Chapter 02

2002 Words
YOHAN's POV Akala ko talaga mahuhulog na ako sa bangin, grabe kung makatibok ang puso ko para nang lalabas sa flat na dibdib ko pero may humawak sa kamay ko dahilan para hindi ako mahulog. Hindi ko s'ya makilala dahil sa suot nyang weird na jacket na may hood ang weird lang kasi para syang si kamatayan sa suot nya mataas kasi yun hanggang tuhod nya yung taas tapos hindi ko pa maaninag yung fes nya kasi medyo madilim na. Parang nagslow-mo yung paligid naririnig ko yung hampas ng alon sa mga bato dito sa bangin, yung ihip ng hangin pati na rin yung mga huni ng nagliliparang ibon sa paligid di ko sure pero parang di sya taga Earth. Hindi, kasi nga mahilig akong manuod ng mga alien-alien na movies kaya sa suot palang nya, ah basta ang importante sya ang nagligtas sa akin. "Arayy!" daing ko dahil bigla lang naman akong hinila at binitawan ni kuya weird kaya napasobsob ako sa damuhang bahagi nitong bangin. "Sakit non ah." Buti na lang walang kahit na anong poopoo yung nasobsoban ko kundi kakalbuhin ko talaga tong si kuya kahit may utang na loob pa ako sa kanya, sakit eh. Akmang aalis na sya ng hawakan ko ang kamay nya "Sandali lang kuya." tumingin naman sya sa akin, hindi ko man makita yung mukha nya sure ako na ang talim ng tingin nya sa akin, nangilabot ako eh. Tiningnan n'ya rin yung kamay ko na nakahawak sa kamay n'ya kaya agad ko itong nabitawan baka lapain pa ako nito eh. "Ahmm, shelemet," wika ko sa mahinhing tono. Wala syang sinagot kundi tumalikod lang s'ya at tinuloy ang naudlot nyang paglalakad kanina, sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa mawala na s'ya. "Ang sungit hindi man lang umimik." Kinuha ko na yung gamit ko at naglakad pauwi sa boarding house ko malapit lang 'yon dito. Kunting kembot lang. PAK!. Aabot na. Tiningnan ko yung kamay ko na nakahawak kanina kay kuyang weird. Di ko lang sure pero parang may lumabas na usok sa braso nya na kulay orange nung hawakan ko tapos medyo mainit pa, hindi naman yun spark kasi wala naman akong naramdamang kuryente though hindi ko pa yun na e-experience sa past relationships ko (with the S) alam ko naman yun dahil sa mga nababasa kung kaechosan sa mga libro. Pero iba eh, iba yung feeling ko kay kuya. Parang, para--- "Aray ko po." Wika ko dahil muntikan na naman akong masobsob dahil sa pagkakapatid ko sa nakaharang na bato sa daanan ko. "Bwesit naman oh!" Ang malas ko naman yata ngayong araw na to. "Lord have mercy on me, please!" Kuda ko habang nakadaop ang dalawang palad ko na animo'y nagdarasal with matching teary eye pa. "HOY!" sigaw ng kung sinong maligno na bumatok sakin galing sa likod. "Ano na naman yang kadramahan mo bakla magpapakamatay ka ba? Sabihin mo lang gigilitan na lang kita ng leeg para mas madali," pagpapatuloy n'ya. "Bakit ba, muntikan na nga akong madapa binatukan mo pa ako ang sakit mo kayang mang batok  puno pa ng aspalto yang kamay mo." kuda ko sa kanya with pa-awa and api look. Pero syempre joke lang yung parang aspalto yung kamay nya, ang totoo malambot naman talaga pangMEMA lang "Eh nasa gitna ka kaya ng daan, ano lumalabas na naman yang pagkatanga mo?" embyerna nyang wika, doon ko lang din nalaman na nasa gitna pala talaga ako ng daan kaya pumunta ako sa gilid sumunod naman sya. "Ano ba kasing iniisip mo at wala ka sa sarili na naglalakad sa gitna ng daan, kanina nakita kita doon sa kanto na pumasok." Turo nya kina Mang Bebot, banda na kanto, "kaya sinundan kita dito eh doon lang naman sa kabila yung daanan natin papunta sa boarding house." Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Kumaway-kaway s'ya sa harapan ng mukha ko tsaka hinampas niya ako doon sa bandang sinampal ng walang hiyang babae kanina, hindi na yata n'ya napansin na namumula yung mukha ko dahil tinapalan na nya ng mas mapula pa. "Ouch, ikaw ha grabe ka kung makapanakit sa 'kin—" "At bakit hindi eh para kang temang na nakatunganga jan. Oo alam kung maganda ako at mas maganda pa sa'yo pero yung paraan ng pagtitig mo para kang nasaniban, duh, kaembyerna 'tong baklang to." Hala sya mas maganda raw. "Eh pano ba naman kasi para kang tita ko kung makapanermon walang kakurap-kurap." Natatawa kung sabi. "Eh anu naman ngayon, atleast maganda." Sabay flip ng imaginary long hair nya. "Huh!? Anong konek? Ikaw yata tong temang eh tara na nga sa boarding house may sasabihin akong bad news." Wika ko sabay hila at kaladkad sa kanya papunta sa bahay. "Ako din," sagot naman nya na nagpabigla sa akin ngunit agad naman akong nakabawi. *** "Aalis na ako dito sa boarding house," malungkot na wika ng kaibigan kong si Kenny. "Bakit naman yata biglaan, hindi manlang ako na inform ng mas maaga," malungkot ko ring sabi. Magkasama na kasi kami nitong si Kenny since grade 9 kaya halos apat na taon na rin kami dito namamalagi, sya lagi ang parati kong kasama at napagsasabihan ng lahat ng mga saloobin ko masakit man o masaya alam nya talaga lahat at syempre ganun din sya sa akin. Naalala ko pa noong hindi nakapag-padala ng pera ang tita ko tapos sinabayan pa ng pagka-lagnat kaya s'ya yung nag-alaga sa akin, umabsent talaga sya para sa akin tapos ngayon aalis na sya, parang di ko yata kaya. "Huwag kang mag-alala, dadalaw naman ako dito eh. Si papa lang talaga ang may gusto, syempre may sakit, gusto daw nya nandun ako para alagaan sya alam mo naman only 'unico eha' lang ako kaya wala syang ibang mahihingian ng tulong tsaka magkikita naman tayo sa school kaya wag ka ng malungkot, papangit kang lalo." "Woy— kahit pagbaliktarin man natin ang mundo mas maganda parin ako sayo no" "Oo na, ikaw na maganda tsaka pinapagaan ko lang naman ang loob mo eh, grabe ka huh porket nagkaboyfriend ka lang lalait-laitin mo na ako, grabe to nakakatampo," sabi nya na nagpalungkot sa mukha ko, napansin nya siguro kaya natigil sya. "Uy, anyare? Ba't ganyan na mukha mo? May nasabi ba akong mali, eh dapat nga ako yung nagtatampo eh tapos ikaw pa tong nakabusangot nyang mukha mo. Sabihin mo nga yung gusto mong sabihin na bad news sa akin dali, ano ba yun?" mahabang kuda nya sa akin. "Break na kami ni Cedrick, ginamit nya lang pala ako para hindi sya mabagsak sa mga subjects nya tapos sila pala ni Levi, yung V-President ng classroom namin," sabi ko habang humihikbi, bakit ba eh? masakit pa eh. "Aba, walang ja yung lalaking yun, gusto mo upakan ko yun, kapal ng mukha porket gwapo, wala syang karapatan na saktan ka ah, patay sa akin yan kapag nakita ko kakalbuhin ko talaga pubic hair non, papakain ko dun sa babaeng walang boobs," nanggagalaiti nyang sabi na nagpangiti sa akin kahit papano. "Sira—pabayaan mo na lang sila, makakarma rin ang mga yun, tiwala lang," sabi ko sa kanya with matching peke smile. "Ok sabi mo eh, pero ikaw ok ka na ba?" tanong nya tumango lang ako bilang tugon sa kanya. "Tika ba't masyadong basa yung sahig, saan ba galing ang mga tubig na to ba't masyadong marami yata," taka nyang tanong habang sinusuri ang tubig kung saan ito nanggaling. Nakakapagtaka naman yata na grabe yung tubig nato eh malayo naman sa aming pwesto yung kusina tapos hindi naman umuulan kaya imposibleng sa bubong ito galing. "Hindi ko rin alam eh, pabayaan mo na lang yan, tulongan mo na lang akong magpunas baka ihi mo pala yan hindi ka lang nagsasalita, hahaha," sabi ko na may pagtataka pa rin ngunit isinawalang bahala ko na lang ito sa pamamagitan ng pang-aasar sa kanya "Yuck! Ang baboy mo, ako? iihi dito talaga huh, anung tingin mo sa akin damak! Paghilom diha uyyy!" medyo galit nyang sagot, napikon yata. Alam ko galit na sya kasi naka pagbisaya na, sa davao kasi sya lumaki sa side ng mommy nya nung nabubuhay pa ito "Easy, nagbibiro lang naman eh, OA mo ah" Pakatapos naming punasan yung basa sa sahig ay tinulungan ko na rin syang iligpit yung mga gamit nya dahil bukas daw ng umaga ay aalis na sya wala na daw kasing nagbabantay sa daddy nya kaya kailangan bukas na bukas din ay pupunta na sya sa hospital na pinaglagi-an ng daddy nya. Simula bukas mag-isa na naman ako dito sa boarding house pero sure naman ako na hindi ito magtatagal pang dalawahan kasi talaga tong BH. Sana lang mabait yung bagong tenant. *** 6:30 ng umaga ay gumising na ako para maghanda na sa pagpasok sa skwelahan, madami kasing mga activities ngayon sa school syempre bilang President ng classroom namin. Pagtingin ko sa kabila kong kama wala na si Kenny doon. "Aba hindi man lang nagpaalam ang bakla." Nakalimutan ko rin palang sabihin na President din ako ng SSG sa school namin o STUDENT SUPREME GOVERNMENT kaya medyo hustle talaga pero choks lang atleast sa pamamagitan nito madali ko lang makakalimutan ang ginawa ng Cedrick na yun. Balak ko rin sanang gamitin yung posisyon ko para makaganti pero napagisip-isip ko na 'wag na lang masasayang lang ang beauty ko sa kaeefforts wala rin namang magbabago. Pagkatapos kung makaligo, nagpaganda tapos kumain ng kunti para stay sexy pa rin ay tumungo na kaagad ako papunta sa school.   ***     "Hi Pres?" Bati nong isang schoolmate kong babae, sinagot ko naman sya ng isang matamis na ngiti syempre dapat polite ka para iwas issue. "Hi Hans?" Sabi naman nong isang cute na lalaki na nakasalubong ko sa daan sabay pacute pa nya, kung hindi lang talaga ako nagpakatanga sa lalaking yun siguro happy yung lovelife ko ngayon, hayst! Bwesit naman oh inisip ko pa talaga, naiiyak na naman tuloy ako. ERASE... ERASE... ERASE...     ***     "Make sure na yung mga gamit para bukas ay nakahanda na tapos yung field intended only for activities is naprepare na ng maayos para wala ng aberya bukas." Bilin ko do'n sa isang studyante na nakaasign sa pagfacilitate sa mga activities bukas. "Copy Pres." sagot nito sa akin habang nag T.take note. "Ok, thank you," sabi ko at tsaka nya ako iniwan. Naglalakad ako sa hallway habang may kinakausap sa phone kaya hindi ko nakita yung lalaking nakabangga ko, ang ganap, nahulog yung mga papeles na hawak ko ang dami pa naman nito. "Sorry." "Sorry." Sabay naming wika sa isa't-isa habang pinupulot yung mga papel na nahulog. "Ok lang, kasalanan ko rin naman kasi hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko tapos may tumatawag pa sa akin kaya ok lang talaga, " sabi ko dito habang panapaintindi dito na wala syang kasalanan na totoo naman. Gwapo yung lalaki medyo maputi, matangos yung ilong tapos hapit na hapit yung uniform nya sa katawan nya, iba lang yung kulay nang mata nya sa mga pangkaraniwang Pilipino kasi yung atin may Black meron ding light brown pero yung sa kanya is may pagka hazel, ewan ko kung guni-guni ko lang pero naging kulay orange yung mata nya tapos bumalik sa pagka hazel kaagad. May mapulang labi, mataas na pilik mata at yung sobrang attracted para sa akin is yung mga buhok ng lalaki na swak talaga sya. Landi teh. "Martin—Martin Argello, grade 12 student, " pagpapakilala nya sabay lahad ng kamay nya, inabot ko naman ito. Ang lambot mga bes parang walang trabaho. "Ahmm, Yohan Montalbon, grade 12 student din, hehe, " sabi ko in medyo pabebe way. "Nice, actually transferee ako galing from S.U (Secret University) kakaenroll ko lang kahapon." Sabi nya medyo attract talaga yung face nya kahit nakasalamin sya lalo na yung buhok nya. "Ahhh kaya pala ngayon lang kita nakita dito sa campus, ahmm by the way I'm the president of SSG in this school so—if you want to wander the whole campus just inform me at the section Luna, at ako na mismo yung mag totour sa'yo, ok?" sabi ko sa kanya syempre with matching pa impress para naman mabenta, charot lang. "Hala, akalain mo yun magkaklase rin pala tayo." O diba kahapon malas ngayon naman parang magiging swerte ata ako. "Ganun ba, ok bakit ka nga pala nag transfer?" tanong ko sa kanya. Sinadya ko talagang ilihis yung topic, madali kasi akong ma bored so ayaw ko nang pahabain pa 'yong isang topic tama na yung pangalan lang muna tsaka na 'yong next stage. "Nandito ako para—" pang sususpense nya. "Para?" bored kong tanong - - - - "PARA BANTAYAN KA" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD