"Belle, gising na...." Dumilat ako dahil sa pag-gising ni andrea.
"Hmm..." Umupo ako kinisot ang mata, medyo inaantok pa ako.
Mabilis ako bumangon at nag-ayos ng gamit dahil mamaya na rin ng uwi namin, medyo bitin pa ang tulog ko pero hindi nawala sa isip ko ang nangyari kagabi.
Alas-onse na ng bumalik kami sa kwarto, hindi ko makapaniwala na isang oras kaming nanatili sa likod ng pintuan na puro yakapan.
"Goodnight.." he said playfully.
"Goodnight..." ngumiti ako bago isarado ang pintuan.
Iyon na ata ang ala-alang hindi ko malilimutan buong buhay ko.
Ang laki ng ngiti ko habang tinitingnan sa salamin ang binigay niyang necklace kagabi.
Kung hindi lang ako tinawag ni andrea para sa pag-uwi, mananatili akong nakangiti sa harapan ng salamin.
Marami akong baon na memories pag-uwi ko, nakatanaw ako sa bintana habang iniisip parin si joaquin. Hindi pa umaandar ang bus namin kaya sumungaw si yumi upuan namin at tinawag ako.
"Uhm... Belle bakit parang sobrang close nyo ni joaquin?." Yumi asked.
Kinagat ko ang labi ko. Alam ko naman na may magtatanong talaga sa bagay na yan.
Kanina lang bago kami sumakay ay lumapit sa akin si joaquin at bumulong, kitang-kita yon ng lahat kaya siguro nagtaka sila.
"Kay andrea ka lang tumabi..." Joaquin whispered on me.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay yumi, pero ano naman kung sabihin kong close talaga kami para na 'ring tigilan niya pag-papantasya kay joaquin.
"A-no.... Close talaga kami kase-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla magsalita si andrea at siya na ang sumagot sa tanong ni yumi.
"Nag dadate sila bakit?." Sagot ni andrea at pinagtaasan niya ng kilay si yumi.
Nanlaki ang parehas ang mata namin ni yumi... Si andrea talaga napaka prangka.
Kinurot ko ang tagiliran niya para matigil siya.
"Aray!.... Totoo naman ha? Nagda-date naman talaga kayo." Sabi ni andrea.
Bumuntong-hininga na lang si yumi at inirapan kaming dalawa, umupo na lang siya at walang sinabi.
"Dapat hindi mo na lang sinabi." reklamo ko kay andrea.
"Bakit hindi? Ganyan ang mga epal na babae dapat alam nila kung saan lang sila lulugar..."
Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na lang pinansin, alam ko naman na kahit maraming umaaligid kay joaquin wala naman siyang pakealam doon.
Halos isang linggo kami naging busy nang bumalik sa school, dumating ang mga exam kaya nag-focus muna kami sa pag-rereview.
Nag pupunas ako ng bintana dahil general cleaning namin ngayon, Ang iba ay nag wawalis at naglalampaso.
Tahimik lang akong nag pupunas ng bintana at nakasampa sa bangko para mapunasan ko pa ang taas ng bintana.
Napatili ako ng may bumuhat sa akin at ibinababa ako sa bangkuan.
Umigting ang panga ni Joaquin nang maibaba ako, Ang lakas parin ng pintig ng puso ko dahil sa gulat.
"Ako na ang mag pupunas, masyadong maiksi ang palda mo... Baka makitaan ka." He said very seriously tone.
Kinuha niya sa kamay ko ang basahan at siya na ang nag punas sa taas ng bintana.
Ngumuso ako at nag pipigil ng ngiti.
Nang matapos siya mag punas ay pagpasok ng mga classmate naming lalaki na pawisan galing ata sa laro.
"Uy Joaquin, gusto mo sumali mag basketball?.." Tanong ni miguel.
"Oo nga sumama ka naman minsan, Huwag puro aral... Tsaka maraming babae sa court na pinaglalaruan namin." Sabi pa ng mga ibang classmate naming lalaki.
Pinagtaasan ko sila ng kilay.
"Ano ba kayo huwag nyo nga turuan mang babae si joaquin.." sabi ni yumi na nasa gilid pala namin.
"Woah!.... Bakit gusto mo ikaw lang babae ni joaquin." Sabi ni miguel sa kanya.
Ngumisi si yumi at umirap sa kanila.
Tahimik lang ako dahil kumukulo na ang dugo ko.
"I'm not interested." Joaquin said coldly.
Bumaling ako sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko."Gusto mo bang kumain?." Tanong niya sa akin.
Nalaglag ang panga ko, 'di dahil sa tanong niya kundi sa pagtatanong niya sa harapan ng mga classmate namin.
"Woaah!!... Lovers." Nabalik na lang ako sa ulirat ng marinig ang tukso sa amin.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni joaquin dahil sa irita. Hinila niya ako at lumabas kami ng classroom.
Tahimik kaming kumain sa canteen, konti lang mga estudyante sa loob kaya mas comfortable ako.
"Joaquin..." Tawag ko sa kanya, agad naman siyang bumaling sa akin." Matagal na ako na ku-curious, importante ba ang nagbigay sayo ng bracelet na yan?." Tanong ko sabay turo sa bracelet na suot niya.
Naalala ko pa noon, nung una niyang hinanap sa akin ang bracelet niya, galit na galit siya kaya naisip kong importante ang nagbigay sa kanya non.
Nag-iwas siya ng tingin at tumango sa akin."Yes.." Sagot niya.
Tipid akong ngumiti." Sino ang nagbigay sayo?." I asked.
"My mother." aniya.
Tumango ako at kahit papaano ay nalaman ko din kung sino ang nagbigay sa kanya non. Magiging importante naman talaga sayo kapag parents mo ang nagbigay ng isang gamit.
"Ito na lang kase ang natitirang ala-ala ko sa kanya, kaya napaka importante sa akin." Sambit niya sa malungkot na boses.
"Bakit nasaan ba ang mommy?." Tanong ko.
Seryoso siyang nakatingin sa akin." I don't know, may sarili na rin siyang pamilya." he said.
Sa isang banda naiintindihan ko ang nararamdaman niya, ang hindi ko lang alam kung may pamilya na rin ba si daddy sa iba.
Totoo pala na lahat tayo may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay, nasa sa atin na lang kung pano ito dalhin.
Matapos kaming kumain ay dumiretso ako sa comfort room. Nasa loob na ako ng cubicle ng marinig kong kumalabog ang pintuan.
Lumabas na ako at naabutang humagulgol si yassi, Nakita niya ako sa repleksyon ng salamin.
Matalim niya akong tiningnan, lalagpasan ko na sana siya nang bigla siyang sumigaw.
"Dahil sayo nakipag break sa akin si joseph!." Sigaw niya sa akin.
Kumunot ang noo ko ." Ano kinalaman ko sa kalandian mo?." Sabi ko at pinagtaasan siya ng kilay.
Imbis na maawa ako ay natatawa pa ako sa kagagahan niya, mabilis akong umalis sa harapan niya.
Naisipan kong kausapin si joseph kaya hinanap ko agad siya, at nakitang nasa filed kasama ang mga kaibigan nya.
"Joseph..." Tawag ko.
Nagulat siya nang makitang palapit ako.
"Hey belle, kamusta?."
"Pwede ba kitang kausapin?." I asked.
Tumayo siya at bahagyang lumapit sa akin.
Pasimple nangingiti ang mga kaibigan niya at nag-apiran pa.
Seryoso ko siyang binalingan." Bakit umiiyak si yassi?." Tanong ko.
Bumuntong-hininga siya." Nakipag hiwalay na ako doon." aniya.
"Bakit?."
"Belle hindi ko naman talaga gusto yon, Sinubukan ko lang baka sakaling makalimutan kita." Sambit niya.
"Joseph umiiyak siya at ako ang sinisisi niya!." Pagalit kong sinabi
"I'm sorry. Ikaw naman talaga kase ang gusto ko." Sambit niya at nag-iwas ng tingin.
Ayoko na talaga ma involve sa mga ganito, gusto ko lang tahimik na buhay.
"Ayusin mo 'yan, please lang wag nyo na akong idamay."
"I'm sorry please." he said.
Tumango na lang ako at umalis sa harapan niya, tinawag niya ako ngunit hindi na ako lumingon.
Naabutan kong nagbabasa ng libro si joaquin sa tabi ng upuan ko nang bumalik ako sa classroom.
Kaya dumistansya ako ng upuan dahil alam ko seryoso nanaman siya sa pagbabasa.
Binababa niya ang libro at bumaling sa akin.
"Bakit dyan ka umupo, San ka galing?." nanliit ang mata niya.
"Huh?.. dyan lang." Sabay turo ko sa labas.
Hindi siya sumagot. Nararamdaman niya bang nag sisinungaling ako? Bakit ba napaka guilty ko?
Lumapit ako sa tabi niya, nang makaupo ako ay itinaas niya ang kanyang dalawang kamay at kinulong ako sa braso niya habang nagbabasa siya.
"Joaquin ano ka ba?." Saway ko.
"Ang sweet, nilalangam na yung classroom." Hiyawan ng iba naming classmate.
"Don't mind them." aniya 'di parin ako pinapakawalan.
Somosobra na ata kami, pero parang wala lang sa kanya yon.
"San kaba kase galing?." Pilit niyang tanong.
"Kinausap ko lang si Joseph."
Kumunot ang noo niya. Binababa niya ang libro at tinanggal ang yakap.
"Bakit?." Simple niyang tanong pero parang napaka dilim ng presensya niya.
Kinagat ko ang labi ko at 'di makatingin sa kanya.
"May pinag-usapan lang kami." Mahinahon kong sinabi.
"Bakit ba kase maraming nagkakagusto sayo?." Tanong niya at sabay buklat ulit ng libro para magbasa.
"Bakit marami rin naman nagkakagusto sayo ha!." Agap ko sa sinabi niya.
Hindi siya sumagot, kinabahan ako baka galit siya.
"Galit ka ba?." Tanong ko.
Binababa niya ulit ang libro at binigay sa akin ang buong atensyon.
"Let's date later." he said.
Natigilan ako ang layo ng Pinag-uusapan namin sa date.
"Huh kailan?." I asked amused tone.
"Mamaya sa park."
"Okay sige..." Masaya kong sinabi.
Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko, namula ang pisngi ko sa pag ngiti niya.
"Kahit nung unang pasok ko dito, pangalan mo ang una kong naririnig." Sabi niya at umiling.
"Wala naman akong pakielam sa kanila."
"Kanino ka may pakielam?." Tanong niya.
"Sayo." Mabilis kong sagot.
Hinawakan niya ang kanyang labi, tila nangingiti. Napansin kong namumula ang tainga niya ng tumagilid siya.
Wait kinikilig ba siya?
He is so f*****g cute.
Maaga kami umuwi dahil wala namang lesson, bukas na 'rin kas ang foundation day.
Mag dadate kami mamaya. Kaya sobrang excited kong makauwi. Sa sasakyan pa lang iniisip ko na agad ang susuotin ko.
Naglaan ako ng ilang oras para mag-ayos ng sarili. Pinili kong suotin ang Pink puff Sleeve A-line dress, naglagay rin ako ng make-up pero hindi ako masyadong marunong mag lagay ng make up, kaya hindi ko alam kung maganda ba.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita kong pumasok si mommy. Pinasadaan niya ako ng tingin pero hindi siya masyadong nagtaka kung bakit ayos na ayos ako.
Kinagat ko ang labi ko at nag-iisip kung anong sasabihin ko kung sakaling tatanungin niya ako.
"Are you going on a date?." Nahimigan ko ang tuwa sa boses ni mommy.
Lumapit siya sa akin tinignan ang ayos ng make-up ko. Nahiya ako kay mommy hindi ako umamin na may date nga ako, pero hindi ko rin naman ako itinatanggi.
"Your dress is beautiful, but your lipstick doesn't match your outfit." Mommy said.
Kumuha siya ng wipes para tanggalin ang lipstick na nilagay ko kanina. Inayos ni mommy ang lipstick ko at pinili yung light pink na lipstick.
Nilagyan 'din ako ni mommy ng konting eyeshadow at blush on.
Nakakahiya nakikipag date na ako pero siya parin ang nag-aayos sa akin.
Malaki ang aking ngiti ng matapos ako ayusan ni mommy. Hinatid ako ni mommy sa labas at nag abilin kay manong boy na ihatid at sunduin ako.
Pasadong Alas-syete ay malapit na ako sa park. Nag-text ako kay joaquin na malapit na ako pero hindi siya nag-reply.
Nang makarating ay umupo na lang ako sa bench at hihintayin siya. Pinagtitinginan na ako ng mga dumadaang mga lalaki at nagtuksuhan nang napatingin ako.
Ilang beses akong tumawag kay joaquin dahil ang daming tao sa park na tumitingin sa akin.
Ten minutes na siyang late kaya nag-alala na ako. Hindi parin siya nagrereply at hindi sinasagot ako tawag ko.
Imbis na magalit ay pag-aalala ang nararamdaman ko baka may nangyaring masama sa kanya. Kaya hindi siya sumasagot.
Halos thirty minutes na siyang late pero hindi parin ako umaalis at nag babakasaling sumipot siya.
Palinga-linga ako at hinihintay parin siya. Nang nawalan na ako ng pag-asa sisipot pa siya ay tumayo na ako at inayos ang bag ko sa aking balikat.
Hahakbang na sana ako at aalis na nang makita siya sa gilid ko na hingal, dahil galing sa pagtakbo.
Namilog ang mata ko nang makita siya may dala-dalang isang bouquet na flowers na sira sira na ang mga petals nito at paper bag na halos nagusot na.
Hindi siya nagsalita at mariing pumikit, Lumapit ako nang bahagya at nag-iwas siya ng tingin.
"I'm sorry...." tangi niyang nasabi.
Napangiti ako dahil gumaan ang pakiramdam ko ng makita siyang ayos lang at walang nangyaring masama sa kanya.
Tinuro ko ang hawak niyang flowers.
"Is that for me?." I asked.
Bumuntong-hininga siya at iniwas sa akin ang dala niyang flowers. "Yes, but this is not the right time to give you flowers." he said.
Ngumuso ako at yumuko."Bakit naman?."
"Sira-sira na hindi na siya maganda."Sambit niya.
Tumango na lang at malungkot na nakatingin sa flowers. Iniabot na lang niya sa akin ang dala niyang paper bag. Kaya kahit papaano nawala ang busangot sa mukha ko.
Tinignan ko agad ang laman ng paper bag at nakitang dress ang laman non. Inilabas ko upang makita ang kabuuan ng dress, ngunit naglaglagan ang mga petals na siguro ay nahulog sa loob ng paper bag.
Humalakhak ako nang makita ang reaksyon niyang disappointed. Pilit niyang kinuha ang paper bag sa akin pero mabilis kong itinago iyon sa aking likod.
"I'm really sorry. I encounter pregnant woman, I helped her go to the hospital so I could come to you late.." he explained seriously.
Hindi ko lubos maisip kung ano kaya ang itsura niya habang tinutulungan ang babaeng manganganak na. Siguro sobrang na frustrate siya.
Pilit niya parin kinukuha ang paper bag sa akin. " Bibili na lang ako nang bago." aniya.
"Huh? Wag na ayos lang sa akin." Sabi ko.
Pero hindi siya nakumbinsi sa sinasabi ko Hinilot niya ang kanyang sentido." Sorry." he said.
Ngumiti ako sa kanya." It's okay, You don't have to apologize" I said.
Hindi siya makatingin sa akin kaya hinanap ko ang mata niya at ngumiti para ipakita sa kanyang ayos lang.
"I want to date you perfectly, but it's not a perfect ...." naiinis niyang sinabi.
Umigting ang panga niya at iniiwasan ako ng tingin. Ayos lang naman sa akin ang mahalaga ay walang nangyaring masama sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya. Seryoso naman niya akong binalingan.
"Even if not perfect the first time or the second... even the third, I will repeat this even every day, to make our date perfect."
Nang matapos kong sabihin yon kitang kita kong nawala ang pangamba sa mukha niya.
Tumango siya at nahuling kong may ngiti sa labi. Tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan.
Wala namang perfect sa mundo at kahit kailan hindi ako maghahanap ng isang perfect. Ang meron lang sa mundo ay ang Love and acceptance.
Natigilan siya sa biglaan kong pag halik, kaya kahit nung tinitigan ko na siya ay nakaawang parin ang labi niya.
Matamis akong ngumiti sa kanya, namumungay ang mata niyang nakatitig sa akin. Ilang saglit pa ay hinalikan niya rin ako.
Malambot at malambing ang halik niya para ayaw ko nang matapos.
"Date me every single day. I will prove to you that our date will also be perfect." he said.
Alam kong walang kasiguraduhan sa mundo pero sigurado ako na siya talaga ang gusto ko, at gugustuhin ko.
"I'm inlove with you." he said seriously.
Hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad na kami.
I walk with him, just like walking on a journey with love.
He came into my life unexpectedly.
I can't tell you how nice that feels, I realize now that I had never known what it meant to be loved. until I was loved by you.