Isang malakas na kalabog ang pagbukas ng pintuan sa Comfort room. Sabay kaming napalingon ni Andrea.
Galit na galit kaming sinugod ni yassi kasama ang kanyang dalawang alalay sa gilid nya.
"Hey you! Ano yung nababalitang nililigawan ka ni joaquin? ." She said hysterically
Aba't ang babaeng to!
"Bakit mo tinatanong naiingit ka nanaman?." Sabi ni andrea sabay tawa.
Suminghap ako at wala na sanang balak patulan itong mga sinasabi ni yassi.
laking gulat ko ng bigla niyang hinablot ang buhok ni andrea at sinabunutan.
Pumagitna ako at hinawakan rin ang buhok niya para awatin. Hinila niya ang buhok ko at sa huli tuluyan na kaming nakapang-abot.
"You are so malandi! Lahat na lang nilalandi mo! Ano hindi ka ba kontento kay joseph?!" Sigaw niya sa akin.
"Watch your mouth b***h!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Nagkagulo na sa loob ng comfort room para maki-awat sa amin.
Nakatunganga kami ni Andrea sa loob ng displinary office. Tanaw namin sa kabila si yassi na magulo ang buhok.
Ang babae to ang sarap kalbuhin!
Nang matapos kaming Sermunan ng higit isang oras ay lumabas na kami. Naayos naman ang away pero alam kong puro ka plastikan lang ang pag-sosorry ni yassi.
Syempre ako rin hindi ako magpapatalo!
Nang mabuksan ko ang pintuan ay nakita ko agad si joseph na nag-aabang sa labas.
Kaagad siyang umayos ng pagkakatayo at nilapitan kami.
"Belle, Are you okay?." he asked worriedly.
Matagal na kaming magkakilala ni joseph wala siyang ibang pinakita sa akin kundi ang puro kabaitan.
Kaya siguro hindi ko rin masisisi si yassi sa pagkakaroon ng paghanga sa kanya.
Pero wala akon'g ibang maramdaman sa kanya kundi ang kagustuhan lang maging kaibigan siya.
"Don't worry I'm fine." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"I don't want to see that someone hurt you." he said seriously.
Tinitigan niya akong mabuti.
Ngumiti ako sa kanya para makita niyang ayos lang ako. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at tinitigan pang mabuti.
Napabitaw lang kaming dalawa ng marinig naming ang malakas na pagbukas sarado ng pintuan.
Napabaling kami at nakita namin si yassi na busangot ang mukha at masamang nakatingin sa amin, Inirapan niya kami at sabay martsa paalis.
"Joseph."
Napabaling siya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko. Kailangan ko ng sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko ayaw ko na siyang paasahin pa ng mas matagal.
"Hindi mo na kailangan mag-alala palagi sa akin kaya ko naman ang sarili ko." Sambit ko ng mahinahon.
Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya to, pero ito lang ang tamang gawin sa mga oras na ito.
"Alam mo namang hindi ko kayang hindi mag-alala sayo." aniya
"Pero kasi kaya ko nama—"
"Pero gusto kita kaya ako nag-aalala ng ganito."Agap nya.
"Joseph gusto din kita bilang kaibigan ko. Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sayo."
Natigilan siya sa sinabi ko kitang-kita ko ang sakit at kalungkutan sa kanyang mga mata.
May sasabihin pa sana siya ngunit hindi na lang nya ipinagpatuloy. Tumingala siya at pumikit ng mariin at pilit na inayos ang sarili.
"I'm so-rry ."Nangining ang boses ko.
Tumango na lamang siya at hindi na ulit lumingon sa akin. Tumalikod na siya at naglakad na paalis. In the end you should always do the right thing even if it's hard .
Nangilid ang luha sa aking mga mata dahil hindi naging madali para sa akin ang masaktan ang damdamin ni joseph.
Ayokong may taong nasasaktan dahil ibinibigay nila lahat sa isang tao, In the end mauubos lang sila.
"Belle."Bulong ni andrea sa gilid ko.
Niyakap niya ako ng bahagya at hinaplos ang aking likod. Nagpapasalamat parin ako dahil may isa akong kaibigan na lagi nandyan para sa akin.
Siguro nga ang magkaroon ng tunay na kaibigan ay isang regalo ng Diyos.
Wala ako sa sariling naglakad pabalik ng aming Classroom.
Naglalakad kami ni andrea ng biglang tumunog ng malakas ang kanyang cellphone. Natigilan siya at agad akong nilingon, mabilis siyang nagpaalam.
Tumango na lamang ako at hinayaan siyang umalis.
Bumagal ang lakad ko ng mapalapit na sa aming classroom, ngunit ang katawan ko ay tila ayaw munang pumasok.
Mabilis akong nagpasyang umatras sa mga oras na ito. Gusto ko munang mapag-isa.
Tinahak ko ang aming rooftop dahil sa school na ito doon lang ako nakakapag-isip ng maayos.
Sobrang daming nangyari sa araw na ito. Una nag-sorry sa akin yung masungit na si joaquin, Pangalawa nag-away kami ng empaktang si yassi dahil kay Joaquin, Pangatlo binusted ko si Joseph.
What a productive day!
Kasalukuyan akong mag-isa sa rooftop Tumingala ako at tanaw ang asul na langit. Napakaganda tila nagsasabing perpekto ang lahat.
Hindi pa ako nakakailang minuto nakatayo at nakakapag-isip ng matagal ng may nadinig akong malalim na boses ng isang lalaking nagsalita sa aking likuran.
Halos atakihin ako sa puso ng bumungad sa akin ang antipatikong si joaquin.
Palaging seryoso ang kanyang mga mata at masungit ang dating. Naka-kunot ang noo at nagdedepina ang kanyang makapal na kilay .
"Did you already forgive me?."He asked coldly.
Halos masamid ako sa tanong nya. napaka presko talaga ng lalaking to!
Forgive your ass!
"Is that your way of asking for forgiveness, huh?." pataray kong sinabi.
Sa dilim ng kanyang mga mata ay nagsasabing mapanganib nanaman siya, pero hindi ako nagpatinag hindi ko kailangan matakot sa kanya. Siya ang may atraso sa akin.
Umirap ako sa kawalan at nagtaas ng kilay, para ipakita sa kanya na kahit anong sorry ang sabihin nya hindi ko sya papatawarin agad. Manigas siya!
"Ang corny ng sorry mo ganyan ka siguro mag-sorry sa girlfriend mo!" Sambit ko.
"Isn't it enough?."
"Yes." agap ko
Ano ka ngayon tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo!
"I dont want to fight with you."
Napalunok ako sa sinabi niya tsaka kelan ginanahan akong hamunin siya.
Kaagad tuloy akong na guilty hindi ako yung tipo ng tao matagal magpatawad.
" Let's make a deal." seryoso niyang sambit.
Tumuwid ako ng pagkakatayo at gulat sa offer nya. Bakit kaya sa aming dalawa ako ang kinakabahan at natatakot?
"What kind of deal?."Lito kon'g tanong.
Ang mapanuri niyang mga mata ay tila ba nababasa niya ang nasa kaloob-looban ko.
"Napansin kong mahina ka sa math." Umangat ang gilid ng kanyang labi tila natutuwa sa kanyang binanggit.
"Anong pakialam mo?."Matapang kong sambit.
Hindi talaga ako mawawalan ng inis sa lalaking to! Muntik na ako ma guilty kanina pero ngayon binabawi ko na.
"I will teach you in math within three days."He said seriously.
Namilog ang mga mata ko sa offer niya, seryoso ba talaga siya sa sinasabi nya?
"After then you should forgive me" aniya
Bakit ganon na lang siya ka desperado sa pagpapa-tawad ko? Ang weird talaga ng lalaking to, pero sayang naman ang offer niya.
Susulitin ko na lang atleast makaganti man lang ako sa mga sinabi niya sa akin.
"Three days is not enough." I said playfully.
Kunot-noo niya akong tinignan, tumingala siya ng mariin at tila nauubusan na ng pasensya.
"Okay one week—"
"No two weeks." putol ko.
Umigting ang kanyang panga at hinawi ang kanyang buhok. Halatang-halata na naiinis na siya sa akin .
"Pwede na tayo magsimula bukas right?" I asked playfully.
"Okay. Tomorrow then."Sagot niya.
Sa araw na ito hindi ko akalain na pwede pala maging maayos ang araw ko. Kagaya ng asul na langit pwede rin pala maging perfect ang pangit na araw .
"Okay deal." mahinahon kon'g sambit.
"Deal."