Chapter 2

855 Words
LIMANG oras ang inantay ni Sam sa labas ng venue. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaan basta makita niya lang muli si Renzo. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan nang paisa-isang lumabas ang mga bisita sa entrance. Kusang binuksan niya ang cellphone at mabilis na sinulyapan para tingan ang oras. Alas-onse na pala ng gabi natapos ang engagement party. Inunat ni Sam ang kaniyang leeg at mahinay na tinaas ang ulo dahil hindi ito mapakali na makita muli ang nobyo niya. Nang masilayan niya iyon ay kagyat na ginilid ang kaniyang sarili at nagtago sa pader. Nakita ni Sam na kasama ni Renzo ang fiancé at hinalikan pa ito sa pisngi bago sila naghiwalay ng landas. Nang makaalis na ito ay luminga-linga si Renzo na parang may inaantay. Dahil sa inip ay kinuha niya ang cellphone at may tinipa sa screen. Ilang minuto lang ay naka-received ng text message si Sam at kaagad na binuksan ang mensahe. Babe, how are you? Sorry, nabusy lang sa event. Pauwi na rin ako. Tulog ka na ba? Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha matapos mabasa ni Sam ang mensahe. Tinakpan ng kamay ang bibig niya upang walang makarinig sa pagtangis. Sinusubukan niyang magpakatatag at gustuhin man magpakita kay Renzo ay hindi niya magawa. Wala siyang maihaharap na mukha sa lalaking iyon dahil mugto na ang mga mata nito. Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang cellphone ni Sam. Nataranta ito nang makita sa screen ang pangalan ni Renzo. Ilang beses niya sinwipe ang decline button ngunit hindi niya ito nagawa dahil madulas ang screen gawa ng kaniyang luhang pumatak dito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig niya sa likuran ang boses ni Renzo. "Hindi nga ako nagkamali kanina at talagang sinundan mo ako rito sa Okada, 'no?" galit na wika nito sa kaniya. May kung anong kirot ang naramdaman ang dalaga matapos marinig ang galit na tono ni Renzo. Tama nga ang hinala ni Sam. Nakilala siya nito nang magtama ang kanilang mga mata kanina. Nilunok niya ang kaniyang sariling laway at kinuyom ang mga kamay. Alam niyang nakatitig ito sa kaniya at gustuhin man niyang tingnan ito pabalik ay di niya maigalaw ang kaniyang sarili. Naguguluhan si Sam kung bakit gano'n na lang kung tratuhin siya ni Renzo. Bakit siya pa ang may ganang magalit? Bigla niyang naramdaman ang mahigpit na pagkahawak ni Renzo sa braso niya at saka siya hinila papuntang garden ng Okada. Wala masyadong tao sa lugar na iyon dahil halos lahat ay nagtungo na sa dancing fountain. Huminto ng paglakad si Renzo at marahas na binitawan si Sam. Muli itong humarap at nanliit ang mga mata nito nang sabihin ang, "Why are you here?" Huminga nang malalim si Sam at sinagot si Renzo. "Hindi ko naman kasi alam na may ginagawa ka na palang milagro sa loob ng venue. Akala ko kasi company party, iyon naman pala engagement ninyo ni Laurel. Dahil ba mas mayaman siya kaysa akin kaya mo ako ginago?" Napahawak ng baba si Renzo. "Desperada ka na ba sa'kin? Kasi puwede tayong mag-check in dito sa hotel," tawang sabi nito sa kaniya. Biglang hinampas ng palad ni Sam ang pisngi ni Renzo. Pulang-pula kung pagmamasdan ito kaya napangiwi sa sakit ang binata. Muling bumuhos ang mga luha ni Sam matapos niyang sampalin ito. Nagbago si Renzo. Hindi na ito ang lalaking nakilala at minahal ko noon. "Iyon lang ba ang katumbas ng pagmamahal mo sa'kin? Ang makipag-s*x?! Bakit? Dahil mas magaling ang bruhang iyon? Dahil ba mas marami siyang alam? Putcha naman Renzo! Binigay ko sa'yo lahat, pati p********e ko. Pero ano? Ginago mo ako at pinamukha mo akong tanga!" Sa sobrang bigat ng pakiramdam ng dalaga ay hindi na niya kayang pigilan ang humikbi sa harap ni Renzo. "Minahal mo ba talaga ako, Renzo?" mangiyak-ngiyak na tanong nito. Tinitigan ng binata ang mga mata ni Sam. Kahit na masasaktan lang ito ay mas mabuti nang sabihin ang tunay niyang pagkatao. "Kailanman hindi kita minahal, Sam. Isa akong cassanova ng Maynila at pakakasalan ko si Laurel dahil sa kumpanya namin," walang emosyon pagsagot nito sa kaniya saka siya nilisan. Iniwan siya ni Renzo ng luhaan sa garden at walang humpay ang pagtangis nito habang unti-unting nawawala sa paningin ang imahe ng lalaking mahal niya. Pilit niyang ginalaw ang sarili upang sundan ito. Paglabas niya ng garden ay nakita niya si Renzo na may kaakbay na ibang babae. Dito na siya nagpasyang kalimutan ang lalaking iyon sa buhay niya. *** NANG gabi ding iyon ay nag-book ng flight pabalik ng Leyte si Sam. Di na niya kinaya na makitang masaya si Renzo sa piling ng iba. Masyadong pinagkait ng tadhana ang buhay pag-ibig ng dalaga. Pauwi na siya sakay ng isang domestic airplane. Nasa tabi niya ang bintana ng eroplano at nakatanaw sa labas. Ilaw ng kalsada, mga sasakyan at bahay ang nakita nang lumipad ang eroplano. Parang kumikislap na bituin iyon kung pagmamasdan nang malayuan. Hindi niya inalis ang salaming de-kolor na suot niya. Mugtung-mugto ang mga mata nito kaiiyak. Di mawari sa isip ni Sam kung bakit nagawa ni Renzo iyon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD