Palagi siyang na sa tabi ko ngayong araw. Kaya nang magsimula ang games akala ko tatahimik na siya pero malinaw na malinaw pa sa 'akin ang huling sinabi niya kanina bago ako pakawalan.
"Babantayan kita sa games." he warned me.
Kaya nang hinigit ako ni John para sa larong newspaper dance, para maging mag partner kami. Mabilis na pumagitna si joaquin.
"Don't touch her." Joaquin said darkly.
Natigilan si John kaagad na umalis sa tabi ko. Hindi nanaman ako makatingin kay joaquin, buti na lang hindi masyadong napansin ng mga classmate namin dahil mahina lang naman niyang sinabi iyon.
Sa huli kami ang naging mag partner. Masuyo siyang nakahawak sa bewang ko kaya hindi ako makapag concentrate.
Nang sumipol ang teacher namin hudyat na kailangan na namin pag kasyahin ang sarili sa newspaper, mabilis siyang humawak sa akin nang mahigpit.
Napalunok ako dahil kapit na kapit na siya sa akin. Kahit pa ay isang tiklop pa lang ang papel at kasya pa naman kami kahit hindi siya masyadong humawak sa akin.
Malakas ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Hindi ko nga lang alam kung dahil ba iyon sa amin o sa masayang laro.
Nang sobrang liit na lang ng papel dahil sa pagkakatiklop ay kailangan na talaga namin pagkasyahin ang sarili namin.
Hindi pa sumisipol ang teacher namin kaya iniisip ko na kung paano ko pagkakasyahin ang sarili ko.
Nang sumipol na ang aming teacher ay sabay non ang pagbuhat sa akin ni Joaquin. Napatili ako at napakapit sa leeg niya sa sobrang gulat.
Nagkatinginan kami, Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nagtatama ang aming mga mata para bang natutunaw ako.
Nang nagkatinginan kami, Napagtanto ko talaga sa sarili ko na hindi ako naguguluhan sa nararamdaman ko....siya talaga ang gusto.
Ang mga titig niya sa akin ay napaka seryoso.
Hindi ko talaga alam kung ano ang nagustuhan ko sa kanya, ni hindi ko nga 'rin alam na kailangan ba ng dahilan para masabing mahal mo ang isang tao.
Pero ang alam ko pati ang pagiging cold at masungit niya ay gusto ko.
Hindi ko alam kung paano natapos ang laro basta hindi kami ang nanalo. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid matapos ang laro.
Umiinom ako ng tubig nang tumabi sa akin si andrea.
"Kamusta ang puso mo? Lakas ba ng t***k?." Sabi ni andrea sabay hawak sa dibdib ko.
Iniwas ko agad ang kamay niya dahil sa pang-iinis niya.
Hindi ko alam kung paano ko natatago ang emosyon ko kung gaano ako nababaliw sa ginagawa ni joaquin.
Nag-paalam siya kanina sa akin na magpapalit ng damit. Hindi ko alam kung bakit yon pinag-papaalam niya pa.
Habang nagtatawanan kami ni andrea sa gilid dahil sa mga classmate namin na kasali sa mga games.
Natanaw kong lumabas si Joaquin na naka plain white t-shirt na ang suot. Nalaglag ang panga ko ng makita siyang seryosong naglalakad palapit.
Kahit nang umupo na siya sa tabi ko ay hindi parin ako makaimik.
Nanonood na lang ako ng games para maiwasan ko ang pagtitig sa kanya.
Pero hindi mawala sa isip ko na parehas kaming naka plain white t-shirt. Napaka simpleng bagay pero natutuwa ako.
Mga ilang saglit pa ay lumapit ang iba naming classmate na lalaki at huminto sa harapan namin.
"Sasali pa kayo sa ibang games, Belle?." Tanong ni miguel.
Naghintay sila ng sagot ko at ang mga pati na rin ang classmate naming lalaking kasama niya.Hindi pa ako nakakasagot ng maramdaman kong inakbayan ako ni joaquin.
Nanlaki ang mata ko at bumaling sa kanya. Mariin ang titig niya sa mga classmate namin kaya siniko ko siya, ngunit hindi parin nagbago ang expression niya.
"Hindi na siya sasali..." joaquin said coldly.
Nagulat ang mga classmate ko at makahulugang tumingin sa akin. Alam kong magtataka talaga sila sa reaksyon ni joaquin.
Sumenyas na lang ako agad naman nilang naintindihan, kaya mabilis rin silang umalis sa harapan namin.
Bumaling ako kay joaquin at mariin siyang tinignan. "Ang sungit mo..." sabi ko.
Kumunot ang noo niya at nagtataka sa sinabi ko. "Wag mo silang kausapin."Sabi niya sabay iwas ng tingin.
"Nag-aaway ba kayo?..." Tanong ni andrea sa tabi ko.
Siniko ko agad si andrea sa tabi ko.
"Hindi ah"
Pinaglaruan ko na lang ang hawak kong bote ng tubig at hindi na lang kumibo, umiwas na lang ako sa pagtingin kay joaquin.
"Wait lang ha, Tumatawag si felix..." Masayang sambit ni andrea.
Mabilis siyang umalis at sinagot ang tawag ni felix. Naiwan kami ni joaquin kaya medyo akward lalo't nang nakasalubong ang dalawang kilay niya.
I heard joaquin sighing heavily.
Nagtatawanan ang mga classmate ko dahil masaya ang laro. Nakatingin ako sa mga classmate kong nagtatawanan dahil sa laro pero hindi ko magawang tumawa.
Pinaikot-ikot ko na lang ang takip ng bote at pasimpleng tumitingin sa kay joaquin na seryosong nakatingin sa mga naglalaro naming mga classmate.
Ngumuso ako at yumuko, Hindi ko sinasadyang napadiin ang pagkakahawak sa plastic bottle kaya tumunog iyon.
Natigilan ako kaya ibinaba ko na lang pagkakahawak sa bote at bumaling kay joaquin. Naabutan kong nakatingin siya sa akin, mabilis niyang kinuha ang hawak kong bote at pinalitan niya ng kanyang kamay.
"Gusto mo pa bang sumali sa mga games?."Tanong niya.
Umiling ako sa tanong niya. Ganon ba ang akala niya na gusto ko pang sumali?
"Sasali na lang ulit ako kung sasali ka." Sambit niya.
"Hindi ayoko medyo pagod na rin ako."
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko, Kaya agad akong bumaling sa paligid dahil baka may makakita sa amin na hawak niya ang kamay ko.
"Joaquin....." Bulong ko.."Baka makita tayo, Ano pa ang sabihin sa 'ating dalawa."
Tumingin siya sa paligid, pero parang 'di naman siya masyadong nag-aalala.
"Maglakad lakad muna tayo doon." Sabi niya sabay turo sa 'di kalayuan.
"Bakit?."
Naghiyawan ang paligid dahil may nanalo na sa games, Pero ang buong atensyon namin ay parehas sa isa't-isa.
Parang hindi namin naririnig ang paligid, kaya hindi ko rin alam kung may nakakita na ba sa ayos namin.
"Para nayayakap kita." Seryoso niyang sinabi.
Nakakaloka! Tuwing ganito siya natitigilan talaga ako. Nababaliw na ba siya o ako ang nababaliw?
Nauna akong maglakad sa kanya. Sumunod siya agad, huminto ako ng medyo malayo na sa mga classmate namin na naglalaro.
Pag harap ko upang tignan siya kung nakasunod ba, tumama agad ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa mabilis niyang pag yakap sa akin.
Naamoy ko agad ang bango niya. Nakakaadik sarap amoy amoyin ng damit niya. Pero pinagilan ko agad ang sarili ko dahil baka may makakita sa amin at baka kung anong isipin sa 'aming dalawa.
"Joaquin...." Mahina kong bulong.
"Why?..." he chuckled.
Hinigpitan niya lalo ang yakap niya at natatawa pa dahil natataranta ako.
"May makakakita sa atin."
"Okay, two minutes."
Ano ba itong ginagawa niya sa akin. Mas lalo akong nababaliw sa kanya, mas lalo ko siyang nagugustuhan. Bakit ba kase ganito siya sa akin.
"Two minutes na.... let's go back." I said.
He pouted and still didn't want to let go of hugging me."I want us to be like this."
Masaya akong nakatitig habang pinapakinggan ang sinasabi niya.
"Mag date tayo ulit, kahit saang gusto mo."Sabi niya.
Nag-isip agad ako kung saan naman maganda mag date hindi yung puro sa mall lang.
"Gusto ko sa park." malambing kong sinabi.
"Okay then."
Nakalimutan ko na sigurong bumitaw at gusto parin naman talaga ang yakap niya. Sinulit ko ang isang minutong yakap siya at hindi muna inisip ang tao sa paligid.
Bumaba sa aking labi ang titig niya at unti-unting nilapit ang sarili. Alam kong hahalikan niya na ako kaya pinikit ko na ang mata ko para damhin ang halik niya.
This time hindi na ito pag-assume lang, dahil sigurado na ako na hahalikan niya talaga ako.
Konting konti na lang maglalapat na ang labi namin para mag-kiss ng may narinig kaming sumigaw sa gilid namin kaya natigilan kaming dalawa.
"Oh my gosh!..." Namilog ang mata ko at agad na lumayo kay joaquin.
Bumaling ako sa sumigaw at nakitang si andrea yon. Gulat at hawak ang bibig na nakatingin sa amin.
Sapo ko ang aking noo dahil hindi ko yata kakayanin kung ibang tao ang nakakita sa amin. Buti na lang si andrea pero kahit papaano nahihiya parin ako.
"Sorry... Nagulat lang pwede n'yo naman Icontinue, Mauuna na ako doon." Pabirong sinabi ni andrea at agad ng umalis sa harapan namin.
Nang makaalis si andrea ay hindi ako makatingin kay joaquin. "Halika na balik na tayo." Sabi ko.
"Hmm, Okay." Sabi niya sabay hawak agad ng kamay ko.
Babalik ba kaming magkahawak ang kamay? Pero baka makita kaming dalawa at kung ano-ano nanaman ang sasabihin ng iba kaya bumitaw ako.
Bumaling siya sa akin ng seryoso. Pero agad din naman niyang naintindihan na hindi kami pwedeng maglakad na magkahawak ang kamay.
Kinagabihan ay sabay sabay kaming kumain ng dinner sa mahabang table. Hindi ko katabi si joaquin dahil kabilang siya sa mga magkakatabing lalaki.
Mas magandang hindi ko siya palagi katabi dahil baka ma-intriga kami. Habang kumakain pasimple ako titingin sa banda niya, nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin.
Hindi ako makakakain ng maayos dahil sa mga titig niya. Napapansin ni andrea ang pagkakailang ko.
"Nguya nguya din wag puro lunok." Bulong ni andrea sa akin.
Halos maibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa pang-iinis ni andrea. Sinipa ko siya sa ilalalim ng table.
Mahina siyang tumatawa sa gilid ko.
Alas-diyes na ng gabi oras na nang pahinga, nasa kwarto na ang lahat ng estudyante para matulog.
Halos lahat siguro ay pagod kaya ang ibang kasama namin sa kwarto ay tulog na. Ako na lang ang hindi pa masyado makatulog.
Iniisip ko si joaquin hindi ko alam kung kailan kami naging ganto, kailan siya naging ganito sa akin.
Bumangon ako at umupo, medyo nauuhaw ako kaya tumayo ako at lumabas upang kumuha ng tubig sa baba.
Medyo dim na ang lights sa pababa ng hagdan. Kaya dalawang isip ako kung baba pa ba ako.
Luminga-linga ako at natigilan nang may napansin may bulto ng katawan ng lalaking nakatalikod sa veranda.
May natirang bukas ilaw pa naman doon kaya hindi ko naisipang multo yon. Nang makalapit ako ay 'di ako nagkamali kanina na maisip na kay joaquin ang likod na yon.
"Joaquin...." tawag ko.
Mabilis siyang humarap sa akin at nakitaan ko ng saya ng makita niya ako.
"Bakit hindi ka pa natutulog?." Tanong ko.
"Hindi ako makatulog." Simple niyang sagot.
Siguro ay 'di siya sanay na may ibang kasama sa kwarto. Kaya hindi siguro siya makatulog.
"Can you stay even just for a moment." He said.
"Huh.... Baka pagalitan tayo joaquin."
"Five minutes .. Please." Pagpupumilit niya.
Namilog ang mata ko ng nakarinig kami ng yapak at nakitang may ilaw ng flashlight.
Mabilis akong hingit ni joaquin at nagtago kami sa likod ng pintuan. Kinabahan ako kaya nagtago ako sa dibdib niya habang yakap niya ako.
"Joaquin bumalik na tayo mapapagalitan tayo." Sabi ko at kinakabahan parin.
"It's okay.. I want to stay like this with you."he said gently.
"Joaquin......pero—"
"Shhhh..."
Hinaplos niya ang ulo ko at mahigpit parin ang yakap niya. Gusto ko rin naman na ganito kami pero paano kung mahuli kami.
"I want to give you something." Sabi niya sabay lahad sa akin ng maliit na box.
"What is this?." I asked.
Binuksan niya sa harapan ko ang maliit na box." Lavender rose necklace."
Kinuha niya ang necklace sa box at kaagad na sinukbit sa leeg ko. Nang mailagay niya ay napangiti ako ng hawakan ang pendat nito.
"Ano ang meaning ng lavender rose?." I asked.
"It's love at first sight." he said softly.
Matapos niyang sabihin iyon ay malambing niya agad akong niyakap at itinago ang mukha sa aking balikat.
Para bang ayaw makita ang reaksyon kong gulat. Matapos niyang sabihin yon para bang natigil ako sa paghinga.
First time kong maramdaman ito na sobra sobrang saya. Mahigpit din ang yakap ko sa kanya, Isa lang ang hiling ko ngayon sana hindi ito panaginip, kung panaginip 'man ito sana hindi na lang ako magising.
All my life I've thought that wasn't good to fall in love. It maybe beacuse I'm too young to think the meaning of love or I just don't really know the meaning of it.
Ngayon na realize ko, na wala talagang maling pag-ibig minsan nagkakamali lang tayo ng taong na papaglaanan ng pag-ibig.
Hindi totoong ang pag-ibig kung itsura lang ang basehan mo o kung gaano kayaman ang meron siya.
Ang totoong pag-ibig ay tanggap mo at mahal mo kung sino siya at kahit pa ang mga bad side niya.