MAAGA pa lang ay nasa Taal Vista na sina Vanessa at Andre Villegas para sa photoshoot ng isang glossy magazine at nagsisilbing parte na rin ng promotion para sa upcoming movie nila na Blind Love. Latest collection ng Dolce & Gabbana ang suot ngayon nina Vanessa at Andre na ang mga clothing at accessories ay specially flown in pa mula sa Saks Fifth Avenue branch ng pamosong apparel sa San Francisco.
Suot ni Vanessa ang light cotton butterfly sleeved poplin caftan na may magnolia floral print na tinernuhan niya ng Bellucci pumps na covered ng Taormina lace na kulay aquamarine at may embellishment pa ng Swarovski crystals. Ang tanging accessories lang niya ay gold plated glass na chain choker na may crystal rhinestones at Cuore mother of pearl pink sunglasses. Si Andre naman ay naka-loose fit v-neck azure colored sweater na may majolica inlay effect. Tinernuhan niya ito ng washed gray regular fit jeans at suede brown espadrilles with lace and rope soles. Katulad ni Vanessa, may suot ring sunglasses si Andre. Isang slim sunglasses na may bronze metal frame at brown lenses. Kita naman sa backdrop nina Andre at Vanessa ang breathtaking view ng Taal lake.
Ang kanilang main shooter or photographer ay sinasabihan sila na lagyan ng softer, relaxed expression ang faces nila habang kinukuhanan sila gamit ng mirrorless camera nito. May mga flat light fixtures din naka-set up para lumabas na klaro ang mga images nina Vanessa at Andre kahit na maliwanag ang sikat ng araw.
“All right!” Triumphant ang ngiti ng photographer na si Quinn. Magaganda kasi ang mga nakuha niyang photos. Natural naman kasing photogenic ang dalawang subjects niya. “On to our next location. Sa Lounge area nitong Taal Vista. And after that, it’s a wrap.”
“Quinn, okay lang ba if I change to flats? My legs are already killing me!” Kita sa mukha ni Vanessa ang pained expression habang nagrereklamo sa photographer.
“Better check it with Chelsea. Baka kasi hindi bumagay sa naka-line up mong wardrobe ‘pag may binago tayo sa mga outfit mo.” Sabi ni Quinn bago lumakad paalis para makapag-set up na sila sa lounge area ng hotel. Ang stylist nila sa shoot na si Chelsea Borromeo ang tinutukoy nito.
Maglalakad palayo na sana si Vanessa para puntahan si Chelsea na currently ay kausap ng manager-friend niyang si Rhiannon na parehong nakaupo sa malilim na parte ng garden ng Taal Vista na nag-o-overlook sa Taal lake nang bigla siyang pigilan ni Andre sa balikat. Confused na nilingon tuloy ni Vanessa ang kapareha niya sa pelikula.
“I have a premier lake view suite reserved for tonight. Baka interesado ka to chill with me after the photo shoot.” Binigyan siya ng seductive grin ni Andre.
“You’re asking me?” Halata sa mukha ni Vanessa ang incredulousness sa narinig na request ni Andre.
“Why not?” Seryosong sabi ni Andre habang binibitawan ang braso ni Vanessa. “We both worked hard on this project. We deserve to relax. Saka don’t you want to know me better upclose? Baka sa premiere night na ng movie natin tayo next magkita. We won’t have the luxury of privacy anymore.”
“Andre, you’re a handsome guy. And no doubt your prowess in bed is exceptional. Pero kaibigan ko ‘yung girlfriend mong si Lindsay. I don’t want to trespass her by hooking up with you.” Itinaas pa ni Vanessa ang kaliwang kamay niya para ipakita kay Andre ang French cut engagement ring niya. “Saka baka hindi pa nakarating sa ‘yo yung balita, I recently got engaged.”
Saglit lang tiningnan ni Andre ang ring ni Vanessa at tinitigan ulit siya sa mata. “Hindi ka ba curious i-try natin, Vanessa? Just this night. You won’t regret it, I promise. You might even beg for more after we’re through.”
“If you’re looking for someone to scratch your itch, tawagan mo na lang si Lindsay and ask her to come here.” Suhestiyon ni Vanessa para tigilan na siya ni Andre.
“I already called her earlier. She can’t make it. May outreach program sila ng foundation niya sa Elsie Gaches Village sa Muntinlupa.” Dejected na balita naman sa kanya ni Andre.
“Kaya ako ang kinukulit mo to have s*x with you dahil unavailable si Lindsay because of her charity work. That’s very flattering, Andre. Really!” Ginamitan na ni Vanessa ng sarcasm ang onscreen partner.
Nahalata naman agad iyon ni Andre. Sumama agad ang mukha nito. “You don’t need to use that tone on me, Vanessa. I’m just asking for some sexy time and not something serious.”
“Just get a hooker, Andre. Or better yet use your oh-so-delicate hands to pleasure yourself.”
Puno ng disgust na dumura sa harap ni Vanessa si Andre. Hindi naman maitago ni Vanessa ang revulsion nang tingnan niya ang glob ng saliva at phlegm na nag-splatter sa lupa bago niya tuluyang tinalikuran si Andre at lumapit sa pinupuwestuhan nina Rhiannon at Chelsea.
Parehong napatingin kay Vanessa ang dalawa nang lumapit siya sa mga ito. Parehong may pinapanuod na streaming video sina Rhiannon at Chelsea sa cellphone na ang magkabilang earbuds ng earphone ay nakasalpak sa magkabilang mga tainga ng dalawa.
“Chelsea, puwede na ba akong mag-flats sa next outfit change ko? Hindi na kaya ng legs ko ang mag-high heels. If I force it further, baka biglang mag-break out na ‘yung mga varicose veins sa binti ko.” Reklamo agad ang salubong ni Vanessa nang makalapit sa dalawa.
“Sige, Vanessa. Check ko lang muna ‘yung naka-line up mong outfit and then let’s see if babagay duon ang flats.” Sagot naman ni Chelsea habang tinatanggal ang earbuds sa tainga niya at nagpaalam muna ito kay Rhiannon bago umalis.
Si Vanessa ang pumalit sa silyang binakantehan ni Chelsea. Parang hapung-hapo itong umupo at nag-let out pa ng malalim na sigh na parang malaking ginhawa ang idinulot sa kanya na finally nakaupo na siya after ng mahigit isang oras na nakatayo habang kinukuhanan sila ng mga litrato ni Andre.
“Seryoso ‘yung usapan n’yo ni Andre, ha? May kailangan ba siya sa ‘yo?” Tanong agad sa kanya ni Rhiannon.
“He’s horny and he wants casual sex.” Direktang sumbong naman ni Vanessa sa manager-friend niya.
Nanlaki pareho ang mga mata ni Rhiannon. “Tinanggihan mo?”
Pero mas lalong na-shock si Vanessa sa naging reaction ni Rhiannon. “You mean to say you’re giving it consent? I thought you’re looking for my best interest dahil manager kita?”
“Well, look at it this way. ‘Pag nalaman ng fans ng team-up n’yo that you’re doing the deed in real life, potentially baka makatulong ‘yon sa box-office returns ng movie n’yo ni Andre.” Pag-esplika naman ni Rhiannon sa kanya.
“Rhiannon, are you even hearing yourself? I just recently got engaged!” Itinaas pa ni Vanessa ang kamay na pinagsusuotan ng engagement ring niya para makita ito ng manager-friend niya. “Gusto mo ba magalit sa akin si Daniel and call this whole thing off?”
“Hindi naman siguro magagalit si Daniel. He would see it as an opportunity to sell your movie with Andre to the public. As long as it’s purely carnal and no emotional attachment involved. Plus, he is one motherfucking stud. If he decided to approach me to f**k him, I’ll gladly spread my legs wide for him anytime.” Tumingin pa sa gawi ni Andre si Rhiannon na nakapuwesto sa di-kalayuan nila habang umiinom ito sa Evian water bottle nitong baon.
Nag-roll eyes sa kanya si Vanessa saka kinuha ang compact mirror niya sa handbag na nakalapag nasa mesa tapat nila. “Can I categorically deny that we know each other, Rhiannon?”
Natawa tuloy ng malakas ang manager-friend ni Vanessa. “Suggestion lang naman ‘yon on my part, silly! All I’m saying, maiintindihan siya ni Daniel because he’s a businessman himself. He might get upset at first, pero once he realized you’re only doing it to hype the movie, he’ll accept it with his eyes closed and swallow his pride. Just like how you swallow his spunk whenever you blow him.”
Kinuha ni Vanessa mula sa mesa ang bottle ng Velvet Vetiver eau de parfum ng Dolce & Gabbana na isa sa mga props na gagamitin nila sa last set-up for the day at iniwisik ang pabango sa direksyon ni Rhiannon. “Your filthy mouth needs some cleansing!”
Natatawang umiwas lang si Rhiannon. Nuon lang napansin ni Vanessa ang video na nagpe-play sa phone ng kanyang manager na sandaling na-distract sa pinapanuod nang lumapit siya. Snippets ito ng interview ni Michelle Ortega sa isang sikat na entertainment host na si Vivienne Salonga. Sa isang log cabin sa Baguio ginanap ang interview at nag-uusap ang dalawa sa tabi ng fireplace.
Nakaramdam agad ng kaba si Vanessa. “Ano ‘yang interview na ‘yan ni Michelle? Is that being broadcast live? ‘Di ba ang show niya later this evening pa?”
Napatingin na rin si Rhiannon sa video footage ni Michelle sa screen ng phone niya na nagpapahid ng Kleenex sa mukha habang sinasagot ang mga questions ni Vivienne. “I was about to tell you later kaya lang you’re busy na with the photoshoot and I don’t want to distract you. Pero this teaser has been on repeat every commercial gap sa Spin & Win show ni Mike Salomon. And you’re right. This interview of Michelle Ortega with the Vivienne Salonga will be aired tonight on The Filipina Today.”
“They will discuss about me and her fall-out with Daniel?” Hindi na niya dapat ito tinatanong dahil hindi naman magpapa-interview si Michelle sa sikat na entertainment host kung hindi sila ni Daniel ang topic.
“What do you think?” Binalik sa kanya ni Rhiannon ang tanong.
“s**t! s**t! s**t, s**t, s**t, s**t, s**t!” Halos mag-panic si Vanessa sa paghanap ng sarili niyang phone sa dalang handbag. Boluntaryo siyang napatayo sa inuupuan habang dina-dial ang private number ni Daniel.
Sinagot ni Daniel ang tawag ni Vanessa pagkatapos ng third ring. “You’ve seen Michelle’s teaser ad for her interview, I presume?” Direkta nitong sabi kay Vanessa nang wala nang pasakalye.
“And you seem cool about it? Daniel, dapat bigyan mo na ng injunction ang show ni Michelle before she malign you and our relationship further. You’re the owner of the network! Why are you letting her do this on your homecourt, for god’s sake?” Hindi na maiwasan ni Vanessa na tumaas ang boses niya.
“I made a promise to her staff that I won’t cancel her show. I’m a democratic man, Vanessa. If she decides to throw lies and mud at us with that interview with Vivienne, siya ang madudumihan. Not us. Unless she became to cocky, baka du’n ako mag-step in.” Kalmado namang sabi ni Daniel.
Tahimik naman si Vanessa. Walang maisip na isagot. Inakala naman ni Daniel na nagtatampo si Vanessa sa kanya kaya wala itong acknowledgment sa sinabi niya. “You’re upset about it. I could tell.”
Napatingin ulit si Vanessa sa phone ni Rhiannon. Kita sa screen ang pagtayo pareho nina Michelle at Vivienne sa couch. Yumakap si Michelle kay Vivienne at base sa pag-shake ng mga shoulders nito ay humahagulgol ng iyak ang babae sa entertainment host. Kasabay nito ang male voice over script in a booming voice: “Exclusive! The queen of lifestyle TV and the queen of entertainment in a no holds barred interview like you’ve never seen before. Tonight at seven PM on The Filipina Today.”
Dapat ‘yata sa ‘yo naging artista rin kesa isang lifestyle host. Disgusted na naisip ni Vanessa habang nakatingin sa teaser ad ng interview ni Michelle.
“Vanessa?” Narinig niyang tanong ni Daniel sa kabilang linya. Akala siguro ay naputol na ang linya dahil matagal na siyang hindi sumasagot.
Biglang nag-sparkle ang mga eyes ni Vanessa ng may lightbulb idea na nag-sprang up sa isip niya. “Daniel, don’t hate me for this. But I want us to have a press conference tomorrow.”