➪006 SPG ALERT!!! MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Ahm… Si Meerah na lang ang tanungin mo tungkol sa bagay na yan, Brent. Mukhang hindi pa kayo nakakapag-usap. Magpapa handa na ako ng dinner. Magbihis na muna kayo. Nasa kwarto ni Meerah ang mga damit mo, Brent.” Mabilis na nawala sa harap namin si mama. Bakit naman nasa kwarto ko ang damit ni Brent? Umakyat na lang ako papunta sa kwarto ko para makapag-shower muna. Mukhang expected na ni mama na dito matutulog si Brent. Naramdaman ko ang pagsunod ni Brent sa ‘kin. Hindi ko na sana siya papansinin pero humawak pa siya sa baywang ko, ang usual na ginagawa niya noong kami pa. “Hindi mo na ko kailangan alalayan pa.” Iritable ko na sabi pero parang bingi itong isa. Inalis ko ang kamay niya pero hindi ko magawang alisin dahil mahigpit din ang

