YOHAN’s POV
Nagising ako dahil na naman sa manok ng kapitbahay, sya na talaga nagsisilbi kong alarm clock kaya yung alarm clock ko ibininta ko na lang sa talyer 1 peso lang yung halaga kaya ibinili ko na lang ng Bobot. Tiningan ko yung kama ni Martin wala na naman sya dun bakit ba palagi na lang hindi ko sya na-aabutan paggising ko.
"Good morning, rise and shine!" sigaw ko sa mga kapitbahay ko habang nakadungaw sa bintana namin.
Yung iba nags.smile lang yung iba naman wapakels, bwesit.
Pumunta ako sa kusina saka ginawa yung morning routine ko. Paglabas ko ng banyo may nakahain ng pagkain sa lamesa, bilis naman yata wala pa yan kanina ah grabe talaga sya try ko ngang sumakay sa kanya minsan papuntang school para naman makatipid, chansing na rin, bwhahaha, seryoso na tayo mga bhe.
Himala yata ngayon dahil hindi na nya ako hinintay na pumunta sa school, usually kasi kapag nauna sya ng gising hihintayin pa nya ako na magising at ipaghahanda ng pagkain tapos sasabayan sa pagpunta sa school pero ngayon wala, ni-anino nya wala talaga akong nakita, pero may note syang nilagay kanina sa tabi ng pagkain ko.
Sabi nya na na-una na daw sya dahil may importante pa daw syang dadaanan, akala ko ba hindi sya taga dito pero bakit may dadaanan pa sya, posible kayang mayroon pa silang kasama dito na matagal ng namamalagi dito sa earth? Baka ganon nga, kalimutan na nga lang.
Matapos kong makapagbihis ay dumeritso na ako papasok sa school, hindi ko inaasahan ang makakasalubong ko sa daan, paika-ika sya kung maglakad tapos puno pa ng pasa yung katawan nya, putok rin yung labi nya.
***
MARTIN’s POV
Pagkagising ko agad na akong pumunta sa kusina at nagluto ng makakain namin, tapos bumalik ulit sa kwarto, tiningnan ko sya hanggang ngayon tulog pa rin sya sa bagay maaga pa naman ngayon , hindi lang talaga ako naka tulog kagabi kaya maaga ako ngayong bumangon hindi ko kasi makalimutan yung ginawa ko sa kanya kagabi eh habang nag-uusap kami sa totoo lang tatapalan ko lang naman talaga ng kamay ko yung bibig nya kaso iba yung ginawa ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko, muntikan ko na nga syang mahalikan kung hindi lang ako nakapagpigil baka nahalikan ko na nga sya.
Ano ba kasing nangyayari sa akin sa halos dalawang buwan na naming magkasama ay hindi ko maipagkakaila na napalapit na sya sa akin dahil siguro sa kakwelahan at kapelyuhan nya siguro yun yung nagustuhan ko sa kanya.
Teka, gusto? Nagkakagusto na ba talaga ako sa kanya pero hindi pwede sya ang ilinahad at ang tungkulin ko dito ay pangalagaan at bantayan lamang sya at wala ng iba, bat ang bilis naman yata. Bahala na, siguro pag pinabayaan ko to ay siguro mawawala rin to.
Nasa sala ako naghahanda ng mga gamit papuntang school ay narinig ko syang sumigaw sa kwarto nya baliw nga talaga sya. Yun siguro ang dahilan kung bakit ako nagkagusto sa kanya, teka akala ko ba kakalimutan ko na yang thoughts na yan, hay! Ano ba talaga to nangyayari sa akin. Siguro konektado ito sa nakikita nyang kulay kahel na usok sa akin, possible kayang sya ang makakatuluyan ko?
Pero lalaki sya bakit naman ganon ang nangyari, mahigpit pa namang ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa kapwa mo lalaki o babae sa planeta namin pero imposible namang nagkamali lang talaga ang pagkakataon.
Narinig kong bumukas yung pintuan ng kwarto, hudyat na lumabas na sya kaya dali-dali akong pumunta ng kusina at kinuha yung pagkain na inihanda ko para sana hindi nya makita sumiksik ako sa gilid yung tipong hindi nya ako makikita, tapos nakita ko syang pumasok sa banyo, napagisip-isip ko na baka gutumin sya at sayang naman tong niluto ko kung hindi nya makakain kaya ibinalik ko na din sa dating pwesto ang pagkain saka nag-iwan ng note na may pupuntahan pa akong importante kaya mauuna na ako pero ang totoo talaga hindi ko lang kayang magpakita sa kanya at dumiretso lang ako ng eskwelahan.
Paglabas ko ng bahay ay napagisip-isip ko na gamitin ko ang kapangyarihan ko para madali lang makarating sa school maaga pa naman kaya nakakasiguro akong walang makakakita sa akin kung sakali mang gamitin ko ito ngayon kaya ginamit ko talaga.
Pagkarating ko sa school ay kunti pa lang yung mga estudyante na pumapasok sa gate, syempre patago akong tumigil para hindi nila mahalata pero sa kasamaang palad dun pa ako napatigil sa pader na palaging ini-ihian ng mga estudyante,
'Ang panghi! Mga hinayupak na mga taong to.' sabi ko sa aking isip, para talagang mga aso hindi marunong umihi sa tamang lugar.
Nagpatuloy ako sa pagpasok sa gate ng school at dumiretso sa classroom namin at kaagad na umupo sa upuan ko at ako pa talaga mag-isa ang nadirito.
***
YOHAN’s POV
"Anyare sa'yo ba't ganyan yang mukha mo para kang ginawang punching bag ni many pacman" sabi ko kay Cedrick na puno ng pasa ang mukha ngayon, tapos pagkalapit nya sa akin bigla na lang syang nagpass-out buti na lang nasalo ko sya dahil kung hindi siguradong madadagdagan pa ang pasa nitong gonggong nato.
Wawa, nawala na yung baby face nya na kinababaliwan ko noon, oo noon dahil ngayon hindi na matagal na akong nakamove-on sa kanya no, awa meron pero love wala na lust siguro baka pwede pa.
"Hala sya, ba't ka dumagan sa'kin yan tuloy nadumihan pa ng dugo mo ang uniform ko, " kuda ko at dahil nga ipinanganak akong confidently beautiful with the heart kaya tinulungan ko sya, hindi pa naman malayo yung Boarding House ko dito kaya doon ko sya dinala para gamutin.
"Uyy, anyare jan sa Ex-boyfriend mo ba't parang nag-iba yata yung kulay naging ube, jinumbag mo ba?" bungad ni Aling Beauty sa akin habang papasok na ako sa BH ko. Ewan ko ba bakit Beauty pangalan nyan wala naman kasi akong naaaninag na kagandahan sa mukha, at oo alam niya na ex ko na lang tong si Cedrick, dakilang etchosira at chismosa ng taon yan eh kaya lahat ng private issue ng mga tao dito alam nya.
"Dadalhin ko ba'to dito kung ako ang nagjumbag nito diba dapat pabayaan ko lang dapat, ikaw talaga Aling Beauty, hindi ka marunong makiramdam naturingan kapa namang chismosa ng taon."
Ayaw ko talaga sa presensya nya baka bukas makalawa may kumalat na namang issue about sa akin dahil sa kanya, naku-naku kakalbuhin ko talaga sya, makikita nya.
Hindi na umimik pa si Aling Beauty kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa loob, bigat pa naman nitong aka'y-akay ko tapos amo'y alak pa kaya parang alam ko na kung bakit ganito ang itsura nito ngayon.
Pagpasok ko sa bahay ay agad ko syang ihiniga sa sofa at pumunta ng kusina para kumuha ng kumukulong tubig ay este maligamgam na tubig lang pala at pangpunas para linisan sya bago ko gamutin.
Bumalik na ko kung saan si Cedrick ngayon saka sinimulang hubarin yung Polo shirt nya na medyo gusot na, enfairness ganda talaga ng katawan ng ex-ko kaso lang manggagamit. Tinuloy ko na ring hubarin yung pants nya ng dahan-dahan baka kasi may manuklaw. Buti na lang naka boxer sya kaya medyo nakahinga ako ng malalim, pero bakat na bakat yung ano nya. Naalala ko tuloy yung may muntikan ng mangyari sa amin, nalasing kasi ako non at pati rin sya tapos yung mga kaibigan ko at kanya ay napagtripan kami, ikinulong kami sa iisang kwarto syempre wala kami sa aming katinuan dala na rin ng alak kaya muntikan na talaga kaming mag s** nakahubad na sya nun ng damit pati na rin ng kanyang pants kaya kitang-kita ko talaga ang naked body nya hindi kasi sya nakaboxer noon para bang alam nyang mangyayari yun, buti na lang talaga humangin ng malakas at bumukas yung lahat ng bintana sa kwarto na nagpabalik sa katinuan ko, simula nun hindi na talaga ako sumasama sa mga gimik nila.
Napabalik lang ako sa aking pagbabalik tanaw dahil bigla syang umungol at sinambit yung pangalan ko, pinagnanasaan ba ako ng mokong nato?
Pinunasan ko na yung katawan nya saka ginamot yung mga sugat nya sa mukha at katawan, tapos inayos ko na sya sa pagkakahiga sa sofa. Tingnan ko yung relo ko naku alas otso na pala hindi ko napansin yung oras late na'ku, sigurado hindi na ako papapasukin ng guard ngayon kaya no choice maya na lang talaga ako papasok, pumasok na lang ako sa kwarto saka nagbihis ng pangbahay na damit dahil nga naduguan yung uniform ko kanina saka pumuslit ng higa sa kama ko.
***
MARTIN’s POV
Nagrecess na lang hindi pa rin pumapasok si Yohan ano na kayang nangyari dun, baka may nangyaring masama sa kanya patay talaga ako kay panginoon nito kung meron man. Pagkatapos ng recess ay bumalik na kaagad ako sa classroom nagbabakasakali na nandoon na sya pero wala pa rin pala, asan na ba kasi yun? Gustuhin ko mang lumabas at hanapin sya kaso hindi rin ako papayagan dahil isa yun sa rules and regulation ng School na sya mismo ang nagpatupad kaya wala akong nagawa kundi umupo at hintayin na matapos ang klase.
Tumuntong ang oras sa alas dose ng tanghali, hudyat na lunch break na kaya agad kong inayos lahat ng gamit ko ilinagay sa locker sa bahaging likod ng classroom saka nagmamadaling lumabas ng school nagkabanggaan pa nga kami ni Kenny eh na ikinapula nito hindi ko na lang pinansin dahil sa pagmamadali ko iniwan ko sya doong nakatulala na parang kinikilig, ano kaya nangyari doon. Para syang si Yohan kaso lang hindi namumula pati yung tenga nya.
***
YOHAN’s POV
Nagising ako dahil sa kalabog sa labas ng kwarto, nakatulog pala ako kanina hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina, bakit naman eh sa pagkaka-alala ko sakto naman ang tulog ko kagabi yun ngalang nanaginip ako na ginapang daw ako ni Martin, landi ko nga sa panaginip ko eh tumuwad lang daw ako ng walang kahirap-hirap. Bigla naman akong napabalik sa realidad dahil may parang nabasag na naman sa labas kaya agad akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto.
Nadatnan ko si Cedrick sa sala na gising na pero halata pa ring may masakit sa kanya dahil sa pagngiwi-ngiwi ng kanyang mukha tuwing gagalaw sya kaya pala may narinig akong parang nabasag dahil nabasag pala yung flower vase na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Lumapit ako sa kanya at tinulungang makabangon nakahilata kasi sya ngayon sa sahig.
"Bakit ka pa kasi tumayo alam mo namang may mga galos ka sa katawan, " kuda ko sakanya sabay paupo sa kanya sa sofa.
Tumabi ako sa kanya ng upo, bakit ba eh hindi na naman ako naiilang sa kanya eh nakalimutan ko na agad yung past namin.
"Bakit ba kasi sinubukan mo pang tumayo, natatakot ka bang baka tuluyan na kitang patayin kaya tinangka mong tumayo at lumabas ng bahay hindi ako ganon, tinulungan pa kitang gamutin no kung papatayin lang naman pala kita, " malumanay kong sabi sa kanya, umiling lang naman sya bilang sagot.
"Yun naman pala eh. Teka ikukuha lang kita ng maiinom wag kang mag-alala hindi kita lalasunin, " sabi ko, sabay tayo. Lalakad na sana ako kaso hinawakan nya ang kamay ko. Tumingin naman ako sa kanya at tiningnan na nagsasabing bakit.
"Mahal kita." Bigla nyang bulalas sa akin na nagpagulat sa akin saglit bigla na lang akong natawa dahil sa sinabi nya.
"Ano na naman bang kagaguhan nyang plinaplano mo, kung ako sa'yo wag mo nang ituloy dahil hindi na yan uubra sa akin, wag kang mag-alala hindi na ako galit sa'yo kaya makaka-uwi ka pa rin ng buo sa inyo." Aba malay ko bang may binabalak naman tong mokong na'to, pwes para sabihin ko sa kanya hindi na sya uubra sa akin.
Tiningnan nya ako sa mata nakikita ko rin sa mata nya na nagsasabi sya ng totoo pero mahirap ng maniwala sa instinct lang ngayon .
"Totoo talaga ang sinasabi ko, pagkatapos ng isang linggo simula nung nangyari sa atin sa bakanteng classroom, ay hinahanap na kita at... namimiss kita, kaya doon ko napagtanto na minahal pala kita sa loob ng apat na buwan nating relasyon. Sa katunayan hiwalay na nga kami ni Levi at parati lang kaming nag-aaway tungkol sa'yo. " —Kaya pala nung isang araw napansin kung namumugto yung mata ni Levi marahil ay dahil sa issue-ong ito— "at kaya ako nagkaganito (pagtutukoy nya sa mga pasa nya) dahil nagpakalasing ako kagabi dahil pa rin sa'yo dahil namimiss na kita ng sobra, " pagpapatuloy nya.
Tumahimik ako ng ilang sandali saka ako nagsalita
"Alam mo Cedrick kung ano man ang nangyari sa atin noon ay kinalimutan ko na at nakapagmove-on na ako. Sige sabihin na nating nagsasabi ka nang totoo pero kasi kung iniisip mong pwede pa nating buuhin yung noon ay hindi na pwede mahirap na kasing ibalik ang tiwala, oo napatawad na kita pero hindi ibig sabihin nun nakalimutan ko na ang nangyari, sorry, pero friends lang talaga ang ma-iooffer ko sa'yo—mahirap ng buuhin ang salaming mensan nang binasag, " mahabang litanya ko.
Bumuntung hininga sya.
"Kung yan ang gusto mo atleast di'ba friends pa rin tayo siguro makukuntento na ako dun... atleast ngayon may closure na tayong dalawa." Tapus bigla syang ngumiti kaya ngumiti na rin ako, bigla naman nya akong niyakap kaya niyakap ko na rin sya pabalik.
Nanatili kami sa ganong pwesto nang biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Martin na may pag-alala sa mukha ngunit agad naman itong napalitan ng lungkot saka sya lumabas ulit at pabalibag na isinara ang pinto.
Samantala...
***
-
-
-
-
-
-
Sa malayong bahagi ng kalawakan nadoon ang isang maliit na planetang kinalalagian ng isang tao at ng kanyang kapanalig na matagal ng hindi nagpaparamdam daan taon na ang nakakalipas:
Naka-upo ang isang may katandaan ng lalaki sa isang selyang gawa sa buto ng iba't-ibang uri ng hayop.
"Panginoon, handa na po ang ating hukbo para sa paparating na dimaang inyong hinahangad," wika ng isang heneral sa lalaking naka-upo lang sa kanyang selyang Trono.
"Mabuti kung ganon, pag-igihan nyo pa ang inyong pagsasanay, nang sa ganun ay sa pagkakataong ito ay tayo na ang mananalo, " sagot nito sa kanyang heneral.
"Masusunod po, Panginoon, sinisiguro ko pong hindi na tayo magagapi ngayon. " Wala syang natanggap na ano mang reaksyon sa kanyang kausap kaya nagdesesyon syang umalis na lang sa harapan nito.
Pagsara na pagsara naman ng pinto ay agad na tumayo ang kanilang tinatawag na panginoon
'Hindi ko hahayaan na sa pagkakataong ito ay talo pa rin ako, sisiguraduhin ko ngayon na kayo ang itatapon sa malayong parte ng kalawakan o papatayin at hindi ako, hindi ang pag-ibig ang syang gagapi sa akin kundi ang puot na naranasan ko ay ipaparanas ko rin sa inyo!' bigkas nya sa kanyang isip. Bigla namang nabasag ang kanyang hawak-hawak na baso dahil sa paghigpit ng hawak nya rito.