araw na klase.
Katulad ng sabi niya kaninina mag-dadate sila ni felix. Tinext ko naman kanina si Joaquin tungkol doon ngunit alam kong ayaw niya.
Ako:
Sinasama tayo ni Andrea sa lakad nila ng boyfriend niyang si felix. Do you want to come?
Joaquin:
I'm not sure maybe next time.
Kaya nung sinabi niya yun ay nalungkot na ako buong araw. Gusto ko rin ng date naiingit ako kay andrea pero 'di ko na lang ipinahahalata.
Nang makalabas na kami sa school ay natanaw namin agad si felix. Ang laki ng ngiti ni andrea ng makita si felix.
Sinalubong siya nito ng yakap. Natuwa naman ako sa aking kaibigan ng makita siyang sobrang saya.
Ilang saglit pa ay nagpaalam sila sa akin na aalis na. Tumango ako at ngumiti.
Mag-isa na lang ako habang naghihintay ng masasakyan. Nang bigla may tumikhim sa gilid ko. Halos umirap ako ng makita si Joaquin sa gilid ko.
"Let's date." aniya.
Nanlaki ang mata ko sa kanya. Gusto niya pala ng date edi sana sumama na lang kami kila andrea.
"I'm sorry. I want to date you peacefully."he said softly.
Nanlambot naman agad ang puso ko. Naaalala ko hindi pala siya comfortable sa maraming tao.
"Okay." Sambit ko ngunit malungkot parin.
Sumakay kami ng bus medyo matagal tagal na rin nung huli akong nakasakay ng bus nung Field trip pa namin nung junior high school.
Sa dulo ako nakaupo at nakatanaw lang sa bintana. Tahimik siya kaya tahimik lang din ako. Medyo may tampo ako sa kanya kaya 'di ako masyadong nagsasalita.
Medyo nadagdagan pa ang inis ko sa nakakasilaw na init na tumatama sa mukha ko. Alas-tres pa lang ng hapon kaya medyo matirik pa ang sikat ng araw.
Sumadal na lang ako at pumikit.
Mayamaya pa ay nagising ako. Hindi ko napansin na nakaidlip ako siguro dala na rin ng pag-iisip ko.
Pagmulat ng mata ko ay palad niya ang nakita ko tinatakpan ang sinag ng araw.
Bahagya akong na consious sa itsura ko. Suminghap lang siya ng makitang gising na ako.
"Malapit na tayo." Aniya.
Tumango lang ako at nag-iwas ng tingin.
Nang makarating kami ay nauna akong bumaba sa bus. Habang naglalakad kami papasok ng mall ay naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya sa gulat.
"This is normal for dating.."
"What?." gulantang kong tanong.
Babawiin ko sana ang kamay ko ngunit mas dumiin ang hawak niya. Kaya 'di ko na lang ipinagpatuloy.
Huminto kami sa isang boutique store na bilihan ng mga hair accessories.
Mas nauna siyang pumasok habang hawak parin ang kamay ko.
Huminto kami sa mga iba't- ibang klase na mga hair clip at hair accessories.
"Bakit tayo nandito?." I asked.
"Huwag mo ng suotin yang hair clip na yan. It's so f*****g childish!." Mahinahon namang niyang sinabi ngunit may diin.
Napahawak ako sa hair clip na ribbon na binigay kanina ni Joseph. Maganda naman siya actually nagustuhan ko naman.
Ngumuso ako at sumimangot. " Bakit hindi ba bagay sa akin?." Tanong ko ngunit hindi ako nakatingin sa kanya.
"I mean bagay naman sayo lahat pero..... Hindi yan bagay sayo." Alinlangan niyang sinabi.
But I'm not pleased about it. Hindi ako sanay ng hindi ako sinasabihang maganda.
Nakasimangot parin ako at pilit na tinatangal ang pagkakahawak niya sa akin ngunit madiin ang pagkakahawak niya kaya di ako makawala.
"Pumili ka dito halos lahat yan babagay sayo." he said surely.
Nakasulyap lang ako ngunit hindi pa ako makapili. Maraming magagandang hair clip.
May dinampot siyang hair clip na puno ng kumikinang na bato ang gilid nito.
Tinanggal niya sa buhok ko ang hair clip na bigay ni Joseph at ipinalit ang hair clip na hawak niya. Medyo nahirapan pa siya sa paglalagay non.
Nakatingala lang ako sa kanya habang ginagawa iyon. Seryosong seryoso siya habang nilalagay ang hair clip.
"Mas bagay.." sabi niya ng matapos ilagay.
I smiled sweetly." Thanks." Sambit ko sabay hawak sa hair clip sa ulo ko.
Medyo naging maganda na ang mood ko hindi katulad kanina. Nang bumaling ulit ako sa mga hair clip ay napansin ko ang isang flower crown. Kinuha ko agad iyun at nilagay sa ulo ko.
"Maganda ba? How do I look?." Tanong ko sabay harap sa kanya.
"Yes. You look like an angel." he said gently.
Tuluyan na akong nangiti sa kanya lang talaga ako nagiging ganitong kababaw.