Chapter 11

2027 Words
YOHAN’s POV Nagising ako dahil sa ingay ng manok ng kapitbahay namin, kinusot-kusot ko pa yung mata ko tsaka nag-inat ng kamay, pagtingin ko sa kabilang kama wala na si Martin doon kaya lumabas na ako ng kwarto at nakita ko nga syang nasa sala na at fully clothed na yung mokong. Simple lang naman yung suot nya, kung ano yung sinusuot ng mga estudyante ganon din yung suot nya. Syempre uniform, pinahaba ko lang. "Good morning." Sabi nya sabay ngiti ng matamis. Tango lang yung naging tugon ko kasi nahihiya ako sa kanya dahil sa pag-ngiti nya sa akin. Pagkatapos nun eh dumeritso na ako sa kusina para maghilamos at magtoothbrush na rin. Tapos dumiretso na lang ako ng ligo, maaga pa naman kaya medyo binabagalan ko yung pagligo, embis na yung tabo yung gamitin ko para madali eh nag shower na lang ako yung shower na normal lang naman hindi yung mahal, si Kenny yung bumili nito eh ayaw nya kasing magtabo dahil para daw sa mga dyosa ay bawal gumamit ng tabo dahil baka pumangit, ewan pero yun daw yung pamahiin ng mga dyosa eh di man lang ako nainform. Pagkatapos kong maligo ay magbibihis na sana ako kaso nakalimutan ko pa lang magdala ng damit kanina buti na lang may extra towel dito kaya may magagamit pa rin akong pantakip sa flawless body ko. Kaso, bigla ko na-alala na dadaan pa pala ako sa sala na pinaglagian ni Martin ngayon bago makarating sa kwarto ko, pero na-isip ko ulit na nakita na nya pala yung buo kong katawan once kaya no probs. Bigla naman akong namula dahil sa na-alala ko. Lumabas na ako ng banyo pero pagbukas ko ng pinto mukha kaagad ni Martin yung nabungaran ko, tiningnan naman nya ako mula ulo hanggang paa with slowmotion, kaya namula na naman ako dahil sa paraan ng pagtitig nya sa akin. "Ah, kanina ka pa ba dyan?" hindi agad sya nakasagot kaya nag wave ako ng kamay sa harap nya kaya bumalik sya sa kanyang ulirat, ganon na ba talaga ako ka ganda para matulala sya, kaloka. "Ah, hindi ngayon lang pinuntahan lang kita dito para sana ipaalala na nakahain na sa lamisa yung kakainin natin, " sabi nya. "Ganon ba, naku hindi naman kailangan na ipaghanda mo pa ako, pero salamat." Sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat nya kaso wrong move ata, kasi dahil sa ginawa ko nalaglag yung towel na kaisa-isang nagsisilbing pantakip sa katawan ko kaya. Nakita nga nya lahat. O.M para tuloy akong human anatomy sa kalagayan ko ngayon. 0_0 – siya. ^///^ – ako. Nagulat sya pero sandali lang naman, agad ko namang tinakpan ng mga palad ko yung kasilanang bahagi ng katawan ko, (pero nakita nya pa rin talaga kanina.) buti na lang bagong trim yung black forest ko kaya nabawasan ng kunti yung hiya ko mga 00.001% siguro, agad naman akong tumakbo papasok sa kwarto at iniwan ko sya doon ng walang sinasabi. Pagka-sara ko ng pinto ay agad akong sumandal sa pinto kahit naka hubo't hubad pa rin ako. Damang dama ko talaga yung malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Nagmamadali akong magbihis saka lumabas ng kwarto, pumunta ng kusina at kumain ng mabilis saka nagmamadaling lumabas ng bahay, hindi pa ako nakakalayo ng tawagin nya ang pangalan ko. Tumigil lang ako sa paglalakad ngunit hindi ko pa rin sya nililingon kasi nga nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. My ghad may iba na talagang nakakita ng buo kong katawan. "Umuwi ka ng maaga mamaya dahil may gagawin tayo. " Bigla naman lumaki yung mata ko dahil sa sinabi nya. May gagawin kami, ano yun gagawin ba namin yung not suitable for young ages na exercise. Naku di pa ko ready baka bukas pwede na, kung sabagay 18 na naman ako kaya pwede na namin yung gawin pero hindi pa rin pwede, gusto ko yung first time ko is sweet, romantic and memorable at dapat sa lalaking mahal ko talaga, hindi pa talaga pwede kaya nagdesesyon akong sabihin sa kanya na hindi pwede. "Hind—" Hindi ko natuloy dahil pagtingin ko sa kinaroroonan nya wala na sya doon. Ilang minuto na ba akong nakatunganga dito? Hayst, ah basta hindi pa talaga pwede next time na lang kapag mahal ko na sya, Hano daw?! **** Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate ng school eh agad na akong sinampal ni Kenny dahil daw eh inagaw ko daw yung boypren nya ahas daw ako, joke lang. Agad nya akong niyakap ng napakahigpit na halos mabali na yung buto ko. "Bes, namiss kita, bakit ba kasi hindi ka pumasok ng dalawang linggo?" pagtatanong nya sa akin habang nakayakap pa rin sya. "Namiss mo ba talaga ako o gusto mo lang talaga akong patayin, pahingahin mo ko friend, kahit sandali lang," pagrereklamo ko sa kanya at agad naman syang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. "Ede sorry na, so ano nga yung dahilan mo bakit ka umabsent ng pagkahaba-haba?" tanong pa rin nya kaya kwenento ko sa kanya yung dahilan. "Kaya nga hindi ako nakapasok ng dalawang linggo dahil dun sa sinabi ko sa tawagan natin." "Yung power mo 'kuno'?" pinanliitan ko sya ng tingin dahil diniinan talaga nya yung huling salita nya. "Oo, yun nga nung kaarawan ko." "Uy, belated happy birthday pala hindi kita na greet nung birthday mo kasi nga hindi kita makontak," pagsisingit nya. "Ok lang, so yun na nga nilagnat ako tapos si Martin yung nag-alaga sa akin—" pagpapatuloy ko. "Uy, Kamusta yung bago mong kaboardmate, mabait ba? Martin pala yung pangalan nun. Now I know," naiirita na talaga ako dahil sa ginagawa nyang pagsingit sa pagsasalita ko. "Gusto mo pa ba talaga akong magkwento o puputulin ko na lang yang dila mo dahil sa kadaldalan mo," pagbabanta ko sa kanya. "Ay, sige pagpatuloy mo makikinig ako." "Dapat lang at pwede ba wag ka munang sumabat hanggang hindi pa ako natatapos magsalita, stay put ka muna, okay?" "Okay, " sagot nya lang with parang wa pakels look. "So yun na nga, nilagnat ako tapos si Martin yung nag-alaga sa akin pero hindi sya normal na lagnat lang ah, kasi grabe talaga yung nangyayari sa akin, nilalamig ako na parang nasa gitna ako ng snow storm tapos inaapoy na parang nakahiga ako sa baga—" pagpapatuloy ko sa sinasabi ko kanina "Ay, so hot ka na non? " pang-aasar nya. "Shatap!" hot naman ako eh dati pa. "Edi sorry." "Tapos parang bumabaha sa loob ng kwarto dahil basang-basa talaga yung sahig pati na rin yung kama ko dahil sa pawis at luha ko dahil din sa napakasakit na ulo at katawan ko kaya ako umiyak, pagkatapos nun nagising ako galing sa pagtulog, syempre alangan namang sa paggising, edi Aba lang. "Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin napansin ko yung mata ko na nag-iiba yung kulay pati na rin yung katawan ko actually hanggang ngayon nga eh umiilaw pa rin sya, tingnan mo ay hindi mo pala makikita kasi entended lang para sa akin yung color na to—" "Meh ganon?" pagsingit na naman nya. "Shatap! Isa na lang ah, puputulin ko na yang tocino mo," at tiningnan ko yung ibaba nya, tapos bigla naman nya itong tinakpan. "Yun yung nangyari sa akin nung birthday ko tapos yung sa dalawang linggo naman ay wala akong ginawa kundi mamalagi lang sa bahay, yun lang, ok pwede ka nang magsalita." Huminga sya ng malalim, tapos nagsalita. "Yun lang, as in wala kang ginagawang important matter sa loob ng dalawang linggo, hayst." panenermon nya sa akin, kung sermon nga bang matatawag yun. "Oo eh yun kasi yung bilin sa akin ni Martin na wag daw akong lumabas ng bahay ng dalawang linggo dahil hindi pa daw nya alam ang mangyayari pa sa akin, kaya mas mabuti na yung nag-iingat, " pag-aamin ko sa kanya. "OA nang bodyguard mo ah, parang possisive boyfriend kong maka-react." "Guardian ko sya friend, guardian hindi bodyguard magka-iba yun." "Taray! May paguardian-guardian ka na ngayon. wew. I salute you na talaga, " sabi nya sabay sign na nagsasalute, bigla naman akong na tawa sa ginagawa niya. "Sira! " tangi kong nasabi sabay batok sa kanya bigla naman syang nag-pout, as if naman bagay sa kanya, putulin ko nguso nya eh, pakain ko sa ahas na nag-ngangalang Levi. Inisip ko kong sasabihin ko ba sa kanya yung nangyari kanina o hindi pero pinili ko pa ring ilabas mahirap na baka sa loob pa sumabog maempatso pa ako. Wala syang ibang ginawa kundi tuksuhin ako habang nagkwekwento at panay rin ang tawa nya na halos ikamatay na nya. Naiiyak na rin sya dahil dito, seriously anong nakakatawa sa sinabi ko? Ganon lang ang ginagawa namin, tawanan tapos kwentohan ng mga nangyari nung panahon na hindi kami magkasama. Nang biglang may nakita kaming bulto ng tao sa harap namin tiningnan namin ito, nung una hindi namin ito maaninag dahil sa sikat ng araw pero di kalaunan ay nakilala na namin ito. Ito yung guidance councilor ng school namin, masyado namang matalim yung tingin nya sa aming dalawa ni Kenny habang nakapamewang pa. "Mr. Castro at Mr. Montalbon, bakit wala kayo sa loob ng classroom nyo abay mag aalas otso na ah malapit na matapos yung first period nyo bakit hindi kayo pumasok nag cutting class ba kayo? "Ikaw Mr. Montalbon diba ikaw yung President ng SSG bakit ka nagkacutting? Do you think it is a good example for your fellow student if they know that you are ditching your class, hah? " mahabang sermon ng guidance councelor samin, hingal na hingal naman syang tumigil na nakahawak pa sa kanyang dibdib na animo'y hindi na makahinga. Si Kenny na yung sumagot sa kanya "Una sa lahat ma'am, good morning po, hindi po kami nagcutting class dahil una sa lahat simula ng pumasok kami dito sa school eh hindi pa po kami pumapasok sa classroom namin at wala rin po kaming balak na hindi pumasok sadyang napasarap lang ang kwentohan namin ni Yohan dahil dalawang linggo ko po syang hindi nakita kaya ganun na lang po ang pagkamiss namin sa isat-isa kaya paumanhin po kung kayo'y aming nadistorbo kung inyo pong mamarapatin kami poy hahayo na sa aming paroroonan sa pagka't kayo na rin po ang nagsabi na ang aming unang klase ay nalalapit ng magwakas kaya kaylangan na po talaga naming lumisan, muli ay humihingi po kami ng taos pusong paumanhin sa inyo. " Mahabang kuda din ni Kenny kay ma'am, tsaka sya tumayo at hinila ako. "Tara na bes," yumuko lang ako kay ma'am tanda ng pagpapakumbaba at paghingi na rin ng tawad, iniwan namin doon si ma'am na nakatulala lang na nakaupo sa inupuan namin kanina ni Kenny. "Hindi ko alam na dalawang linggo lang akong nawala naging makata kana ang tapang mo pa ah. " pang-aasar ko sa kanya. "Shhh, quite ka lang sikretong pang dyosa lang natin yun. " Tumawa lang ako dahil sa kanyang mukha ngayon, para kasi syang sento-sento kung maglakad. Sinamaan lang nya ako ng tingin kaya tumigil ako sa pagtawa. Nakarating na ako sa classroom ko. Pagpasok ko ay nakita ko yung first period prof. namin kaya humingi ako ng paumanhin dahil sa pagkalate ko tumango lang naman sya. As usual lahat sila nakatingin sa akin pati na rin si Levi na namumugto ang mata, ano bang paki ko sa kanya, pwe ahas. Pati na rin si Martin ay nakatingin rin sa'kin, si Centhia naman ayon natutulog na tumutulo pa yung laway. Nasilaw yata silang lahat sa mala dyosang presensya ko. Dumaan ang ilang oras na puro lesson lang yung ginagawa namin, tapos dumaan yung lunchbreak na magkasama kaming kumain nila Kenny at Centhia pati na rin si Martin, ipinakilala ko na sya kay Kenny dahil obvious naman siguro na kilala na sya ni Centhia, sabi naman ni Kenny na pwede ba daw nyang jowain kasi kakabreak lang daw nila ng boyfriend nyang amerkanong hilaw, sabi ko naman go lang sya, paki ko ba. Hindi din nakaligtas yung interrogation portion ni Kenny kay Martin napansin ko rin na medyo hindi umiimik si Centhia kaya tinanong ko sya kung bakit ang sagot naman nya eh naLBM daw sya kaya agad syang tumakbo patungong Cr pero nag-iwan muna sya ng masamang hanggin, eww ka-salaula ng babaeng yun, kaya ang resulta hindi na kami kumain. Dumating yung hapon at sabay kaming umuwi ni Martin pagdating namin doon, kinabahan na ako dahil baka ituloy nya yung sinabi nya sa akin kanina pero nadismaya ako na nagkamali na naman pala ako ng akala. Dahil ang gagawin namin ay sisimulan na daw naming palabasin yung powers ko. Taray ah.  Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD