Chapter 16 Date

1773 Words
Nag-uumapaw ang sa saya habang hawak niya ang kamay. I don't know how it feels when you fall for someone. Pero itong nararamdaman ko sa kanya sigurado ako na gusto ko nga talaga siya at alam kong mas lalalim pa ito. "Saan mo gusto kumain?." Tanong niya habang papanik kami ng escalator. "Kahit san." sagot ko. Binitawan niya ang kamay ko nang may narinig kaming estudyanteng sumakay ng escalator na nagtatawanan. Bumaba siya ng isang baitang upang tabunan ang likod ko. "You're skirt is too short." he said Bigla akong nahiya. Tama siya masyadong maiksi ang skirt ko baka makitaan nga ako kung pataas ang escalator at nasa baba ang mga tao. Bakit ba hindi ko naisip yun? Nang makapanik kami ay binalik niya sa ayos ang pagkakahawak ng kamay namin. Umigting ang panga niya."I just always hear around how hot you are." Iritado niyang sinabi. Minsan ko na 'rin narinig ang bagay na yun. Bakit parang naiinis siyang marinig yun. "Do you find me hot?." I asked playfully. "Hm. hindi naman." walang gana niyang sinabi. I pouted. Ang hirap talagang hulihin ng mood niya kanina lang sinabi niyang mukhang angel ngayon para wala nanaman siyang sa gana. "Okay, I find you cold." I teased. "Being a cold person makes life easier." he said equally my teasing. "But I will never be a cold person again. You melted me ." dugtong niya. Nagulat ako doon. "Huh?. You just said I'm not hot." He chuckled. " I'm just kidding..." Sabay pisil ng kamay ko. Pilit kong binabawi ang kamay pero tinitigan niya lang ako ng mariin "You're so annoying." I glared at him. "You're so naughty." he whispered on me. "Nah, I am a princess. The princess is not naughty." Maarte kong sinabi. He only glared at him. Masungit nanaman ang itsura at magkasalubong ang dalawang makapal na kilay. "No... You're not a princess. You are my princess. only... Not princess for anyone." his tone went darker. "O-kay..." Kumain kami sa isang restaurant hindi na ako nakapili ng kakainin dahil omorder na siya ng couple meal. Napangiti ako ng na-realize ang salitang couple. "Gutom kana ba?.." marahan niyang tanong sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa table. "Medyo..." Namula ako sa kilig. Tahimik kaming kumain medyo 'di parin ako comfortable kasama siyang kumain nahihiya parin ako. I just look elegant but the truth is, I am very clumsy. "The man who gave you a hair clip, is that one of your exes?." he asked coldly. Napaangat ako ng tingin sa kanya, si Joseph? Pano niya nalaman na ibinigay lang sa akin ang hair clip, Nakita niya kaya yun kanina?. "Huh?. I don't have ex." Tumango lamang siya at hindi na nag-usisa pa. "Sorry I don't know much about dating." Sambit niya. I smiled at him. "It's okay. Masaya naman ako." I said. Tumango siya at ngumiti. "Do you wanna play?." He asked. "Okay sige.." sabi ko habang nasa elevator kami. Nabitin ang ngiti ko ng makita si malcolm kasama ang dalawa niyang kaibigan na papasok sa Elevator nang bumukas ito. Kahit siya ay natigilan nang makita ako. "Belle why are you here?." Tanong ni malcolm sabay mariing tingin kay Joaquin. Kaagad akong hinigit ni Joaquin. "Nagda-date kami. Bakit?." Sagot ni Joaquin. "What belle?." Mariing tanong ni malcolm sa akin. Hinawakan ni Joaquin ang bewang ko. Natigilan ako sa paghinga ng maramdaman ang kamay niya doon. Matalim ang tingin ni malcolm sa kamay ni Joaquin. Tumunog ang elevator hudyat na nasa 4th floor na kami. Tinangay na ako ni Joaquin upang makalabas na kami ngunit sumunod parin si malcolm sa amin. "Belle!...." Mariing tawag ni Malcolm.. Mabilis ang lakad ni Joaquin na tangay ako hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Nararamdaman kong naiinis na si Joaquin dahil madiin ang hawak niya sa kamay ko. "Joaquin baka kailangan kong kausapin si malcolm?." Sabi ko sa maliit na boses. Natigilan si Joaquin at napabaling sa akin na may kunot-noo ." Bakit? Hindi mo kailangan mag paliwanag sa kanya!." matigas niyang sinabi. "I want to talk to him properly." I said. Binitiwan niya ang kamay ko." Okay, One minute." He said coldly. Tumango ako at bumaling kay malcolm sa likod. Nakahalukipkip at kausap ang mga kaibigan mukhang pinigilan siyang tawagin ako. "Belle..What the hell are you doing?." he said, frustrated. "Malcolm. I'm dating Joaquin." diretso kong sinabi. He laughed hysterically. "What?. Are you out of your mind?." "I really like joaquin. Can you please stop. You're are not my guardian." "Okay, Do what you want." he said bitterly. Tuluyan niya na akong tinalikuran at bumaling sa mga kaibigan upang senyasan niya na umalis na sila. Bumuntong-hininga ako at lumingon kay Joaquin na malamig nanaman ang tingin. Lumapit na lang ako sa kanya at walang sinabi. "You choose, I'll take it." Sabi niya ng huminto kami sa Claw machine. "I want a bipolar octopus." Sabi ko sabay turo. Halos ten minutes na ang nakakalipas 'di parin siya nakakakuha at mukhang inis na inis na siya. "Joaquin let's go." marahan kong sinabi. "Hindi last na lang talaga, Promise." aniya. Halos ubos na token namin dahil ilang beses niya na sinubukan pero 'di niya talaga makuha. Alam ko naman na mahirap makakuha sa machine na yun kaya ayos lang din kung wala talaga siyang makukuha. Nanlaki ang mata ko ng biglang niyang hinampas ang machine sa sobrang inis niya. "This f*****g machine is so stupid." Sabi niya sa isang matigas na boses. Natahimik ako nang makitang siyang inis na inis. Bumaling siya sa akin at nagbago ang expression tila sumuko na. "I'm so sorry.. let's go." sabi niya sabay hawak ulit sa kamay ko. "It's okay, You don't need to apologize. Kahit ako 'di rin nakakakuha sa machine na yun." "It's not all about that. " napapaos niyang sinabi. I don't know why he is apologize about that. But i like him just the way he is. Kahit na ang pagiging cold niya at pagiging-iba ay gusto ko sa kanya. Imbis na sumagot ako ay ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Nag-iwas siya agad ng tingin at nahuling nangingiti. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng nadadaanan namin na para bang hindi nila ako nakikita sa tabi ni joaquin. Bigla kaming napahinto sa paglalakad at napadiin ang hawak niya sa kamay ko. Nagtaka ako at bumaling sa kanya. Tinitigan ko siya at nahuling nakatingin sa isang matandang babae na may kasamang batang babae. Mariin ang titig niya sa mga ito. Naka kunot ang noo at napansin ko ang nangilid ang luha sa kanyang mata. "Joaquin, What's wrong?." I asked worriedly. Nag-iwas siya ng tingin at hindi tumitingin sa akin. Sabay sulyap sa kanyang relo. "It's already late. Ihahatid kita sa inyo." he said. Tumango ako at 'di nag-usisa pa.."Uh-okay.." Nasa loob na kami ng taxi hawak niya parin ng mahigpit ang kamay ko. Napapangiti ako habang tinitigan ko iyon. Nakasulyap siya sa bintana at mukhang malalim ang iniisip. Bigla kong naalala ang nangyari kanina bakit naman siya napahinto ng makita ang matandang babae na yun? Tahimik parin siya hanggang ngayon simula ng makita niya yon. Lumapit ako bahagya sa kanya upang kausapin siya at tanungin. "Joaquin... are you alright?." I whispered. Namilog ang mga mata nang bumaling siya sa akin na sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Konting konti na lang ay malalapat ang mga labi namin. Kahit s'ya ay nagulat pero imbis na umatras ay tinitigan niya ang labi ko. Nanigas ang katawan ko at hindi ako makagalaw. I bit my lower lip and close my eyes. "Yes.. I'm already fine now." he whispered on me. I was ready to feel his kiss. Ilang saglit pa ako naghintay pero hindi ko parin maramdaman ang labi niya sa labi ko. Binuksan ko ang isang mata ko at laking dismaya ko ng makitang nakakatitig lang siya sa akin. "Why did you close your eyes?." he asked confusedly. "Huh?.... A-no kase.. aray." Kinusot ko ang mata.." Ano napuwing ata ako." Pagsisinungaling ko. Para takasan ko ang nakakahiyang pangyayari na yon ay nag kunyari na lang ako na may pumasok sa mata ko. Nakakainis buong akala ko hahalikan niya ako. Ganon kase ang mga nangyayari sa mga movie kapag nalapit na ang mga labi ng babae at lalaki halikan na ang kasunod. Fuck movie! Bakit ko ba kase naisip na mangyayari yon sa totoong buhay. Nang makarating kami sa labas ng bahay ay 'di parin niya binibitawan ang kamay ko kaya ayaw ko paring mag-paalam. "You had fun today?." he asked "Yes.. I'll have fun today thanks to you." I said. I smiled sweetly at him. "See you tomorrow." "Alright. See you tomorrow." Sabi niya ngunit hindi parin binibitawan ang kamay ko. Ngumuso ako at yumuko. Baka mapansin niyang hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Nang tumingala ako sa kanya ay sabay na paghalik niya sa noo ko. Nabigla ako doon I didn't expect this. Ganto pala ang Pakiramdam kapag sobra sobra ang kasiyahan na mararamdaman mo. Your facial expression will disappear and will be blank. This is so sweet. "I'll wait for you to come inside and then I'll go home." he said. "Yeah okay. Take care." Sabi ko sabay kaway sa kanya papasok ng bahay. I think I look like an emoji. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. "Belle ngayon ka lang?." Si manang. Nabalik na lang ako sa ulirat ng tanungin ako ni manang. "Ah opo. Pumunta lang po sa mall." Sabi ko at 'di makatingin sa mga kasambahay. "Ganon ba kumain kana ba?." Tanong ni ate bebe ang isa pa naming kasambahay. "Opo busog pa po ako... Si mommy po ba andito?." Tanong ko. "Umuwi na ang mommy mo kanina. Nagbihis lang tapos umalis mukhang may Da—." "Manang..." Saway ni ate bebe kay manang. Nagkatinginan sila na para bang may tinatago. Na curious ako 'diko pwede ipasawalang bahala ko ito kung tungkol kay mommy. "What manang I heard you something?." I asked curiously. "Uhm.. Ano kase belle ang mommy kanina bihis na bihis. Tinanong namin siya kanina kung saan siya pupunta ang sabi kase may Date siya. " Sagot ni manang. "Huh?.." "Wag mo na lang sabihin kami ang nag-sabi. Baka pagalitan kami ng mommy mo." Sabi ni manang. Tumango na lang ako at gulat parin. "Belle. Pumanik kana at magbihis." Si ate bebe. Dumiretso na ako sa hagdan at narinig parin ang saway ni ate bebe kay manang dahil sa sinabi sa akin. Habang papanik ako hindi parin ako makapaniwala na may ka date si mommy kung totoo man iyon. Pero imbis na maging masaya ako kay mommy dahil deserve naman niyang magmahal ulit. Pero bakit nakakaramdam ako ng hindi maganda?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD