Chapter 5

1018 Words
Chapter 5   Nagmulat ako ng mga mata sa sakit na nararamdaman ko. Grabe, hindi makatao ang ginawa nila sa'kin. Makapangyarihan silang lahat. At para gawin nila 'yon sa isang tao lang... hindi ko maisip.   "L-lienel?" Si Tony. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa niyang pagligtas sa'kin sa kagagawan niya at sa kanina.   "S-salamat talaga... dalawang beses mo na'kong iniligtas. Hi-hindi ko alam kung gaano na kalaki ang utang na loob ko sa'yo."   "Huwag kang mag-isip ng gan'yan. Kasalanan ko lahat, pina-iingatan ka sa'kin ni Kaiser, at hindi ko iyon nagampanan ng tama kaya nangyayari 'yan sa'yo."   "Buti alam mo." Joke ko, at nagulat siya. "Joke."   Tumawa kami.   "P-pero Tony, may favor sana akong hihingin?"   "Uhm?" Lumuluha na siya. Iyak-tawa 'to!   "Stop it. Hindi bagay sa lalaking kagaya mo."   "A-akala ko kasi p-patay ka na... Yari talaga ako kay Kaiser... kung nagkagano'n..."   "Huh? 'Di ba nga niligtas mo'ko? P-paanong hindi mo alam na buhay o patay ako? Eh, niligtas mo nga ako sa bingit ng kamatayan nang malalaglag na ako sa apoy."   "H-hindi ako 'yun!" Umiling pa siya.   "S-sino? Eh ikaw lang at ako ang tao du'n?"   "Hindi ko alam."   Napaisip ako. "Ang nagdala sa'kin sa kwarto?"   "Hindi ako. Naglugmok na'ko sa kitchen nang nakita ko ang sapatos mo na nasusunog. Akala ko patay ka na talaga."   So, sino 'yun? Sino ang nagligtas sa'kin-   *trooooooooooooooooooooooooot* Mahabang litanya ng tiyan ko.   Napangiti siya. "Ibang klaseng  babae hahaha! Nakuha mo pang magutom sa lagay mong 'yan?"   "I-ilang araw na akong h-hindi nak-kakakain."   "Sige, I'll have a feast ready for you. Wait lang, dito ko na lang dadalhin."   Tumango ako at hindi tumagal ang segundo nang nawala siya at marami nang nagsilipana na mga servant na nagte-teleport sa kwartong ito. May dalang mesa, prutas sa basket, mga karne, manok, kitchen utensils. Nilagyan pa nila ng pulang place mat na may bonggang design na gold linings sa bawat gilid. At mukhang totoong ginto ang nakalagay. May diamond-like pa na chandelier ang nailagay ng isang babae sa ibabaw ng hapag-kainan. And... tsanan! Naglalaway na ako! Nagbubukas pa lang sila ng kandila nagugutom na ako! Lastly, nilagay ng katulong ang isang red-quilted king chair sa kabilang dako ng side na sa tapat lang ng upuan na pinakamalapit sa'kin.   *lunok*   Ang bilis! Sumulpot na si Tony na diretso nang nakaupo sa king's chair at inalalayan na siya ng mga katulong at nilagyan pa ng panyo ang lap niya. Pinagsalinan pa siya ng inumin sa maliit na tasa. Umuusok ito at halatang mainit.   "Be seated wife of Kaiser. Paki-alalayan siya please." Bumangon na'ko dahan-dahan sa utos niyang 'yun. Alalay na alalay akong bumaba mula saengrande din palang kama. Sa pagmamadali ko, hindi ko na hinayaang alalayan pa nila ako, dahil lalo lang akong mapapabagal. Kaya binilisan ko ang paghakbang pababa. Pag-upo ko, hinanap agad ng mata ko ang mga kutsara't tinidor. May nakita pa nga akong knife at chopstick.   May mga ceromony pa ba-   Napatingin ako kay Tony, at sunud-sunod ang kain niya na parang hindi na hihinto kahit kausapin mo. Seryoso pa ang mukha niya habang pahila niyang kinakagat ang parteng hita ng manok. A-ang takaw niya. "Ka-*nguya* kain na."   Ha ha ha, nakakahiyang makipagpaligsahan kaya dahan-dahan lang akong kumain hanggang sa hindi ko na namalayan na ginagaya ko  na rin ang paraan ng kababuyan niya sa pagkain. Hahaha, hindi bagay sa'min ang table setting. Nagpunas kaming dalawa ng dumi sa mga labi namin. "Wow! I can't believe it! Tumagal kang kasabay akosa pagkain! Woah! First time! Magkakasundo tayo!"   Hoy hindi ako matakaw. Nagkataon lang na gutom na gutom ako. Gutom na gutom! Ngumiti na lang ako.   "Gusto mong manood ng balita?"   "Sige." Tumango ako at nagpunas na siya ng panyo sa labi at kinumpas niya ang kamay sa kaliwang banda at lumabas lang ang isang malaking screen sa ere. P-paanong nangyari 'yan? Magic? Kaya 'yan ng magic? Teka? Natatandaan ko 'yang lugar na 'yan ah!   "Kasalukuyang nakasara ang portal sa Palasyo del' Valle dahil sa pag-atake ng isang high class level 10 dragon, na sa kasulukuyang nilalabanan ng isang empress  na nakalutang sa ere ngayon. Makikita mong nagbuga ito ng isang matinding apoy at halos! Oh! Ayan na! Buti naiwasan ito ni Empress Nice! Dahil kung hindi! Siguradong hindi- Oh! Tinamaan pala siya at natunaw ang kaliwang parte ng katawan niya! O my God!" Napatayo ako! Hawak ni Nice ang kaliwang parte na nawala at kasalukuyang, binabalik niya ang katawan sa dati. Tumutulo ang dugo nito sa ere na sobrang dami at hindi ko mabilang! Naluha ako at halos  hindi ko naisip na mas masakit pa ang naranasan ko sa kaniya! Nakapikit na ang isang mata niya at pawis na pawis siya! Halata ang sakit na nararamdaman niya. Hindi pa natinag ang screen at nag-zoom-in pa ito doon. Umuga ang lugar ng malakas na nagpatumba sa'kin. Napalingon ako kay Tony na batis na ang luha sa mga mata habang nakakumot ang mga kamao niya. Nakikita ko ang hangin sa paligid niya parang sa sobrang lakas, ay matatangay ka. Tumalsik pa ako pabalik sa kama dahil sa sobrang lakas. Pero hindi nagawang masira ang lugar na kinatatayuan namin na iniisip kong himala. Napatingin uli ako sa screen at n'ung ma-recover na ni Nice ang katawan niya, bigla naman siyang hinampas ng pagkalakas-lakas na buntot ng malaking itim na dragon. Nahulog siya na parang bulalakaw at bumagsak din siya na kagaya ng bulalakaw na naghukay ng malaking butas sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko. No one could survive from a fall like that! Napasigaw ako at napahawak sa bibig ko. Napaluhod naman si Tony habang nakatingala. Nag-zoom-in pa ulit sa nakahigang si Nice ang screen. Sumusuka na ng dugo si Nice. Magkahiwalay na ang dalawa niyang kamay at isang hita sa kaliwa. She's torn, limb to limb!   "O m-my God!-"   Pinatay na ni Tony ang screen at nagugulat akong napalingon sa kaniya.   "S-sarado ang p-portal... h-hindi a-ako... n-naka-teleport." Sabi niya saka nilingon ako.   W-wala akong masabi.Gulat lang akong nakatingin sa malungkot niyang mata habang naiiyak rin.   "H-hindi ko a-alam ba't m-may d-d-dragon s-sa l-lugar n-niya?"   ******   RBP. Duty first!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD