21

1524 Words
AKIRA’S POV Hahawakan na sana ako ni Shin at Inaki ngunit agad akong lumayo sa kanila. Hindi ko pwedeng iwan ang mga magulang ko kasama ang mga itim na Nine Tailed Fox. Hindi ko magagawang iwan na nasa panganib sina Mommy. “Akira, anak. Sige na,” pagpupumilit naman sa akin ni Daddy. Biglang nagkagulo nang sumugod ang mga kalaban. Agad na naalerto ang mga magulang ko at sumugod na rin. Dahil sa pagka-distract ko ay hindi ko na namalayan na nahawakan ni Shin ang kamay ko. At sa isang iglap ay napalibutan kami ng siyam niyang buntot. Sa muling pagmulat ng mga mata ko ay nasa may likod na kami ng bahay. Nagkakagulo na rin sa may garden. Halos hindi ako makatingin sa nangyayari dahil nakikita kong may mga sugatan at duguan na. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Pakiramdam ko ay nangyayari ang gulong ito nang dahil sa akin. Marami ang nasasaktan at heto ako, balak na takbuhan ang gulong naidulot ko. “Bubuksan ko ang portal. Magmasid ka sa paligid Inaki,” narinig kong sabi ni Shin kay Inaki. Agad namang tumango si Inaki at saka lumapit sa akin. “Alam kong naguguluhan ka pa ngayon Akira, ngunit ipinapangako namin sa ‘yo na magiging maayos ang lahat,” seryosong sabi pa niya sa akin. “Paano magiging maayos? Marami nang nadamay dahil lang sa akin. Nandoon ang mga magulang ko at hindi ko alam kung kaya ba nilang talunin ang mga kalaban,” halos paiyak kong sabi sa kaniya. “Hindi ba’t sinabi na namin sa ‘yo, ang mga magulang mo ang Hari at Reyna ng mga Nine Tailed Fox kaya sila ang pinakamalakas sa lahi natin. Malalagpasan nila ito Akira,” nakangiting sabi naman sa akin ni Inaki. Marahan akong napailing. Kahit anong sabihin pa nila sa akin, hindi nila mababago ang pakiramdam ko. Masama ang kutob ko at alam kong may masamang mangyayari. “Sh*t! Pinipigilan ng mga kalaban ang pagbubukas ng portal!” galit na sambit ni Shin. “Ano? Paano nila magagawa iyon?” naguguluhan at natatarantang tanong naman ni Inaki sa kaniya. “H-hindi ko alam.” Hindi ko na pinansin pa ang dalawa. Tinalasan ko na lang ang pandinig at paningin ko. Napakaraming boses at ingay ang naririnig ko at hindi ko malaman kung alin doon ang kina Mommy. Hindi ko rin sila makita dahil sa tingin ko ay sa salas na sila naglalaban ng mga itim na Nine Tailed Fox. Napalingon ako sa may likuran nina Shin at Inaki dahil naramdaman kong may kalaban. Hindi iyon pansin ng dalawa dahil abala pa rin sila sa pagbubukas ng portal upang makatawid kami sa mundo ng mga Nine Tailed Fox. “Sa likod niyo!” sigaw ko sa dalawa. Agad na lumingon ang dalawa sa likod nila kaya naagapan nila ang pagsugod sa kanila ng isang itim na Nine Tailed Fox. Nakipaglaban na rin sila sa mga ito habang ako ay hindi ko malaman kung anong gagawin. Nakatayo lamang ako dito habang lahat sila ay nakikipaglaban. Bakit ganito? Bakit wala akong magawa? “Akira, tumakbo ka na. Iligtas mo ang sarili mo,” sabi sa akin ni Shin nang makalapit siya sa akin. Marami pang itim na Nine Tailed Fox ang papunta sa amin. Hindi ko na kaya pang basta na lamang tumayo at manood kung paano nila ako ililigtas. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa muling pagmulat ko nito ay parang bigla akong nagkaroon ng lakas ng katawan, mas luminaw din ang mga mata ko at nakakakita ako kahit sa madilim na lugar. May kung ano ring galit ang namumuo sa dibdib ko at wala akong ibang nasa isip kundi ang labanan ang mga itim na Nine Tailed Fox. THIRD POV Unti unting muling nagigising sa pagkatao ni Akira ang pagiging Nine Tailed Fox niya. Nag-iba ang kulay ng kaniyang buhok at naging puti ito. Pati na rin ang kaniyang mga mata ay nag-iba ang kulay, naging kulay asul na ito. Hindi man lumabas ang kaniyang siyam na buntot ngunit ramdam na ramdam niya ang bawat kakayahan at abilidad ng pagiging isang Nine Tailed Fox. Hindi niya kinakailangang ilabas ang kaniyang siyam na buntot upang talunin ang mga kalaban, bagay na siya lamang ang may kakayahang gawin. Hindi na nagsayang pa ng oras si Akira. Siya na mismo ang lumapit sa mga itim na Nine Tailed Fox upang labanan ang mga ito. Mabilis niyang nahawakan sa braso ang isang kalaban at inihagis ito sa malayo. Sinuntok naman niya ang isa na ikinatalsik nito na naging dahilan ng pagtama nito sa isang puno. Nagulat naman sina Kanji at Inaki sa ipinamalas ng kanilang prinsesa. Nakakagulat ito sa kanila sapagkat kahit na hindi nakalabas ang siyam nitong buntot ay taglay naman nito ang kakayahan ng isang dugong bughaw na Nine Tailed Fox. Palaisipan tuloy sa kanila kung nagpalit anyo na ba ang dalaga o sadyang tanging ang mga katangian lang ng isang Nine Tailed Fox ang namana nito sa hari. Natalo ni Akira ang limang itim na Nine Tailed Fox ng walang kahirap-hirap. Hindi pa nasiyahan si Akira dahil mabilis pa siyang pumunta sa may garden upang talunin pa ang ibang mga kalaban. Hindi na ma-kontrol ni Akira ang kaniyang emosyon lalo na ng makita niyang tumalsik ang kaniyang ina palabas ng bahay. Naikuyom ni Akira ang kaniyang mga kamay at mas lalong sumiklab ang galit, idagdag pa ang ilan sa mga bodyguard niya na duguan na ngunit patuloy pa ring lumalaban. Wala nang ibang nasa isip pa si Akira kundi ang talunin ang lahat ng itim na Nine Tailed Fox. Wala siyang pagdadalawang isip na patayin ang bawat itim na Nine Tailed Fox na humaharang sa daanan niya. Marami-rami na ring mga kalaban ang nakabulagta sa lupa na siya lang ang tanging nakatalo. Maski ang mga bodyguards niya na mga Nine Tailed Fox din ay nakakaramdam na ng takot sa kaniya. “Anak, Akira, huminahon ka,” umiiyak na sabi naman ni Reyna Rachelle sa kaniyang anak. Kitang kita niya ang galit sa mga mata ng anak at alam niyang wala na ito sa tamang pag-iisip. Ang ipinagtataka niya lamang ay ang lakas na mayroon si Akira kahit na hindi nakalabas ang siyam nitong buntot. Ramdam niya ang pagiging Nine Tailed Fox ng anak kahit na hindi pa ito magpalit ng anyo. Hanggang sa unti-unting nagliwanag ang buong katawan ni Akira na halos ikabulag na ng lahat ng Nine Tailed Fox, mapaputi man o mapaitim. Walang may lakas ng loob na lumapit sa prinsesa dahil sa taglay nitong kakaibang lakas at kapangyarihan. Pati ang kaniyang mga magulang ay natulala sa nangyayari sa kanilang anak. Hindi nila alam kung paano pipigilan ang kanilang anak. “Kanji, mauubusan ng lakas si Akira kapag nagpatuloy siya sa ganyan,” nag-aalalang sabi naman ni Inaki kay Kanji. Hindi gugustuhin ni Kanji na may mangyaring masama kay Akira. Kailangan na may gawin siya upang mailigtas ang babaeng minamahal niya. Kaya kahit malakas na pwersa ang nanggagaling kay Akira ay hindi siya nagdalawang isip na lapitan ito. “Akira,” nahihirapang pagtawag ni Kanji kay Akira. Ngunit hindi siya naririnig ng dalaga. Kaya kahit nakakapaso ay mabilis na inabot ni Kanji ang kamay ni Akira. Agad naman itong naramdaman ni Akira kaya marahan siyang lumingon kay Kanji. “S-shin,” umiiyak na sambit ni Akira. “Ligtas na ang mga magulang mo, ligtas na tayong lahat. Kumalma ka Akira,” sabi naman ni Kanji. Biglang natauhan si Akira. Unti unting nawala ang galit na nararamdaman niya kaya unti-unting bumaba ang katawan niya sa lupa. Bumalik na rin sa dating kulay ang kaniyang buhok at mga mata. Nang tuluyan siyang mabalik sa kaniyang katauhan ay saka niya nakita ang aftermath ng nangyari sa kaniya. Hindi niya maalala ang nangyari. Hindi niya maalala kung paanong ang mga itim na Nine Tailed Fox ay nagkalat na sa lupa. Tiningnan niya ang kaniyang kamay at kinukwestyon na ang kaniyang sarili kung siya ba ang may gawa ng lahat. “Akira,” pagtawag sa kaniya ni Haring Alejandro. “Mommy, Daddy, ako po ba ang may gawa nito? Paano? Ano po bang nangyari?” umiiyak na sabi naman ni Akira. “Ipapaliwanag namin ang lahat sa ‘yo anak. Huwag kang mag-alala,” sabi naman sa kaniya ni Reyna Rachelle. Hindi na nagawa pang magsalita ni Akira sapagkat bigla siyang nakaramdam ng panghihina at pagkahilo. Agad naman siyang naalalayan ni Shin na siyang pinakamalapit sa kaniya. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. “Masyadong napagod si Akira,” seryosong sabi naman ni Haring Alejandro. “Tara na aking asawa, iuwi na natin ang anak natin. Oras na para makilala niya ang mundo ng mga Nine Tailed Fox,” nakangiting sabi naman ni Reyna Rachelle. Napatango naman ang hari. Walang kahirap-hirap na binuksan ni Haring Alejandro ang portal papunta sa mundo ng mga Nine Tailed Fox. Binuhat naman ni Shin ang walang malay na si Akira at sabay-sabay silang tumawid papunta sa kanilang mundo. Hindi man lumabas ang siyam na buntot ni Akira, wala pa ring duda na isa siyang Nine Tailed Fox. Siya pa rin ang prinsesa ng mga Nine Tailed Fox.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD