005 Chapter

1214 Words
➪005 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Dr. Ferrer, please I need to go.” I tried to look and sound more serious baka sakaling masindak ko pa pero hindi talaga madala ang lalaking ito. Nakipag sukatan din siya sa ‘kin ng seryosong tingin. The way he looked at me, it gave me shivers. He is dangerously looking at me na parang isang taboy ko pa sa kanya, hindi ko na magugustuhan ang susunod niyang gagawin. Nagbuntong hininga na lang ako at sumuko. I know him very well. I know how possessive he is, kahit ang mga inosente ay madadamay kapag tinopak sya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang empleyado na ba ang tinggal niya sa tuwing nagseselos siya or nag-aaway kami. May tumingin lang sa akin na lalaki o hindi kaya may ngitian lang ako ng konti, galit na galit na agad siya. Halos maghapon niya ako ikulong sa kwarto niya. Kapag naman hindi kami magkakasama kahit sa loob lang ng isang araw, sandamakmak na bodyguards naman ang nakapalibot sa akin. May spy din yan na taga-report sa kanya kung sino-sino mga nakakausap at nakakasama ko sa school. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at nakasimangot na umupo. Makaasta siya sa ‘kin ngayon parang boyfriend ko pa siya, matapos niya hindi magparamdam sa akin ng mahabang panahon. “Sino ang katatagpuin mo?” Seryosong tanong ni Brent. “Bakit mo ba pilit na inaalam? Ano ba kita? Makikipagkita ako sa kahit kanino ko gusto.” I crossed my arms to show him that I am angry. “Me? I’m your fiance, remember?” Kapal talaga ng apog! “Really? You left me a long time ago, remember?” Hindi siya kaagad nakasagot at nakatitig lang sa mga mata ko. May nababanaag akong lungkot sa mga mata niya pero walang pagsisisi. “Yes, but I didn’t break up with you. So, technically speaking, hindi pa tayo hiwalay. You’re still my girlfriend and I’m still your hot boyfriend.” Hindi makapaniwala akong tumingin sa kanya. Like, saan niya nakuha ang tigas ng mukha niya? Grabe lang. “My goodness.” Bulong ko sa aking sarili. “And besides, may nangyari na ulit sa atin. Sinuko mo na ulit ang sarili mo sa ‘kin. It means, tayo pa rin. Hindi pwedeng hindi.” Tila balewala niyang sabi. Parang wala lang sa kanya ang ginawa niyang pag-iwan sa akin noon, samantalang durog na durog ako nang mga panahon na ‘yon. May failed grades na nga ako tapos iniwan pa ako ng lalaking akala ko sasamahan ako sa lahat ng panahon. Inalay ko ang lahat ng kaya ko ibigay sa kanya pero iniwan pa rin ako. Tama nga siguro ang sinabi ng kaibigan ko noon, na kaya ako iniwan ni Brent dahil kinakahiya ako nito. Nagkaroon kasi ako 3 failed subjects. I admit it, napabayaan ko talaga ang pag-aaral ko noon dahil madalas kami magkasama ni Brent. Sobrang mahal na mahal ko siya to the point na hindi ko na nabibigyan ng pansin ang pag-aaral ko, siya lang ang kasama at kausap ko sa halos 24 hours. Mula paggising hanggang sa paglubog ng araw. Kapag may tampuhan kami, hindi ako makapag-focus sa kailangan ko i-review kaya ang kinalabasan, bagsak ako lagi sa exams at nawawalan din ako ng gana pumasok. Sa madaling salita, nagpabaya ako sa pag-aaral ko. Bagay na sobra kong pinagsisihan. Kaysa magmukmok sa pag-iwan sa akin ng boyfriend ko at pagkakaroon ko ng failed grades, tinulungan ko makabangon muli ang sarili ko para kapag dumating ang panahon na magkita kami, hindi na ako nakakahiya sa paningin niya. Nahihirapan ako noong una, pero sa tulong ng pamilya ko, nagawa kong makabawi. Ngayon, konting panahon na lang ang hihintayin ko, magiging isang ganap na akong OB-Gyne doctor. “What are you thinking, sweet? Nagsisisi ka ba na may nangyari sa atin kanina?” Tila bigla akong bumalik sa reyalidad. Nawala sa isip ko na kasama ko nga pala ngayon ang lalaking naging dahilan ng pagsusumikap ko na may marating sa buhay, hindi lang basta anak ng mayaman na negosyante. Gusto ko ipakita sa kanya na may narating ako nang mawala siya kaya hindi ko siya kailangan. “Yes, at sana hindi na maulit ‘yon kahit kailan.” I said without emotion. Pagod akong sumandal sa sandalan ng upuan at pinikit ang mga mata. I feel tired. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng ex ko bago ini-start ang sasakyan. “I will take you home.” Mahinahong sabi niya. Siguradong magugulat si mama Briannah kapag nakita niya ako, hindi kasi ako nauwi sa mansion palagi. Kasalukuyan akong nakatira sa condominium ko. “Bakit ka pa ba bumalik at nagpakita sa ‘kin? Sana tuluyan mo na lang akong kinalimutan.” Nanatili akong nakapikit at mababakas ang sama ng loob sa tinig ko. Imbes na sagutin ang tanong ko, naramdaman ko na lang ang paglapat ng mainit na labi sa noo ko. Hindi na ako nag-abala pa na magmulat ng mata. “Take a nap first. We will talk later. Ayaw ko magkainitan tayo sa pag-uusap natin habang nasa byahe, baka hindi ako makapag-focus sa pag-drive.” Muli niya hinalikan ang noo ko, lumapat din ang labi niya sa labi ko. “I love you, Sweet.” Bulong niya sa tenga ko. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na saya sa puso ko ng marinig ko ang huling sinabi niya. Biglang bumilis ang t𝚒bók ng puso na tila nakipag karerahan. It is a clear indication that I’m still in love with the man beside me and I hate myself for that. “Sweet, we’re here.” Marahan hinaplos ni Brent ang mukha ko. Nag dilat ako ng mata at bumangon mula sa pagkaka sandal. Inalalayan din ako ni Brent makalabas ng kotse. “Mauna ka na muna sa loob, puntahan ko lang si nanay dito sa garden.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumiko na ko papunta sa garden kung saan inaalagaan ni nanay Fe ang mga tanim kong halaman. Hindi naman ako nagtagal, binati ko lang si nanay Fe na katiwala namin at sinilayan ko lang ang mga orchids ko. Agad din akong sumunod ng tahimik kay Brent. “Brent, anak? Buti nakauwi ka na? Pinuntahan mo na ba si Meerah? Naku, miss na miss ka ng batang ‘yon eh. Madalas tulala lang sa pictures niyo.” Napanguso ako sa sinabi ni mama Briannah. Binuking pa talaga ako. Narinig ko ang mahinang tawa ng ex ko at pagtikhim. “Yes, tita Bri. Actually, kasama ko po siya ngayon.” Doon naman ako sumulpot mula sa likod ni Brent. “Ay ang maganda kong anak, narito ka pala! Hehe.” Yumakap ako kay mama at humalik sa pisngi niya. “Opo, ma. Dinig na dinig ko pambubuking mo sa ‘kin.” Nakanguso kong sabi. “Hindi naman sa ganun, anak. Napakwento lang ng konti. Hehe. Mabuti naman naisipan mo sumama kay Brent? Ang tagal mo ng hindi nauwi eh.” Mama talaga ang daldal. “Matagal ng hindi nauwi? What do you mean po, tita?” Kunot-noo na tanong ni Brent. Wala akong balak ipaalam sa ex ko kung saan ako nakatira ngayon pero parang mapipilitan pa ako. Si mama talaga ipapahamak pa ako eh. #TwinkleStar✪
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD