Chapter 17 Cute

2726 Words
"Nag date naman pala kayo kahapon eh." Si andrea. Tinakpan ko agad ang bibig niya dahil baka marinig ng ibang mga classmate namin. Hindi naman sa ayaw 'kong malaman ng mga classmate namin pero baka ganon din ang gusto ni Joaquin. "Ano ba?. OA mo wala naman akong binanggit na pangalan." Sambit ni andrea. Inirapan ko na lang siya at binuksan ang libro sa harap para itago ang mga ngiti ko. "Belle maganda ba?." Tanong ni andrea, kaya nabaling ako ulit sa kanya. "Ang alin?.." sabay pakita niya ng butterfly necklace. Nanlaki ang mata ko ng makita iyon sa leeg niya. Ang ganda at bagay sa kanya. "Wow!. Sino ang nagbigay sayo si felix?." Mahina kong tanong. Kung kanina ako ang nangingiti sa kilig. Siya naman ngayon. Dahan dahan siyang tumango at namumula ang pisngi. Ang makita si andrea na ganyan kasaya ay ngayon ko lang nakita. Basta para sa akin kung masaya siya masaya na rin ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis matapos ng klase or sadyang ayaw ko lang matapos ang oras. Dahil nasa tabi ko si Joaquin. Kaninang pag pasok niya ng classroom ay hindi talaga ako makapaniwala na dumiretso siya sa tabing upuan ko. Natigilan ang mga classmate namin kung bakit siya doon naupo. Pero parang wala lang sa kanya iyon. Matagal ko nang gusto mangyari ito ang tumabi siya sa akin, pero bakit ngayon hindi ako makahinga? Mayamaya pa ay habang nagkaklase kami ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko.Tumingin ako sa ilalalim ng arm chair. Nanlaki ang mata ko ng makita ang kamay ni Joaquin. Kinagat ko ang labi ko dahil pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. Pasimple akong tumititig sa kanya. Seryoso naman siyang nakikinig sa aming teacher. Bakit parang ako lang ang affected? "Sabay tayong kumain." Sabi ni joaquin nang matapos ang klase. "Okay sige." Sabi ko. Hindi ako makapaniwalang sasama siya sa amin. Alam kong hindi ito ang nakasanayan niya. Gusto niya laging mag-isa at ayaw nang may kasama. Nasa gilid ko si andrea himala at tahimik siya at 'di nang-iinis sa akin. Habang naglalakad kami sa canteen ay tinawag si Joaquin nang teacher namin sa math. "Mr. Sarmiento, can I talk to the faculty?." Saad ng aming teacher kay Joaquin. Tumango si Joaquin at bumaling sa akin. "Wait for me in the canteen. Gusto ko sabay tayo kumain." aniya. "All right I'll wait for you." I said. "Saglit lang ako." Sabi niya sabay sunod na sa aming teacher. Kinikilig ako sa mga ginagawa ni Joaquin pero hindi ko yon ipinapahalata masyado. Pero si andrea kanina pa kinilig sa tabi ko at hinahampas ang braso ko. "Ayiee. Joaquin is so sweet." Sabi ni andrea habang kinikiliti ako." Ano hindi pwedeng wala lang yon sayo. May gusto kana rin sa kanya diba. Tama ako?." Hagikgik niya sa gilid ko. Inirapan ko na lang siya at tinatago ang ngiti ko. Tama siya gusto ko talaga si Joaquin, gustong-gusto. "Belle..." Natigil ang ngiti ko ng may narinig akong tumawag sa akin sa likod. Pagharap ko si malcolm na may hawak na bouquet na sunflower. Suminghap ako nang makita siyang palapit sa akin. Kahapon medyo nag-away nga kami kaya inaasan kong 'di niya na ako masyadong papansinin. Nilahad niya sa akin ang hawak niyang bulaklak." Well nanliligaw lang naman sayo 'yang Joaquin may pag-asa parin ako. Ako parin ang mas better doon. I know." ngumisi siya. "What a confidence!." Bulong ni andrea si gilid ko. May mga iilang estudyante ang tumitingin sa amin. "Malcolm mag-usap tayo doon." Turo ko sa di kalayuang puno na wala masyadong tao. Sa iritasyon ko ay nauna na ako maglakad sa kanya. Nang makalapit ay mariin ko siyang tinignan. "Please ayokong ginagawa mo to. Gusto kitang bilang kaibigan ko at hanggang doon lang yon." "Hindi kita gusto bilang kaibigan. Before kaya pumayag ako maging kabigan ka kase alam ko ayaw mo pa magka-boyfriend tapos malalaman ko nakikipag-date ka na." tuloy-tuloy niyang sinabi. "Gusto ko si Joaquin." diresto kong sinabi. "Tssk. Sasaktan ka lang non." Matigas niyang sambit. Hindi ako alam kung bakit naging ganito si malcolm sa akin. Dati ko na siyang napapansin pero alam ko din medyo babaero siya...Nakita noon kung paano lumapit ang mga babae sa kanya dahil gwapo siya at malakas ang appeal. Kaya kung babastedin ko siya hindi naman siguro kalaking kawalan yon sa kanya. Kaya lang siguro ganyan siya sa akin dahil inosente ako at wala pa talagang masyadong experience sa relationship. Umiling ako at matalim siyang tinignan."Malcolm gwapo ka—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay biglang may humigit sa braso ko at tinago niya ako kanyang likuran. Napakurap-kurap ako nang makitang likod ni Joaquin iyon. "Joaquin...." tawag ko. Tumawa si malcolm na nakakainis."Bilis mo ha!." Sabi ni malcolm sabay tingin sa akin. "Ayan na ang Prince charming mo, Princess belle." he said sarcastically. Mabilis na umalis si malcolm sa harapan namin. Sinundan ko siya ng tingin nakita kong tinapon niya sa basurahan ang hawak niyang bulaklak. Yumuko ako at hindi makatingin kay Joaquin Dahil nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. "Which one do you like for potential boyfriend? That desperate bastard or the one who gave you a hair clip? " What the stupid question! Si malcolm at joseph ba ang tinutukoy niya. Bakit parang imbis na mainis ako sa tanong niya ay natutuwa pa ako. If is he a jeoulos I'm the only one happy in the universe. "Huh?.. Wala." "Will you let me be your boyfriend if I say so?..." he asked seriously. Hindi ako nakasagot hindi ko alam ang sasabihin. Nangatog ang tuhod ko at naghuhumerentado ang puso ko sa kaba. "Wag mo nang sagutin." he said. Tumayo siya ng tuwid nakapamulsa sa harapan ko. Nakatitig parin siya sa akin pero hindi katulad kanina na madilim. "Hindi naging maayos ang date natin kahapon.I want us to date first, I want to date you perfectly." he said gently. Namula ang pisngi ko sa kilig ngumiti ako sa kanya. "I also want to go with you." I said. Tumango siya at ngumiti rin sa 'akin." I don't want to see you talking to another man, naiinis ako." he said darkly. Napangiwi ako ." I'm sorry...." tangi kong nasabi. "Mag-sorry ka talaga. Narinig ko sinabihan mo siya ng gwapo!." What nagulat ako. Kanina nag-aasume ako na nagseselos siya pero parang ngayon sure ako na nagseselos nga siya. Madilim nanaman ang tingin niya ng makitang natatawa ko. Hinila niya na lang ako upang makaalis na kami doon. Nang makapasok kami sa canteen ay hinanap ko agad si andrea. Nang makita niya rin kami ay kumaway siya at tinuro ang upuan. "Sasama kayo sa retreat sa sabado na yon diba?." Si andrea habang kumakain kami. "Oo nga pala." Sagot ko. "Ikaw Joaquin sasama ka?." Tanong ni andrea kay joaquin. Natigil ako sa pagkain para hintayin ang sagot niya. " Oo sasama na ako." Halos magdiwang ako na sasama siya. "Bakit hindi ka ba dapat sasama?." usyoso ni andrea. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalalim ng table para matigil na siya sa pagtatanong. "Hindi sana." Simpleng sagot ni joaquin. Kaya nang dumating ang sabado ay nagimpake na ako na dadalhin sa retreat. Maaga pa lang ay tumulak na ako sa school para doon magkikita kita at sasakay sa malaking bus. Simple lang ang sinuot ko naka maong jeans at white plain t-shirts and sneakers. Sinadya ko talaga mag plain white t-shirt dahil ito ang madalas na suot ni joaquin. Kaya nga lang laking dismaya ko nang makita siyang naka black plain t-shirts. Nagpicture kami bago sumakay ng bus. Kaya hindi agad nakalapit sa akin si joaquin ginitgit agad siya ng mga classmate naming lalaki. Nang matapos ang picture ay narinig kong tinutukso si joaquin ng isa sa mga classmate naming lalaki. "Uy Joaquin pre! Naka plain black ka parehas kayo ni yumi." Bumaling ako kay yumi na nangingiti dahil tinutukso din siya. Dahil parehas nga sila ng suot ni joaquin. Kinalabit ako ni andrea sa gilid. " May black ako dito magpalit ka." Pagpupumilit ni andrea. Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin. Sumakay na kami sa bus ni andrea umupo ako sa pinakadulo. Tahimik parin ako dahil naiinis ako Pumasok na si joaquin at huminto sa harap ko. Nakatingala lang ako sa kanya at malambot naman ang titig niya sa akin. Kasunod niya sa likod ang classmate naming lalaki na nang-iinis sa kanya kay yumi. Hinawakan siya sa balikat at itinuro si yumi kung saan to nakaupo sa likod namin. "Joaquin doon kana lang maupo sa tabi ni yumi." Tukso nanaman sa kanya. Sumimangot siya at tila naiirita. " Doon ako sa dulo uupo." Malamig niyang sinabi. Umalis na siya sa harapan namin at pumunta na sa dulo. "Ikaw kase pre! Alam mo namang hindi friendly 'yan si Joaquin." Sabi ng iba kong classmate. Nakatulog ako sa byahe at nagising na lang ako nang malapit na kami sa laguna. Tahimik ako at walang sa mood nang makarating kami. Kahit maganda ang lugar nawalan na ako ng gana. Napapansin ko na kanina pa siya na sa likod ko pero nagkukunwari na lang akong hindi siya nakikita. Nawalan na lang siya sa paningin ko ng pumasok na kami ni andrea sa room namin.Isa si yumi sa kasama namin sa room at ang iilan naming mga classmate na babae. "Ang sungit talaga ni Joaquin no?, Walang effect yung ganda mo?." Sabi ng kaibigan ni yumi sa kanya. Palihim akong sinisiko ni andrea dahil narinig namin ang pangalan ni joaquin. "Hindi naman siguro. Mabait kaya siya pag kaming dalawa lang." Sagot ni yumi. Silang dalawa bakit nagkasama na ba silang dalawa ni joaquin? Kumunot ang noo ko at naiinis na sa naririnig ko. Kailan sila nagsama? Ganon ba si joaquin mabait ba siya sa lahat, Ganon din siya sa akin nung una mabait din siya kapag kaming dalawa lang. Matapos ang ilang oras ay kumain na kami ng lunch. Tahimik akong kumakain at hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi kanina ni yumi. Maingay na umupo ang mga classmate naming lalaki sa table namin ni andrea. Kaya natigil ako sa pag-iisip. "Hi belle.... Gusto mo pa ng fried chicken?." Tanong ng classmate kong si John. Umiling ako at ngumiti. Halos hindi ko nga maubos ang kinakain ko dahil wala akong gana. "Huy tigilan mo pag-papansin kay belle. Basted ka agad dyan." Tukso ng classmate kong si Vin. Hindi ako makangiti sa tuksuhan nila at nilibang na lang ang sarili sa pagkain. Hanggang may naramdaman na lang akong umupo sa gilid ko. Bumaling ako sa kakaupo lang na si Joaquin, naglapag siya ng strawberry juice sa gilid ng pinggan ko at tumingin sa akin saglit. Gulat pa ako sa biglaan niyang pag-upo sa tabi ko. Kaya nasundan ko ang matalim niyang tingin sa mga classmate naming nakaupo sa harapan. Natigilan ako sa pagkain ganon din ang mga classmate namin. Ganon ba talaga siya ka intimidated? "Kumain ka na." Bulong niya sa akin. Tumaas ang balahibo ko ng ilapit niya ang labi sa tainga ko. Napalunok ako at yumuko na lang at ginawang dahilan pagkain. Napansin kong sinisiko ni Vin si john at hindi sila makatingin sa amin. Hindi ko alam kung paano ako nakatapos sa pagkain. Nang matapos si Vin at John ay agad silang umalis sa table namin na walang sabi-sabi. "Galit ka ba?." Tanong ni joaquin. Sumunod siya sa akin nang lumabas ako, parang ayaw ko siyang pansinin 'di ko naman siyang magawang tanungin sa narinig kong sinabi ni yumi kanina. Umiling lang ako sa tanong niya at nag-iwas ng tingin. Ilang oras na lang din magsisimula na ang palaro 'di na kami masyadong makakapag-usap. "Bakit hindi mo ako pinapansin?." Tanong niya ulit. "Wala, hindi ako galit." sagot ko. Nanliit ang mata niya kaya hindi ko na lang siya tinignan. "Pag-uwi natin mag date tayo ulit." aniya. Nabigla ako kaya humarap ako sa kanya. Nakangisi siya at nakahawak sa labi. "Bakit wag na!.." pagalit kong sinabi. Tila nagulat siya sa reaksyon ko. Kumunot ang noo niya at ibinigay sa akin ang buong atensyon. "Bakit ayaw mo na ako idate?." Umirap ako at bumuntong hininga. Paano ako naloloko ng isang to? Siya lang ang nakakagawa sa akin nito. "Oo. Akala ko ako lang idinadate mo marami pala kami, Ang galing mo!..... na hopia ako 'don ah." Tuloy-tuloy kong sinabi at pinagtaasan siya ng kilay. "I don’t date anyone else.." he said seriously. Matalim ko lang siyang tinitigan, Ayaw ko nang maniwala sa sinasabi niya. Kaya nga lang hinawakan niya ang kamay ko. Ngumuso ako at hindi nagpapadala sa mga panunuyo niyang hawak sa akin. "You're the only one I've dated.." he said softly. Hindi parin ako nagsasalita at pinapanatili ang galit na mukha. "You don't believe me?." he asked. Tumango ako at binabawi ang kamay sa kanya pero mariin ang hawak ayaw akong bitawan. "Oh my gosh!." Sigaw ni andrea ng makita ang ayos namin. Mariin kong tinitigan si Joaquin para bitawan ang kamay ko. Pero ayaw niya talagang bitawan baka makita pa kami ng ibang tao. "Hey, Your friend doesn't believe me that she's the only one I like.." sabi ni joaquin kay andrea. Nanlaki ang mata ni andrea sa akin. Umiling ako para wag niyang patulan ang mga sinasabi ni joaquin. "Totoo ba yan? Kanina pa yan nagseselos kase kanina sabi ni yumi mabait ka daw sa kanya pag kayong dalawa lang." sabi ni andrea kay joaquin. Nasapo ko ang noo ko. ayoko na sana malaman ni joaquin ang tungkol doon baka sabihin niya pa nagseselos ako. Nakasimangot akong bumaling sa kanya at pilit kong tinatanggal ang kamay ko. Nang natanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at pinandilatan si andrea ng mata. Nakakainis napaka-daldal niya talaga. Bahagya siyang natawa samantalang ako. Natataranta sa mga pinagsasabi niya. "Nako joaquin, Subukan mo lang paiyakin ang Bestfriend ko yare ka sa akin." Banta ni andrea. "Andrea, Halika na baka magsisimula na ang games." Sabi ko sabay hila sa kanya. Hindi pa ako nakakahakbang ay hinigit na ako ni joaquin kaya napabalik ako sa kanya. "Don't run away from me. Let's talk about what you're jealous of." sambit ni joaquin. Humalakhak si andrea. "Alam nyo mag-usap muna kayo mauna na ako sa inyo sa loob." Si andrea at kumaway kaway pa sa akin. Tumango si Joaquin sa kanya tila sila pa ang nag kakasundong dalawa. "Andrea..." Tawag ko. Nang bumaling ako sa kanya seryoso nanaman ang titig niya. Kinabahan ako. "Do not believe others. Ikaw lang ang gusto ko." aniya. "Hindi ako naniniwala. Paano mo nasabing hindi ka magkakagusto sa iba!." agap ko. Dahil yon naman ang totoo hindi malabo iyon.kahit magustuhan niya ako marami paring mas maganda at matalino kumpara sa akin. Nakita ko na to kay mommy at daddy pa lang. Kahit gaano kaganda si mommy nagkagusto parin si daddy sa iba. "Sige sabihin mo sa akin. Mayroon pa bang ikaw?." aniya. Natigilan ako mas marami namang higit sa akin at mas babagay sa kanya pero hindi ko na lang isinantinig iyon. Ayoko namang gawin kawawa ang sarili ko. "Basta. I don't want to date you again." I said. "Tssk. Bakit sino ang gusto mong idate?." Nakasulong ang dalawang kilay sa tanong niya. Kumulo ang dugo ko, Ganon ba ang tingin niya sa akin makikipag-date naman ako sa iba. "Kahit sino.." "Isa sa mga classmate natin? Pipili ka na lang kung ganon?." Galit na ang tono niya. Napangiwi na lang ako sa sinasabi ko dahil kahit ayaw ko naman talaga sa mga sagot ko. "Oo." "Sa tingin mo papayag ako kung kani-kanino ka nakikipag-date." he said arrogantly. Bumabalik nanaman ang pagiging mayabang niya. Bakit naman hindi siya papayag? "Ako na lang ang idate hindi mo na kailangan mamimili." he chuckled. "Ayoko sayo!." Sigaw ko "Gusto kita..." ngumisi siya. Nag lolokohan na lang yata kami dito. Nakakainis siya umirap na lang ako at tinalikuran siya para makaalis na sa harap niya. Naka isang hakbang pa lang ako ay agad niya akong masuyong niyakap sa likod. Nanigas ang katawan ko at hindi ako makagalaw. Tumawa siya malapit sa tainga ko na nakapag pataas ng balahibo ko. "I'm sorry you're cute when you're jealous. " "Ano ba hindi ako nagseselos, Bitawan mo nga ako baka may makakita sa atin." reklamo ko. Nagpumiglas ako kaya lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa akin. Kaya't nahirapan akong makawala. "I can't take it seriously. Because you're so cute."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD