bc

Taming The Ex (Tagalog)

book_age18+
20.8K
FOLLOW
95.5K
READ
revenge
sex
pregnant
CEO
boss
drama
bxg
betrayal
cheating
first love
like
intro-logo
Blurb

Handang-handa na si Sam na makitang muli ang nobyo niyang si Renzo Tan sa pagbisita niya sa Maynila. Sosorpresahin niya sana ito para sa nalalapit nilang unang anibersaryo at excited na rin siyang sabihin dito na nagdadalantao siya. Subalit tila nagbago ang ihip ng hangin nang makita niya ito sa isang engagement party kasama si Laurel Dela Cruz—ang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang kompanya sa Pilipinas. Natuklasan niyang hindi siya nito minahal kailanman. Isa itong casanova at pakakasalan niya si Laurel para sa kanilang kompanya.

Pagkalipas ng limang taon, matagumpay na naging fashion designer si Sam. She decided it was payback time. But her revenge went wrong.

2021 © Ziellanes. All right reserved.

Daily update since March 2021

WARNING: Expect some errors for this is an edited version.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
3rd POV "HAYOP KA!" Malakas na sampal ang sinapit ni Renzo nang biglang sinugod siya ni Sam sa Okada. Nagbigla ang binata nang muli niyang makita si Sam. Hindi niya inakala na pinuntahan siya sa Maynila dahil taga-Leyte ito. Kinuskos ni Renzo ang kaniyang pisngi nang maramdaman niya ang kirot. Naging center of attention sila at maraming mga bisitang nagbubulong-bulongan dahil sa nangyari. May lumapit na babae na naka-mermaid sequin long gown na kulay silver. Hinawakan nito ang braso ni Renzo.  "Babe, what is going on?" tanong nito sa fiancé niya. Biglang nagsara ang bibig ni Renzo. Walang salitang lumalabas sa labi niya dahil huling-huli na siya ni Sam. Ilang sandali pa ay ikinaila niya ito. “I don’t know her. Ngayon ko lang siya nakita—” Hindi pa tapos ang sasabihin ni Renzo ay biglang may  bumaon na matulis na bagay sa dibdib niya. Kagyat na nanghina ang binata at duguan na humandusay ang katawan nito sa sahig. Nagkagulo na ang mga tao sa loob ng venue dahil nasisiraan na ng bait si Sam. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ng dalaga ay nahaluan ng pait ang puso nito. Mas mabuting nang mamatay ang lalaking iyon kasya makitang masaya at kapiling ang babaeng kasama niya sa engagement party.  “Miss? Miss! Kinakausap kita.” Pumukaw ang atensyon ni Sam nang hinarangan siya ng guwardiya sa loob ng Okada. Hindi niya napansin ito dahil nakapokus siya sa ginaganap na engagement party habang naglalaro ang malikot niyang imahinasyon na maghiganti sa harap ni Renzo. “A-yes po?” utal na wika ni Sam habang hindi mapakaling ibalik ang tingin sa stage. “Puwede ko bang makita ang imbitasyon mo? Wala po sa listahan namin ang pangalan mo.” Dirediretsong pumasok si Sam kanina kaya sinita siya ng guwardiya. Lutang na binuksan ng dalaga ang kaniyang sling bag at kagyat na binalik ang mga mata nito sa event. Wala namang mamahaling bagay sa loob kaya hinayaan niya na ipakita ang laman ng kaniyang bag kahit alam niyang wala siyang dalang imbitasyon.  “Paki-check po sa bag ko,” pakiusap ni Sam sa guwardiya. Ilang segundo ang nagdaan matapos siyasatin ng guwardiya ang bag ni Sam ay uminit ang ulo nito sa kabiguang wala ang invitation card. “Inuuto mo naman ako, Miss! Wala namang invitation card sa bag mo. Bawal pumasok ang walang imbitasyon at isa pa hindi angkop ang suot mo sa tema nila ngayon. Elegant theme ang party, Miss," akyat baba nang tiningnan ang damit nito,"Hindi suot palengke kaya lumabas kana." Hindi natuwa si Sam nang sinabing suot palengke lang ang gayak niya. Naka-white T-shirt siya na Guess at naka-maong na na long skirt. Masyadong matapobre lang kung ilarawan ng guwardiya ang porma niya. Bigla siyang hinawakan sa braso pagkuwan hinila siya nito ngunit nagpupumiglas si Sam na lubayan siya.  “Bitawan mo ako! Boyfriend ko si Renzo! Kailangan ko siya makausap!” sigaw ni Sam habang pinipilit ang sarili na makawala sa pagkahawak sa braso. Nagtataka ang guwardiya sa sinabi ni Sam. Napatawa na lang ito pagka’t mataas ang hinahangad ng dalaga.  Binitawan niya ang braso ni Sam nang makarating sila malapit sa entrance. Tawang-tawa siya nang sabihin niyang, “Inuuto mo na naman ako, Miss. Nakita mo naman na engagement ito ni Sir Renzo at Ma’am Laurel. Nababaliw kana siguro.”  Walang imik na nabaling ang tingin ni Sam sa stage at nang makita niyang masayang hinahalikan ni Renzo ang mga labi ng babaeng iyon ay napasigaw siya nang, “Walang hiya!” Mabuti na lang malakas ang tugtug ng musika no’ng humiyaw si Sam. Hindi siya narinig ng mga bisita maliban sa guwardiya na katabi niya.  “Wala kang mapapala dito, Miss. Mas mabuti nang umuwi ka na. Baka ibang tao ang hinahanap mo,” wika ng guwardiya. Hindi nagkakamali si Sam dahil sinabihan siya ni Renzo noon na may event itong dadalohan sa Okada. Iyon naman pala ay engagement party pala ng manlolokong iyon. Susurpresahin niya sana si Renzo dahil unang anibersaryo nila kinabukasan ngunit nagbago ang ihip ng panahon.    Nakasuot amerikana si Renzo. Nakita niyang hinipo ng binata ang seksing beywang ng fiancé nito habang masayang nakikipag-usap sa bisita nila. Mas lalong nadurog ang puso ni Sam nang binigkas sa mikropono ang katagang I love you do’n sa babae niya at sa harap ng mga tao. Labis na hinanakit ang naramdaman ni Sam. Hindi makapaniwala na ang lalaking inakala niyang ama ng dinadala niyang bata sa sinapupunan ay isa palang manloloko.  Napakuyom siya ng kamay. Hindi na kinaya ng kaniyang mga mata pigilan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak. Mahal pala ah? Anak ng putcha naman, Renzo! Parang may kung anong bigat na pinapasan si Sam habang pinagmamasdan ang lalaking iyon. Lahat ng mga pangarap na binuo nilang dalawa ay unti-unting naglaho.  Ano ang pagkukulang ni Sam at pinagpalit siya sa babaeng iyon? Halos lahat ng mabuting katangian ay hinakot na niya: maganda, matalino, ma-diskarte sa buhay, galing sa marangyang pamilya, marunong mag-alaga at masarap magluto lalo na ang sinigang na paborito ni Renzo.  Sa bigat ng puso ni Sam ay napahagulhol siya sa sakit. Kaniyang pinahid ang mga likidong umaagos mula sa mga mata niya dahil sa panlalabo ng kaniyang paningin. Nawalan siya ng pag-asa na mabuo pa ang inaasam niyang pamilya.  Sa mga oras na iyon ay wala siyang mapanghuhugutan ng lakas, dagdag pa nito ang pagod sa biyahe. Nakakapanghina at nakakapanghinayang ang sinapit ni Sam.  Nasayang ang halos isang taon na pagmamahal niya kay Renzo. Sinikap niyang itawid ang relasyon nila kahit long distance relationship. Wala siya naging problema dahil legal naman ang relasyon nila at madalas siyang binibisita ni Renzo sa Leyte. Masaya naman ang pagsasama nila. Pabor pa nga ang mga magulang ni Renzo na sila ang magkakatuluyan ngunit bakit humantong sa gano’n? Naguguluhan si Sam. Wala siyang matinong sagot sa mga tanong niya. Bakit bigla na lang siya kinalimutan at iniwan sa ere?   Lahat ng mga tao sa loob ng venue ay botong-boto sa pag-iibigan nila Renzo at Laurel. Nakita ni Sam ang mga magulang ni Renzo na sobrang saya at proud na magiging biyenan sa future wife ni Renzo. Mayayaman din katulad nila ang mga bisita sa engagement party. Halata naman sa kilos at suot na animo’y mga diplomat dahil napapaligiran ng mga guwardiya na daig pa ang presidente ng Pilipinas. Kumikinang-kinang pa ang suot ng mga babaeng bisita at pa-sosyal na iniinom ang mamahaling wine na Burgundy.    Dahil nagpupumilit ang dalaga na manatili sa loob ay tumawag pa ng isang kasama ang guwardiya upang mapaalis si Sam. Nang dumating ang isa pang guwardiya ay kaagad na hinawakan ang magkabilang braso nito at marahas na hinila palabas. Hindi na siya nakawala kahit nagpumiglas si Sam. Sa di kalaunan ay biglang nagtama ang mga mata nila ni Renzo habang nilalayo siya ng mga guwardiya. Ngunit walang reaksyon ang binata sa nakita niya. Parang ibang tao kung astahin niya ng tingin si Sam. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.1K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.2K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

Fight for my son's right

read
146.7K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

The Ex-wife

read
210.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook