Confrontation at the Lounge

1773 Words
WORRIED na nakatingin si Julian kay Michelle habang marahan nitong tinitikman ang inorder niyang Espresso martini. Nasa executive lounge sila ng hotel kung saan hinihintay nilang dumating si Daniel na si Michelle mismo ang nag-initiate ng rendezvous. “Michelle, punta tayo sa buffet table. Wala pa naman si Daniel, eh. Let’s get some bagels or pastries to eat to pair up with your drink.” Yaya ni Julian dito. “Ikaw na lang, Julian. Wala akong appetite. Okay na ako dito.” Binigyan lang ni Michelle ng perfunctory glance ang kapatid bago tinuloy ang pag-sip sa drink niya. Huminga muna ng malalim si Julian bago muling nagsalita. “Paprangkahin na kita, Michelle, ha? I don’t think this is a good idea. Masyado pang heightened ang emotions mo. I’m worried baka kung ano ang magawa once you see Daniel approaching our table.” Inismiran ni Michelle ang kapatid. “Anong palagay mo sa ‘kin? Warfreak? I’ll practice maximum tolerance when he gets here, Julian. Don’t worry.” Napailing na lang si Julian habang hinihigop ang sariling order niya ng cappuccino. Tumabi ng upo ang isa pa nilang kasama, si Dexter na executive producer ni Michelle sa show niyang The Filipina Today. Punung-puno ang plate nito ng pastries, waffle with maple syrup, bran bread loaf na may naka-smear na jam, croissant na may ka-partner na Elle & Vire butter at clotted cream. Halatang tine-take advantage nito ang current Continental breakfast buffet sa executive lounge. Inis na tiningnan ito ni Michelle saka binalingan si Julian. “Bakit kasi sinama mo pa itong si Dexter sa meet-up natin kay Daniel? Sabi ko tayong dalawa lang, ‘di ba?” “Mabuti na ‘yong may safety net ako. Baka mamaya hindi kita makontrol pag ako lang mag-isa.” Sagot naman ni Julian. “Ginawa mo pa akong dahilan. Ayaw mo na lang aminin na gumawa ka talaga ng paraan para malapitan mong matitigan si Dexter.” Nabuga tuloy ni Julian ang iniinom na cappuccino sa sinabi ni Michelle. Nakangiti namang tiningan ni Dexter si Julian. “Crush mo ‘ko?” Tanong nito kahit puno ang bibig ng kinakain na pastries. “Huwag kang maniwala sa boss mo. Hindi matinong mag-isip ‘yan ngayon kasi brokenhearted.” Pag-deny naman ni Julian habang pinupunasan ang bibig ng table napkin. “Shit.” Narinig ni Julian na almost breathless na sambit ni Michelle habang nakatingin sa gawi harap ng table na ino-occupy nila. Kaya pala, lumalakad na si Daniel palapit sa kanila. Mas mukhang bumata sa casual get up nitong Gap sweatshirt, Levi’s denim at Nike Air Force shoes. May suot pang eyeglasses si Daniel pero nagmukha pa itong mas bata sa edad nitong singkuwenta anyos. Sobrang nagitla si Julian sa get-up ni Daniel dahil mas sanay siya na mga expensive suits ang suot nito pag nakikita niya. Hindi tuloy niya napansin na nakatayo na pala si Michelle at lumalakad na pasalubong kay Daniel. Too late na nang mapansin siya ni Julian dahil the moment na makalapit si Michelle dito ay malakas niyang binigyan ng sampal si Daniel. Sa lakas ng sampal ay na-dislodge ang suot na eyeglasses ng lalaki at nag-clutter na bumagsak sa sahig ng lounge. Kaagad namang tumayo si Julian para hawakan si Michelle palayo kay Daniel. Tumulong naman sa kanya si Dexter na may kagat-kagat pang Danish pastry sa bibig. “Michelle, how could you?” Disappointed na sita ni Julian sa kapatid habang hawak ito sa braso. “Sorry. I can’t help it. After the fuckery he did to me last night, mabe-blame mo ba ako kung gusto ko siyang saktan the moment I see him?” Dinipensahan agad ni Michelle ang ginawa niya. “Ayos ka lang ba, Sir Daniel?” Puno ng pagkain sa bibig na tanong ni Dexter matapos pirasuhin sa bibig ang kagat-kagat niyang pastry kanina. “Aside sa nagkaroon ng konting scratch ang Oliver Peoples glasses ko, I’m perfectly okay, Dexter. Thank you sa concern.” Sagot ni Daniel matapos pulutin ang expensive eyewear sa sahig na nahulog nang sampalin siya ni Michelle. Dumukot ng handkerchief sa bulsa ng pantalon si Daniel at sinimulang i-rinse ang glasses niya habang umuupo sa table. Napansin agad nitong ang Espresso martini na nakalagay sa tapat ng inuupuan ni Michelle. “Vodka spiked with coffee at nine a.m.” No wonder napaka-hyper mo, Michelle. Why don’t you order something more benign like a cup of hot chocolate? May chocolate chaud yata sila dito during breakfast buffet.” “The gall of you to mock me and my drink after you made a fool out of me last night in front of more than a hundred guests. f**k you, Daniel! You’re a d**k! Bakit hindi mo sinama ‘yung slutty girlfriend mo para masampal ko rin siya...” Hindi na natuloy ni Michelle ang sasabihin dahil tinakpan ni Julian ang bibig niya saka apologetic na tumingin kay Daniel. “I’m sorry it has come to this, Daniel. Sinubukan kong i-discourage si Michelle na huwag munang makipag-meet sa ‘yo while she still can’t control her emotions pero siya itong mapilit. Ikaw din naman kasi. You promised to her na a-attend ka sa birthday party mo kagabi. Kung hindi ka din naman makakatupad sa pangako mo, you should have informed us days ahead para hindi na-aksaya ‘yung effort ng kapatid ko...Aray!” Biglang sigaw ni Julian sabay bawi ng kamay niyang nakatakip sa bibig ni Michelle. “Bakit mo ko kinagat?” Shocked na tanong ni Julian kay Michelle habang hinihimas ang nasaktang kamay niya. “Kanina mo pa tinatakpan ang bibig ko. Hindi kasi fair. Si Daniel ang may atraso pero siya lang ang gusto mong pagsalitain. Gusto mo quiet lang ako and tanggapin ko na lang ‘yung shitload of lies niya? Are you part of his payroll now, Julian?” Magkasalubong ang mga kilay na usig ni Michelle sa kapatid. “That’s not true. Nagiging masyado ka na kasing belligerent. Kung ang plano mo lang gawin ay mag-rant and totally hindi mo pakikinggan ‘yung explanation ni Daniel, i-cancel na lang natin ‘tong rendezvous na ‘to and do it another time pag clearheaded ka na.” Effective naman ang reasoning ni Julian. Nag-settle down si Michelle pero binigyan pa rin niya ng death glare si Daniel. “You have your floor. Speak up.” Pero si Julian ang kinausap ni Daniel. “Thank you for being the voice of reason, Julian. Pero tama naman si Michelle. She has all the right to be mad at me. To coin your term,” saglit na tumingin si Daniel kay Michelle bago bumaling ulit kay Julian, “I f****d up the party last night.” Ibinaba ni Daniel ang tingin sa mga kamay niyang pinagkikiskis, hindi makatingin ng diretso kay Michelle. “I’ve been too insensitive. And I’m sorry. Kaya lang, Michelle, we both know for quite sometime now na hindi na tayo nagki-click. Wala na ‘yung dating spark. We’re just doing it for the show and to let our friends now that we’re okay but the truth is...” “Bullshit!” Sinadyang putulin ni Michelle ang sinasabi ni Julian. Teary eyed na rin ito. “Gusto mo pa ngayong palabasin na pareho tayo ng nararamdaman when it in fact you’re the one who went cold because Vanessa dela Rosa came into the picture. What’s so special about her, Daniel? Palagi kasing shaved ang p***y niya kaya mas magandang tingnan kesa sa ‘kin? Does she squirt when you f**k her? Is she a swallower?” “Michelle, please. Your word choices.” Pleading ang boses na saway ni Julian sa kapatid. “It’s all right, Julian.” Kaswal na sabi ni Daniel na hindi naapektuhan sa mga tirada sa kanya ni Michelle. “I think eto na rin ‘yung opportunity ko to make my announcement to you all bago n’yo pa malaman sa iba.” Halos nagpipigil ng hininga ang tatlo habang hinihintay ang big announcement ni Daniel. “Vanessa and I are getting married. I proposed to her last night. ‘Yun din ‘yung reason kaya hindi ako naka-attend sa party last night.” Kalmado ang boses ni Daniel habang isa-isang tinitingnan sa mukha sina Michelle, Julian at Dexter. “So, siya pala ang gusto mong makuhang birthday gift. Her and her shaved pussy.” Puno ng bitterness ang boses ni Michelle habang tinitingnan si Daniel. Hindi naman alam kung paano magre-respond ni Daniel kaya itinaas nito ang dalawang kamay na parang sinasabing. “Whatever you say.” “Well, here’s my birthday gift to you.” Hindi na napigilan ni Julian si Michelle nang kunin nito ang iniinom na Espresso martini at ihagis ang laman niyon straight sa mukha ni Daniel. Mabuti na lang at suot na ulit ni Daniel ang salamin niya kung hindi ay baka pumasok ang isa sa mga nakapalamuting coffee beans sa drink sa mga mata niya. “Happy birthday. I hope you and Vanessa spend a lifetime in eternal damnation.” Saka binirahan ng tayo ni Michelle, malakas pang kumayod sa flooring ang silya niya saka nagmamadaling lumakad paalis ng executive lounge. “Kakausapin ko si Michelle, I promise.” Sabi ni Julian sabay abot ng napkin kay Daniel. “It’s okay, Julian. I’ve come to expect na ganyan ang magiging reaction niya. Hindi na ako na-surprise.” Malumanay namang sagot ni Daniel na sinimulang punasan ang mukha. “Sir Daniel, if you don’t mind me asking, what would happen to our show, The Filipina Today? Will it end because of the situation with you and Michelle?” Worried na tanong ni Dexter. “You don’t need to worry. Your show won’t get cancelled. As long as Michelle still wants to continue with it.” Sagot ni Daniel na pinupunasan ngayon ang namantsahan niyang sweatshirt. “Good. That’s nice to know.” Halatang na-relieved naman si Dexter. “Sir Daniel, another question? Kasama n’yo bang naka-check in sa Marriott si Vanessa? Can I have her autograph? I’ve been a fan of her since she started.” May longing pa sa mukha ni Dexter habang inaabot ang malinis na napkin kay Daniel. Nagkatinginan na lang sina Daniel at Julian habang nag-aalangang kunin ni Daniel ang napkin kay Dexter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD