Jade's Take On The Issue. Fixing Your Lover's Tie

1489 Words
SINISIMULAN ni Ivan ng brush strokes ang ipinipinta niyang mermaid na nakapuwesto sa rocky area ng shore nang ma-distract siya sa ingay ng talk show sa naka-turn on na TV. Ibinaba muna ni Ivan ang hawak na paint brush saka dinampot ang bote ng pale pilsen na malapit sa paanan niya. Tumayo siya sa inuupuang stool habang tinutungga ang lamang serbesa sa bote para usyusohin ang palabas sa television.  Kahit sa simpleng suot ni Ivan na sleeveless white tank top, faded jeans at slippers ay lutang na lutang pa rin ang kakisigan ng lalaki. ‘Yung airing ng interview pala ni Vivienne Salonga kay Michelle Ortega sa show nito sa The Filipina Today ang nagpa-distract sa kanya sa ginagawang pagpipinta. Tutok na nakatingin dito si Jade habang isinusuot ang fake leather boots niya. Nagpe-prepare na si Jade para sa nightly gig nito sa Cadillac Jack. Bukod sa botang isinusuot ay naka-suot lang ito ng denim shorts. Kita tuloy ay shapely breasts nito na nagji-jingle habang inaayos ang pagsuot ng boots sa paa. “Nanunuod ka pala n’yan. Akala ko nabo-bored ka ‘pag mga talk shows.” Pansin ni Ivan kay Jade habang hindi niya maalis ang mga mata sa nakaka-entice na mga breasts nito. “Hindi ka kasi mahilig sa local entertainment. Big scoop ‘yan ngayon. Nag-agree si Michelle Ortega ng one-on-one interview kasi nakipag-break na sa kanya ‘yung TV executive ng network niya. Ang reason, ‘yung idol ko, si Vanessa dela Rosa. Sabi ni Michelle, nag-propose na daw ‘yung TV executive kay Vanessa.” Halata sa boses ni Jade na engrossed ito sa nalaman na showbiz scoop. “Ibig bang sabihin n’yan, wala ka nang amor kay Vanessa kase nang-agaw siya ng karelasyon?” Tanong ni Ivan habang inuubos ang laman serbesa sa bote. “Hindi naman. I’m sure may reason kung bakit nakipagkalas ‘yung executive na ‘yon kay Michelle. Baka masyado siyang toxic as a girlfriend. Saka palagi akong may nababasa na article about Michelle na may kaaway either sa Twitter or in person. Baka mas malala ‘yung naramdaman nung guy na toxic vibe kay Michelle nung naging sila na. At si Vanessa ‘yung parang naging savior niya. Kaya kahit may love child sila nung Michelle, umayaw pa rin siya.” “Dapat pala ikaw ang nag-interview kay Michelle. Mas marami ka pa yatang alam about her kesa du’n sa interviewer.” Nakatawang biro ni Ivan. “Sira!” Natatawang hinataw ni Jade sa balikat si Ivan. “Tulungan mo na lang ako sa isusuot kong top. Hindi ako makapag-decide, eh.” Tutungo na sana si Jade sa cabinet para pasadahan ulit ng tingin ang mga damit niya duon nang hablutin siya sa baywang ni Ivan at yakapin siya sa likod. “Akala ko ba nag-e-enjoy ka du’n sa pinapanuod mo? Bakit nagbabalak ka pang umalis?” Sinimulan ni Ivan ang mapanuksong paghalik sa leeg ni Jade habang nilalaro na ng mga kamay niya ang dibdib ng babae. “Kumpleto na ba ‘yung pambayad natin sa renta nitong apartment, Ivan? Pati ‘yung bills sa electricity at pang-grocery natin, enough na ba para um-absent ako tonight sa club?”Pinipigilan namang makiliti ni Jade sa mga halik sa kanya ni Ivan. “Hindi pa.” Bumaba na ang mga halik ni Ivan sa dibdib ni Jade. “Ivan...” Napapaimpit nang ungol si Jade. “Male-late na ako. Baka mapagalitan ako ni Madam Butterfly.” “Pa-isang round lang, please?” Nag-smirk pa si Ivan habang isinisilid nito ang isang kamay sa loob ng denim shorts ni Jade. Napalakas ang ungol ni Jade na na-overpower pa ang ingay ng pag-iyak ni Michelle habang yakap nito si Vivienne sa screen ng TV. ********** SA Cafe 1771 sa El Pueblo, Ortigas napili ni Vanessa gawin ang press conference nila. Gusto kasi ng sikat na actress na intimate lang itong meet-up nilang gagawin ni Daniel with the press. Kapag kasi sa malaking venue sila nagpunta baka hindi nila mapigilan ang crowd na mag-swarm kung nasaan sila at ang ending ay baka maging circus lang ang magiging end result ng kanilang conference. At ayaw ni Vanessa na maranasan ang ganuong stress. May long table nang naka-set up sa The Lounge area ng cafe kung saan sila pupuwesto ni Daniel. Makakasama din nila sa table ang manager-friend ni Vanessa na si Rhiannon pati na rin ang social media manager ng Alliance Network at confidante na rin ni Daniel na si Gordon. May ten minutes to spare pa sina Vanessa bago makipag-meet up sa press. Kaya sinamantala muna ni Vanessa iyon para sipatin ang hitsura niya sa dalang compact mirror habang ‘nakatago’ muna sila sa The Whimsy area ng cafe para iwas abala muna sa mga reporters. Eleganteng-elegante si Vanessa sa suot niyang long-sleeved gown ni Oscar de la Renta na kulay powder pink. May cascade sleeves rin ito at button cuffs, round neckline na may plunging keyhole at floor-sweeping hem na may maigsing train. Naka-stylish bun naman ang buhok ni Vanessa para ma-emphasize ang suot niyang white diamond dangling drop earrings. Bukod duon ay suot rin niya ang French cut engagement ring na balak niyang ipakita mamaya pag hinarap na nila ni Daniel ang press. “Sisilipin ko lang ‘yung crowd sa The Lounge. Baka kase may mga gatecrashers na reporters na nakasingit. Ipapa-kick out ko sa guard. Saka para ma-check ko rin na wala ‘yung epal na reporter from The Daily Telegraph na kinaiinisan mo. Better to be safe than sorry.” Paalam sa kanya ni Rhiannon nang lapitan siya sa inuupuan niyang cushioned chair. “All right.” Very calm at serene ang hitsurang sagot ni Vanessa. Nag-yoga kasi siya last night para magtanggal ng negative energy. Para hindi siya ma-bogged down ng barrage of questions na mare-receive niya mamaya. “You look stunning, by the way.” Sabi pa sa kanya ni Rhiannon bago lumakad papunta sa The Lounge. “Thanks, Rhiannon.” Nakangiti namang sagot ni Vanessa. Alam niya hindi lang basta compliment ang sinabi sa kanya ng manager-friend. Sigurado siyang sincere ito sa papuri sa kanya. Napalingon si Vanessa sa gawi ni Daniel kausap si Gordon habang nakatayo sila malapit sa wall na may naka-display na strategically placed na used plates. Halata sa hitsura at posture ni Daniel na kabado ito sa gagawin. Hindi kasi sanay si Daniel na ito ang nasa limelight. Kahit kasi sa showbiz world ito nagtatrabaho, sa corporate side of things ito nakasentro. Ayaw niya as much as possible na naka-spotlight ang private life niya. Tumayo si Vanessa sa inuupuang cushioned chair at lumakad palapit sa dalawang lalaki. Napadaan siya sa mga baked goodies at cakes na naka-display. Kahit sine-seduced siya ng masarap na aroma ng mga naka-display na baked items ay nagawa namang iyong i-ignore ni Vanessa. Saka na lang niya isa-satiate ang cravings niya after ng scheduled conference nila ni Daniel. Napansin niyang naka-askew suot nitong dark blue grenandine tie. Agad niya tuloy iniharap sa kanya si Daniel kahit kausap pa nito si Gordon. “Bakit ang gulo na naman nito? Kakaayos ko lang nito kanina bago tayo dumating dito sa cafe.” Parang pinagagalitan na nakababatang kapatid na sabi ni Vanessa habang inaayos ang tie na suot ni Daniel. “Sorry. Palagi ko kasing nagagalaw.” Apologetic na sabi ni Daniel. “Will you relax kasi. Masyado ka kasing antsy kaya nawawala tuloy sa ayos ‘to.” Pointedly na tiningnan pa sa mga mata ni Vanessa si Daniel. “Samahan ko lang ‘yung manager mo, Vanessa outside. Baka kailangan niya ng help sa mga reporters. Baka naiinip na. I’ll pick you guys up once we’re about to start.” Paalam sa kanila ni Gordon at lumakad na rin ito papunta sa The Lounge. “Ayan.” Nakangiting sabi ni Vanessa matapos ayusin ang tie ni Daniel. “You look crisp and fine.” “I’m not use to this charade, Vanessa. May sanay ako sa pag-address ng staff ko. Hindi ‘yung members of the press.” Agitated na naman ang hitsura ni Daniel. “I know. Kaya nga we’re seating together. I’ll do most of the talking. Ikaw, you just answer kung ‘yung question was addressed to you directly. If they became too aggressive, I’ll save your ass.” Pag-assured naman ni Vanessa habang naka-rest ang dalawang kamay niya sa shoulders ni Daniel. “I love you and no Michelles of this world or the hungry hounds of the press can separate us.” “I love you too.” At hinalikan siya ni Daniel ng mariin sa labi. Natigil lang sila nang sumilip sa kanila si Gordon. “Sorry to interrupt your hoochie coochie moment, Daniel, Vanessa. Pero time na para sa interview n’yo sa press.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD