YOHAN’s POV
"Ano! Bakit naman ang rami, kasya ba sila dito sa kwarto n-natin eh pandalawahan lang to ah," sigaw ko sa kanya na may pagka-irita sa tono.
"Syempre hindi. Lima lang yung nandito sa loob tapos yung iba nasa labas na nagmamasid sa paligid kong may kalaban man," sagot nya sa akin sa mahinahon nyang tinig, grabe yung boses nya ang husky at ang manly, nakakablush at bigla kong na-isip yung pagblablush ko kanina.
Pa'no ba naman sinabi nya sa akin na 'mahal kong Rayna' so iba yung dating sa akin, pero feeling ko wala lang yun sa kanya marahil ay hindi nya napansin o wala talaga syang paki-alam dun sa sinabi nya.
"Teka, magluluto muna ako ng hapunan natin medyo dumidilim na rin kasi," sabi nya na tinanguan ko lang, isa pa sa ipinagtataka ko ay kung bakit parang bihasa na sya at sanay sa mga nangyayari dito sa earth pero iniisip ko na lang na baka katulad lang din yung pamamalakad nila sa kanilang planeta sa planeta namin.
Dahil wala akong magawa sinundan ko sya sa kusina para sana tulungan syang magsaing at magluto ng pagkain namin pero nagulat at namangha ako dahil sa nakita ko.
Ang bilis nyang kumilos para ba syang kidlat na sumasayaw sa dance floor dahil sa bilis nya. Punta doon, punta dito yung ginagawa nya, imagine apat na ulam yung niluluto nya at isama pa yung kanin na nasa rice cooker kaya lima lahat kung ako nga hindi ko kayang magluto ng dalawa na sabay apat pa kaya, jusko naniniwala na talaga ako sa lahat ng mga sinasabi nya. As in 100.001%.
Mas napanganga pa ako dahil sa magandang tanawin na nakikita ko, paano ba naman ng tumigil sya sa pagtakbo ng mabilis (napansin siguro nya na nandito ako kaya sya tumigil) ay nakita kung shirtless sya tapos tagaktak pa yung pawis nya.
*Eng Serep*.
Tiningnan ko sya from head to toe, grabe lang yung build ng katawan nya ang perfect grabe from his long nose to his pinkish lips down to his adams apple that likes an ocean moving downward and upward while he was drinking water then down to his perfectly imperfect body shape that will surely, consciously swallow you alive because of it's beautiful appearance.
Grabe mga bes naka english ako dahil sa kanya, grabe 6 pack abs!
*Howaww*
Tapos, tapos yung v-line nya ang ganda sa paningin nakakaattract talaga. Parang naubos yung laway ko sa kakalunok ko nito dahil sa magandang tanawin na nakikita ko.
"Gutom ka naba, sandali na lang to maghintay ka lang ng ilang minuto at ihahain ko na to doon sa sala."
Oo gutom na gutom na ako—sayo, chos!
"Pede ikew ne leng?" hindi ko napigilang isatinig yung mga katagang yun.
Nalintikan na.
"Huh?" pagtatanong nya marahil ay hindi nya nadinig o deadma lang talaga sya.
"Ah-eh wala, ang sabi ko pakibilisan na lang."
Gusto ko pa sanang titigan yung katawan nya para okay na sa'kin na wag kumain ngayon total busog na naman ako sa katawan pa lang nya, nang bigla na naman syang tumakbo ng napakabilis kaya wala akong nagawa kundi pumunta na lang sa sala.
Ito kasing boarding house na to eh parang bahay na talaga sya compare doon sa iba na by kwarto lang pero ito ay may maliit na salas, isang kwarto tsaka kusina nandoon na rin yung palikuran.
***
Pagkatapos nyang magluto ay kumain na kami, pagkatapos kumain ay umupo sa may sofa tsaka kami nagkwentohan.
"Nabasa mo na ba yung buong libro?" tanong nya sa akin.
"Anong tingin mo sa'kin, ganun na lang ka talino para matapos kaagad yung librong yun."
"Base sa sinasabi mo hindi mo pa nga natatapos yun," sabi nya.
Aba't nang-aasar ba to o ano.
"Obvious ba?!" irita kong kuda.
"Ok, akin na lang yung libro at ako na lang ang magbabasa," paglalahad nya. Kaya agad akong tumayo at padabog na pumunta sa kwarto para kunin yung libro, kahit na maliit lang yun na bagay embyerna na talaga ako ganyan talaga ako eh, short tempered.
Pagkakuha ko dun sa libro ay agad na akong bumalik doon sa pwesto nya na maliwanag na yung mukha madali lang ding humupa yung mga nangyayari sa akin katulad kanina na naembyerna ako tapos bigla-bigla lang akong nagiging maayos. Inabot ko na sa kanya yung libro na agad naman nyang tinanggap.
Pagkatapos nyang makuha yung libro ay agad nya itong binuklat nagulat na naman ako dahil sa kanyang ginawa.
Biglang may dalawang kulay berde na ilaw na lumabas sa noo nya tapos ay lumutang yung libro na ikinabalikwas ko tapos inikutan ito ng mabilis ng dalawang kulay berdeng ilaw at pagkatapos ay bumalik kay Martin kasabay nito ang pagbalik din ng libro sa kamay nya na ganun pa rin ang ayos.
Bigla syang dumilat at nag wika.
"Okay tapos ko nang basahin yung libro maghihintay na lang tayo hanggang bukas para maproseso ng utak ko ng maayos yung lahat ng nasa loob ng libro."
"Ganon lang yun kadali? Wow, grabe ka ah, ano pa bang kapangyarihan ang meron ka at ano pa ba ang kaya mong gawin?" may pagkamangha pa rin sa aking mukha nang itanong ko iyon sa kanya.
"Sa totoo lang isa lang talaga yung kapangyarihan ko, yun yung nakita mo kanina sa kusina." Sabi nya na agad ko namang ikinamula.
"Saan dun. Yung perfectly imperfect mong katawan? Anong powers dun?" pagtatanong ko, agad naman akong nahiya sa sinagot nya.
"Huh, hindi yun. Yung mabilis kong paggalaw."
Epic fail pala, akala ko yun na yun, chachansingan ko talaga sya palagi.
"Ah Okay," sagot ko na lang.
"Yung isa pa ay yung kakayahan kong makapag-adopt kaagad sa environment, tapos yung isa naman ay ito yung kakayahan kong makapag basa nang wala pang isang minuto ng buong libro o kahit ano mang bagay, pwera ng isip" buti naman hindi pati yung isip dahil kung ganun baka malaman nya yung mga kahalayan na mga iniisip ko tungkol sa kanya.
"Yung dalawang huli kong sinabing kakayahan ay bigay lamang ng aming panginoon dun sa planeta namin para daw magawa ko yung misyon ko dito ng maayos na walang iba kundi para bantayan ka."
"Buti pa yung panginoon nyo doon no, nakikita at nakakahalubilo nyo samantalang dito hindi nga namin alam kung totoo ba talaga," sabi ko sa kanya sa malungkot na tono.
"Hindi mali ka ng ini-isip, yung panginoon namin doon ay katumbas ng pangulo nyo dito."
"Ay ganon pala yun," medyo inosente kong kuda.
Bigla naman syang tumayo na ikinabigla ko.
"Oh bakit ka tumayo hindi pa tayo tapos mag-usap eh hindi mo pa nakwekwento lahat ng gusto kong malaman" pagtataka kong wika sa kanya.
"Sa susunod na lang masyado ng malalim ang gabi kaya kailangan na nating matulog papasok pa tayo bukas dahil masyado ng marami yung absences natin sa school."
doon ko lang naalala na totoo nga lahat ng sinasabi nya, kaya sa susunod na lang talaga ako magtatanong.