17

503 Words
AKIRA'S POV "Alam kong naguguluhan ka Akira sa mga nangyaring pagbabago sa 'yo," malumanay na sabi sa akin ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Sinulyapan ko muli ang siyam na buntot sa may likuran ko at saka muling ibinalik ang tingin sa babae. Nakangiti na siya sa akin ngayon ngunit hindi ko siya magawang ngitian. "Sino ka at bakit kilala mo ako?" ang tanging nabigkas ng bibig ko. "Makikilala mo rin ako Akira. Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang pagprotekta mo sa 'yong sarili. Nakaabang silang lahat sa pagpapalit anyo mo, ngunit hindi pa ito ang tamang oras upang malaman nilang lahat na isa ka nang ganap na Nine Tailed Fox," seryosong sagot naman niya sa akin. "N-nine Tailed Fox?" naguguluhan kong tanong. Bigla akong napalingon sa may pintuan ng kwarto ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ngunit naamoy kong may ibang tao sa bahay. Marami sila at lahat sila ay malapit lang sa may pintuan ko. "Naaamoy mo rin sila hindi ba? Marami ka pang kakayahan na kailangang pag-aralan Akira. Kaya binigyan kita ng proteksyon upang hindi nila maamoy sa 'yo ang pagpapalit mo ng anyo mo. Huwag mong aalisin sa katawan mo ang kwintas na suot mo. Ito ang magsisilbing proteksyon mo Akira." Tiningnan ko ang kwintas na tinutukoy niya at ito ang kwintas na binigay sa akin ni Daddy noon. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa proteksyon na sinasabi niya. Ang tanging alam ko lang ay huwag ko raw tatanggalin ang kwintas na ito. "Akira, ito na ang simula ng pagbabago ng buhay mo. At huwag na huwag mong kakamuhian ang sarili mo. Dahil ikaw ang nakatakdang magligtas sa lahat ng lahi ng mga Nine Tailed Fox. Ikaw ang susi sa kapayapaan ng dalawang panig." Mapakla akong napatawa kasabay ng pag-iling ko. Masyado ng out of this world ang sinasabi ng babaeng nasa harap ko. At hindi ko magawang maniwala sa mga sinasabi niya. "Magkikita pa tayo Akira." Pagkasabi niya no'n ay bigla na lamang siyang naglaho. Nawala na rin ang parang shield na pumapalibot sa akin. At ilang saglit lang din ay nawala na ang siyam kong buntot. "Ms. Akira, you can trust me. Kung ano man ang gumugulo sa isipan mo, pwede mo akong sabihan." Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang magsalita si Shin. Nakatitig siya sa akin at mababakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Hindi ko lang alam kung para sa akin ba iyon dahil lasing na ako o para sa sarili niya dahil mapapagalitan siya ng mga magulang ko. Napatitig din ako sa kaniya dahil gusto kong malaman kung mapapagkatiwalaan ba siya. Gusto kong i-open sa kaniya ang mga nangyari sa akin noong gabi ng birthday ko. Gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat ngunit nagdadalawang isip ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sa akin. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa katulad ko na magsasabing nagkaroon ako ng siyam na buntot? Baka sa halip na maniwala ay tawanan pa ako nitong si Shin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD