Chapter 12

1045 Words
YOHAN’s POV Halos dalawang oras na kaming nakaupo dito sa sala simula ng dumating kami galing school, ngunit wala ni kahit kanino sa aming dalawa ang gustong magsalita, ang init na nga ng pwet ko dahil sa walang tayuang ganap dito. Si Martin naman naka tayo lang, parang wala lang sa kanya kung nangangalay ba sya dahil sa pagtayo nya ngayon. Wala man lang painat dyan. Hindi na ako nakatiis kaya ako na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan.  Kunyare akong umubo, "ano nga pala yung gusto mong gawin natin?" Isa pa yan sa lahat ng bagay na bumabagabag sa akin habang tahimik lang kami kanina . Baka kasi yung gusto nyang gawin is yung exercise that only suitable for adults kaya medyo natetense din ako, medyo lang naman. Huminga sya ng malalim pagkatapos ay nagsalita. "Tungkol dun, gusto ko lang sabihin na—" " 'Wag! Hindi pa ko ready, hindi pa sa ngayon! " sigaw ko sabay takip ng dalawa kong braso sa katawan ko na parang hahalayin ako ng walang kalaban-laban, nagtataka rin si Martin dahil sa kakatwang ginagawa ko. "Ano ba yang ginagawa mo, akala ko ba gusto mong malaman? Ganyan ka ba talaga katakot na masubukan para maghestirical ka ng ganyan jan? " Lumaki naman ang mata ko sa sinabi nyang yun, so totoo nga ang nasa isip ko. Umiling-iling lang ako sa kanya na nanatili pa rin sa ganong posesyon. Lumapit sya sa akin kaya mas lalo kong isiniksik ang katawan ko sa sofa. Umupo sya sa tabi ko saka hinimas-himas ang balikat ko. "Alam kong bago lang to sayo kaya wag kang mag-alala hindi ko naman bibiglain eh, dadahan-dahanin lang natin para hindi ka mabigla yang katawan mo, " pagsasalita nya na mas lalong ikinalaki ng mata ko. "Wah! p*****t ka! Bastos! " sigaw ko sa kanya pagkatapos kong tumayo at pinaghahampas sya, wala naman syang ibang ginawa kundi sanggain lang lahat ng hampas ko sa kanya. Saka ako tumakbo ng mabilis papuntang kwarto sumunod naman sya kaya binilisan ko pang tumakbo, nang makapasok na ako sa kwarto ay agad ko itong isinara at nilock. Katok lang sya ng katok sa labas. "Yohan, buksan mo nga tong pinto ano bang nangyayari sa'yo? " aba't nagtatanong pa talaga sya ah, bwesit sya. "Bastos ka! Bastos!" sigaw ko pa rin sa kanya. "Hoy! Manahimik kayo jan kung gusto nyong gumawa ng milagro ay hina-hinaan nyo naman yung mga tinig nyo baka lang nakakalimutan nyong may mga kapitbahay kayo na may mga anak na bata pa, ipapaalala ko lang! "Mga bata talaga ngayon ang pupusok sus maryosep!!" sigaw ng isa sa mga kapitbahay namin, bigla naman akong namula sa sinabi nya. "Huh, anong bastos ba yang pinagsasabi mo Yohan, kung ano man yang nasa isip mo ay mali yan, hindi yan ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang simulan na natin—yung pagpapalabas ng kapangyarihan mo" Dahil sa narinig kong sinabi nya ay naginhawaan ako pero dismayado din at the same time kasi hindi pala yun yung ibig nyang sabihin, willing naman akong pumayag eh, nagpapakipot lang ako ng kunti. Binuksan ko yung pinto ng dahan-dahan at nakita ko syang naniningkit yung mata at nagdikit yung mga kilay. Agad naman akong yumuko. "Sorry, akala ko kasi... " sabi ko habang nakayuko pa rin. "Hayst! Wag kang mag-alala hindi naman kita gagalawin kahit kailan. "  Para naman akong nanlumo dahil sa sinabi nyang yun pero hindi ko na lang pinahalata sa kanya. "Tara sa sala na lang natin pag-usapan yan, " sabi ko na lang tango lang naman yung tinugon nya. Pagdating namin sa sala ay agad kaming umupo, ako sa sofa sya naman ay sa tabi ko. Nagtitigan lang kami ng ilang minuto saka sya nagsalita. "So alam mo naman na nasayo ang kapangyarihan ng apat na elemento ng kalikasan diba, dahil kwenento ko na to sa'yo, " tumango lang ako. "Kaninang umaga ay naproseso na ng aking utak ang lahat ng laman ng libro at napag-alaman ko rin na may dalawang paraan para mapalabas ang iyong kapangyarihan. " —nacurious ako kaya nakinig ako ng mabuti— "Ngunit ,dahil hindi ka babae ay ito na lang ang kailangan nating subukan. Ang pagpipilit na lumabas ang apat mong damdamin o emosyon na kumakatawan sa apat mong kapangyarihan: "Ito ay ang pagkasira o destructable na kumakatawan sa apoy, ang kaginhawaan o convenience na kumakatawan sa hangin, ang kadalisayan o purity na kumakatawan sa tubig, at ang pagkamayabong o fertility na kumakatawan sa lupa." "Madali lang naman yun kailangan ko lang magpa—" hindi ko natuloy na pagsingit sa kanyang pagpapaliwanag dahil agad na syang nagsalita sa malakas na tinig. "Pero! Kailangan ito ay lumabas ng sabay sa isang pagkakataon, " pagpapatuloy nya. "Ay parang ang hirap naman yata non, parang di ko kere yan yung isa na lang kaya baka mas madali pa yun, " pagmamaktol ko. "Alam kong mahirap pero kailangan nating maghanap ng paraan para lumabas yun, dahil gaya nga nang sinasabi ko sa iyo kanina hindi na pwede yung isa dahil hindi ka babae." Ouch. nakaka-dalawa na tong lalakeng to sa'kin ah. "Eh ano naman, pusong babae naman ako kaya baka pwede pa rin, " pangungulit ko pa rin. Napa 'tsk' lang sya dahil sa kakulitan ko sabay iling-iling. "Sige na... " parang bata kong pangungulit. "Hindi nga pwede, " medyo asar na nyang kuda. "Pwede yan." "Hindi! " "Pwede! " "Hindi! " "Pwedeee! " "Hayst! kulit mo, hindi nga." "Sige na, pwede yan—babae ako sa puso eh kaya exempted na ako jan." Pangungulit ko pa rin habang niyuyugyug yung balikat nya, parang naasar naman sya at hindi na nakapagpigil kaya pinihit nya yung katawan ko paharap sa kanya at nilapit yung mukha nya sa mukha ko na medyo ikina-duling ko dahil sa napakalapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Tiningnan nya yung labi ko kaya isinara ko ito ng mas mahigpit kaysa sa normal. "Kapag hindi ka pa tumigil, hahalikan talaga kita at gagawin ko yung nasa isip mo kanina, " may pang-aakit sa tono na sa nya. Agad ko naman syang tinulak dahil nadadala ako sa mga titig nya. Feel ko talaga na namumula na naman yung pisngi pati na rin yung tenga ko. " Eh, bakit kasi hindi mo na lang sabihin para naman maintindihan ko, hindi yung may pablack mail-blackmail ka pang nalalaman, " sabi ko ng hindi pa rin ako makatingin sa kanya. "Gusto mo talagang malaman? " Tumango lang ako pero hindi pa rin tumitingin sa kanya. Humugot sya ng hininga at saka nagsalita. "Kailangan mong mabuntis," bulont niya sa tenga ko, nakakiliti sheyt. "Ayyy, imposible nga, hanap na lang ibang paraan."  Itutuloy...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD