Chapter 5 Sorry

851 Words
Tamad kong idinilat ang aking mga mata ramdam ko ang pang- umagang sikat ng araw. Ito na ata ang pinaka ayaw kong umaga. Wala akong ganang bumangon mahapdi parin ang mga mata ko dahil sa pag hagulgol kagabi, napangiwi ako ng makita ang itsura ko sa salamin na mugto ang mga mata. Hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. Nang makatakbo ako ng mabilis ay wala ako sa sariling umuwi ng bahay. Wala na akong sa mood sa araw na iyon dahil sa kanya. Nagkulong na lang ako sa kwarto magdamag. Para sana sa araw na iyon hindi ko nagawa ang plano namin sanang lumabas nila andrea at joseph at hindi ko rin alam kung anong nangyari sa pagtatalo nila joseph at malcolm. Kung hindi lang ako tinawagan ni andrea hindi ko pa malalaman kung anong nangyari sa kanila. "Belle, care to explain bakit ka hinila ni Joaquin?." I can almost hear Andrea's suspicious tone. Napag- buntong hininga ako bago magsalita. Kung alam nya lang ang nangyari kahapon ngunit hindi ko na lang ito isinang tinig pa. "What happen to joseph and malcolm?." Tanong ko winawala ang usapan. "Nag- away ba sila?." "Hindi sila nakapang-abot belle! Natigilan kaming lahat nung hinila ka ni joaquin." aniya. "And then?"Marahan kong tanong. "Ayun! Daming naki- chismiss." Sapo ko ang aking noo, Patay! ano kaya iniisip ng mga tao. Baka bigyan nila ng ibang kahulugan iyon. "Sige andrea magkita na lang tayo sa school." I said. "Okay see you! Mag- usap na lang tayo later." aniya. Binaba ko ang tawag at wala akong ibang choice kundi ang tumulak na at pumasok sa school. Nang makarating na ako sa school abot-abot ang tahip ng puso ko sa kaba, naririnig ko ang mga babae sa gilid ko na nagbubulungan. "Siya yung babae kahapon sa gymnasium na pinag-aagawan." bulong ng isang babae. "Oo nga sya iyon! Akala mo naman maganda Para pag-awayan." Naglakad ako ng mabilis dahil hindi ko kaya marinig ang sasabihin nila. Napansin ko ang iilang estudyanteng na palihim na tumitingin sa akin ng masama. Nang palapit na ako sa aming Classroom ay natanaw ko ang isang lalaking kinamumuhian ko si Joaquin! Kumunot ang noo ko.. Nakasandal siya sa pader. kinain ng malalaking hakbang ko ang distansya namin. Napalingon siya sa akin. Pataray ko siyang tinignan. Gusto kong ipakita sa kanya na nagagalit ako. Na wala akong dapat ikatakot sa kanya. Humakbang siyang bahagya. Bumukas ang kanyang bibig para magsalita ngunit bago pa siya may sabihin. Inirapan ko na siya at nagmartsa na papasok ng aming classroom. Buong klase akong busangot ni hindi ko nga maintindihan ang lesson namin. Nang matapos ang aming klase ay tumayo na ako at nag-ayos ng gamit. Naramdaman kong sinisiko ako ni andrea, ngumuso siya para gamitin pang turo sa kung sino ang nasa likod ko. Nakita ko si joaquin na nakatayo sa likod ko nakasukbit ang bag sa kanyang kaliwang braso. Kunot-noo ko siyng sinulyapan Seryoso parin ang itsura niya pero mas ayos ang expression ng mukha niya kesa kahapon. "Can we talk? ." seryoso niyang tanong. Bakit nya gustong makipag-usap Ayoko nga! Wala akong panahon sa kanya.. "No." sabi ko sa mariing boses. Tinalikuran ko na siya at nagmartsa palabas ng classroom agad akong sinundan ni Andrea. "Belle, Ano ba talaga meron sa inyo ni joaquin?." Kuryosong tanong ni Andrea. "Nothing." sambit ko "What? Anong wala bakit gusto ka niya makausap?." " May hinahanap siya sa akin, Pinagbibintangan nya."Mariin kon'g sambit. "Ginugutom na ako andrea bilisan na natin, kumain na muna tayo sa canteen." agap ko para iwasan ang tanong. Nang makarating na kami sa canteen, omorder na kami at naupo sa malapit na upuan. Tanaw ko parin ang mga babaeng pasimple akong tinitigan sabay magbubulungan. Nakakainis! Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagulat na lang ako ng biglang may naglagay sa harap ko ng isang bote ng strawberry juice. Tiningala ko ang nagbigay ng strawberry juice at nakita kong si joaquin iyon. Namilog ang mata ko at pinasadaan ulit ng tingin ang binigay niy, nakita ko pang may sticky note na nakadikit doon at may nakalagay na "I'm sorry" Takang- taka akong bumaling ulit sa kanya at nakita siyang naiilang sa mga oras na iyon. Tumango siya at pilit na ngumiti pagkatapos ay tumalikod na at naglakad paalis. Dinig na dinig ko ang hiyaw ng mga estudyante sa loob ng canteen. "Oh my gosh!, May something sa kanila ng knight in shining armour ko! ."Tili ng isang babae. "Nakakaingit naman siya nagseselos ako!" What the heck. Anong something ang pinagsasabi nila? At bakit ako binigyan ni joaquin ng juice at may sticky note pa? I'm sorry? Ano nag-sosorry kaya siya dahil pinagbintangan niya ako? "Huy? Ano umamin ka nga sa akin nanliligaw ba si Jaoquin sayo?." Pilit na tanong ni andrea . "Of course not!"Agap ko. "Sabi ko sayo pinnagbintangan niya akong kumuha ng bracelet niya, siguro nalaman niyang hindi ako ang kumuha kaya siguro nag-sosorry siya."Mahinahon kon'g sinabi. Bakit bigla akong nakaramdam ng halo-halong emosyon sa mga oras ito? kanina lang halos kamuhian ko siya, pero ngayon para bang may mga paro-paru naglalaro sa tiyan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD