Masaya akong gumising kinabukasan at excited na pumasok .
Naglalakad na ako papuntang classroom ng natanaw ko agad si malcolm na ginawaran agad ako ng ngiti.
"Hi pretty Goodmorning."aniya
Masayang masaya siya sa pagbati sa akin
hinaplos niya pa ang buhok ko at kinurot ang aking ilong.
"Hi Goodmorning Malcolm."
"Nabalitaan kon'g binusted mo si joseph?"Ngumisi siya.
Natutop ako sa sinabi niya, Saan naman niya nalaman ang bagay na iyon?
"Huh? Paano mo nalaman?"Tanong ko.
"Pinsan ko ang coach niya. Wala daw sa sarili kahapon habang nag-tatraining kaya tinanong ng pinsan ko, ang sabi binusted mo daw."
Natigilan ako ng ilang sandali.
Alam kon'g makaka- move on din si joseph sa akin, pero hindi ko maiwasan ma.guilty at isipin na nasaktan ko siya.
"Papasok na ako malcolm." Sambit ko.
Humakbang na ako para makaalis ngunit hinawakan nya ang aking braso kaya napabaling ulit ako sa kanya.
"Kaya ba Binusted mo si joseph because of me? ."Seryoso niyang tanong.
Umiling ako."Of course not ."
"So why did you rejected him?" he asked.
"Because I don't want him to rely on nothing."Sabi ko sabay singhap.
Tumango naman siya sa sinabi ko."Ganon ba? Ako ano ako sayo?"Nanliit ang mga mata niya.
"We're friends malcolm." I said
Binitawan niya ang braso ko at tumawa ng nakakaloko.
"Pumasok kana baka ma-late kapa."
"Okay"
Nagmadali akon'g pumasok sa aming classroom. Laking pasasalamat ko nang makitang wala pang teacher sa harap.
Pumasok na ako para maka-upo sa aking silya ko. Napansin ko si andrea na busy sa kung ano sa kanyang cellphone.
Nang makita niya akong palapit ay nagmadali siyang itago ang cellphone nya sa bag.
"Hi Besty kamusta tulog mo?." Masaya niyang tanong.
Napalunok ako sa tanong niyang normal lang naman, pero parang may ibang ibig- sabihin sa akin.
"Uhm. Okay lang naman ikaw ba kamusta tulog mo?." Sabi ko sabay ngiti.
Nakita kong natigilan siya at napalunok, Kinagat niya ang pang-ibabang labi magsasalita na sana siya ngunit dumating na ang aming teacher.
Sa kalagitnaan ng pag-didiscuss ng aming teacher sa harap ay naramdaman ko ang pag vibrated ng phone ko.
Palihim kong sinilip kung sino ang nag text. Nakita ko hindi registered ang number.
Sinulyapan ko ang aming teacher. Buti na lang busy siya pag-didiscuss sa harapan.
Nang mabuksan ko ang text ng hindi registered na number ay binasa ko agad.
Unknown number:
Let's meet at the coffee shop at four o'clock - Joaquin.
Namilog ang mata ko sa nabasa ko buti na lang at walang nakapansin sa pagka- gulat ko maging si andrea sa tabi ko ay hindi napansin. Busy siya sa pakikinig sa aming teacher sa harap.
Ako:
Alright seeyou :)
Isesend ko na sana ngunit napansin kon'g masyadong masaya at excited ang pagtitipa ko kaya agad kon'g pinalitan.
Ako:
Okay.
Sinend ko na agad sa numero niya.
Teka san niya kaya nakuha ang number ko?
Bumaling ako sa kanya sa likuran ng palihim. Nahagip ko ang sulyap niya sa akin.
Pinagtaasan niya ako ng isang kilay upang ipangturo sa aming teacher para bang sinesenyasan niya ako na makinig sa aming Discussion.
Humarap ako at nagsisi sa pagsulyap sa kanya.
"Miss Angeles. Are you listening?."Medyo galit na tanong ng aming math teacher.
"Uhm, Yes po sir." Kabado kon'g sambit.
"Okay Please Solve the number 2 question."
Dahan-dahan akong tumayo, nangining ang dalawang binti ko sa kaba.
Hindi ko alam kung paano isolve ang mga questions. Dahil hindi ako masyadong nakinig.
Patay mapapahiya nanaman ako!
Pinagpawisan ang mga kamay ko habang nakatayo.
Hahakbang na sana ako upang magsolve sa harapan. Ngunit nadinig ko ang isang boses ng lalaki sa likuran ko.
"Sir can I solve that question?"
Napalingon ako sa nagsalita kaya agad akon'g lumingon, nanlaki ang mga mata ko ng makita si joaquin na nakatayo at nakataas ang kamay.
"Okay. Mr Sarmiento ."Saad ng aming teacher.
Mabilis akon'g naupo at nakahinga ng maluwag dahil hindi na ako mag-sasagot sa harapan.
Sinagip ako ni joaquin it's that true?
He look like an angel to me .
Nang matapos ang aming klase ay nagpasya kami ni andrea pumuntang cafeteria.
Tulala akong kumakain dahil hindi ako maka-get over sa nangyari kanina.
Bakit nya kaya ako niligtas kanina sa pag-sosolve? Ang bait naman nya kung ganon. Nawala na lang pag-iisip ko ng maramdaman kong may sumisiko sa akin.
"Huy bakit ka tulala?."Tanong ni andrea at sabay siko sa akin.
"Huh? Wala naman tinatamad lang akong kumain." Wala sa sarili kon'g sinabi.
Kunot-noo niya akong tinignan tila hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Hm, Belle may gusto sana akong itanong." Seryoso niyang sambit.
Kinabahan ako bigla sa itatanong niya! kung mayroon mang tao na kabisado ang kaloob-looban ko walang iba kundi si andrea 'yon.
"Na experience mo na ba 'yung may kina-iinisan kang lalaki dati, tapos all of sudden marerealize mo gusto mo pala siya?."
Napalunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Magsasalita na sana ako ngunit tila hangin lang ang lumalabas sa bibig ko.
"I'm so confused ." Bigo n'yang sinabi.
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Wala akong kwentang kaibigan napansin ko ng may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, Pilit siyang ngumiti sa akin.
"May problema ka ba sabihin mo?." I said
"Wala kalimutan mo na maliit na bagay lang."
Ayoko siyang pilitin mag-sabi sa akin maybe hindi pa siya handa magkwento hihintayin ko yung time na masasabi niya na sa akin at nandito lang ako palagi para sa kanya.
"Sabihin mo lang sa akin kung handa ka na mag kwento, andito lang ako palagi sa tabi mo kakampi mo ako sa lahat ng bagay."
Tumango siya at ngumiti sa akin nangilid ang luha sa kanyang mga mata at sabay kaming tumawa ng malakas.
"We are really Bestfriend's because we both crazy ."Halakhak nya.
Nang matapos ang aming klase ay agad akong nag text sa driver namin na hindi muna ako makakauwi agad.
Naglalakad na ako palabas ng School para pumunta sa coffeeshop para sa usapan namin ni joaquin.
Hindi pa ako nakakalabas ng school ay natanaw ko na si Joseph na palapit kasama ang kanyang dalawang kaibigan sa swimming team.
Halata sa mukha niya na wala siyang gana at mukhang badtrip pa. Nagulat sila ng biglang sumulpot sa harap nila si yassi kasama ang dalawang alalay sa gilid nya.
"Woaah!" Tukso ng mga kaibigan ni Joseph at sabay tulak sa kanya kay yassi.
"Hi Joseph."Maarteng sambit ni Yassi sabay hawi ng buhok niya
Agad na akong nagmartsa paalis. lumabas na ako ng school at dumiretso na sa sinasabing coffee shop ni joaquin.
Nang makarating ako ay agad akong pumasok at naghanap ng upuan.
Wala pang ilang minuto ay nakita kong pumasok si Joaquin.
Kaagad akong kumaway para makita niya ako. Hindi nakawala sa 'akin kung paano ako kumaway sa kanya parang giliw na giliw ako kaya agad akon'g nahiya ako para sa aking sarili. Binaba ko na lang ang mga kamay ko at tumikhim.
Naupo siya sa harapan ko at binaba ang kanyang bag sa tabi.
Bigla akong pinagpawisan ng kahit may aircon naman dito sa loob.
"Gusto mo ba munang umorder?." Tanong niya.
"Ah okay. I want ice latte." I said with girly tone.
Tatayo na sana ako para umoder ng gusto ko, ngunit nauna na siyang tumayo.
"Ako na." he said
"O-kaay."Nangining ang boses ko.
Kitang-kita ko ang pag pula ng pisngi ng Babae sa counter ng umorder si Joaquin.
Tssk!
Nang matapos siya umorder ay Bumalik na siya sa aming table dala-dala ang Ice latte ko at ang kanyang coffee americano.
Kumuha ako ng pera sa wallet para ipangbayad sa kanya ngunit kunot-noo niya lang akong tinignan.
"Don't mind ." he said
Nagulat ako sa sinabi nya nakakahiya naman tuturuan na nga niya ako. Tapos siya pa nagbayad ng inumin ko.
"Huh?"
Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at wala na akong nagawa itinabi ko na lang ang pera ko.
"Shall we start ."Seryoso niyang sinabi.
"Okay"
Binuksan niya ang kanyang libro. naglabas ako ng notebook at ballpen ganon din ang ginawa nya.
Bahagya siyang lumapit sa akin.
Agad akong na conscious sa distansya namin.
Nagsimula na siyang iexplain sa akin kung paano isolve ang lesson namin sa math.
Habang nagpapaliwag siya ay hindi nakatakas sa akin na maamoy ang pabango niya, Nakaka-attract s**t!
Palihim akong lumingon upang tignan siya. Para akong nauupos na kandila ng makita ng malapitan at matitigan ang kanyang mga mata.
Napansin niya siguro ang pagtitig ko kaya sumulyap siya sa akin.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Are you listening?" Seryoso niyang tanong.
Napabitaw akong ng titig, tumikhim ako at inayos ang sarili.
Ano ba tong ginagawa ko baka mabadtrip nanaman siya sa 'akin.
"Yes." agap ko.
Nag focus na ako sa pag papaliwag niya sa 'akin kung paano isolve. Madali lang pala mabilis ko namang na gets.
"Okay I give you five questions and you try solve it."aniya.
I nodded..
Hinintay kong matapos ang pagsusulat niya sa mga questions para masagutan ko. Pagtapos ay inabot niya sa akin at tipid niya akong ngitian.
Mas ginanahan tuloy ako ipakita sa kanya na na gets ko ang pagtuturo niya.
"I'm taking nap, gisingin mo na lang ako kapag tapos kana."
Tumango ako at ginawaran siya ng ngiti..
He laid his two arms on the table and taking nap.
Seryoso akong nag solve ng mga questions na binigay nya. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi nasayang ang oras nya para turuan ako.
Nang bumaling ako sa kanya para sabihing tapos na ako, nakita kong siyang nakatulog na.
Kahit tulog mukha paring masungit. Paano ko ba siya gigisingin ngayon?
I laid may two arms on the table and watching him.
"Hm. Ang sungit ng dating pero mabait naman pala."Bulong ko habang nakakatitig sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang binuksan ang mga mata niya at biglang baling sa akin. His perilous eyes slowly smiled hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon Kinagat niya ang pang-ibabang labi .
Umayos ako sa pagkakaupo. Wala akong mahanap na salita para idahilan sa panonood sa kanya.
"Bakit mo nga pala ako sinagip sa pagsosolve sa math kanina?." Tangi kong nasabi
Umayos siya ng pagkakaupo at tinitigan niya ako ng seryoso.
Parang tumatagos sa kaloob-looban ko ang mga pinupukol nyang tingin. Sa mga oras na ito hindi ko na s'ya kaya pang tignan.
"Ayokong mapahiya ka." aniya.
Napabaling ulit ako ng tingin sa kanya
hindi ko ito inasahan. Sa simpleng sinabi niya parang akong natutunaw na yelo at ang puso ko tila nahuhulog sa sahig.