AKIRA’S POV
Kahit na lasing na lasing ako ay hindi ko magawang makatulog. Ramdam na ramdam ko ang masamang aura na umaaligid sa buong bahay. Nakakaramdam na ako ng takot kaya hindi ko napigilang magsalita kay Shin. Habang nagsasalita ay nakapikit lang ako dahil umiikot ang paningin ko. Ngunit nawala yata lahat ng hilo ko nang marinig kong magsalita si Shin at maramdaman ang labi niya sa noo ko.
Halos napigil ko ang paghinga ko dahil sa biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang gawin iyon ni Shin at hindi ko alam kung anong ire-react ko. Ramdam ko ang panganib sa paligid at nagagawa ko pang isipin ang totoong intensyon sa akin ng trainor ko.
“Hanggang ngayon pala ay nananatili kang tapat sa prinsesa mo.”
Kusang kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng ibang boses dito sa kwarto ko. Gustuhin ko msng imulat ang mga mata ko ay mas gusto kong magpanggap na tulog. Hindi ako sigurado sa prinsesa na tinutukoy ng lalaki ngunit alam kong si Shin ang kinakausap niya.
“Hindi pa rin ba kayo sumusuko? Alam niyo naman na siguro na hindi siya nagpalit anyo,” narinig ko namang sabi ni Shin.
Nagpalit anyo? Minsan ko nang narinig iyon sa babaeng kumausap sa akin noong birthday ko at noong nagkaroon ako ng siyam na buntot. Bigla akong naguluhan.
“Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na siya isang Nine Tailed Fox,” sabi naman ng lalaki.
Doon na ako tuluyang nanlamig. Nine Tailed Fox? May alam si Shin at ang lalaking ito sa mga nilalang na may siyam na buntot. At kung pakakaisipin, mukhang may alam din silang dalawa sa nangyari sa akin.
“Hindi niyo makukuha sa amin si Prinsesa Akira,” galit na sambit naman ni Shin.
Totoo ba itong mga naririnig ko? Tinawag akong prinsesa ni Shin? Hindi ko maintindihan. Ang tanging alam ko lang ay trainor ko siya ay trainee niya ako. Iyon lang ang alam kong koneksyon naming dalawa. Ngunit bakit ngayon ay may pagtawag pa siya sa akin na isang prinsesa. Ano ba talagang pagkatao ang mayroon ako?
“Gaano ka kasigurado Mr. Kanji Shin?”
Hindi ko na kaya pang tiisin ang lahat. Hindi ko na kaya pang magpanggap na hindi ko naririnig na pinag-uusapan nila ako. Kailangan ko ring makilala ang lalaking kausap niya dahil alam kong marami rin itong alam tungkol sa pagkatao ko.
“Sino ka?” mabilis kong tanong sa lalaking nasa may pintuan ng kwarto ko.
Si Shin naman ay nasa may harapan ko na animo’y pinoprotektahan ako laban sa lalaking iyon. Medyo nanayo pa ang balahibo ko sapagkat napatingin ako sa mata ng misteryosong lalaki. Pula ang mga mata nito at nakangisi pa sa akin.
“Akira,” gulat na sambit naman ni Shin sa akin.
“You’re awake Ms. Akira,” nakangising sabi naman sa akin ng lalaki.
“Narinig ko lahat, so tell me, sino ka?” naiinis kong tanong sa lalaki.
“Akira, let m---”
“Hindi ikaw ang kinakausap ko Shin!” pagputol ko sa dapat na sasabihin ni Shin.
Mas lalo namang lumawak ang ngisi ng lalaki. “Mukhang ang pinagkakatiwalaan mo Ms. Akira ang siyang maraming itinatago sa ‘yo.”
“Shut up!” sigaw naman ni Shin sa lalaki.
“No Shin. You shut up!” galit na sambit ko naman kay Shin na ikinagulat niya. Maski ako ay nagulat sa sinabi ko ngunit wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay katotohanan.
“Now, don’t make me repeat my question stranger. Who are you?” baling ko naman sa lalaki. Sinamaan ko pa siya ng tingin na bahagyang ikinaatras naman niya.
“Kung gusto mong malaman ang lahat ng totoo sa pagkatao mo, sumama ka sa akin Ms. Akira. Ipapaliwanag namin sa ‘yo lahat at ipapakilala ko sa ‘yo ng pormal ang sarili ko pati na rin ang lahi ko,” nakangiting sagot naman niya sa akin kasabay ng paglabas ng siyam na buntot niya. Ngunit sa halip na puti, itim ang kulay nito.
Nalipat ang tingin ko kay Shin nang magkaroon din siya ng siyam na buntot at kulay puti naman ito.
“Hindi ako makakapayag na makuha niyo siya,” matigas na sabi naman ni Shin.
Bahagya akong napaatras. Katulad ko silang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay ang mga kulay ng mga buntot namin. At nalilito ako kung sino ang tunay kong kakampi. Dahil obvious naman na magkalaban ang mga kulay nila, ang mga lahi nila.
“Hindi natin kailangang maglaban sapagkat si Ms. Akira ang magdedesisyon kung sino ang sasamahan at pagkakatiwalaan niya,” nakangiting sabi naman ng lalaking may itim na siyam na buntot.
Biglang may sumulpot pa na apat na kasamahan ng lalaki. Bahagyang napaatras si Shin dahil doon. Maski ako ay nakaramdam ng takot. At sa puntong ito ay alam ko na kung sino talaga ang kalaban.
“Kailangan mo lang namang mamili Ms. Akira, sasama ka sa amin o dadanak ng dugo sa buong bahay mo. Hindi naman namin gustong umabot sa ganito ngunit base sa reaksyon mo, alam kong mas pipiliin mong hindi sumama ng matiwasay sa amin,” deretsong sabi naman sa akin ng lalaki.
Napalingon ako sa may bintana at mas lalo akong nakaramdam ng takot sapagkat may halos dalawampu pa siyang kasamahan sa baba. Pinapalibutan ng mga ito ang sampu kong bodyguard na may mga kulay puting siyam na buntot din.
“May mga kalahi rin ako sa labas ng kwarto mo. At naghihintay lang sila ng signal ko. So ano Ms. Akira, sasama ka ba sa amin ng matiwasay o kukunin ka namin ng sapilitan?” tanong pa sa akin ng lalaki.
“s**t!” narinig kong bulong ni Shin.
Marahan akong napailing. Ang lakas ng aura ng mga kalahi niya at ramdam na ramdam ko iyon. Kung susumahin, baka nasa mga 50 ang bilang nila ngayon, habang ang mga kalahi ni Shin ay labing isa lamang. Dehadong dehado sina Shin at paniguradong mapapahamak sila kapag sumugod na ang mga itim na Nine Tailed Fox.
“At sa tingin mo ba ay papayag kaming sumama sa inyo ang anak namin?”