The Morning After

1939 Words
MAAGA pa lang at malamlam pa ang liwanag ng kasisikat na araw ay busy na si Ivan sa pagbubusisi ng pinintang larawan niya kagabi. Larawan ng isang hubo’t hubad na babae. Nakahilig ito ng higa sa kama habang inaamoy ang mga talulot ng rosas na hawak nito. Metikuloso si Ivan. Alam nito kung saan parte ng larawan ang dapat bigyan ng darker shades gamit ang mga charcoal tools niya gaya ng compressed, vine at pencil charcoals. Gamit naman niya ang kneaded erasers sa pag-add ng highlights sa drawing. Blending stumps at ang sarili niyang mga daliri ang ginagamit naman niya para bigyan ang ibang bahagi ng larawan ng blending quality at gradations. Nasa loob ng maliit na bachelor’s apartment si Ivan na na-convert niya para gamitin bilang studio. Sparse ang furniture sa loob ng apartment. May sofa, may maliit na TV, may refrigerator at may maliit na kitchen. Mas prominente ang mga nakakalat na mga artworks ni Ivan sa paligid na mostly gawa sa acrylic at charcoal. Female anatomy ang paboritong subject ni Ivan. Meron itong drawing ng isang svelte figure ng babae na nakatalikod habang nakatanaw sa bintana, ang plumpy nitong backside ang pinakapansinin sa drawing. Meron din siyang drawing ng isang bare chested na babae na sensually kumakagat sa hawak nitong mansanas. May drawing din siya ng isang babae na nine-months pregnant na nakalapat ang mga kamay sa bilog at namimintog na tiyan, halata sa mukha ang excitement sa malapit na niyang ipanganak na sanggol. May makikita ring painting ng babae na may voluptuous body na nakahiga sa sofa habang tinitingnan ang sariling image sa hawak na vintage face mirror. Mayroon din siyang pinintang dalawang babae na magkadikit ang mga mukha habang naghahalikan at marami iba pa. Sa crumpled white bed sheets ni Ivan, kumilos ang isang taong nakatalukbong ng puting kumot at sumilip ang isang babaing kahawig rin ng babaeng ipinipinta ngayon ni Ivan. Ang girlfriend nitong si Jade. Kinusot pa nito ng kamay ang isang mata habang pinapanuod si Ivan na seryosong-seryoso sa paglalagay ng finishing touches sa larawan niyang ipininta nito kagabi. “Nakatulog ka ba, Ivan? Ang aga mong nagising.” Pansin ni Jade sa nobyo habang pinipigilan ang paghikab. “Konti lang. Para kasing restless ako hanggang hindi ko ito naaayos maigi.” Sagot naman sa kanya ni Ivan pero nakatutok pa rin ang tingin nito sa ipinipinta. “Masyado mo namang pine-perfect ‘yan. Baka hindi na ‘yan mabili ng prospective buyer mo sa presyong ibibigay mo dahil masyado mong dinetelyado.” Biro ni Jade dito habang bumabangon sa higaan ni Ivan habang nakatakip ang blanket sa hubad niyang katawan. Ngumiti lang si Ivan. Pag in tuned kasi ito sa ginagawa, as much as possible ay ayaw nito ng distractions. Pero si Jade ang tipo ng girlfriend na pag napansin nito na masyadong seryoso si Ivan ay nag-iisip ng ways para i-level out ang pagka-seryoso nito, kahit pa ma-distract ito sa ginagawang pagpipinta. Kipit pa rin ang blanket sa katawan na lumakad si Jade sa inuupuan ni Ivan sa harap ng easel at canvas. Nakasuot lang si Ivan ng sleeveless undershirt at boxer shorts. Umupo si Jade sa lap ni Ivan at kinuha ang hawak nitong charcoal vine kahit na nagpo-protesta si Ivan na ibalik niya iyon sa kanya. “Alam mo nagseselos na ako d’yan sa ipinipinta mo. Masyado ka nang obsessed. Nababalewala mo na ako.” Sabi ni Jade habang nakapangko kay Ivan pero halata sa boses na nagbibiro lang. “’Yang pagka-childish mo ang nagustuhan ko sa ‘yo, Jade, eh.” Ganting biro naman ni Ivan. “Childish pala, ha?” Kinagat ni Jade ang lower lip ni Ivan na nauwi sa masuyo at mainit na halik. Nalilis ang kumot na nakatabing sa katawan ni Jade at na-expose ang small pero firm niyang mga breasts. Awtomatiko namang bumaba ang mga labi ni Ivan pababa sa leeg ni Jade hanggang tumigil iyon sa left breast ng babae nilaro-laro ang erect n****e nito ng dila niya. Napatingin si Jade sa nakapintang larawan niya at napabuntung-hininga siya. “Kung may pera lang ako, bibilhin ko ‘tong painting na ‘to sa ‘yo. Ang ganda, eh. Pero sayang. Iba ang makikinabang.” “Ipipinta na lang kita ng bago. Mas maganda pa.” Sabi ni Ivan sa pagitan ng pag-bite at pag-suck sa n****e niya. Napaliyad si Jade sa kiliti at sarap na ginagawa sa kanya ng mga labi at dila ni Ivan. Lalo naman nagkagana ang lalaki sa nakitang epekto ng ginagawa niya kay Jade. Habang ninanamnam ni Jade ang paglakbay ng mga labi ni Ivan sa katawan niya ay napatingin siya sa mga kalapati na nakadapo sa pasamano ng bukas na bintana ng kuwarto. Parang binura nito ang pinupukaw na init ni Ivan sa katawan niya. Tumayo agad siya sa hita ng lalaki na ikina-surprise ni Ivan at nakayakap pa rin ang blanket sa katawan na tumakbo si Jade papunta sa mga doves na nasa bintana. Nagpulasang lumipad ang mga kalapati palayo nang lumapit duon si Jade para bugawin. Tawa nang tawa si Jade nang malakas nang makita ang naging reaksiyon ng mga kalapati sa paglapit niya. Nang mapatingin si Jade kay Ivan na parang nako-confuse sa ginawa niya ay lalong napatawa ito ng malakas. Napakamot na lang sa ulo si Ivan. Ang arousal na naramdaman niya kanina ay nawala na parang usok ng siga na hinipan ng malakas na hangin. Finally, nag-subside na sa pagtawa si Jade. “Magbu-brew lang ako ng kape, Ivan. Gusto mo rin ba ng toast?” “Yeah.” Sagot ni Ivan na kinuha na lang sa pagngiti sa nobya ang naramdamang disappointment sa pagkabitin niya. Naglakad na si Jade palayo sa bintana at hinayaan na niyang kumalas ng tuluyan ang kumot na nakatapi sa katawan niya para sadyang ma-expose ang magandang kurbada ng katawan niyang gabi-gabing pinapapantasyahan ng mga male clientele sa club na kanyang pinagtatrabahuan. Maging si Ivan ay hindi maiwasang mapatingin sa nakakatuksong katawan ni Jade. Takaw-pansin ang lotus tattoo nitong located upper part ng buttocks nito. Hindi maikakaila ni Ivan na napaka-suwerte niya na nobya niya ngayon si Jade. ********** NAGISING si Vanessa sa bedroom ng deluxe suite niya dahil na rin sa sunlight na tumatagos sa transparent glass ng balcony door. Saka lang niya napansin na hindi na pala niya katabi si Daniel sa higaan. Umalis ito nang hindi man lang siya ginising. Nakaramdam ng pagtatampo si Vanessa. Tingnan mo ‘yon! Naka-score lang sa ‘kin kagabi, hindi na ako ginising nang paalis na siya. Inis niyang naisip habang sinusuot ang silk robe pantakip sa katawan. Saka niya nakita ang isang letter sa sulat-kamay ni Daniel sa may bedside table katabi ng fancy-looking lamp. Kasama ng letter ang isang long-stemmed tea rose na rosy pink ang kulay at ang ballpoint pen na may nakalagay na Marriott insignia. Lumapit agad sa bedside table si Vanessa. Kinuha muna niya ang tea rose at inilapit ang ilong sa nakabukang malalaking petals nito para maamoy ang sweet fragrance ng bulaklak bago niya binasa ang sulat sa kanya ni Daniel gamit ang hotel stationery paper. My Darling Vanessa, Sorry I didn’t wake you up anymore. I have an important errand to attend to. Rest assured, I’ll be back as soon as I’m done. Order breakfast from room service and eat lightly. Once I’m back, I’ll treat you to an expensive meal and a shopping spree to any shop you fancy.  Until then, my love. Daniel Kung official na silang couple ni Daniel, pumayag kaya itong sumama sa kanya sa gaganaping premiere night ng movie niyang Blind Love kung saan gumanap siyang mayamang heiress na na-inlove sa assassin captor niya. Hindi naman siguro maapektuhan si Daniel sa mga intimate scenes nila ng kapareha niya sa movie na si Andre Villegas. Aside sa fact na may girlfriend na rin ito, alam naman ni Daniel na strictly for artistry ang paminsan-minsan ginagawang pagpapakita ni Vanessa ng skin sa movies. Especially kung essential naman sa takbo ng story. Saka du’n naman siya nakilala ng general public. Pero kahit sexy ang image niya, alam niya kung paano mang-charm ng tao at kahit naman papa’no ay pasado naman ang acting abilities niya. Kaya nga every time na may ilalabas siyang new movie ay expected nang magiging box-office hit ito dahil palagi niyang napapanatiling curious ang manunuod sa kanya. Alam kasi ng viewing audience na may bago na naman siyang ipapakita. Kaya nga na-snare niya ang atensiyon ni Daniel dahil sa charm at unpredictability niya. ‘Yun nga lang, nangyari iyon to the detriment sa relationship ni Daniel kay Michelle at sa anak nitong si Owen. Pero bakit ba sila iisipin ni Vanessa? For sure, baka nakikipag-appointment na ang well-known TV host sa isang witch doctor para bigyan siya ng curse. Narinig ni Vanessa ang may incoming call siya. Nag-saunter pa siya mula bedroom papunta sa well-lit living room saka niya kinuha ang iPhone niyang may pink case sa loob ng Gucci matelasse shoulder bag niyang nakapatong sa cushioned sofa. Si Rhiannon pala ang tumatawag via Facetime, tumatayong manager at friend ni Vanessa na hindi niya nakakalayo ng edad. “What’s up, Rhiannon?” Masiglang bati ni Vanessa nang sagutin ang tawag. “Halata ang after s*x glow mo.” Nakangiting sabi ni Rhiannon na very striking ang red highlight sa hair. “Hindi lang naman ‘yon ang reason kung bakit ako naggo-glow ngayon.” Sagot ni Vanessa sabay pakita ng finger niya kung saan nakasuot ang engagement ring na binigay sa kanya ni Daniel kagabi. “s**t! Nag-propose na sa ‘yo si Daniel?” Halata ang shock sa facial expression at boses ni Rhiannon. Giddy naman na tumango lang si Vanessa. “Not to rain on your parade, Vanessa. Pero na-settle na ba ni Daniel ‘yung sa kanila ni Michelle before siya nag-propose sa ‘yo?” “I guess. I’m not sure. Wala si Daniel ngayon nung nagising ako. May importante errand daw siya. Maybe ‘yun na ‘yon. Pero I couldn’t care less. It’s his s**t with Michelle. So, siya dapat ang mag-settle nu’n.” “Girl, dapat mag-worry ka rin kahit konti. Alam naman natin kung gaano ka-combative ‘yan si Michelle. Baka one of these days mapanuod na lang natin on nationwide TV na kini-criticize na niya kayo ni Daniel for shitting on her head.” Paalala ni Rhiannon. “Let her talk. That’s her right. Pero once naging masyadong degoratory ‘yung sinasabi niya about me and below the belt na, I’ll sue her. Plain and simple.” Seryosong sabi ni Vanessa na halatang naapektuhan sa warning ni Rhiannon. Natabunan agad ang excitement niya about sa engagement ring. “Alright, then.” Half-hearted na pag-agree ni Rhianno. Kilala niya kasing softie si Vanessa. Alam niyang pag sinimulan na siyang batuhin ng kritisismo ng foul-mouthed na si Michelle ay sisinghot-singhot itong uupo sa isang tabi at sasabihan siya na i-hug ito para i-console. “Why did you call? Alam mo naman vacation pa ako, ‘di ba?” Mapakla na ngayong usisa ni Vanessa sa manager-friend. “Alright! Let’s get down to business. Don’t worry, Vanessa. Sandali lang ito.” Pero halos hindi na napakinggan ni Vanessa ang pino-propose na bagong proyekto ni Rhiannon dahil okupado na agad ang isip niya sa maaaring backlash ngayon ng pagiging couple nila ni Daniel. Panira talaga ng moment itong si Rhiannon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD