Chapter Four

1345 Words
Chapter Four   Lucifer's Point of View                   Nagpatawag ako ng konseho para lipunin ang mga taksil kong alagad. Natawa na lamang ako sa isip ko! Lahat sila kinakabahan habang naglalakad ako papunta sa demon's throne. Nakahelera sila sa dinadaanan ko.                   Lord Tony, mukhang uneasy ka... Anong nangyari sa'yo? Bakit nanginginig ang kamay mo? Napa'no ka?                   Suspect number one: Lord Gluttony 'Tony.                   Pero hindi niya magagawa sa mahal niya 'yun. Kahit mga bad boys 'to, pero 'pag nagmahal 'to, sure ball. Erase erase erase.  Sino ang nagpadala ng dragon sa palasyo ni Nice? Ang bait bait n'un.                   "Boys, alam niyong masama mang-bully ng babae? At si Nice pa talaga, ha?"                   Ang bait-bait na bata. So boys are the least suspect. Linga sa kanan. Nagulat si Envy at Jealousy. Napangiti ako. Two girls suspect. Magkahawak ang dalawang kamay ni Envy sa crouch niya banda. Hahahaha! Eto 'yung gusto ko e. Anong ginawa mo kay Nice huh? Ikaw rin Jealousy? Sabay sipat rin sa kaniya. Napatungo naman siya nang tungong-tungo. Hindi ko sila nilapitan pa. Dahil may iba pa'kong titingnan. Sa unahan, nand'un si Greed at Lust. Magkatabi sa kaliwa. Mayabang silang nakatingala sa'kin. Aba! Hinawakan ko silang dalawa sa balikat nila. "Boys, hindi masakit magpakumbaba ng konti ah." Tinapik ko na lang silang dalawa. This two guy combined, can kill me. And they know the fact well. Kung isasama mo si Tony, laspag na'ko. This three, was like me Gabriel and Lander. And we can kill God if given an opportunity. Napangiti ako. Tinigilan ko na ang mapamatyag na mata ko at pumanik na sa trono ko. Pag-upo ko ay bumati na ako agad.                   "How are you doing my fellows?"                   "Good!" Sigaw nila.                   "Nice to hear that. Tandaan niyo, kapag nahuli ko ang may gawa nito... Alam niyo ang karapat-dapat na parusa ha?" Napangiti ako at nararamdaman ko ang panginginig ng dalawa. Magkatabi pa talaga sila ha? "Kaya nga, 'wag lang kayo magpahuli. Okay na lahat... Kung may krimen kayong gagawin, make sure na wala akong makikitang ebidensya. Dahil tutulungan ko pa kayo... Hangga't kaya ko," sabi ko at tumawa pa ulit. Cat fight ha? Nakita kong napangiti nang pilit ang dalawa habang nagkatingin sa isa't-isa. Sige lang, oobserbahan ko kayo. "Sasamahan ko si Gabriel mag-imbestiga. Dismiss."                   *teleport* *teleport *teleport* *teleport* *teleport* *teleport* *teleport* *teleport* *teleport* *teleport* *teleport* *teleport*   Lienel Teodora's Point of View                   "Huaaaaaaah!" Hingal akong bumangon at kinapkap ang sarili ko.                   *hingal* *hingal* *hingal* *hingal*                   "Buhay pa'ko..."                   Hindi ako nasunog. Anong nangyari? Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang braso ko. Anong oras na? Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko. Suot ko pa rin ang magarang damit na'to.                   "Auch!" Nasaktan ako nang tumapak ako kasi nasunog ng bahagya ang talampakan ko. Auch ang sakit-sakit huhuhu...                   *hipan* *hipan* *hipan*                   "Narinig mo ba? Sarado daw ang portal sa Palasyo Del' Valle." Rinig kong usapan sa labas ng kuwarto. Ano ba 'yan, hindi sound proof.                   "Talaga? Bakit raw?"                   "May iniimbestigahan daw..." Last na usapang narinig ko. Hanggang sa humina na nang humina habang palayo na ata sila.                   Nasaan ba'ko? Tumingin ako sa paligid. Ang bulaklak ng vase sa side table ng kama. Ang budha na maraming kamay sa likod. Eto ang kwarto ko! Nalulungkot ako at natutuwa. Hindi ko alam na ganito ako matutuwa sa isang kuwarto. Paano naman kasi, kung saan-saan ako pinadpad ng tadhana. Ang lungkot ng pakiramdam ko. Naiyak pa ako. God... Parang hihimatayin pa ako sa tuwa.                   *troooooooooooot*                   W-walang pagkain woah! Nagugutom na ako. Ayoko nang lumabas sa kwartong 'to, never! Humiga na lang ako sa kama. At pilit na pinikit ang mata ko.                   *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* Tounge in a disc! Please! Stop growling! *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot*                   Mas lalo pang lumalala. Nagha-halucinate na nga ako ng pagkain. Woah! Naalala ko ang feast sa harapan ko dati. 'Yung hinanda sa'kin ni Kaiser bago siya umalis. Kaso... 'Pag lumabas ako diyan... I'm a seventh ranked servant... Papahirapan lang nila ako at gugutumin! Bahala na mamamatay na lang ako dito! Total 'yun lang din naman ang pinunta ng gagang 'to dito!                   *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot* *troooooooooooot*                   Hala! Lalabas na ako! Sige na! Bahala na! Dahan-dahan akong tumayo at paika-ikang nagpunta sa closet. May damit ba dito? Ayun, nakita ko ang damit—teka, kuwarto ko ba 'to? Puro damit na long sleeve white round shirt ang nandito ah? Parang... Mga damit ni Kaiser. Naalala ko ang ngiti ni Kaiser nang kuhanin niya ang kamay ko habang bumababa sa bangka para alalayan ako. Ito 'yung damit niya nu'n. Pati mga pantalon niyang loose white nandito rin. Ang puputi! Pero, meron ding white robe dito? Para kanino? B-baka para sa'kin? Hindi! Para sa asawa niya 'yan ate Lienel! Na 'hindi ikaw' ang asawa! Sinuot ko na lang ito agad dahil nagpaalala nanaman ang tiyan ko ng kailangan niyang ipagawa sa'kin. I swear... Hindi ko nanaman alam ang adventure na gagawin ko sa labas. Naglakad na ako sa pinto at nanghihinayang na napahawak sa wooden sliding door handle. Hihilain ko ba'to? O mamamatay ako sa gutom? Bahala na! Let's go banananos! Everybody let's go! Come on we can do it! Yes! I can do it! Naalala ko pa ang sinabi ko nang nakaraan... I will fight for my freedom.                   *hila* *lakad* *sara* *lakad na paika-ika*                   Kinakabahan man sa bawat kuwartong dadaanan... Tinuloy ko pa rin hanggang sa makaabot ako sa hagdan. Bumaba na ako at paikot rin ang daan pababa kagaya ng hallway na tinahak ko, paikot rin. Walang ka-design-design...                   *baba* *baba* *baba* *baba* *baba* *baba*                   Napahinto ako sa palapag na may taong nag-uusap. Napahinto rin sila sa pag-uusap nang makita ako.                   "W-wife of Kaiser, minamalikmata ba ako? D-damit 'yun ng asawa ni Kaiser a?!" Sigaw niya na tinuro pa ako. Nagulat naman ako kasi nagulat rin sila.                   "Pre, ano ka ba? Matagal nang patay ang asawa ni Kaiser."                   So, may asawa na si Kaiser? At patay na?! Wow!                   "Hindi kaya?" Nagkatinginan silang dalawa.                   "Magnanakaw?" Sabay nilang sigaw.                   O s**t! Mother pack care! Tumakbo na ako pababa! Hudyat na! Malapit na matapos ang adventure mo Lienel! Tongue in a disc! Foot tongue in a mow! Woaaaaah!                   *tugsh*                   "Sa'n ka pupunta?" Sabi ng kolokoy number one at akmang hahawakan ako sa braso. Walang ganiyanan. Lugi ako sa teleport! Kaya naman napabalik ako pataas pero nandito na si number 2. Nakapameywang na.                   "Sino ka?" Tanong ni number two.                   "P—please! Hindi ako magnanakaw—" Hinawakan na nila ako sa magkabilaang braso at— *teleport* itinapon nila ako bigla sa isang lugar na pamilyar sa'kin.                   "Anong ginagawa sa isang nagnanakaw ng kasuotan ng Diyos?"                   "Sinusunog!"                   "Pinapatay!"                   "Pinapakuluan sa mainit na mantika!"                   "Binabalatan nang buhay!"                   "Pinapahila ang paa't kamat sa kabayo!"                   Napaupo ako at nanginig sa takot. Lininga-linga ko sila... Lahat sila sinisigawan ako at biglang bumato pa ng kung anu-anong pagkain o mahawakan nila. Tama, nasa cafeteria ako. Ayun ang stage na dapat kakainan ko.                   *ting*                   Biglang may tumama na bakal sa ulo ko. Okay lang ang saging o mga prutas ang ibato eh. Pero p-pati ba naman tray? Ang bigat niyan o? Babae po ako! Napahawak ako sa noo ko na dumudugo na. Pagtingin ko sa kamay ko, naiyak ako sa sinapit ko. Napatakip ako ng mukha at ulo sa pagtuloy-tuloy ng mga pagbato nila. Tinatamaan ng tinidor at ng kung anu-ano pang may talim na mga bagay ang braso't kamay ko. Huwag naman sa mukha please.                   "Hoy! Anong kaguluhan 'yan? Sinong nanggugulo sa cafeteria ko?"                   "Ito, *turo* Tony! Nagnakaw ng damit ng sinaunang asawa ng Diyos! Hindi na natutong rumespeto ng yumao na!"                   O my God! Tony! Tony!                   "T-tony..." umiiyak na sabi ko at nilingon pa siya. Nagulat ang mata niya at para bang senyales e, naramdaman ko na ang matinding pagkahilo.                   "L—Lienel! L--Lienel! O my God! B--buhay ka pa?! Oh thanks God! Thank you Kaiser!" Sigaw niya at naramdaman kong sinalo niya ang ulo ko.                   Pinilit kong dumilat at pinunasan niya ang luha ko habang umiiyak pa.                   "I'm sorry... I'm sorry... Hindi ko sinasadya."                   Naiiyak ako ng todo dahil, here comes my savior.                   "T-thank you... f—for s—saving me."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD