"Belle! Bakit ka nagmamadali?."
Nang matapos na ang aming klase ay hindi na ako nag dalawang isip na umalis.
Nakakahiya at naiinis ako! Bakit siya ganon makapagsalita porket ba mataas ang score nya? At anong sabi nya unahin ko ang pag- aaral kesa ang paglalandi.
Ano ba ginagawa ko ngayon nag-aaral ako at kung inuuna ko ang paglalandi edi sana matagal na akong may boyfriend."
"Gusto ko ng lumabas sa classroom." sambit ko ng wala sa sarili.
"Huh? Bakit parang bad mood ka? Ilan ba ang nakuha mong score sa quiz? ." Tanong ni andrea.
" Wala, hindi naman."
Nang maupo na kami sa bleachers ay nakita namin si joseph na palapit sa banda namin.
"Hey, Nagkaayaan ng basketball bukas pwede ba kayo manood?. " he said
"Oh talaga. Sino-sino kayo ang maglalaro?." Andrea asked with excitements
"Swimming team lang." aniya
"Belle manood tayo Pagkatapos ng klase." sambit ni andrea.
"Inaasahan kitang pumunta belle, kung pupunta ka panigurado mananalo ako." malambing na sambit ni Joseph
" Ayieee ano bayan third wheel nanaman ako.? " tukso ni andrea sa amin.
"Ililibre ko kayo kung saan niyo gusto, Pagkatapos namin maglaro ." masuyong sambit ni Joseph.
"Ayun! Sige Joseph pupunta kami. Wag kang mag-alala makikita mo si Belle doon nag-checheer sayo." masayang sambit ni andrea.
"Alright, aalis na ako may training pa ako. Seeyou around Bye!" aniya.
Nang matapos ang aming klase ay nagpasya na akong umuwi ng bahay, Buong araw akong badtrip.
Yung lalaking iyon. Sinasabi na eh kaya hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya tuwing nagkikita kami, dahil napakasama ng ugali nya.
Malalim na ang gabi pero gising na gising parin ang diwa ko. Masyadong maraming pumapasok sa isip ko sa sobrang dahil sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako ng maaga mukha akong zombie dahil sa lalim ng eyebag ko Hindi kasi ako nakatulog ng maayos.
Nang matapos ako mag-ayos ay nagpasya na akong tumulak sa school ng maaga..
Nang makarating ako sa school wala pa masyadong tao, Dahil sobra pang-aga kaya't naisipan kong pumunta muna ng rooftop at doon magpahangin.
Nang makarating na ako sa rooftop ay natanaw ko ang isang nakatalikod na lalaking naka-uniporme at nakatayo sa ibabaw ng railings.
"s**t!" Sapo ko ang aking bibig sa gulat.
Ano ba ang ginagawa nya? magpapakamatay ba sya? Sa sobrang pagkataranta ko ay mabilis akong tumakbo at hinila ang kanyang braso.
Napaharap siya sa 'akin at sabay namilog ang aming mata sa pagka-gulat..
"Awts!"Napapikit ako sa sobrang lakas ng pagka bagsak ko at dama ang bigat ng lalaki sa ibabaw ko.
Dumilat ako at hindi parin nakakabawi sa gulat, dahil ang lalaki nakadagan sa akin ay walang iba kundi si Joaquin.
Nagkatinginan kaming dalawa. Ilang metro lang ang layo ng aming mga mukha sa sobrang kaba ay hindi ako nakapagsalita.
Suplado niya akong tinignan at mabilis na tumayo.
Hirap akong tumayo at nag ayos ng sarili, hindi pa ako nakakabawi sa nangyari.
Para akong aatakihin sa puso.
"What the hell are you doing?." he said darkly.
Ano bakit ako?
Siya itong magpapakamatay diyan, Baliw ba siya? Niligtas ko ang buhay niya tapos siya pa itong galit!.
"What? ikaw itong may gagawin'g hindi maganda, Balak mo bang mag
pakamatay?. " Nagtaas ako ng kilay.
" Hindi ako magpapakamatay!." agap niya.
"Huh? Anong ginagawa mo diyan kung hindi ka magpapakamatay?."
"Masama bang magpahangin?"
Napapatitig ako sa kanya. napaka misteryoso ng pares ng kanyang mga mata. Napakalalim tila punong-puno ng sakit at kalungkutan ang mga ito.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo nagpapaka-superhero?." Sambit nya sa isang mariing boses.
I glared at him. Napakayabang talaga ng isang ito, Nakakainis gusto ko siyang pag-sasapakin sa inis ko.
Palagi na lang niya akong iniinsulto, ngayon lang ako naka-encounter ng ganyang lalaki napakayabang!
Sa sobrang pagkainis ko tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad paalis...
" Huy san ka galing?."Tanong ni Andrea ng makarating na ako sa classroom.
" Nothing sa cr lang." Kabado kong sinabi.
"Hey yung promise mo huh? After class pupunta tayo sa game nila joseph, Gusto kong makita yung crush ko si Angelo Ian." excited nyang sinabi.
"Alright then." Walang gana kong sinabi.
Nang matapos na ang aming klase ay dumiretso na kami sa gymnasium para manood ng game.Tahimik kaming naupo sa isa sa mga bleachers.
Nahanap agad kami ni joseph at kumakaway siya sa banda namin.
"Ang daming tao kapag talaga mga swimming team ang naglalaro dinudumog ng mga estudyante."Sambit ni andrea.".... Bakit naman kasi hindi halos lahat ng member gwapo, Ang gaganda pa ng mga katawan nila!"
"You're too much attracted with a man who have masculine body. Don't you like intelligent man like felix primo?." I said
Naramdaman ko ang pagkatigil niya halatang nairita sa mga sinabi ko magtatanong pa sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Shut up ! Wag mo nga siyang ipaalala nag-eenjoy ako dito." agap niya
Maganda si Andrea napaka-charming ng kanya mukha niya para sa akin pero maraming nagsasabing na maldita siya.
Hindi pa nagsisimula ang laro ay napabaling ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin.
Tumingala ako at nakita si malcolm sa gilid ko na may malalaking ngiti, Iniabot niya sa 'akin ang tatlong pirasong Roses.
"For you. Naisip ko hindi pa pala kita nabigyan ng bulaklak ."Maamo niyang sambit.
Agad akong tumayo at kinuha ang binigay niyang bulaklak, ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
"Ayie!" Tukso ng mga estudyante sa loob ng gymnasium.
Uminit ang pisngi ko at napansin ang mga bulong-bulungan ng mga estudyante.
Mali ang mga iniisip nila sa amin ni malcolm magkaibigan lang kami at hindi ko alam kung bakit niya ako binigyan ng bulaklak.
Baka tulad ng sinabi niya ay never niya pa akong nabigyan ng bulaklak. Pero nagtaka ako ano kayang meron?
Bago pa ako makapag-react sa mga tukso ng mga estudyante ay naramdaman ko ng may humigit ng braso ko. Napalingon ako at nakita ko si joseph na iritado at galit ang mga mata.
"Hindi mo ba nakikita nandito siya para sa akin?!" Sambit ni joseph sa mariing boses.
"I don't care kung nandito siya para panoorin ka! Sa pagkakaalam ko hindi siya sayo." Hamon ni Malcolm.
Hindi ako makasunod sa kanilang dalawa. Pareho silang galit at nanghahamon.
Pinag-titinginan na kami ng mga estudyante sa loob ng gymnasium.
"Huy. Awatin niyo yan baka magsuntukan pa yan." Sabi ng mga estudyante sa loob.
"Hindi naman maganda yung babae para pag-awayan." Bulong bulong ng mga babae.
Bago ko pa sila maawat ay bigla akong napatili sa gulat ng may isang lalaki sa harap ko na hinigit ako palayo.
Napaangat ako ng tingin diresto akong sumulyap sa lalaking humila sa akin.
Si Joaquin.
Tangi kong nasabi sa aking isip. Mabilis siyang naglakad palayo sa gymnasium na hawak parin ang aking mga kamay.
Pinagpawisan ang aking kamay at nakaramdam ng kaba, gulat at takot.
Bakit niya ako hinila? Dinala nya ako sa likod ng gymnasium sa maliit na garden.
Padabog niya akong binitawan. Hindi ko na inantala ang higpit ng kanyang pagkakahawak sa akin.
Galit na galit niya akong hinarap. Umigting ang kanyang panga at sandali pang natigil.
"Ba-kit ano ka-ilangan mo?." My voice is shaking.
Maiiyak na ako dahil hindi ko na kaya makita ang mga mata niyang galit na nakatingin sa akin.
" Give me back my bracelet!." Sigaw nya sa akin.
Bracelet? Bakit nya sa akin hinahanap ang bracelet nya?....
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!." Sigaw ko pabalik.
"Don't fool me ." he said darkly.
" Hinawakan mo ang kamay ko kaninang umaga. Doon ko lagi sinusuot ang bracelet ko !." aniya
" Wala sa akin ang bracelet mo." Naiiyak kong balik.
"Importante pa sa buhay mo ang bracelet na iyon!" Sigaw nya sa mukha ko.
Sa mga sinabi niya sa akin ay tuluyan na akong umiyak. Natigilan siya at galit parin akong tinitigan.
Ang antipatiko na ito! Pinagbintangan pa akong ninakaw ang bracelet nya. Napakayabang talaga !
Napakasama ng ugali tama bang pagbintangan ako? wala naman siyang ebidensya.
Pilit kong pinunasan ang mata ko walang tigil sa pag- iyak ..
"What the f**k accusation!." giit ko
"I don't care ! Kung mas mahal pa iyon sa buhay ko. Wala sa 'akin ang bracelet mo at wala akong pakialam doon! ." Sigaw ko pabalik sa kanya.
Inirapan ko sya at mabilis na tumakbo paalis sa harap nya.
Ang sakit sakit ng mga sinabi niya sa akin. Halatang wala siyang pakialam sa nararamdaman ng isang tao. Sa mga ipinakita niya halata sa kanya ang pagiging selfish.
I hate him!.. I hate Joaquin Luke Sarmiento....
Hinding hindi ko magugustuhan ang isang katulad niyang bastos, mayabang at walang modo!