18

1012 Words
THIRD POV Tahimik lang na pinapanood ni Kanji Shin si Akira na patuloy pa rin sa pag-inom ng beer. Lasing na lasing na ang dalaga at nagsisimula nang mag-alala si Kanji. Gusto na niya itong patigilin sa pag-iinom ngunit hindi naman ito nakikinig sa kaniya. Ang naiisip niya lang na paraan ay ang sabihin kay Miro ang nangyayari. Paniguradong makikinig si Akira sa nobyo nito. Ngunit kanina pang tinatawagan ni Kanji si Miro at hindi niya ito ma-contact. Hindi na niya alam kung nasaan ang binata dahil ang paalam nito ay may kailangan lang na tapusin sa school. Hindi rin niya magawang tawagan si Inaki sapagkat umuwi muna ito sa kanilang mundo at mamayang gabi pa ito babalik. Siya lang ang tanging naiwan upang bantayan si Akira kasama ang mga bodyguard nito. "Shin, ano bang purpose ng lahat ng ito? Bakit kailangang marami akong bodyguard? Bakit masyado akong pinoprotektahan ng mga magulang ko? Bakit sobra ang pag-iingat nila sa akin?" sunod sunod na tanong sa kaniya ng dalaga. Hindi magawang makasagot ni Kanji sapagkat hindi niya inaasahan na magtatanong ng ganoon si Akira. Hindi niya alam kung ano pang palusot o dahilan ang isasagot niya sapagkat ramdam niyang nagsisimula nang magtaka ang dalaga. "Ang gulo gulo na ng isip ko Shin," umiiyak na sabi pa sa kaniya ni Akira. Dahan dahang hinubad ni Akira ang kaniyang kwintas dahil pakiramdam niya ay nasasakal na siya nito. Wala na siyang pakialam kung sinabihan man siya ng misteryosong babae na huwag iyong aalisin sa katawan niya. Ni hindi niya magawang magtiwala ng lubusan sa babaeng iyon kaya hindi niya magawang sundin ang sinasabi nito sa kaniya. Samantala, nang lubusang maalis na sa katawan ni Akira ang kwintas ay mas lalong natulala si Kanji Shin. Bigla niyang naramdaman ang lakas ng pagiging isang Nine Tailed Fox ni Akira. Mas malakas pa ito sa aura ng ama ng dalaga na si Haring Alejandro. Halos manindig ang lahat ng balahibo ni Kanji dahil sa lakas na nararamdaman niya mula sa katawan ng dalaga. Naramdaman niya lamang ito nang alisin ng dalaga ang kwintas kaya sa palagay niya ay ang kwintas ang pumoprotekta sa aura ng pagiging Nine Tailed Foz ni Akira. "M-ms. Akira, kung pwede sana ay pakisuot muli ang iyong kwintas," kinakabahang sabi ni Kanji kay Akira. Sa ganito kalakas na aura ay paniguradong ramdam ito ng mga Black Nine Tailed Fox. At hindi niya gugustuhin na makasagupa ang mga kalaban lalo na sa kalagayan ni Akira na lasing na lasing na. "Bakit? Naniniwala ka rin ba na pinoprotektahan ako ng kwintas na ito?" tatawa tawang sabi naman sa kaniya ni Akira. Marahan siyang napailing. Lasing na lasing na talaga si Akira kaya hindi niya ito makakausap ng maayos. Nais din sana niyang malaman kung nagpalit na ba ng anyo ang prinsesa at hindi lang nila naramdaman ito dahil sa kwintas na suot ng dalaga. Ang hindi niya maintindihan ay paano nangyari iyon. Ang kwintas ay isang simbulo lamang ng pagiging tunay na prinsesa ni Akira. Hindi niya akalain na may mas malaki pa palang nagagawa ang kwintas na iyon. Nagtataka lamang siya na bakit lalagyan ng proteksyon nina Haring Alejandro ang kwintas ni Akira. Bakit hindi nila gustong malaman ng konseho na isang Nine Tailed Fox ang prinsesa? Sa kabilang banda ay bahagya siyang nakaramdam ng saya. Isang Nine Tailed Fox si Akira at ang ibig sabihin lang no'n ay magkalahi sila. Makakabalik na sila sa mundo nila at mas makakasama pa niya ng mas matagal ang dalaga. Ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala. Dahil kaakibat ng pagiging Nine Tailed Fox ni Akira ay ang malaking panganib sa buhay niya. "Shin, may ibang tao," kinakabahang sabi sa kaniya ni Akira. Agad naman siyang nakiramdam sa paligid at agad naalerto ang buong sistema niya. Tama si Akira, may ibang nilalang ang nakapalibot sa lugar ngunit hindi niya matukoy kung mga kalaban nga ba ito. "Shin, masasama sila. Ramdam kong masama sila," umiiyak na dugtong na sabi pa ni Akira. Hindi na nagdalawang isip pa si Shin. Kinuha niya ang kwintas kay Akira at isinuot iyon sa dalaga. Hindi na rin siya nagdalawang isip na buhatin ito sapagkat lasing na lasing na si Akira. Mabilis siyang nag-teleport papunta sa kwarto ng dalaga. Maingat niyang inihiga ang dalaga sa bed nito. "Louie, magmasid kayo. May mga kalaban," seryosong sabi ni Kanji sa isipan niya. Alam niyang alerto na ang mga bodyguard ni Akira ngunit kailangan pa rin niyang makasiguro. "Anong ginawa mo Shin? Paano tayo nakarating dito sa kwarto?"mahinang tanong ni Akira sa kaniya. Nakapikit na ito ngunit nagawa pa talaga nitong magsalita. "Just sleep Akira," seryosong sabi naman niya. Muli niyang sinubukang tawagan si Miro ngunit unattended pa rin ito. Mahina siyang napamura. Hindi niya mapuntahan sina Louie dahil hindi niya maiwang mag-isa si Akira. Mas delikado sa dalaga kung iiwan niya ito. "Louie," tawag niya sa kaniyang isipan. "Marami sila Kanji," sagot naman sa kaniya ni Louie. "Nasaan kayo?" nag-aalalang tanong naman niya. "Nasa may garden. Kasama mo ang prinsesa hindi ba? Ikaw muna ang bahala sa kaniya Kanji," sabi naman sa kaniya ni Louie. "Mag-iingat kayo," ang tanging nasabi na lamang niya. Ini-lock niya ang pinto ng kwarto ni Akira bago siya lumapit sa may bintana. Tanaw mula sa bintana ang garden kaya kitang kita niya sina Louie. May limang Black Nine Tailed din ang nasa garden at halatang kinakausap ni Louie ang mga ito. It's ten versus five. Ngunit hindi siya naniniwalang lima lang ang kalaban. Nandito ang mga Black Nine Tailed Fox dahil ang totoong pakay nila ay ang prinsesa. Kaya imposibleng lima lamang sila. "S-shin, natatakot ako. Gusto nila akong kunin." Napalingon siya kay Akira nang magsalita ito. Natutulog na ito at sa palagay niya ay nananaginip ang dalaga. Agad siyang lumapit dito at hinawakan ang kamay ni Akira. "Nandito lang ako Akira. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang. Hindi ko hahayaan na makuha ka nila." Hinalikan niya sa noo ang dalaga. Ang tanging hiling niya lang sa ngayon ay sana'y maramdaman ng taga-palasyo ang panganib na naka-amba sa prinsesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD