Chapter 01

1657 Words
"Babe! Hanggang kailan ba natin itatago sa kanya ang namamagitan sa atin." Wika ng babaeng balingkinitan at hindi medyo katangkaran sa kausap nitong lalaki sa pagalit nitong tono na animo'y nakokonsensya sa bagay na kanilang ginawa. "Babe, kunting tiis na lang malapit na talaga, naghahanap lang ako ng tamang tyempo para sabihin sa kanya, at tsaka, alam mo naman ang rason hindi ba babe? "Kapag natapos na tong big project nato, promise I promise, makikipaghiwalay na ako sa kanya." Sagot naman ng mataas na lalaki na nasa 5.9 ang taas habang hawak nito ang dalawang kamay ng babae at saka pinisil-pisil ito. "Oo, na-iintindihan naman kita pero kasi." —huminto siya— "nakokonsensya na ako sa ating ginagawa eh, syempre classmate ko yung tao ayaw ko naman na magka issue sa classroom na ang kanilang vice president ay inagaw ang boyfriend ng kanilang President. "Alam mo naman siguro na most of my classmates ay alam na you and him are having a relationship diba?" binitawan ng babae ang kamay ng lalaki sabay talikod dito. "Huwag kang mag-alala sa kanila, ano naman kung alam nilang lahat wala rin namang mangyayari kung alam nila o hindi ako pa rin ang magdedesisyon sa buhay ko kaya wala silang magagawa kung makipagbreak man ako sa kanya—" lumakad sya paharap sa babae at hinawakan ang mukha nito. "Don't be scared babe, kahit na anong mangyari nandito lang ako handa kang protektahan kahit nino man." Hindi na nakasagot ang babae dahil hinalikan na ito ng lalaki. Ipinadama ng lalaki dito kung gaano nito kamahal ang babae kahit sa halik man lang ay maramdaman nya ang pagmamahal na gustong ipabatid nito. Natigil lamang sila sa paghahalikan dahil sa narinig nilang mga hikbi ng isang tao na ang dahilan ay ang paghihinagpis na dulot ng dalawang taong nagpapahirap ng lubos sa kanyang pusong nadurog dahil sa nasaksihan. "H-Han." Chorus na pagkakasabi ng dalawa sa lalaking kaharap na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Tiningnan ng lalaking nakasalampak sa sahig ang dalawa at agad na tumayo at dahan-dahang lumapit dito habang may mga luha pa ring dumadaloy sa kanyang makinis na mukha pilit na pinapatatag ng lalaki ang kanyang loob upang makapagpalabas ng mga salita sa kanyang bibig na hindi ito nagkakaputol-putol. "Kaya pala madalang mo na lang akong nasusundo tuwing pa-uwi. Kaya pala tuwing magkasama tayo masyadong malayo ang isip mo. Kaya pala tuwing tatangkain kong hawakan ang kamay mo pasimple mong iniiwas sa akin ito, dahil pala sa babaeng yan!" sabi nito habang dinuduro ang babae. "Ano! Ano ba ang lamang nya sa akin? MANI lang naman diba? Kung tutuusin mas marami pa nga akong lamang kesa sa kanya diba? Mas matalino ako, mas maganda, mas sexy rin ako kahit hindi ako babae, mas makinis, mas mataas. Nasa akin na nga halos lahat ng salita na may MAS eh kesa sa kanya, dahil lang ba hindi ko kayang makipag s** sa'yo hihiwalayan muna ako at mas pipiliin mo yang babaeng yan eh dalawa nga likod nyan eh— " tumigil sya saglit para makahinga. "Dahil lang ba hindi ko kayang isuko ang bataan ko mas pipiliin muna sya? Yang plastic na yan at mapagpanggap. Pavirgin lang yan eh, pero ang totoo hindi naman tal—" Hind na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa empact ng palad na tumama sa kanyang pisnge na galing sa babae, Tiningnan nya ito ng mabuti at saka bumawi ng sampal. *PAK!* Walang nagawa ang isang lalaki na pagkagulat lang ang namutawi dahil sa mabilis na sampal na ibinigay ng huli sa babae. Dahil sa nangyari ay hindi na nakapagtimpi ang binata at naitulak na nya ito na nagpasalampak dito. "Wala kang karapatan para saktan si Levi! Hindi kita minahal, ginamit lang kita para umangat ang grades ko, para masalaba ko yung pag-aaral ko at kahit kailan hindi kita mamahalin dahil kahit kailan hindi ka magiging babae. "Hindi mo maibibigay ang kayang ibigay sa akin ni Levi na isang tunay na babae, kahit nasayo na ang halos lahat may isa kang hindi pwedeng makamit o maranasan at iyon ay ang maging babae, you're just a poor faggot begging for attention from someone that you will never ever have!" may pagkadiin nitong sabi saka humarap sa babaeng nakahawak sa kanyang pisngi na namumula. Tumayo ang binatang nakasalampak sa sahig na halata ang pagkabigla pero agad naman nitong tinabunan sa pamamagitan ng mapang-asar na ngisi. Akmang lalakad na palabas ang dalawa nang muling mapahinto dahil sa sinabi ng binata. "WOW! As in wow ha. Thank you for your compliment, I really- really appreciate it, at tsaka tingin mo ma-aapektohan ako sa mga sinabi mo? NO, IM NOT! Bakit kailangan ko pang mamalimos ng pag-ibig at atensyon ng iba na ikaw na rin naman ang nagsabi na halos nasa akin na ang lahat diba? "Bakit kailangan ko pa sila, As far as I know I don't need anybody's attention especially from you. Sino ka ba? Hindi ka naman kagwapohan at hindi ka rin naman matalino, at ako pa talaga ang sinabihan mo ng kaawa-awa ah, samantalang ikaw naman pala tong grabe kung makagamit ng ibang tao para lamang makaraos sa paaralan. tsk— "You should have known better." Huling mga salita na binigkas ng binata bago lumabas ng silid, samantalang natameme naman ang lalaki dahil sa mga salitang binitawan nito na nagpasakit sa kanyang loob dahil ito ay pawing mga katotohanan. - - - Habang naglalakad siya ay iniisip nya ang mga nangyari kanina sa loob ng silid aralan na iyon. Aminado syang nasaktan talaga sya sa nakita at sinabi ng kanyang dating nobyo na ginamit lang naman pala talaga sya, nadala lang talaga sya ng kanyang galit kanina kaya niya nasabi ang mga katagang 'yon sa lalaki. Sa katunayan ay hindi naman talaga sya ganong klaseng tao mapagkumbaba sya at mabait, lalong lalo na sa iba pero below the belt na ang mga sinabi ng lalaki kaya hindi na nya nakontrol ang kanyang damdamin. Hindi nya alam na all this time ginagamit lang pala sya ng lalaki at ang masakit pa doon ay ang vice president pa ng kanilang classroom ang ipinalit nito o sabihin nyang kasabwat nito, hindi rin nya maipagkakaila na talagang gwapo naman talaga ang kanyang dating nobyo kaya lahat ng mga babae ay nagkakandarapa dito. Napag isip-isip nya na hindi talaga sya swerte at kamatalino pagdating sa pag-ibig kaya't ganun na lamang sya kadali paikotin ng mga nakarelasyon nya. Siguro tama na muna ang tatlong kasawian hindi na muna sya susubok pang muli masasaktan lang sya ng paulit-ulit. Mga Tatlumpong minuto na syang naglalakad habang umiiyak hindi na nga nya pinapansin ang mga taong pinagtitinginan sya, dahil dito hindi nya namamalayan na nakarating na siya sa isang baybaying dagat, nasa bangin siya ngayon na ang ilalim ay dagat na.     YOHAN's POV "Whaaaaaaaaaaaaa! Bwesit ka Cedrick manggagamit ka, hindi ka na nakontento sa mga tulong na ibinigay ko sayo ginawa mo na nga akong tanga, ginawa mo pa akong walang kwenta. Bwesit ka! Bwesit! Bwesittt! Magsama kayo ng babaeng walang future." Sigaw lang ako ng sigaw dito sa ibabaw ng bangin, atleast kung magsisigaw man ako dito walang makakarinig at mababawasan pa ang sakit na idinulot ng letsing lalaki na 'yon. Pagkatapos kong masisigaw ng sampong minuto ay napagod din kaya umupo na muna ako, malakas din ang hangin dito kaya dumistansya ako ng bahagya mula sa bangin hindi ko maintindihan na malakas naman yung hangin pero bakit mainit yung pakiramdam ko. Isinawalang bahala ko na lamang ang aking iniisip baka maloka ako mabawasan pa ng 0.001% ang beauty ko. Biro lang. Tiningnan ko 'yong tubig sa ilalim ng bangin na animo'y naglalarong mga alon, dito talaga ako tumatambay palagi kapag walang klase o kung may problema ako, ang ganda kasi ng spot dito perfect na perfect para sa akin. Kung walang nagtatanong bahala kayo, pero nature lover kasi ako masyadong malapit sa akin ang kalikasan, syempre dyosa diba so kailangan marunong kang makihalubilo sa iyong nasasakupan at iyon ay ang kalikasan. Bata pa ako nang iwan ako ng mga magulang ko dahil sa isang aksidente. Nagmamaneho si papa noon pauwi ng bahay kasama si mama na kausap ko sa phone sabi nila pauwi na daw sila at may surprise sila para sa akin syempre dahil birthday ko kasi. Habang nag-uusap kami ni mother earth ko, narinig ko ang boses ni papa na parang natataranta dahil sa nawalan daw ng preno yung sasakyan, zigzag kasi yung daanan papunta rito sa amin kaya ako naman na nakikinig ay umiiyak, natataranta na rin yung mga bwesita ko pati na rin yung auntie ko na nasa tabi ko lang hanggang sa may narinig na lang akong pagsabog sa kabilang linya, hindi ko nakayanan kung ano yung narining ko naghalo-halo na yung mga iniisip ko syempre 8 years old pa ako non kaya masyado pang paranoid hindi ko nakayanan kaya nahimatay ako then the rest is sa susunod na chappy na lang. I'm Yohan Montalbon 17 years old nasa grade 12 na ako ngayon at kumukuha ng ICT, major in programing. Mataas ako nasa 5'8, maputi , makinis, matangos ng kunti yung ilong, mapulang labi, medyo singkit na mata at medyo bilugang mukha and I'm a Presedent of the Philippines. Charottt! President ako ng classroom namin. Yung walang kwentang lalaki naman dun yon yung ex-boyfriend ko na hindi ko na ipapakilala kasama yung babaeng walang boobs dahil mga extra lang naman sila. So balik tayo sa nature-nature na yan ni otor. So ayon na nga, love ko talaga ang kalikasan sumasali ako sa mga seminar like teaching about nature and different sort of activities pertaining to nature, hindi ko rin alam kung bakit masyado akong attach sa nature basta I'm willing to give up all of me just to protect nature, ganun! Kung tinatanong niyo rin kung bakit masyado akong maganda, tanungin nyo si otor baka makatulong. Natapos ang pagmumuni-muni kong 'yon dahil sa lakas ng hangin, kung malakas na yung kanina, mas malakas pa yung ngayon para bang may kung anong bagay yung naglanding sa harapan ko kaya dahil doon na out of balance ako. Sa sexy ko ba namang ito ay talagang matatangay ako ng hangin kaya napunta ako doon sa pinakadulo nitong bangin, masyado talaga syang malakas mga bes, as in. Malapit na akong mahulog ng...   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD