8

760 Words
AKIRA'S POV "Akira." Nagulantang ako nang bigla akong tawagin ni Miro. Kasalukuyan kasi kaming kumakain ng almusal ngayon. Nandito rin sina Shin at Inaki at sabay sabay kaming kumakain. Si Miro kasi ay dito na rin nagi-stay sa bahay dahil mas malapit ang school niya dito. Sabi niya ay ang mismong magulang ko raw ang nag-offer sa kaniya noon. Hindi naman ako tumutol pa dahil boyfriend ko naman siya. "Hindi mo pa halos nagagalaw ang pagkain mo," may pag-aalalang sabi sa akin ni Miro. Sinulyapan ko ang pagkaing nasa plato ko at saka ako nagpakawala ng buntong hininga. Kabilin-bilinan ko kasi sa tagaluto namin na huwag maglalagay ng paminta sa pagkain ko ngunit hindi niya ako sinunod. Kitang kita ko kasi ang mga paminta sa pagkain ko kaya halos ayaw ko na itong kainin. Humingi naman na ng pasensya sa akin ang tagaluto namin ngunit hindi ko talaga magawang kainin ang pagkaing ito dahil sa mga pamintang nakikita ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Nagising na lang ako kanina na sobrang linaw ng mga mata ko. Ni hindi ko na nga kinakailangang isuot pa ang salamin ko. At ngayon nga ay kitang kita ko pa ang mga paminta sa pagkain ko. Gusto ko nang katakutan ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay hindi na tama ang nangyayari sa akin. Bigla bigla na lang luminaw ang mata ko at ngayon nga ay hindi ko na suot ang salamin ko. "Babe," pagtawag muli sa akin ni Miro. Marahan akong napailing. "I'm sorry. Hindi ko talaga kayang kumain. Mamaya na lang siguro ako kakain," sabi ko na lang. "Ms. Akira, you need to eat dahil medyo mabigat ang training natin ngayon," pagsingit naman sa amin ni Shin. Napakaseryoso ng mukha niya at nakakatakot. Pero hindi sapat iyon upang makumbinsi niya akong kumain. "I'm fine. You don't need to worry about me," seryosong sabi ko naman. "Ms. Akira, kailangan mo talagang kumain," sabi naman sa akin ni Inaki. Mapakla akong tumawa. "Teka lang, trainor ko kayo 'di ba? Hindi tagadikta ng dapat kong gawin," naiinis ko namang sabi. "Babe!" hindi makapaniwalang tawag naman sa akin ni Miro. Sa sobrang inis ko ay ibinagsak ko ang mga kamay ko sa mesa. Hindi ko makontrol ang inis ko dahil sa pagkain pa lang ay uminit na ang ulo ko. Napatayo naman ang tatlo dahil sa pag-angat ng lahat ng gamit na nakapatong sa table. Gulat silang tumingin sa akin habang ako naman ay napatingin sa mga kamay ko. Paano ko nagawa iyon? I mean, ako ba ang may gawa noon? Mahina lang ang pagkakahampas ko sa mesa at hindi sapat iyon upang magsiangatan ang mga gamit sa mesa. Ang iba pa nga ay nalaglag sa sahig at nabasag. "A-anong nangyari?" naguguluhan kong tanong. "You're mad Akira. You need to be relax," seryosong sabi naman sa akin ni Miro. Marahan akong umiling. Naiinis ako, oo, pero ang pag-angat ng mga gamit sa mesa? It's impossible. "Mas mabuti siguro kung ipagpaliban na muna natin ang pagte-training ni Ms. Akira," narinig ko namang sabi ni Inaki. Napatingin ako kina Inaki. Magkatinginan sila ni Shin na animo ay nag-uusap sa mga isipan nila. Hanggang sa mapadako ang tingin ni Shin sa akin. Bahagyang bumilis ang t***k ng puso ko dahil doon. Seryosong nakatingin si Shin sa akin at hindi ko magawang salubungin iyon. Umiwas ako ng tingin at muling itinuon ang atensyon sa mga kamay ko. "Okay then. Let Ms. Akira rest. Bukas natin ipagpapatuloy ang pagte-training," seryosong sabi ni Shin. Napahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko ay nabawasan kahit papaano ang iniisip ko. Hindi pa rin kasi ako pinapatahimik ng isipan ko dahil sa nangyari kahapon. Lumakas ang pang-amoy at pandinig ko kahapon ngunit hindi na ngayon. Ang weird naman ay ang paglinaw ng mga mata ko at ang nangyari sa mesa. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at kung may dapat ba akong ikabahala. Natatakot ako para sa sarili ko. Natatakot ako lalo na at malapit na ang birthday ko. Isa pa iyon, malapit na ang 18th birthday ko ngunit hindi ko ma-contact sina Mommy at Daddy. Hindi ko alam kung anong plano nila sa birthday ko. Hindi ko alam kung makakasama ko ba sila sa araw na iyon. Debut ko iyon at inaasahan kong makukumpleto kaming tatlo. Ngunit ngayon pa lang ay nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ako ng oras ng mga magulang ko. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay mapanatag ang isipan ko. Ayoko nang masyadong mag-isip dahil baka tuluyan na akong mabaliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD